Lumulutang ang pakiramdam ni Olympia habang nakatunghay sa kanya ang guwapong mukha ni Myco. Buhat-buhat siya nito at bakas ang pag-aalala sa mukha. Naririnig niya ang busina ng mga sasakyan maging ang sirena mula sa paparating na ambulansiya. Wala siyang pakialam kung ano ang nangyayari sa paligid niya. Ang tanging nakikita lang niya ay si Myco.
“Olympia, don’t leave me! Not yet! I still need you,” anito sa nagmamakaawang boses.
Hindi siya makapaniwalang sinasabi iyon ni Myco sa kanya. Nang huli silang magkita, parang isa siyang nakapandidiring insekto na gusto nitong mawala sa paningin nito. Ngayon ay nakikiusap ito na huwag siyang umalis.
Napupuno na ng liwanag ang paligid niya. Unti-unti na ring nawawala ang sakit. Siguro ay iyon na ang katapusan niya.
“Sabi mo pupunta ako sa hell,” sabi niya.
“If that’s where you are going, then I am coming with you.”
Tama ba ang sinabi ni Myco? Handa siya nitong samahan kahit na saan. Isa lang marahil ay halusinasyon. Pero gusto niyang maging totoo iyon. Gusto niyang sabihin iyon ni Myco. Gusto niyang makasama si Myco.
Inangat niya ang kamay para haplusin ang pisngi nito. Sa halip ay putting kisame na lang ang nakita niya. Bigla siyang bumangon. “Myco!”
Napabalik siya sa higaan nang maramdaman ang sakit na sumigid sa buong katawan niya. Saka niya napakiramdaman ang sarili. May benda siya sa balikat. Makirot ang iba’t ibang bahagi ng katawan niya at may malaki siyang pasa sa braso at hita. May neck brace din siya. Nasa ospital din siya.
“Olympia, mabuti gising ka na, anak!” anang si Eleuterio at pinindot ang buton. Maya maya pa ay nagdatingan na ang nurse at doctor para suriin siya.
“Pa, ano pong nangyari sa akin?” tanong niya.
“Naaksidente ka habang nagmamaneho sa EDSA,” sagot ng Papa niya. “Nang sabihin nila sa akin ang nangyari, akala ko mawawala ka na sa akin.”
“Opo. Natatandaan ko. May bumangga sa sasakyan ko. Tapos nakita ko na lang na babangga na ako sa concrete barrier.”
“Your neck is a bit strained,” sabi ni Doctor Rivera. “Napwersa din ang balikat mo. But it’s a miracle that you are still alive. Nabugbog lang ang katawan mo kaya masakit. Nai-CT scan ka na namin. No broken bones either. Wala namang internal damage sa ulo mo. Makakalabas ka rin dito. You just need enough rest. At kailangan inumin mo ang gamot mo.”
“Thank you, Doc.” Maswerte nga na buhay pa siya. Pero sino naman ang bumangga sa kanya? Parang di lang aksidente ang nangyari. Sinadya ba iyon?
Bumukas ang pinto at pumasok si Myco. “Mr. Gosiaco, gising na ang pasyente natin. I told you, you have nothing to worry about,” sabi ni Doctor Rivera. “Just let her stay here for a day or two. Pwede ko na siyang bigyan ng release order.”
“Anong ginagawa mo dito?” nakakunot ang noo niyang tanong kay Myco. Are you checking if I am still alive? Well, I am. Disappointed?”
Hindi naman siguro nagpunta si Myco sa kanya para ipakita ang concern nito. He was not. Dahil nang huli silang magkita, gusto nitong umalis na siya ng Pilipinas. He wanted her out of his life. Sa lahat ng kasangkot sa gulo sa riding club, ito ang higit na naapektuhan. Ito ang higit niyang nasaktan.
Itinaas nito ang hawak na basket ng prutas. “Ipinagdala lang kita ng prutas. Kailangan mo ito para makabawi ka ng lakas.”
“Salamat na lang.” Iniwas niya ang tingin. “Makakaalis ka na kapag umalis ka dito.” Sa panaginip niya, nakikiusap ito sa kanya na huwag siyang mawala sa buhay nito. It was just a dream. Hindi magkakatotoo.
Ginagap ng papa niya ang kamay niya. “Hija, huwag kang ganyan kay Mr. Gosiaco. Hindi iyan ang tamang pagharap sa taong nagligtas sa iyo.”
Gulat niya itong nilingon at itinuro si Myco. “Siya po ang nagligtas sa akin?”
“Oo, hija. Naroon siya sa lugar ng aksidente. Kung di dahil sa kanya, baka mas malala pa ang nangyari sa iyo. Posible rin na namatay ka. Those kids want you dead.”
“Kids? Sino sila?”
“They are Stallion Riding Club fanatics. Di ka nila gusto dahil sa naglabasang balita, pinili nilang likidahin ka na lang.”
