Naging tahimik si Olympia nang bumalik sa riding club. Halos wala siyang kinakausap na tao at laging naka-focus sa trabaho niya. Plano pa lang ang pagpasok niya sa main terminal ng computer ng riding club pero kinakabahan na siya. Nagi-guilty. Lahat ng tao doon ang nakahanda niyang traidurin.
“Masyado yatang malalim ang iniisip mo,” untag ni Myco sa kanya na sumabay sa paglalakad niya.
“Myco!” bulalas niya at napaigtad palayo dito. Naglalakad siya mula sa Lakeside Mansion pabalik sa worker’s lodge. Di na siya sumabay sa mga kasamahan niya dahil gusto niyang mag-isip-isip muna.
Kumunot ang noo nito. “Bakit ka parang natatakot sa akin? I won’t rape you. Hindi din naman kita kakainin ng buo.”
“Hindi naman iyon.” Yumuko siya. “Marami lang akong iniisip.”
Ni hindi siya makatingin nang direkta dito. Drat! Sana ay di na lang rin siya naging malapit kay Myco. Iyon yata ang pinakamalaking pagkakamali niya. Bakit ba nananadya ang puso niya at ito pa ang minahal niya?
“May problema ba sa bayarin mo sa ospital? Sa Makati Med pala ang tatay mo. Iyon ba ang inaalala mo? I can help.”
“Hindi na. May tiyahin ako na dumating galing sa Canada. Siya ang tumulong sa amin para ipagamot si Tatay. Okay na rin ang kondisyon ni Tatay.”
Bago siya umalis sa ospital, sinabi ng Kuya R-Jan niya na napagod nang todo ang Papa niya sa trabaho. Kailangan lang magpahinga. Ang inaalala kasi niya ay baka mauwi sa sakit sa puso ang sobrang pagtatrabaho niya. Nakadagdag din siguro ang pag-aalala nito sa kanya nang tawagan niya ito. Oras na magkasama silang mag-ama, babawi siya sa lahat ng panahon na di sila nagkasama.
“Kung di iyon ang problema, bakit malungkot ka pa rin? Gusto mo ba na bumalik ka ulit doon?”
“Hindi na. Nag-check out na rin si Tatay. Pwede na siyang alagaan sa bahay. Gusto lang siguro niya akong makita dahil nami-miss niya ako.”
“Baka naman nagkita kayo ng ex-boyfriend mo sa ospital.”
“Ha? Sinong ex-boyfriend?”
“Si Doro. Nagugulo siguro ang utak mo dahil nagkita kayo ni Doro. Gusto ba niyang makipagbalikan sa iyo?” Hinaklit nito ang balikat niya. “Gusto ba niyang umalis ka na sa riding club?”
Napilitan siyang tumango. “Nagkita nga ulit kami.”
Mas madali na lang sigurong magsinungaling para di na niya kailangang magpaliwanag kung basta na lang siyang mawawala sa riding club. Nang pumayag siyang I-hack ang main server riding club, nawalan na rin siya ng pagkakataon na sabihin kay Myco ang totoo. Mabuting mawala na lang siya sa buhay niya.
“Mahal mo pa ba siya?”
“Magulo pa ang isip ko ngayon.” Iyon naman ang totoo. DI niya alam kung sino ang pipiliin niya. Ang pagmamahal niya kay Myco o si Doro… ang kapatid niya.
“Naiintindihan ko. First love never dies. Kung mas gusto mong sumama kay Doro, wala akong magagawa. Pero oras na saktan ka niya ulit.”
“Hindi naman ako sigurado kung babalik ako sa kanya.”
“At bakit?” tanong nito at nilingon siya.
“Hindi niya solong pagmamay-ari ang puso ko. Nang mawala siya, may pumalit. At kahit si Doro ang first love ko, di ko pwedeng balewalain ang nararamdaman ko sa taong iyon.”
Mahigpit nitong hinawakan ang balikat niya at ihinarap siya dito. “Ako ba ang lalaking kaagaw ni Doro sa puso mo?”
Myco Gosiaco. Direct to the point. At di niya alam sasagutin ang tanong nito. Hindi agad siya makasagot. “Ano sa palagay mo?”
Hinapit nito ang baywang niya at inilapit ang labi sa tainga niya. “You are in love with me, Florecina.”
Hindi na niya kailangan pang magsalita. Alam na nito. Halata na nito sa bawat kilos niya kapag kasama ito. Si Myco lang ang lalaking nakapagpalipad sa utak niya.
“Myco, pasensiya ka na kung hindi ko muna masasagot iyan. Magulo pa ang sitwasyon ko ngayon. Komplikado.”
