Chapter Alfonso Cordova Montinola: Chapter 8

Halos liparin ni Seeress ang hallway ng medical center papunta sa kuwarto ni Alfonso. Kinakabahan siya sa maaring sapitin ni Alfonso sa kamay ng mga Sirens. They were so eager to be with him. Lalamunin ng mga ito ng buo si Alfonso. And knowing Alfonso, di ito marunong tumanggi. Napansin niya na lagi nitong gustong i-please ang mga tao lalo na ang mga babae.

Nang bumungad siya sa kuwarto ay nagkakagulo na ang mga Sirens at walang magawa ang nurse na naroon kung paano aawatin ang mga ito. “Ako na ang magbibigay ng bed bath kay Alfonso. Magaling akong magpaligo,” sabi ni Francey.

“Hindi mo naman siya papaliguan. Bed bath nga lang,” sabi ni Arianne. “Punas-punas lang iyon. Magaling akong magpunas.”

“Ako ang reyna ninyo kaya ako ang bahalang mag-asikaso kay Alfonso,” sabi ni Merian.

“Ma’am, ako na po ang bahala,” sabi ng nurse.

Akmang aagawin nito ang sponge kay Merian nang tabigin ito. Napaurong ang nurse at muntik nang matumba. “No, no, no, no, no! Kaming mga Sirens ang mag-aalaga kay Alfonso. Parang hindi ninyo ginagawa ang trabaho ninyo. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makagalaw mabuti. Nahihirapan pa rin siya. Gusto ninyong ipa-sisante ko kayo kay Prince Rostam?”

Namutla ang nurse at parang maiiyak na. “Ma’am, huwag naman po.”

Mariing pumikit si Alfonso na parang sumasakit na ang ulo sa kaguluhan. “Merian, please don’t terrorize her.”

“I am not terrorizing her. I am protecting you. Kaming Sirens na ang magiging nurse mo mula ngayon. That will make you feel better, right?” malambing na sabi ni Merian at nilapitan ito.

Nanlaki ang mata niya nang dahan-dahang lumapit ang mukha ni Merian dito. Iyon ang kinuha niyang pagkakataon para ipaalam ang presensiya niya. “May problema ba dito?” tanong niya at tuluyang pumasok.

Puno ng iritasyon ang mukha ni Merian nang iangat ang mukha at nakita siya. “Oo. Nakakaabala ka sa kasiyahan namin. Hindi tumatanggap ng bisita si Alfonso ngayon. So go!” pagtataboy nito sa kanya. “Isama mo na rin itong nurse na ito. Walang silbi!”

“Aalis talaga kami,” sabi niya at itinaas ang noo. Hinawakan niya ang braso ng nurse. “Hayaan mo sila dito. Tayo na lang ang pupunta sa audition para sa mga ka-date ng village lords. Mabuti ngang mababawasan tayo ng kakompitensiya.”

Nakuha niya ang atensiyon ng mga Sirens. Nanlaki ang mata ng mga ito. “May audition para sa date ng village lords?” usal ni Francey. “Gusto ko si Raddison!”

Nagpulasan bigla ang mga Sirens na nagtitilian pa palabas ng kuwarto ni Alfonso. Makikitakbo rin ang nurse nang pigilan niya ang braso nito. “Saan ka pupunta?” tanong niya.

“Hindi po ba may audition para sa date ng village lords? Crush ko po kasi si Alexandros. Baka sakaling mapansin niya ako,” kinikilig na sabi ng nurse at oras na bitawan niya ay tiyak na hahabol ito sa mga Sirens.

“Sinabi ko lang iyon para iwan nila si Alfonso. You have a job to do, right? He needs a bed bath,” aniya at lumingon kay Alfonso.

Nagkukumahog itong inasikaso ng nurse. “Naku, Sir. Pasensiya na po talaga. Nakalimutan ko kayo. Kasi naman ang mga Sirens.”

Alfonso gave the nurse a soft smile. “That’s okay. I understand.”

Nakabantay lang siya habang bine-bed bath ito. Naging habit na niyang bantayan ito lalo na kung bed bath. There was something fascinating the way his cheeks redden. Na parang hindi ito sanay na may ibang nakakakitang nakahubad ito. Hindi tuloy niya maiwasang ngumiti.

“Natutuwa ka na namang makita ang kakisigan ko,” may kompiyansa nitong sabi nang mahuli siyang nakangiti habang binibihisan ito ng nurse.

Iniikot niya ang mga mata. “No. It’s fascinating to watch you blush.”

“Hindi ako nagba-blush,” angal nito at tumingin sa nurse. “Nurse Iyah, hindi ba hindi naman ako nagba-blush?”

Nagkibit-balikat lang nurse at ipinaalala kung anong oras ito babalik para sa pag-inom ng gamot ni Alfonso. “Gusto mo bang mamasyal sa labas?” tanong niya. “The weather is fine. Nakalabas sa Horse Sanctuary ang mga kabayo. Even the foals are out.”