Ipinakita nito sa kanya ang picture ng mga bata. Binubuo ng limang kabataan ang grupo na mula fifteen hanggang eighteen. Pawang rebelde ang mga ito. At pakiramdam yata ng mga bata ay pag-aari ng mga ito ang Stallion boys.
“Seryoso ba silang ipapatay ako sa dahil sa inyo?” tanong niya.
“Naalala mo nang pinaaalis kita ng Pilipinas? Dahil may threat sa iyo. I’ve been receiving anonymous mails. Ilang beses nilang sinabi na handa daw silang gawin iganti ang riding club. They even asked me. Anong paraan daw ang gusto ko para mawala ka sa landas ko.”
Kinilabutan siya. “Paanong nagagawa ng mga batang iyon na pumatay ng tao? Ano naman ang mapapala nila sa akin kung mawwala ako?”
“. Nakausap na sila ni Doctor Agatha. There’s something really wrong with them. Wala daw mali kung mawawala ka sa mundo nang tuluyan.”
“Hindi ba tama naman sila? Dapat mawala na lang ako. Matapos ang lahat ng kasalanang ginawa ko sa inyo, siguro deserve ko nga iyon.”
“Walang karapatan ang kahit sino an sabihin kung sino ang dapat mabuhay o dapat mamatay sa mundong ito.Lahat tayo may karapatang mabuhay. Diyos lant ang magsasbai kung sino ang dapat na mawala sa mundo.”
“You are right. I am sorry.”
“Kaya nga sinusubukan kitang sundan nitong nakaraang araw. DI ko alam kung ano ang plano ng mga attacker mo sa iyo.”
“Sinusundan mo ako? Pero may trabaho ka dito.”
“Huwag mo nang problemahin iyon. Nagkamali nga ako ng kalkulasyon dahil nauna pa rin sila sa iyo. Nasaktan ka nila. Sinisisi ko ang sarili ko dahil di kita nawarningan mula sa kanila. Di ko rin kasi alam kung maniniwala ka o hindi.”
“Kung sinabi mo sa akin, maniniwala siguro ako.”
“Ang nagawa ko na lang, tumawag ng ambulansiya para dalhin ka sa ospital.”
“Kung ganoon totoo ang panaginip ko.”
“Anong panaginip mo?”
“Wala.” Sa panaginip niya, nakita niya ang labis nitong pag-aalala sa kanya. Na parang mamamatay ito oras na mamatay siya. Totoo ba ang lahat ng iyon? O nahaluan na iyon ng sarili niyang ilusyon dahil nasa bingit siya ng kamatayan?
“Sir, napag-isipan na po ba ninyo? We need to transfer her someplace safe,” sabi ni Myco sa papa niya.
Ini-adjust ng papa niya ang salamin nito at pinunasan ang noo. “Mas mabuti sana iyon. Nakakaabala na tayo sa ospital sa dami ng nagpoprotesta sa labas.”
“May nagra-rally sa labas?” tanong niya at sinubukang sumilip sa bintana. Nahagip ng paningin niya ang mga kababaihan na may dalang placards sa labas ng gate ng ospital. Di na niya kailangan pang itanong kung sino ang mga ito. They were Stallion boys fanatics. At malamang ay nakikisimpatya rin sa mga kabataang nakulong dahil sa pagtatangkang pumatay sa kanya.
“Mas dumami ang threats sa iyo, Miss Montez. So oras na I-discharge ka ng ospital, kailangang mailayo ka na namin sa lugar na ito. Sa lugar na di ka nila masusundan,” paliwanag ni Myco. “Ready na ang kuwarto mo sa riding club.”
“Wait!” Itinaas niya ang isang kamay. “Dadalhin ninyo ako sa Stallion Riding Club paglabas ko dito? Anong gagawin ninyo sa akin?”
“Poprotektahan ka,” kampanteng sagot ni Myco. “Sophisticated ang security ng riding club. Mas mababantayan ka doon dahil di basta-basta makakapasok ang kung sino. Kung may guest na may masamang motibo, di makakapasok sa riding club.”
“Wow! Parang bisita pala ako doon,” aniyang may bahid ng sarkasmo. “Don’t you think it is ironic? Dadalhin ako sa riding club para protektahan ng mga tao mismo na galit na galit sa akin? Thanks for the offer but it’s a no. Mas gusto ko pang mag-abroad na lang. Ako na ang bahalang magprotekta sa sarili ko.”
“Hija, diyan ako hindi papayag,” sabi ng papa niya. “Walang mag-aalaga sa iyo sa ibang bansa. Hindi ka pa magaling. Mas mabuti na sa riding club.”
“Responsibilidad namin anumang mangyayari sa iyo,” mariing wika ni Myco. “Sabihin na natin na partly, kasalanan namin dahil di naming makontrol ang mga fans na gustong manakit sa iyo. This is the best we can do.”
