Chapter Alfonso Cordova Montinola: Chapter 7

Tulog pa si Alfonso nang iwan ni Seeress. Kailangan kasi niyang maligo bago sunduin ang mga magulang niya sa terminal. Magdamag niyang binantayan si Alfonso at nagpapasalamat siya sa pamilya nito dahil hinayaan siya. Nataranta lang siya nang lagnatin ito. Natural lang daw iyon at magandang senyales na bumaba ang lagnat nito bago siya umalis kanina.

“Nagrereklamo ang mga Sirens. Ayaw mo daw silang padalawin kay Alfonso,” nakangiting sabi ni Kaetria na siyang roommate niya sa lodge. Nag-serve ito ng mainit na tinapay sa kanya at tsaa pagkaligo niya. Wala pang alas sais ng umaga noon at “Inangkin mo na daw si Alfonso.”

“Inangkin ko? Pamilya mismo ni Alfonso ang di nagpadalaw sa kanila dahil kailangang magpahinga noong tao. Para namang maaangkin ko si Alfonso. Pero kung ako ang masusunod, di ko rin sila palalapitin kay Alfonso. Mai-stress lang siya sa dami ng mga babae na gustong lumapit sa kanya.”

“So ikaw lang ang babaeng pwedeng lumapit sa kanya,” nakangiti nitong sabi. “Akala ko ba nagrereklamo ka dahil manyakis siya and all.”

“Hindi niya magagamit iyon sa akin dahil mahina pa siya. And besides, I owe him my life. Natural lang na gustuhin kong alagaan siya. Kapag magaling na siya, hahayaan ko na siyang dumugin ng mga babae.” Bigla ay gusto niyang bawiin ang sinabi. Parang di siya komportable na pagkakaguluhan ito ng ibang babae. “Ang totoo isang babae lang ang gusto niyang makasama. ‘Yung nanay niya. Kaso nasa Europe pa rin hanggang ngayon. Walang linaw kung uuwi o hindi.”

“Kumain ka na at nang masundo mo na ang parents mo sa terminal. At kung busy ka sa pagbabantay kay Alfonso, ako ang magpapasyal sa parents mo,” prisinta nito. “Na-cancel ang pictorial ko para sa Human Loves Nature.”

“Okay lang ba? Thank you. Matutuwa ang Papa ko. He is a fan. Alam mo bang ibinibili niya si Mama ng DVD mo para daw mapanood ka niya?”

“Nakakatuwa naman ang pamilya mo,” komento nito at nag-shower na.

Sinalubong niya ng yakap at halik ang mga magulang niya sa airport. Her father, Engineer Rick Cariño used to work for an Australian construction firm. Retired na ito ngayon. Habang ang mama naman niyang si Eva ay dating fitness instructor. Ngayon ay may sarili nang wellness store ang mga ito sa Makati. She loved her family. Supportive ang mga ito sa plano niya. Kaya nga kahit independent siya ay takbuhan pa rin niya ang mga ito. And no matter how mature or capable she was, they would come to her whenever she called.

“Mukhang hindi ka pa natutulog,” anang mama niya at hinaplos ang ilalim ng mata niya. “How’s Alfonso Montinola?”

“Okay na po siya. Baka po gising na siya ngayon. He is out of danger. Pero kailangan pa rin po siyang alagaang mabuti.”

“Gusto kong makilala ang lalaking sumagip sa prinsesa ko,” sabi ng papa niya at kinintalan siya ng halik sa pisngi. Saka sila sumakay ng e-jeepney at nagpahatid sa medical center ng isla.

Naabutan nila si Alfonso na may ka-chat na mga babae sa internet TV nito na pawang nag-iiyakan. “Sir, mahal na mahal namin kayo,” anang mga babae.

“He attracts even married women,” wala sa sariling nausal niya.

“Iyan ang mga babaeng tinuruan niya sa livelihood program niya. Mga plain housewife sila na galing sa impoverished sector at ngayon nag-e-earn na sila dahil kay Alfonso. Iyong nasa gitna naman dating delinquent ang anak niya pero ginawang scholar ni Alfonso at ngayon honor student pa,” kwento ni Fritzella. “Maraming charity institution na natulungan si Alfonso. Kung anuman ang tinatamasa niya ngayon, ibinabalik niya sa mga tao.”

“Oh!” nausal na lang niya. Hindi niya alam kung paanong hihingi ng paumanhin sa komento niya kanina. Parang hinusgahan agad niya si Alfonso.

“Siguradong proud na proud po kayo sa anak ninyo, Mrs. Montinola,” anang mama niya. “Mukhang mabait po siyang bata at maraming nagmamahal sa kanya.”

Noong una ay inaasahan niyang magagalit si Fritzella. Anak sa labas si Alfonso ng asawa nito. Sa halip ay ngumiti lang ito. “I am so proud of him.”