“I know. Hinihintay lang talaga kita na dumating. Akala ko hahayaan mo na lang ako sa mga Sirens kanina. Pakiramdam ko dudugo ulit ang sugat ko,” sabi nito at bumaba ng kama.

“I thought you like all the attention,” she teased.

“There’s a right time for that. Not when I am sick and recuperating. Sa ngayon, isang babae lang ang kailangan ko para mag-alaga sa akin. Ikaw.”

She was speechless for a while. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Hindi nito sinabi iyon dahil alam nitong bumabawi siya dito. Pakiramdam niya ay siya talaga ang pinili nitong makasama. They were developing a good rapport these past few days.

Nakaalalay lang siya dito habang naglalakad papunta ng Horse Sanctuary. Nakakalakad na si Alfonso kaya naipapasyal na niya ito pero di pwedeng masyado itong mapagod. May area ang medical center kung saan matatanaw ang kabayo. Ayon sa pag-aaral ay nakakatulong daw ang mga kabayo para gumaling ang isang may sakit. It was like some sort of a therapy.

She loved the sensation of having his hot body against hers and the way his masculine scent swarm her senses. It bothered her that she was enjoying this. Nobody affected her the way Alfonso did. After his accident, he turned her world around. Nagawa rin niyang tanggapin ang isang bagay na ikinakaila niya sa sarili dati. That she was attracted to him. But this time, it was not a mere physical attraction. There were more things about him that go beyond physical. She saw the good man inside him.

“Kung magiging member ako dito, gusto kong bilhin si Speedo,” tukoy nito sa gray na kabayo. “Alam mo bang naulila siya dahil namatay ang nanay niya sa panganganak sa kanya? I want to take care of him.”

Iyon ang napapansin niya kay Alfonso. He always wanted to take care of people especially the needy ones. At mukhang ganoon din ito sa mga hayop.

“Mabibili mo na siya. Kinausap ko na ang mga village lords kaninang umaga. I said we are good. I guess your membership is already approved.”

Gulat siya nitong nilingon. “Talaga? Pero…”

Nahulaan na agad niya ang sasabihin nito. “No. I didn’t do it because I felt guilty that you were hurt for saving me. Sa palagay ko deserve mong maging member dito. Marami kang taong matutulungan kapag naging member ka. And besides, you can be a role model.”

Bata pa lang si Alfonso ay natuto na itong magtrabaho habang nag-aaral. Bumukod na rin ito sa nanay nito. He was not afraid to do menial jobs. Mula sa pagiging tagahugas ng plato sa isang restaurant hanggang maging assistant sa cook ay ginawa nito para mabuhay mag-isa. At sa kabila ng magandang kabuhayan nito ay hindi nito kinalimutang tumulong sa iba.

Nagsalubong ang kilay nito. “Hindi ka ba natatakot na marami akong babaeng maha-harass kapag naging member ako dito?”

Bigla siyang natawa. Iyon kasi ang unang inalala niya. “I think ikaw ang mas naha-harass dito. Look. I am over that little kiss. I just want to start over again. Mawawalan ako ng katahimikan kung lagi kong iisipin iyon.”

“Next time I kiss you again, it will be just between the two of us. I promise you that,” he said in a breathy voice as he directed his eyes to her lips.

Nahigit niya ang hininga. Hindi niya alam kung anong dapat sabihin dito. “Hahalikan mo ulit ako?”

“Yes. Kailangan ko pang patunayan sa iyo na magaling na ako, di ba?”

She felt as if he already kissed her with that heated look. Umingos siya para hindi ipakita dito na na naaapektuhan siya. “Matagal pa iyon.”

Baka bago pa ito gumaling ay mas interesado na itong halikan ang ibang babae kaysa sa kanya. But she was looking forward to that kiss.

“MAY isusuot ka na ba para sa welcome party para sa bagong members ng Stallion Island?” tanong ni Kaetria habang nag-aagahan sila sa lodging cottage nila. Bukas na ang party na gaganapin sa The Peak, ang miniature crown castle ni Prince Rostam na matatagpuan sa pinakamataas na parte ng Stallion Island.

“Hindi ba ikaw ang ka-date ni Alfonso?” tanong nito.

Mapait siyang ngumiti. “No. He never asked me. As if he’d ask me on a date. Marami namang babaeng gustong mag-escort service sa kanya sa party na iyon.”

Isang linggo na rin ang nakakaraan nang bumalik ito ng Maynila para bumalik sa normal nitong buhay. Ang sabi ay babalik na lang ito sa isla kapag welcome party na. Nagkakausap naman sila sa telepono pero di naman siya nito niyayang maging ka-date nito.

“Sayang. Akala ko pa mandin magkaka-boyfriend ka na rin sa wakas,” anito at tipid na ngumiti.

“Gusto mo yata lahat mahawaan ng romantic air tulad mo.”

