Chapter Alfonso Cordova Montinola: Chapter 4

NAKA-LOTUS seat si Seeress habang nakaupo sa buhanginan at nakaharap sa kalmadong dagat. Papasikat pa lang ang araw noon at nasa bahagi siya ng beach na hindi matao. Iyon ang pinakamagandang pagkakataon niya para makapag-meditate.

She felt the current within her being. Marahan siyang huminga. Nakapikit siya subalit bukas ang pandama at pandinig niya. Naririnig niya ang tahimik na alon sa dagat. Nararamdaman niya ang malamig na hanging humahampas sa mukha niya. She slowly released her breath. Ito ang gusto niya sa Stallion Island. There were times when she could have the beach for herself. She felt free. She needed this meditation so badly.

Ngayon na lang niya nababawi ang inner peace niya. Mula nang guluhin ni Alfonso ang buhay niya ay nawalan siya ng balanse. Ngayon na lang niya iyon nababawi. That’s what yoga was all about. Finding peace within yourself.

Narinig niya ang yabag ng paparating na kabayo. That didn’t bother her. Naka-focus naman siya sa meditation niya. Tumigil ang mga yabag na iyon at may naramdaman siyang nakatitig sa kanya. She didn’t mind being watched. Sanay na siya doon. But those eyes gave her an uncomfortable feeling.

Hindi niya natiis at dahan-dahang idinilat ang mga mata. Isang lalaki ang nakasakay sa brown Hanoverian stallion sa di kalayuan. He looked imposing on his horse. Her eyes travelled to his body. Naka-white sando lang ito at pantalon. May official uniform ang mga guest doon at members. Saka niya napansin na inalis nito ang riding habit nito para ipakita ang makisig nitong katawan. Nice body. That ought to be illegal. Nakakasira ng concentration.

Lumukso ang puso nang magsalubong ang mga mata nila. Si Alfonso. “Good morning!” bati pa nito at kumaway.

Anong maganda sa umaga kung ito ang bubungad sa kanya. Nilipad na ng hangin ang inner peace niya. Tumayo siya sa sticky mat niya. "Ikaw?"

"Hey! Napadaan lang ako. Just go on with your meditation."

"Wala ka bang gagawin kundi guluhin ako? Hindi mo ba ako titigilan." Ang lakas ng loob nitong lapitan siya.

"Chillax! Wala pa akong ginagawa sa iyo. And I won't rape you in broad daylight."

Huminga siya ng malalim. Where the heck was her inner peace. She needed that in dealing with him. Malay ba niya kung gusto siya nitong gantihan dahil sira na ang record nito kay Sheena. "Huwag kang lalapit sa akin."

"Dapat masanay kang makita ako. I will be a part of the club soon."

Oh, my! What a disaster. Parang sinabi na rin nitong tiyagain niya ang presensiya ng pervert na tulad nito. Baka iniisip nito na dahil miyembro na ito ng Stallion Island ay may karapatan na itong manghalik na lang basta ng babae. No way!

"Don't be so confident. Tingnan ko lang kung tanggapin ka nila oras na malaman nila ang ginawa mo sa akin. You will just ruin the club's name."

"Do you need a ride?"

"Excuse me?"

"Kung magsusumbong ka sa security at sa Village Lords, ihahatid na kita sa kanila. Malayo din ang lalakarin mo mula dito bago ka makasakay ng e-jeepney. It would be ungentlemanly to a woman walk that far. Iaangkas na kita."

"Spare me with your false gentlemanly ways. Huli na para diyan kasi di na ako maniniwala sa iyo. Maglalakad na lang ako kaysa dumikit sa iyo."

"Hindi ka dapat nagagalit. You should greet the morning with a smile."

"Ngingiti lang ako kapag natiyak ko nang di ka magiging parte ng club na 'to."

"Okay. Whatever makes you happy."

"Bakit nakasunod ka pa rin?"

"Gusto kong matiyak na safe kang makakarating kung saan ka man pupunta."

Huminga siya ng malalim. Then she slowly released her breath. Di na lang niya ito kinibo. Walang mangyayari kung makikipag-verbal sparring siya dito. He was not a bit affected. Pag-iisipan na lang niya ang petition na ipapasa mamaya laban dito.

"This place is a paradise."

"At sa paraiso may ahas."

Isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "I like you. I like you a lot. Sa tingin ko magkakasundo tayong dalawa."