Siguro ay kapapanood lang niya ng mga telenobela kung saan kontrabida lagi ang mga madrasta. Pero mukhang iba si Fritzella sa mga ito. She wondered about Alfonso’s mother. What was she like?

Nilapitan niya si Alfonso matapos makipag-chat at isinara ang TV. “Alfonso, nandito ang parents ko para dalawin ka. Okay lang ba?”

He looked tired and a bit weak but he gave an appreciative smile to her parents. “Nag-abala pa po kayong dalawin ako. Nakakahiya naman po.”

“Hindi nga namin kung anong gagawin para pasalamatan ka sa pagliligtas sa anak namin. Hindi ka lang pala matapang. Napakaguwapo mo pa,” anang mama niya at pasimpleng pinisil ang pisngi nito.

“Isang malaking karangalan po na iniligtas ko ang anak ninyo,” sabi naman ni Alfonso. Nanghihina na ito pero humihirit pa rin.

Humalakhak ang papa niya. “I like this young man. He is quite a charmer. Parang noong kabataan ko lang.”

“Marami rin kayong nabola, Pa?” pabiro niyang tanong.

“Hindi bola iyon,” protesta ni Alfonso. “You are a brave woman. Hindi mo ako iniwan. But you were hard headed and all. Hindi pa rin ako natutuwa na hindi mo inisip ang kaligtasan mo. Don’t ever do that again.”

Humalukipkip siya. “Kasalanan ko pa rin kung bakit nagkaganyan ka. Kaya kung mangyayari ulit iyon, di pa rin kita iiwan.”

“Hindi namin alam kung paano ka pasasalamatan sa pagliligtas mo sa anak namin,” anang papa niya.

“Bumili na lang po kayo ng siopao at siomai ko. Ayos na po iyon sa akin.”

Kahit ang pagbili ng produkto nito ay hindi lang naman ito ang makikinabang kundi maging ang mga taong tinutulungan nito. At nararamdaman niya ang pagmamahal ng mga taong natulungan nito kay Alfonso. In a way, she envied him. Ilang mga tao ba ang nagawan niya ng kabutihan na mag-aalala at iiyak sa kanya kapag may nangyaring masama sa kanya?

“Maswerte ang girlfriend mo, hijo. Matapang ka, mabait, guwapo at mukhang responsible. Wala nang hahanapin ang babae sa iyo,” anang mama niya na kumikislap pa ang mga mata habang pinupuri ito. Mukhang crush pa ito ng mama niya.

“Wala po akong girlfriend,” nakangiting sabi nito.

“Pwede mong ligawan ang anak ko. Ipapamigay ko na iyan,” anang papa niya. “Maganda ‘yan, mabait, matalino at…”

Pinanlakihan niya ng mata ang papa niya. “Pa! Nakakahiya po!”

Niyayang mag-agahan ni Fritzella ang mga magulang niya at naiwan siya para magbantay kay Alfonso. "May yoga class ka ngayon."

"Nagpaalam na ako kay Sir Drace. May papalit sa akin para magturo hanggang gumaling ka." Hindi pa niya nagagamit ang ilang araw niyang bakasyon kaya iyon ang gagamitin niya.

"Magaling na ako. Kaya ko na ‘to,” giit nito.

Humalukipkip siya. "Then get up and give me hot, sizzling kiss. Sige nga. Kaya mong gawin iyon nang di dumudugo ang sugat mo," hamon niya dito.

Umungol ito at naggiyagis ang ngipin. "That's not fair. Alam mong di ko pa kaya..."

"Exactly. Alam kong hindi mo kaya. So stop pretending otherwise,” aniya at inayos ang kumot nito. “Gusto mong uminom ng tubig?”

"Hindi mo ako kailangang alagaan dahil lang iniligtas ko ang buhay mo. It's enough for me to see you safe and alive. Maraming mga nurse na mag-aalaga sa akin."

"Sabi mo nga matigas ang ulo ko. So I am not leaving." Kahit na may ibang nurse pang mag-aalaga dito, mas gusto pa rin niyang matiyak na maaalagaan niya ito.

Akala niya ay kokontra na naman ito subalit ngumiti ito sa kanya. "Thank you for not leaving me. Salamat din dahil pinadalaw mo pa ang pamilya mo sa akin. Mabuti pa sila nandito at inaalala ako." Ipinaling nito ang mukha palayo sa kanya subalit di nakaligtas sa kanya ang pagpatak ng luha nito.

Naalarma siya at hinawakan ang balikat nito. “Alfonso, may masakit ba sa iyo?”

“I just want to rest,” nakapikit nitong sabi at pinigilan ang kamay niya nang tatawagan sana niya ang nurse. “I am fine. Just stay here with me.”

He looked so vulnerable and fragile. Parang may iniinda itong sakit bukod sa sugat mula sa pagkakabaril dito. Kung anuman iyon, gusto niyang nasa tabi lang siya hanggang maghilom ang sugat nito.

