Chapter Reiven Alleje: Chapter 4

“GOSIACO-SAN, the gates of heaven will open soon. The Supreme God will punish those who didn’t want to accept his teachings. You are one of his children. You deserve a place in heaven with him. So come with us. Join us and accept him.”

Maasim ang mukhang itinaas ni Sofiajade ang tingin mula sa mini-robot na ina-assemble niya. Ngumiti sa kanya ang katulad niyang international student na si Radjin, ang Pakistani niyang kaklase. Mula kaninang umaga sa klase ay wala na itong ginawa kundi yayain siya sa pinto ng langit. Miyembro ito ng isang religious sect na nakabase sa Japan at nagsisimula nang magkaroon ng pangalan sa ibang bansa. Ang Hikari no Tengoku o Light of Heaven.

“Why? Am I not a child of God?” tanong niya. Kung magsalita kasi ito ay parang ito lang ang anak ng langit. Masakit pa mandin ang ulo niya sa araw na iyon. Simula na ng tagsibol. Kasabay niyon ay ang pag-usbong ng magandang cherry blossoms. Pero nagsasabog din iyon ng pollen na nagsisilbing allergens.

“But you have to find a way to get to the gate of heaven. The eternal light will show you the way.” Inilahad nito ang kamay. “Come! Come with me.”

Diskumpiyado niyang tiningnan ang nakalahad nitong kamay. Di niya alam kung sa langit nga ba siya nito dadalhin o sa dako pa roon. Nakakatakot.

Iniligpit niya ang gamit at tumayo. “No thanks. I am happy with my religion.”

Di man siya perpektong tao, tahimik naman ang isipan niya. Wala siyang taong sinasaktan. Nagsusumikap din siyang maging mabuting nilalang.

“The real Supreme God is calling you, Gosiaco-san. Can’t you hear? Heed his call!” habol pa rin sa kanya ni Radjin kahit binilisan niyang maglakad.

“Look! I respect your beliefs but please respect mine.”

“They will give you plenty of money if you will join us.”

Natigilan siya sa paglalakad kasabay ng pagningning ng mata niya. “Money?”

Tumango nang sunud-sunod. “Yes. How much do you want?”

“My family is already rich. I don’t need money.”

“Don’t you want to become richer?” panghaharuyo nito.

Umiling siya. “I won’t to sell my soul just to have money.” Di naman matatapatan ng kahit anong halaga ng salapi ang paniniwala niya.

Naging matalim ang mata nito at nawala ang pagiging maamo. Hinaklit nito ang braso niya. “You will burn in hell! You will burn in hell!”

Nakaramdam siya ng matinding takot. Karaniwan kasi ay tahimik lang si Radjn. Di rin ito gumagawa ng gulo sa klase nila. Pero ibang Radjin ang kaharap niya ngayon. Nakikita niya sa mga mata nito ang matinding galit. Na kung gugustuhin nitong dalhin siya sa impyerno ay gagawin nito.

“Let go or you will find yourself in jail!” utos ng isang boses.

Parang nakakita siya ng aparisyon nang makita si Reiven na nakatayo di kalayuan sa kanya. Hinatak siya nito palayo kay Radjin at pinagtago sa likuran nito.

“Who are you?” tanong ni Radjin.

“Her guardian angel.”

Tama ba ang nakikita niya at naririnig? Si Reiven ba talaga ang nagsasalita? Parang isa itong sugo ng langit! Dumating ito kung kailangan higit siyang nanganganib. Her hero!

Ihinilig niya ang pisngi sa likuran nito. Kaya naman niyang protektahan ang sarili niya. Sinanay sila ng kapatid niyang si Myco sa pagharap sa panganib. Pero wala namang masama kung gumaya siya sa ibang babae na gugustuhing sagipin ng isang guwapo at matipunong lalaki tulad ni Reiven.

Biglang nawala ang matalim na itsura ni Radjin at bumalik sa pagiging maamo. “Do you want to go to heaven? We will also give you money. You and your girlfriend.”

Matangkad na si Radjin pero niyuko pa rin ito ni Reiven. And Reiven used his killer eyes. Tinitigan nito si Radjin na parang kasing liit lang ito ng langgam na kayang-kaya nitong tirisin. “Scram! Go away or I will take you to the police station myself.”

Umurong si Radjin. Naramdaman nito na seryoso si Reiven. Kapag nagbanta si Reiven ay itinutuloy nito. “You two will burn in hell! Devil! You are the devil!” At saka kumaripas si Radjin ng takbo na parang tutubuan ng sungay si Reiven.

Hinaplos ni Reiven ang sariling baba. “Demonyo daw ako. Bakit? Mukhang ba talaga akong demonyo?”

Umiling siya at puno ng pagmamahal nitong pinagmasdan. “Don’t believe him. You are my guardian angel of course. Pero anong ginagawa mo dito?”

