“Tumataas pa ang sales ng kompanya matapos lumabas ang article mo tungkol sa mga products namin,” excited na sabi ni Alfonso habang ipinapasyal siya sa opisina nito. “Kaya gusto ko ring gumawa ng bagong set ng products para i-encourage din ang mga magulang na pakainin ng gulay ang mga anak nila. Maraming malnourished na bata dahil hindi educated ang mga magulang sa dapat ipakain ang anak nila.”
“Kaibigan ni Andrya si Haellene. She’s an outstanding teacher. Matutulungan ka niya pagdating sa project na iyan. I can discuss it with her,” sabi niya. She loved it whenever Alfonso discussed his ideas with her. Handa rin kasi itong makinig sa mga opinyon niya. He experienced poverty himself. Sa pamamagitan ng nalalaman nito ay gumagawa ito ng paraan para iangat ang katayuan ng mga maihihirap. And she was thrilled to be a part of his advocacies.
“There are so many things to do. Kung wala ka siguro di ko alam ang gagawin ko. May dressage practice pa ako bukas,” anito at hinaplos ang sariling batok.
“Dressage is not an easy sport. Bakit di ka na lang mag-polo muna or showjump?”
“Hinamon ako ni Andreev at kahit kailan di ako umuurong sa hamon.”
That’s what she loved about him. Wala itong inuurungan. Kahit minsan ay pagod na ito ay hindi ito sumusuko. Gusto nito ay hands on ito sa mga projects nito. Pero kahit gaano pa ito kapagod ay hindi nito nakakalimutang asikasuhin siya.
Dumaan muna sila sa opisina nito bago pumuntang airport. Nawala ang ngiti ni Alfonso nang salubungin ng isang babae na nakasuot ng glamorosang dress. Sa palagay niya ay nasa forty years old na ito ngunit hindi siya sigurado dahil banat na banat ang mukha nito.
“Mama,” narinig niyang mahinang usal ni Alfonso.
So this was Magda Cordova. Ang babaeng inuna pa ang European tour nito kaysa umuwi para alagaan si Alfonso nang mabaril ito. She looked every bit a socialite. She guessed that her dress was the latest craze in Paris or Milan. Not exactly the maternal type. Intimidating din ito at napansin niya ang takot sa mata ng sekretarya ni Alfonso.
“Alfonso, how could you do this to your own mother? Napahiya ako kanina. Ihinahanda ko na ang lahat para sa Carribean cruise kasama ang mga amiga ko. Tapos sabi sa akin na mag-e-exceed ang credit limit ko. What a shame! Iniisip nilang naghihirap ako.”
Huminga ng malalim si Alfonso at bahagya siyang nilingon saka ibinalik ang tingin sa mama nito. “Ma, can we discuss this inside my office. May bisita po ako. Ma, I want you to meet Seeress Cariño. She’s my special girl.” At kinintalan ni Alfonso ng halik ang ibabaw ng ulo niya. “Seeress, meet my mother, Magdalena Cordova.
Inabot niya ang kamay dito. “Good morning, Ma’am.”
Nanlaki ang mata ni Magda na parang nakilala siya. “That’s you! Ikaw ‘yung…” Sinapo ni Magda ang dibdib at humalakhak. “Oh! I remember now. Naikwento ka na sa akin ni Alfonso. Nasabi mo na ba sa lola mo ang tungkol sa kanya? She would be thrilled.”
She sensed Alfonso’s discomfort. “Nagkita na po sila sa Stallion Island.”
“So you two are dating now?” anang si Magda na biglang nakalimutan ang mga angal nito kay Alfonso kanina. “Cariño? May kilala akong mga Cariño sa Bicol. May-ari sila ng mga hacienda, trucking business… meron ding Cariño na may bus lines. What’s your parents’ business?”
“They have a small wellness shop in Makati,” aniya at uminom ng tsaa.
“A wellness shop? How many branches?”