Inirapan niya ito. "In your dreams."

"See you later then."

DETERMINADO si Seeress na magsampa ng petition laban kay Alfonso. He was an eminent threat to security. Nag-print siya ng petition papers sa opisina ng Mist Fusion kung saan bahagi ng ino-offer na activities ang yoga. Maganda ang location nito dahil malamig ang area. Malapit iyon sa Hidden Mist Falls at nasa gitna ng gubat. Pero mula nang dumating si Alfonso ay di na nakakatulong ang ganda ng lugar na iyon para makalma siya. Isa lang ang pwedeng matira sa kanila sa lugar na iyon. Alam niyang may advantage ito dahil rekomendado ito ng isa sa village lords at kapatid ng isa sa member pero alam niyang kasama sa ikino-consider ang character para maging member ng Stallion Island. Hindi pwedeng balewalain ang aspetong iyon.

Palabas na siya ng opisina nang saktong papasok naman ang belly dancing goddess na si Kaetria. “Ipinapatawag ka ng Village Lords sa Sakura room.”

“Good. Gusto ko rin silang makausap.” Sa harap mismo ng mga ito niya ihahain ang petisyon niya.

“Mukhang seryoso ‘yan, ah! May maitutulong ba ako?”

Ngumiti siya. Iyon ang gusto niya sa Stallion Island. Girls stick together. “Sasabihin ko sa iyo kapag kailangan ko ng tulong. Thank you.”

Tumuloy siya sa Sakura room na nasa second floor ng Mist Fusion. Japanese-inspired ang architecture ng building. Pwedeng magsilbing venue ang second floor para sa meetings dahil sliding door na gawa sa paper rice wall lang ang nasa pagitan ng mga kuwarto.

Binuksan niya ang sakura room. Nagkakape ang mga village lords na sila Alexandros, Raddison at Rouen. “Good morning,” malumanay niyang bati sa mga ito.

“Come in, Seeress,” paanyaya ni Alexandros.

“Do you want cherry blossom tea?” tanong ni Raddison. “We are having food tasting. Magkakaroon ng bagong menu list para sa Mist Fusion. Since you are into yoga, kailangan din namin ng approval mo para sa menu. We are adding more vegetarian food.”

Napalunok siya. Hindi niya alam kung ito ang tamang pagkakataon para sabihin sa mga ito ang tungkol kay Alfonso. “Sir, regarding one of your aspiring member…”

“Is it about Alfonso?” tanong agad ni Rouen. “Yes. Nakausap na kami ni Alfonso tungkol sa problema ninyong dalawa. Nagpaliwanag na rin siya sa amin kung anong nangyari. Nag-aalala siya na baka daw umalis ka ng Stallion Island oras na tanggapin namin siyang member.”

“Excuse me? Ako ang aalis?” Iniisip ba ni Alfonso na walang bearing ang reklamo niya at ito ang kakampihan ng village lords.

“So you are not leaving?” tanong ni Raddison. “Good. Then you and Alfonso can work it out. Kung simple lang naman ang pinag-awayan ninyo, hindi na dapat pang palakihin. I told him that you are a sensible woman. Mapag-uusapan ninyo ito.”

“Alfonso is a nice guy. Gusto ko ang projects niya para sa mahihirap,” wika ni Rouen. “Madalang ang nakilala kong tulad niya na hindi nakadepende sa namana sa magulang nila. He made it on his own.”

“At gusto ko rin ang mga jokes niya,” anang si Alexandros at tumawa. “He is also popular with girls.”

Mahigpit niyang hinawakan ang folder kung saan nakapaloob ang reklamo niya. Parang wala na siyang panalo ngayon pa lang. Mukhang formalities na lang ang kailangan at miyembro na doon si Alfonso. “Alam ba ninyo kung bakit kami nag-away?” tanong niya.

“Yes,” anang si Alexandros. “Hinalikan ka daw niya habang nasa gitna ng kasalan. Akala daw niya pipigilan mo ang kasal ng ex-boyfriend mo. It was an honest mistake. Nagkamali daw siya ng akala. Kung isa sa inyo ang aalis dito, paano pa siya makakabawi sa iyo.”

Huminga siya ng malalim dahil mabigat ang pakiramdam niya. Naunahan siya ni Alfonso. Gusto talaga niya itong paulanan ng hindi magagandang salita pero baka isipin ng mga village lords na naghihisterya siya. This was a brush off. Na-downplay ni Alfonso ang nangyari. O baka naman ganoon lang talaga ang mga lalaki. Nagkakampihan.