He was not doing it for her. He was doing it for the riding club. Kung inalagaan lang sana siya nito dahil pagmamahal nito, sasama siya dito. Kahit pa kamuhian siya ng lahat ng tao basta makasama lang niya si Myco at mahalin nitong muli. Hangal siya.
“Anak, ayoko nang mag-alala para sa iyo. Hindi ko matitiyak na kaya kitang protektahan. Kaya pumayag ka na.”
Bumuntong-hininga siya at malungkot na pinagmasdan ang ama. Marami na siyang sakit ng ulo na ibinigay dito nang nakakaraang araw. Ayaw na niyang dagdagan pa ang pag-aalala nito. “Pa, pumapayag na po akong sumama sa riding club pero sa isang kondisyon…”
INABOT ni Myco sa kanya ang isang folder nang makarating si Olympia sa villa nito. Mula sa ospital ay isinakay siya ng chopper at sinundo ni Mark Ashley. Sa riding club na sila nagkita ni Myco at ang sasakyan nitong sumundo sa kanya ay sa villa nito siya idinala.
“There. Iyan ang document na nagpapatunay na inurong ko na ang kaso laban sa limang batang iyon gaya ng gusto mo,” sabi nito. Iyon ang kondisyong hiningi niya para manatili siya sa riding club hanggang gumaling siya.
“Thank you. Alam ko na sinasabi mong unfair dahil ikaw mismo ang nagsampa ng kaso sa kanila. Hindi lang ako sang-ayon na hayaan silang makulong. Siguro kailangan lang nila ng proper guidance ng magulang nila. Matuto ng responsibilidad. It doesn’t mean that I let them get away with it.”
Community service at therapy kay Doctor Agatha ang hiningi niyang kapalit sa ginawa ng mga ito. Director din kasi si Doc Agatha ng isang women and children’s welfare center. Magandang ma-expose ang mga bata sa ganoong activities para maging mas responsible at magkaroon ng direksiyon sa buhay.
“Wala na akong sinabi. You win!” Tumayo ito at binuksan ang isa sa guestroom. “This will be your room. It has a magnificent view of the lake. Saka nagpakuha na rin ako ng maraming pandan dahil iyon ang gusto mong air freshener.”
She was back at the riding club. Akala niya ay di na siya makakatapak pa sa paraisong iyon. “Okay lang ba na nandito ako sa riding club? Di ba ban ako dito?”
“We can make a few exemption. Katulad na lang ng riding club ang dahilan kung bakit ka hinahabol at gustong patayin ng mga batang iyon. Hindi natin alam kung may iba pang tangka sa buhay mo. Kung nandito ka sa riding club, mababantayan kang mabuti dahil mahigpit ang security namin.”
“Malay ko ba. Baka basta na lang ninyo akong ibigay sa mga kung sinumang gustong manakit sa akin. Mas convenient iyon sa iyo. Wala kayong sakit ng ulo.”
“Kaya nandito ka sa bahay ko dahil di basta basta nakakapasok ang ibang tao nang walang permiso ko. At walang kinalaman ang gulong ginawa mo sa riding club sa pag-aalala ko sa iyo. Di dahil may ginawa kang kasalanan, di na kita pwedeng alagaan.”
Kumunot ang noo niya. “Pwede ba iyon? Anong sasabihin ng pamilya mo?”
“Wala si Ate at si daddy dito. Nasa Tokyo sila ngayon.”
Could he care and hate a person at the same time? Kung siya ang nasa sitwasyon nito, di niya palalapitin sa kanya ang taong nanakit sa kanya.
“Hindi ka ba natatakot na saktan ulit kita?”
“Ano naman ang magagawa mo sa akin? Ikaw itong may sakit. Wala kang magagawa para saktan ako. Di mo rin maa-access ang kahit anong impormasyon dahil walang computer dito sa kuwarto mo. Wala ka ring gadgets.”
“Hindi iyon! Ang ibig kong sabihin…” Baka mahalin na naman siya nito at saktan lang niya ito sa huli. Ayaw na niyang saktan pa si Myco.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong nito nang di na niya naituloy ang sasabihin.
Inangat niya ang kamay at hinaplos ang pisngi nito. Mabilis niya iyong binawi at kinuyom ang palad. The urge to touch his face was too much. Baka di niya mapigilan ang damdamin at mapaiyak na lang siya.
“Ano na ang sasabihin mo?” tanong ulit nito.
“Kahit minsan, di ko intensiyon na saktan ka. And I am sorry if I hurt you. Kasi di ko rin naman intensiyon na mahalin mo ako.”
At lalong wala sa plano niya na mahalin din ito.
“Okay,” kaswal nitong sabi. “Papupuntahin ko dito si Doc Kester.”
Naniniwala kaya ito sa sinabi niya? Mukhang malabo. Kahit yata ano pang sabihin niya dito ay di nito paniniwalaan. Sana lang ay nabuksan nito ang puso niya o nababasa man lang ang isip niya.
Kahit isang saglit, sana ay bumalik ang tiwala nito sa kanya. Or maybe she was just asking too much.