NAGMAMADALING pinalitan ni Seeress ang loose cotton pants at sando na suot niya para sa yoga class niya. She replaced it with walking shorts and loose blouse which was more fitted for spending the rest of her day with Alfonso.

Kababalik lang niya sa yoga class niya at hindi agad siya pinakawalan ng mga estudyante niya. Mga nobya ng mga club members ang hinawakan niya kanina. They had their own group or class and they missed her. Iba pa rin daw kasi kapag siya ang nagha-handle ng yoga class. Mas komportable na sila sa isa’t isa. Hindi pa siya makabalik nang tuluyan sa klase niya dahil naka-confine pa rin sa ospital si Alfonso. Bukas pa ito idi-discharge.

Paalis na siya ng Mist Fusion nang harangin siya ng mga members ng Stallion Island na naka-enroll sa yoga class niya. “Seeress, kailan ka ba babalik bilang instructor namin?” tanong ni Jayden na malapit nang ikasal sa nobyang si Imhan.

Kumunot ang noo niya. Inikot niya ang tingin sa mga kasama nitong si Jairon na malapit nang ikasal at si Trick na kakakasal pa lang. Naroon din sina Misha at Yzaak na engaged na. No. They didn’t want her back because they had desires for her. Kahit ang mga members na pawang confirmed bachelors na sila Audric at Darwayne na mukha namang di rin interesado sa kanya.

“Anong problema kay Elias?” tukoy niya sa bagong male yoga instructor ng Mist Fusion. May bagong female yoga instructor din sila pero dahil sa request ng mga asawa at nobya ng mga ito ay kay Elias ibinigay ang klase ng mga ito para daw safe sa temptation. “I learned that he is a very good instructor.”

Nagkatinginan sina Audric at Darwayne. Di naman napigilan ni Trick na haplusin ang braso nito na parang kinikilabutan. “He gives us creeps.”

“Kakaiba ang pakiramdam ko kapag hinahawakan niya ako,” sabi ni Misha.

“There is something about his touch and the way he looks at us,” wika naman ni Yzaak na mukhang di komportable sa pinag-uusapan.

“Parang may pagnanasa,” dugtong ni Jairon.

Nagitla siya sa sinabi nito. “Ano? May pagnanasa si Elias sa inyo?” That hunky yoga instructor was gay? To think that she had a crush on him before.

“Shhhh!” saway ni Darwayne sa kanya at luminga sa paligid. “Huwag mong ilakas.”

Humalukipkip si Audric. “Kahit si Merian sinasabi sa akin na huwag dumikit sa kanya dahil malansa daw. I don’t even know what the heck that means. Akala ko naiinis lang siya dahil hindi interesado si Elias sa kanya. Kaso mukhang sa akin naman interesado.”

Nagsalubong ang kilay niya. “Bakit nga pala hindi ninyo idirekta kay Sir Drace?”

“Sinabi niyang napapraning lang kami,” sabi ni Yzaak. “I think it would be safer if you’ll take our class back. And besides, other girls like him specially the guests.”

“Hindi pa ako basta-basta makakabalik. Kailangan ako ni Alfonso,” nausal niya. Isang klase lang ang ang kinuha niya kada araw dahil gusto niyang maalagaan ito. He could be stubborn sometimes and could even charm his nurses. Kapag nakabantay siya ay natitiyak niyang nagagawa ang bilin ng doktor. “Babalik naman ako kapag magaling na si Alfonso.”

“So what’s going on between you and Alfonso?” nang-iintrigang tanong ni Darwayne at sumilay ang nanunuksong ngiti sa labi. “Nagayuma ka na rin ng luto niya?”

Sumimangot siya. “Hindi ko alam na tsismoso ka na ngayon.”

“I just think the two of you are interesting together,” nakangisi nitong sabi.

Tumango-tango naman si Jairon. “Nagpupustahan na nga kaming magpinsan kung gaano katagal ka niya bago mapasagot.”

Namaywang siya. “Ah! Pinagpupustahan ninyo kami ni Alfonso?”

Siniko ito ni Darwayne. “Isali naman ninyo ako diyan. Magkano ang pustahan?”

“You are nuts!” usal niya at tinampal ang braso ni Darwayne. “Walang mananalo sa inyo dahil hindi magiging kami!”

“Don’t mind them,” sabi ni Audric. “Mauubos lang ang oras mo sa pakikipagtalo sa kanila. Baka pagdating mo sa medical center, nabalatan na siya ng buhay.”

“Nabalatan ng buhay?” tanong niya. “Anong meron?”

“Dadalawin siya ng mga Sirens. Sila naman daw ang magbabantay kay Alfonso.”

“Bakit di mo sinabi agad?” angil niya sa mataas na boses na ikinagulat ng mga ito. Di kasi niya ugaling magtaas ng boses. She was always calm and serene. Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ng mga ito at sumakay agad sa katitigil pa lang ng e-jeepney. “Kuya, sa medical center po tayo. Pakibilisan lang po.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.