Bumukas ang pinto at pumasok si Alfonso na nakasuot ng uniform ng chef. Kasunod nito ang mga staff ng kitchen ng Mist Fusion na may dalang maliliit na wood steamer.

“Finally! We are famished,” sabi ni Raddison at mukhang takam na takam nang matikman ang pagkaing inilapag sa harap nito. “Seeress, Alfonso’s recipe will be a part of Mist Fusion’s menu with you and Alessandrace’s approval of course. Pero dahil wala si Alessandrace ngayon at nasa Singapore, ikaw na ang magbibigay ng final approval dito. He trusts you.”

“Hello, Seeress!” nakangiting bati ni Alfonso sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti. Damn the man! He also smelled yummy. Kumapit yata dito ang amoy ng mga pagkaing iniluto nito. Weakness pa mandin niya ang lalaking magaling magluto. Kaya nga noong di pa siya nagtatrabaho sa Stallion Island ay crush niya si Rouen.

Iningusan niya ito at nag-focus sa pagkaing nasa harap niya. Nakakatakam ang iba’t ibang klase ng siopao, dimsum at siomai. Hindi siya magagalit ngayon. Kakain muna siya. Trabaho naman ito. If his cooking was not good enough, she could kick him out of the island.

Umupo si Alfonso sa tabi niya at ipinaglagay siya ng pagkain sa plato niya. “I made this new recipe with you in mind. Yoga practitioners are vegetarians. I am a vegetarian as well. Sa tingin ko gusto ko na ring mag-yoga,” bulong nito sa kanya.

Ngumiti siya at bumaling ng tingin dito. “I hope hindi ka lang magyo-yoga para magpa-cute sa mga babae. That’s defying the real concept, you know. Hindi ako tumatanggap ng estudyante kung hindi nila alam kung anong ginagawa nila. And I don’t think I can allow a pervert in my class,” bulong niya sa pagitan ngipin niya.

Bigla nitong iniumang sa labi niya ang isang klase ng siomai. It smelled awesome. Hindi na niya napigilan ang sarili na sumubo dahil nakakatakam iyon. “Siomai na gawa sa puso ng saging. It is a very nice alternative to meat. May burger din ako na gawa sa oatmeal at puso ng saging. What do you think?”

Masarap ang luto nito. Vegetarian food could be bland most of the time. Nasanay na siya sa ganoong lasa. But Alfonso’s food was heaven. Parang nabuhay ang panlasa niya. “Winner!”

Wala pang limang minuto ay naubos niya ang pagkaing nasa plato niya. Kahit na galit na galit siya sa nagluto ay di niya matitiis ang luto nito. Masarap talaga. No wonder people were crazy over it. Hindi niya mapigilan ang sarili na kumain. Kung wala lang silang away ni Alfonso, baka nahalikan pa niya ito sa tuwa. He was a great cook. Not the gourmet type. Pangmasa ang dating nito pero masarap pa rin.

Bigla nitong hinawakan ang kamay niya at kinintalan ng halik. “Thank you.”

Tumalim ang mata niya. “Bitawan mo ako. I don’t still like you touching me.”

“Akala ko magsisimula na tayong magkasundo mula ngayon,” malungkot nitong sabi. “I am willing to make it up to you. I will do anything.”

Hinaklit niya ang kamay mula dito. “Stay away from me,” mariin niyang utos at umusod palayo dito. Tumayo siya at hinarap ang village lords. “The food is great. I like everything in the menu. Kung kukunin ninyo siyang member dito, gusto kong malayo siya sa akin. Huwag niya akong lalapitan at huwag niya akong kakausapin. I want him to keep his distance. I hope you will consider my feelings,” malumanay niyang sabi. Mabuti at kontrolado niya ang emosyon niya.

“We understand your sentiments,” nakakaunawang wika ni Raddison. “Pero mas maganda sana kung madadaan natin sa magandang usapan ang lahat.”

“That’s exactly what I want,” sang-ayon ni Alfonso at nilingon siya. He flashed her with puppy eyes. That was cute and she hated it. Parang pinalalambot nito ang puso niya.

“I want him fifty meters away from me at all times. Doon lang kami magkakasundo.”

“How can I rectify myself that way?” tanong nito.