“Isa lang po ang branch namin. Hopefully it will flourish soon.”
“Ilan ang mansion ninyo? Do you have acres of land somewhere? An island perhaps.”
Kumunot ang noo niya at lumingon kay Alfonso. Hindi siya sanay nang ini-scrutinize ang kabuhayan ng pamilya niya. Mga simple lang naman kasi silang tao. “No, Ma’am. Simple lang po ang pamilya ko. Wala kaming mansion o isla o korporasyon pero masaya na kami kung anong meron kami. We are hardworking people. Kung anuman po ang pangarap namin, alam naming makukuha rin namin.”
Tumaas ang kilay ni Magda bigla. “But marrying rich? That’s a nice strategy.”
Namutla siya at kinakabahang tumingin kay Alfonso. She was offended. Pero di niya alam kung paano sasagot sa nanay ni Alfonso. She didn’t want to be rude.
Ginagap nito ang kamay niya. “Ma, hindi siya ganoon pinalaki ng mga magulang niya. Please,” mariing pakiusap ni Alfonso.
“Hijo, walang masama sa tanong ko. What’s wrong with marrying for wealth? Wala nang nagpapakasal para sa pag-ibig ngayon,” sabi ni Magda. “But it’s fine with me if you want to enjoy each other’s company. You are still young. No need to rush.” Tumayo ito at humalik sa pisngi ni Alfonso. “I must be going. I am sure you two want to be alone.” Isang malapad na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. As if she was not bothered that she offended her. “Hija, huwag mo sanang masamain ang sinabi ko. I am really straightforward. Enjoy my son’s company while it lasts.”
Mabigat pa rin ang dibdib niya kahit na nakaalis na si Magda. Hindi niya nagustuhan ang unang encounter niya sa mama ni Alfonso. “Don’t mind my mother. Ganyan din siya sa ibang babaeng na-involve sa akin. She’s always checking on their financail portfolio. Seeress, I am not like that. This is just between the two of us. Naiintindihan mo?”
Tumango siya. She would endure this. Para kay Alfonso ay hindi siya basta-basta magpapatangay sa pang-iinsulto ng mama nito.
LUMILIPAD ang isip ni Alfonso habang dini-discuss ni Andreev ang tungkol sa mga bagong investment ng East Dragon Bank. Nasa Lighthouse Restaurant sila kung saan mas tahimik at pwedeng pag-usapan ang trabaho. Pagdating sa usapin ng bangko ay hindi talaga niya ininintindi at ipinamamahala na sa kapatid niya. It was his field of expertise and he trusted him. Isa pa ay wala siya sa mood na pag-usapan ang negosyo kapag nasa Stallion Island. He wanted to spend more time with her. Kung pwede nga lang na itakas niya ito mula sa trabaho ay ginawa niya. And he was missing her so badly.
Isang ideya ang kumislap sa utak niya. Inilabas niya ang peppermint lip balm at ipinahid sa labi. Kung tutuusin ay recommended para sa mga lalaki ang lip balm na iyon para hindi magbitak-bitak ang labi nila. But he didn’t buy it for himself. Binili niya iyon para kapag nami-miss niya si Seeress ay parang kasama niya ito.
Nagulat na lang siya nang biglang hampasin ni Andreev ang kamay niya. “Will you quit that? Kinakabahan ako sa iyo.”
“Ano ba? Nami-miss ko si Seeress. Dapat kasi nasa Nirvana Island kami ngayon,” aniya at muling ipinahid ang lip balm sa labi. “Dapat hindi itong lip balm ang hinahalikan ko kundi siya mismo. Panira talaga ang trabaho sa love life.”
“Just refrain from putting on that lip balm. Malapit na akong matapos dito.”
Sinulyapan niya ang relo. Mamayang hapon pa sila magkikita ni Seeress. The lipbalm was not enough. Pwede naman siguro siyang sumingit sa yoga class nito mamaya kapag wala na siyang ginagawa.