Mukhang umaayos na ang relasyon nito sa dating nobyo na si TJ Javellana na isang record label producer. Kaetria’s life was full of controversies. She was painted bad by the press years ago. Kahit siya ay halos naniwala din sa masasamang balita dito noon pero nagbago ang lahat nang makilala niya itong mabuti. She was a good person. At masaya siya dahil nakasama muli nito ang lalaking mahal nito.

Tumaas ang kilay nito. “Di kita kailangang hawaan. Sino ba ang nakikita kong tulala kapag mag-isa? Di ka naman ganyan bago dumating si Alfonso dito sa isla. Nagkaganyan ka lang nang umalis si Alfonso. Sintomas iyan na…”

Umiling siya. “Don’t say that silly word. I am not in love with him.” Tumayo siya. “Sa beach lang ako. I need my dose of meditation.”

The beach kept her calm. Mula nang umalis si Alfonso, she felt restless. She just wanted to see him or even talk to him. Minsan nga ay nababaliw na siya kaiisip dito. Maaalala pa kaya siya nito pagbalik nito ng Stallion Island? O gaya ng sinabi niya kay Kaetria ay babalik na ito sa mga babaeng nakapila para sa atensiyon nito. Sigurado siyang kumalat na ang approval ng pagiging member nito sa Stallion Island. Everyone would die for a piece of him.

Malapit na siya sa beach nang marinig niya ang yabag ng papalapit na kabayo mula sa likuran niya. Hindi niya iyon pinansin noong una hanggang maramdaman niya ang papabilis na tibok ng puso niya. Hindi niya iyon pinansin noong una hanggang mag-overtake ang kabayo sa tabi niya at tumigil ilang metro sa mismong dadaanan niya. Saka lang niya nalaman kung bakit ganoon kabilis ang tibok ng puso niya. Alfonso was the rider.

“Good morning, Seeress! Do you need a ride?” nakangiting tanong nito.

“Alfonso!” Nanlaki ang mata niya nang makita itong humihingal habang sakay ng kabayo. “’Yung sugat mo! Bawal kang magpagod, hindi ba?”

Pumalatak ito at marahang bumaba ng kabayo. He looked fit to ride a horse but looks can be deceiving. “Isang linggo mo akong di nakita tapos sermon agad ang isasalubong mo? Hindi mo man lang ba sasabihin sa akin na na-miss mo ako?”

Humalukipkip siya habang pinipigilan ang sarili na maunang lumapit dito. She missed his boyish and his careless smile. She even missed his teasing. Si Alfonso ang laging nagpapangiti at madalas magpatawa sa kanya. She missed him but she won’t tell him just yet. “You are not fit to ride horse yet. Stop acting so macho.”

“Magaling na nga ako. Gusto mong patunayan ko sa iyo?” hamon nito.

Naghahamon din niyang itinaas ang baba. “Sige nga.”

Hinawakan nito ang likod ng ulo niya at inangkin ang labi niya. It was a slow, sweet kiss. As if he was trying to show him how much she cared for her. Nagsimulang lumalim ang halik na iyon at hinapit palapit ang katawan niya. She could feel the strength of his muscles under her fingers and the strength that he could unleash. Nagsimula na ring manlambot ang tuhod niya. He was a great kisser. Mukhang magaling na rin ito kung iyon ang pagbabasehan subalit hindi pa rin niya maiwasang mag-alala para dito.

“That is not enough, Alfonso,” aniya nang maghiwalay ang labi nila.

“The kiss is not enough? Come on. You have to marry me if you have to ask more than just a kiss,” nanunukso nitong sabi.

Pinandilatan niya ito. “I mean, hindi ka pa pwedeng sumakay ng kabayo.”

“May clearance na ako kay Doc Nathaniella kanina bago ako sumampa kay Rushmore. At napilitan lang akong magpatakbo ng mabilis para habulin ka. Gusto kong maka-date ka sa welcome party. Pwede ba?”

“Bakit? Wala ka bang napiling ibang babae na pwedeng i-date? Hindi naman ako naniniwala na naubusan ka na ng mga aplikante.”

“Ikaw ang gusto kong maka-date. Kaso kinakabahan ako baka tanggihan mo ako. Saka baka may iba kang lalaki na mas gustong maka-date kaysa sa akin. I just want to make sure.”

“Nobody asked me on a date. Sige. Tinatanggap kong maging date mo sa party.” She was actually thrilled. Subalit biglang bumagsak ang balikat niya. “Pero bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Sa isang araw na ang party. Wala akong oras para maghanda. I don’t have the dress, the shoes…”

“Halos tapos na ang gown mo. Hinihintay ka na lang ni Ayumi para sa final fitting. Everything you need for the party is well taken care of.”

“Paano kung hindi ako pumayag maging date mo sa party na ito?”

Nagkibit-balikat ito. “I don’t know. Baka agawin kita sa date mo sa mismong party. I am glad I don’t have to do that because you are mine.”

That was a little possessive. She didn’t know why it seemed right.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.