Tumango ito. “I understand.” Niyakap siya nito. “I just want to hold you like this before you decide to go with… Doro. Damn it!”
Napapikit siya nang mariin. Gusto rin niyang mayakap ito. Baka iyon na lang ang pagkakataon para doon. Kung malalaman nito ang totoong pagkatao niya at kung magkikita pa silang muli, baka itulak siya nito palayo.
“Sabi mo naiintindihan mo pero galit ka sa akin.”
“Hindi ako galit sa iyo.” Hinawakan nito ang balikat niya at inilayo siya dito. “Naiinis lang ako kapag naiisip ko ang pangalan ng ex-boyfriend mo. Doro. Kapatid ni Dora Rat Killer. Ako naman Myco. Parang Mickey Mouse.”
Ngumiti siya at tinapik ang pisngi nito. “Hindi ko naisip iyon.”
“Kung di ka mamahalin ng Doro na iyon at sasaktan ka na naman, nandito lang ako. Hihintayin kita.”
Karapat-dapat ba para sa kanya si Myco? It won’t be that rat killer that would kill him. It might be her betrayal that would do the job
NAKATITIG si Olympia sa text message na na tanggap. Naroon ang website para sa mga members lang ng riding club. Kasama rin doon ang username at password na gagamitin niya. Sa pamamagitan lang ng internet pinadaan ang text message.
Nang puntahan niya ang website na itinuro nitong puntahan niya, binuksan niyon ang mainframe computer ng Stallion Riding Club.
Hinihingi niyon ang security code. Ilang sandali siyang nag-isip kung ita-type na niya ang code o hindi. Oras na gawin niya iyon, pinuputol na rin niya ang espesyal na ugnayan nila ni Myco. But she had a special mission and she must do it.
Pigil niya ang hininga nang I-type ang username at password at nang pindutin ang enter. Para ito sa nakararami. Para ito sa katotohanan. Kung inosente si Martin de Guia o si Reiven Alleje, walang dapat ikatakot ang mga ito kahit na anupamang impormasyon ang makuha niya.
“Welcome to Stallion Riding Club,” anang malambing na boses ng isang babae matapos ma-confirm ang code niya. Lumabas ang search program.
She typed Martin de Guia. May isang search result na lumabas. Nang I-click niya iyon ay muli niyang narinig ang boses. “Enter your username and password.”
Nang I-type niya ang username at password muli niyang narinig ang boses. “The information that you are trying to access is highly classified. Access denied.”
Napilitan siyang bumalik sa search engine. Sa pagkakataong ito, pangalan naman ni Reiven Alleje ang sinubukan niyang I-access. May isang search result. Nang I-click niya iyon ay biglang nagbilang ang laptop niya para sa shut down.
“O! Anong nangyayari?” usal niya.
Sinubukan niyang pindutin ang escape key pero tuluyan nang matigil ang shut down pero namatay na ang laptop niya. Nang buksan niya iyon ay di na niya iyon nabuksan pa. “Damn it! May virus ang system nila.”
Tinawagan niya ang sa cellphone ang kapatid niya. “Hello, Kuya!”
“Nakuha mo na siguro ang password kanina.”
“Yes. Nagamit ko na rin. Pero hindi pwedeng I-access anumang impormasyon tungkol kay Reiven Alleje o kay Martin de Guia.”
“Try it again.”
“Its no use. Nasira na ng virus ang computer ko.” Sa palagay niya ay si Myco lang at iba pang matataas na opisyal at member ng riding club ang may access sa impormasyon. “Di na natin makukuha ang impormasyon na kailangan natin. I am leaving the riding club, Kuya. Tapos na ang misyon ko dito.”
“Don’t you find it fishy? Bakit ayaw nilang ipakita ang impormasyon tungkol sa dalawa? You can’t leave the riding club yet.”
“Huwag na nating ipilit, Kuya. I am sick and tired of this.”
“May pag-asa pa. You have to access Martin de Guia’s computer this time.”
MABIGAT ang loob ni Olympia nang itapon ang kahon na naglalaman ng laptop computer. Iyon ang instruction na nakuha niya sa kapatid niya. Kailangang mailabas na iyon sa riding club. Bahala na daw ang source nito kung paano iyon ilalabas nang di malalaman ng iba at nate-trace na siya ang gumamit.
Makapal na ang fog nang umagang iyon. Hindi siya makahinga. She was glad that hacking the riding club’s database was a failure. Pero malaki ang kapalit niyon. Kailangan niyang I-access mismo ang laman ng computer ni Martin de Guia. Maari daw nandoon ang mga records ng project nito pati ang mga contacts nito. If they were a legal organization at kung di suspicious ang mga data na nandoon, wala nang dapat pang ikatakot. Clear na si Martin de Guia. Di na ito magugulo pa.