Napapitlag siya nang mag-ring ang cellphone niya. Di sana niya iyon sasagutin nang makitang mama niya ang tumatawag. Halos di nagparamdam ang mama niya matapos niyang di ibigay ang extrang pera na hinihingi nito. Dapat din nitong ma-realize na hindi siya natutuwa sa trato nito kay Seeress.
Bumilang siya ng sampu saka sinagot ang tawag. “Hello, Ma!”
“Hijo, bakit hindi mo agad sagutin ang tawag ko?” nagtatampong tanong nito.
“Nasa meeting ako, Ma.”
“Gaano pala ako katagal maghihintay dito sa airport terminal ng Stallion Island kung may meeting ka pa? They need your approval here,” ungot nito.
Bigla siyang tumayo ng upuan. “What? Nandito po kayo sa Stallion Island?”
“Don’t keep me waiting, Alfonso.” Then he heard the click. Tinapos na nito ang tawag.
“Anong problema?” tanong ni Andreev sa kanya.
“Si Mama nasa terminal. Kailangan ko siyang sunduin,” sabi niya. “Okay lang ba na nandito siya?”
Nagkibit-balikat si Andreev. “I can be civil but I don’t think Jazzmire is civilized enough to face her. I am sorry, Alfonso. Nasaktan siya sa ginawa ng mama mo. Kundi mo kami tinulungang magkaayos, baka pati ikaw di kausapin ni Jazzmire hanggang ngayon. We are not really fans of your mother.”
Tumango ito. “ I know. Iiiwas ko na lang si Mama sa inyo. Hindi ko rin alam kung anong ginagawa niya dito.” Hindi niya gusto ang pakiramdam. Kapag may ganitong biglaang aksiyon ang mama niya, ibig sabihin ay may hindi ito magandang plano. Kinakabahan siya.
Pagdating sa waiting area ng terminal ay naabutan niyang inip na inip na naghihintay doon si Magda. "Ma, ano pong ginagawa ninyo dito? Ni hindi man lang kayo nagpasabing pupunta kayo."
Hinalikan siya nito sa pisngi. "I want to surprise you.” Tinapik nito ang pisngi niya. As she was an adoring mother. “And I have another surprise for you."
"Anong surprise po?" tanong niya.
"Hello, Alfonso!" bati ni Sheena sa kanya at tumayo sa kinauupuan sa waiting lounge.
"Sheena?" At puno ng tanong ang mata niya nang tumingin siya sa mama niya. Ano na namang palabas ito ng mama niya?
"Nagkita kami sa isang party.” Inayos ng mama niya ang kuwelyo ng polo niya. “You see, may business kaming sisimulan ng mama niya. Nagkakwentuhan kami at nalaman ko na break na pala sila ng boyfriend niya. And that’s great news."
"Nabanggit sa akin ni Tita na gusto mo daw bumawi sa akin dahil sa gulong nangyari. Hindi ka lang daw makalapit sa akin dahil may boyfriend na ako. Magkasundo na pala kayo ni Seeress. Hindi ko man lang nalaman. That's why I am here. May chance ka nang bumawi,” nakangiting sabi ni Sheena.
Biglang sumakit ang ulo niya. Inaasahan pa ba ni Sheena na ituloy ang naantala nilang pagde-date? Hindi niya ito nagugustuhan. "Well, why don't we go to the Island Guesthouse first?” magiliw niyang sabi at inalalayan sa braso ang dalawa para igiya papunta sa counter upang kumpirmahin ang pagpasok nito sa Stallion Island.
He tried his best to be gracious to Sheena. Sinubukan niyang ngumiti ito pero parang hirap na hirap siya lalo na’t may iba itong inaasahan sa kanya. Hindi niya alam kung paano magpapanggap na gusto nga niyang bumawi dito. Kung tutuusin ay wala naman siyang kailangang bawiin ito. Kay Seeress siya talagang may kasalanan.