“How about we give you a month?” tanong ni Alexandros. “Kung may bagong reklamo ka pa rin kay Alfonso, like he harassed you or something, he is off the club for good. Basta bigyan mo siya ng pagkakataon na bumawi sa iyo.”

Huminga siya ng malalim. She didn’t own the riding club. At least may mas matindi na siyang pagkakataon para sipain paalis ng riding club si Alfonso. A maniac would always be a maniac. Maliban na lang kung magpapatingin ito sa psychologist.

Gagapang muna ito ng matindi bago siya mapaamo.

HAGIKGIKAN ng mga Sirens ang agad na bumungad kay Seeress pagpasok niya sa yoga class nang umagang iyon. Wala pang alas otso ng umaga noon. Eight-thirty pa ang klase niya.

Sirens were the Stallion hunk’s official groupie. Naging advocacy na ng mga ito na harass-in ang mga miyembro ng Stallion Island. She didn’t really like them. They were too loud, too cranky and always asking for trouble. At sa palagay niya ay ayaw din ng mga ito sa kanya.

Nagulat siya dahil maaga ang mga ito sa yoga class. She was even wondering why she was at her class. Ayaw mag-enroll ng mga ito sa yoga class niya dahil ayaw ng mga Stallion hunks na makasama ang mga ito sa klase. Di kasi matahimik ang mga ito.

“Nakakakilig talaga si Alfonso,” sabi ni Francey at sinapo ang dibdib. “Kung magiging lindol man daw siya, una niyang yayanigin ang puso ko.”

Nagpapadyak ito pero mukhang di naman papatalo ang isa pang Siren na si Arianne. “Kung magiging subject daw ako, gusto daw niya ako ang pinakamahirap para sa kanya lang ako babagsak.”

“Grabe! Siya lang ang lalaki na gusto ang babaeng bagsak ang subjects. Sa palagay ko magugustuhan niya ako. Sana member na siya dito,” sabi ni Merian na nagniningning pa ang mga mata. “Gusto ko ng ganoong lalaki. Ia-appreciate niya kahit ano pa ako.”

Oh, great! They buy Alfonso’s corny pick up lines. Hindi niya maintindihan kung paanong may babaeng nagkakagusto pa sa corny na lalaki. Masama ang mood niya nitong nakakaraang araw. She felt like fraud facing her class, teaching about balance and inner peace. Samantalang siya ay di matagpuan iyon. And it was Alfonso’s fault.

Everyone was buzzing about him. Her boss, Alexandrace, liked him. The village lords adore him. Aprubado din ito ng mga members. Bilang guest chef ng Mist Fusion, he was able to charm the pallate of the guests. Nae-entertain din nito ang mga customers nila. Parang siya na lang ang natitirang di nagbibigay ng approval dito. Tiyak na masama ang magiging tingin sa kanya ng lahat oras na hindi siya nakipagkasundo dito.

"Good morning, girls," bati niya sa mga Sirens. "Are you here for my class."

Baka mamaya ay gusto lang ng mga ito na tumambay sa mga bakanteng kuwarto para sa pansariling session ng mga ito. Kaya minsan ay nakakatalo ng mga ito ang mga instructors dahil pakiramdam ng mga ito ay pag-aari ng mga ito ang Mist Fusion. Not just Mist Fusion but the whole riding club. Pribeleheyo daw ng mga ito na mapadpad sa riding club.

"A-attend kami ng klase mo," sabi ni Raine.

"Pero alam ninyo kung ano ang requirement para sa klase ko. I want utter concentration and silence." At doon yata hirap na hirap ang mga ito. Mababaliw ang mga ito kapag pinatahimik kahit na limang minuto lang.

"We will try our best," sabi ni Arianne.

"Bakit yata bigla na lang nagbago ang isip ninyo?" tanong niya.

"Si Alfonso. Sabi niya gusto niya ng babaeng magaling mag-yoga," kinikilig na sabi ni Merian. Hanga din siya sa mga Sirens dahil gustong patunayan ng mga ito sa member ng riding club na ideal girl ang mga ito. Gagawin ng mga ito ang lahat para lang patunayang perpekto ang mga ito. Pero hindi niya maintindihan kung bakit sinabi ni Alfonso na gusto nito ang babaeng nagyo-yoga. Akala naman nito ay lalambot siya doon.

"Excited na kami sa lesson namin," sabi ni Francey at pumalakpak pa.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.