Pagpasok niya sa bahay ay nakatanggap siya ng tawag sa cellphone mula sa Kuya R-Jan niya. “Nasunod ko na ang utos mo. Wala na ang laptop.”
“Your tracks had been covered. Hindi nila malalaman na sa area mo nanggaling ang nag-access sa files nila.”
“Mas mabuting umalis na lang ako dito.”
“No. You should stay. Kung bigla kang aalis, lalo silang maghihinala na ikaw ang nag-access sa system nila. Don’t give yourself away!”
Kinagat niya ang labi dahil naninikip ang dibdib niya. Parang lason ang nalalanghap niya sa bawat paghinga niya. “Kuya, do you know that I feel rotten at the moment? Pinagkakatiwalaan ako ng mga tao dito.”
“Mas maganda nga kung malalaman mo ang totoo, hindi ba? Hindi masama ang ginagawa mo. Gusto mo lang makatulong sa mas maraming tao. Now we need to access Doctor de Guia’s laptop.”
“Si Doc Martin lang ang may kakayahang maka-access sa computer. Fingerprints lang niya ang nire-recognize ng computer. If it isn’t his fingerprint, hindi ako makakapasok sa mismong files niya.”
“Then get his fingerprints! Nasa locker mo ang fingerprint forger. We have to hurry. Ang sabi ng source ko, isa o dalawang araw na lang ang itatagal ni Martin de Guia sa riding club. We can’t afford to lose this chance.”
Unang schedule niya sa araw na iyon ay ang bahay ng mga Gosiaco. Nasa locker nga niya ang fingerprint forger pati ang film strip na gagamitin para makuha niya ang mismong fingerprint.
“Bakit kaya hindi na lang source niya ang pagawin niya ng lahat ng ito o kaya siya mismo? Why do I have to do the dirty job?” pabulong niyang tanong at padabog na isinara ang locker.
“Okay ka lang? May LQ ba kayo ni Sir Myco?” tanong ni Grasya.
“Wala. May ibang tao lang na nakakapikon na.”
She hacked a private institution’s system. Ngayon naman ay isang private computer na ang kailangan niyang I-hack. Iyon na ang huli niyang magagawa para sa kapatid niya. Mapapatunayan na rin niya na di masamang tao si Martin de Guia kahit na ito pa si Reiven Alleje.
Nang dumating siya sa bahay ni Myco ay nasa kusina ito at hinihintay na ma-brew ang kape. “Good morning!” bati nito sa kanya at ngumiti. “Coffee?”
Umiling siya. “Tapos na akong magkape. Mukhang wala ka pang tulog.”
Nakasuot pa nga ito ng maluwag na long sleeve shirt at pants. Wala pa itong suot na pangsapin sa paa at magulo din ang buhok.
“It’s a tough day!” Hinaplos nito ang batok. “Wala ka ring tulog? Huwag mong sabihin na magkausap kayo ni Doro.”
“Hindi. Di ko na kinakausap si Doro.”
“So…” anito at umangat ang gilid ng labi.
Natawa siya. Parang bata kasi ito na naghihintay na masabihang cute ito o guwapo. “Anong so? Magtatrabaho muna ako.”
Huminga ito nang malalim. “Right. May trabaho din ako na dapat gawin. A while ago, I feel rotten. Now, I feel great.” Pinisil nito ang pisngi niya. “Thanks!”
“Myco!” nakataas ang kilay na tawag ni Sofiajade dito at itinuktok ang dulo ng ballpen sa dingding. “Mamaya ka na makipagligawan.”
“Oo. Dadalhin ko na ang kape!” sigaw ni Myco at tumakbo sa kusina. Siya naman ay pumasok na sa kuwarto ni Martin para simulang maglinis.
Pinalitan niya ang bedsheet. Maya’t maya ay nililingon niya ang laptop computer nito. May isang security camera sa silid. Tiniyak niyang nakatalikod siya at natatakpan ang laptop nang idikit niya ang sticky film sa touchpad ng laptop. Iyon ang kukuha ng fingerprint ni Martin. Mabilis niyang ibinalik ang film na may fingerprint ni Martin sa plastic para mai-secure at ibinulsa.
Mabilis niyang tinapos ang paglilinis sa kuwarto ni Martin at kuwarto naman ni Myco ang isinunod. Nakasuot ang spy ear-mp3 player niya. At dahil naka-semi mode, nakakasagap iyon ng mga boses kahit na mp3 ang pinakikinggan niya. She pushed the button. Naging spy ear mode na iyon at malinaw niyang narinig ang usapan sa kabilang kuwarto.