She didn’t know how to tell that to Sheena. She looked hopeful. Isa pa ay excited itong manatili sa Stallion Island. Kabe-break lang nito sa boyfriend nito. Ayaw niyang madismaya na naman ito. And this time, it would be his fault for being insensitive. Ano bang gagawin niya? His mother put him on a tight spot.
Una niyang ihinatid ang mama niya sa kuwarto. “I will meet you for lunch. I have to fix my schedule for today. I am sorry. I am not really expecting this.”
“Of course, Alfonso. We understand. Alam ko naman na maglalaan ka ng oras sa amin ni Sheena. Ihatid mo na siya sa kuwarto niya,” anang mama niya at pumasok na sa silid nito.
“Mukhang masyado kang tahimik ngayon,” puna ni Sheena nang ihatid ito sa kuwarto nito. “Masyado ka ring formal. This is not so you, Alfonso. Pakiramdam ko tuloy ayaw mong nandito ako sa Stallion Island. Where is that carefree smile that I love about you?”
Isang matabang na ngiti lang ang naibigay niya dito. Ano bang problema niya? Pakiramdam naman niya ay walang nagbago sa kanya. Except that he could only give a sweet and warm smile to Seeress. Parang magkakasala na siya kapag ngumiti na siya sa ibang babaeng nagkaka-interes sa kanya.
“I am sorry. Katatapos lang ng meeting ko kay Andreev tungkol sa East Dragon Bank.” Hinaplos niya ang batok niya. “He can be such a tyrant most of the time. Sa halip na nagpapahinga pa ako, kinailangan ko pang unahin ang biglaang meeting ko sa kanya.” Binuksan niya ang touchscreen computer at lumabas ang website ng Stallion Island. “Sabihin mo lang sa akin kung anong gusto mong gawin after lunch para maayos na natin ang mga activities.”
“I want to visit the yoga center. Gusto kong dalawin si Seeress. Matutuwa iyon kapag nakita ako at nalamang nagkaayos na tayong dalawa. What do you think?”
“I am sure she will be surprised.”
She must discuss this with Seeress but he didn’t know how. Ayaw niyang pasakitin din ang ulo nito.
Paglabas sa kuwarto ni Sheena ay tumuloy agad siya sa kuwarto ng mama niya. Nagpalit na ito ng sarong dress at mukhang handa nang maglunoy sa pool o sa beach. “How’s Sheena? Does she like her room? Wait till you see the swimsuit that I bought her. Matutuwa ka…”
“Ma, ano ba ‘tong palabas ninyo?” tanong niya pagpasok at isinara ang pinto. “Bakit idinala ninyo si Sheena?”
“I am just helping you, hijo. Si Sheena ang gusto ng lola mo para sa iyo. Alam naman natin na kaya lang naman di kayo nagkasundo ni Sheena dahil sa Seeress na iyan.”
“Ma, si Seeress po ang mahal ko. Sheena is just a friend.” He was nice to Sheena because she was a really nice girl. He was not attracted to her.
Umingos ang mama niya. “Huwag mong sirain ang mga plano ko, Alfonso. Magsisimula pa lang ako ng negosyo, sisirain mo na. Isa pa, ano naman ang mapapala mo sa pagmamahal na iyan? Kailan ka ba natutong magmahal, Alfonso? Laruan mo lang ang mga babae. Ano ang kaibahan ng ibang babaeng dumaan sa buhay mo sa Seeress na iyan? Makakalimutan mo rin siya. At sa huli, iisipin mo rin ang mapapakinabangan mo. Gusto kong si Sheena ang maging manugang ko. Bakit kasi hindi mo subukan na pakisamahan muna si Sheena? Kung ayaw mo pa rin sa kanya pagkatapos ng tatlong araw, di na ako makikialam.”
“Tatlong araw. Tatlong araw lang, Ma. Then it’s over.”