“I just saved you from a lunatic.” Hinawakan nito ang balikat niya at hinaplos ang braso niya. “Sinaktan ka ba niya?”

Umiling siya. “Hindi. Nangungulit lang siya. Pero ikaw… dapat nasa Venezuela ka pa, hindi ba?”

“I am back!” Ibinuka nito ang dalawang kamay. “Di mo ba ako iwe-welcome?”

Di na siya nag-isip pa at kusang yumakap dito. “Reiven, I miss you!”

Gusto niyang ipagsigawan ang saying nararamdaman niya pero pinili na lang niyang ipikit ang mga mata at damhin ang init ng katawan nito. It was spring. Malamig pa rin ang panahon. Pero ang init ng katawan nito ay gaya ng tagsibol na pumapawi sa mahabang taglamig.

Yes, her heart experienced the harsh winter while he was gone. Di nito alam natatakot siyang di na ito bumalik pa sa kanya. Na mas gusto nitong manatili na lang sa piling ni Keziah.

Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “I miss you, too.”

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Parang isang magandang panaginip lang kasi ang nangyayari sa kanya. “I must be hearing things. Na-miss mo raw ako.”

“Paano kung sabihin kong na-miss nga kita? Nagmamadali nga akong sunduin. Ibinaba ko lang ang gamit ko sa apartment tapos nandito na agad ako. Ikaw na agad ang hinanap ko.”

Apat na taon na niyang hinihintay na marinig iyon mula kay Reiven. Na siya agad ang gusto nitong makita. Humawak siya sa balikat nito. Di gaya ng nakasanayan niya ay di siya nito inaangilan at di siya itinutulak palayo. “Parang di ako naniniwala. Parang may kulang pa.”

“Anong kulang sa sinabi ko?”

“Kapag nami-miss mo ako, dapat may kasamang…” Nanghaba ang nguso niya.

“Pasalubong?” tanong nito. “Nasa apartment. Iniwan ko.”

“Hindi!” bulyaw niya. “Kiss.” Napahawak siya sa pagitan ng mga mata. “Hay! Sumasakit ang ulo ko sa iyo. Matalino ka nga pero ganyang bagay lang di mo alam.”

“Kiss ba ang gusto mo?”

Tumango siya. “Iki-kiss mo na ako?”

“Kailangan ko pa ba talagang gawin iyon?”

“Siyempre naman.” Pumikit siya. “Pipikit ako para di ka mahiya.”

Hinawakan nito ang balikat niya. Naramdaman niya ang unti-unting paglapit ng mukha nito. He would kiss her for real. Di na iyon katulad nang nakawan niya ito ng halik o nang pasimple lang siya nitong hinalikan. She would make sure that this would last. Katulad ng mga napapanood niya na umaabot ng ilang minuto ang halik. It was her dream kiss. Sa wakas ay matutupad na iyon.

Hinaplos ni Reiven ang pisngi niya. “Sofiajade…”

Nahigit niya ang hininga. Ngayon pa lang ay di na siya makahinga sa matinding kaba. Mariin siyang pumikit nang sumigid ang pressure sa gitna ng mata niya at bumaba iyon sa ilong niya. “Hatching!” bahing niya at itinulak palayo si Reiven. Nagsunud-sunod ang bahing niya hanggang hindi na yata matatapos pa. Nasapo niya ang dibdib nang humupa. “M-Mamamatay na yata ako.”

“Uminom ka ba ng gamot mo?” tanong nito.

She shook her head and smiled guiltily. “Hindi. Nakalimutan ko, eh!”

Pumalatak ito. “Iyan na nga ba ang sinasabi ko kaya nagmamadali akong bumalik dito. Makakalimutan mong uminom ng gamot maliban na lang kahit na halos mamamatay ka na. Eto!” May inabot ito sa kanyang paper bag.

“Ano ito?” tanong niya.

“Gamot mo! At titiyakin kong iinumin mo iyan ngayundin.”

“Opo!” Nalukot ang mukha niya nang isubo ang tableta. Ayaw kasi niya sa lahat ay umiinom ng gamot. “Good girl ako. Dapat may kiss ako pagkatapos nito.”

“Anong kiss? Puro kalokohan ang naiisip mo. Isipin mo ang sakit mo at kung paano ka gagaling.” Hinila siya nito sa bench. “Umupo ka!”

Tumingala siya sa puno ng cherry. Kulay pink iyon dahil sa mga bulaklak. “Kung hahalikan mo ako, tiyak na gagaling ako agad. Kahit di na ako uminom ng gamot. Ikaw na lang ang gamot ko.”

“Naka-drugs ka ba? Kahit na halikan pa kita, di mawawala ang allergy mo. Ang magagawa ko lang para sa iyo bantayan at alagaan ka. Di ako nagpunta dito para mag-take advantage sa iyo.”

“Masyado kang seryoso. Kiss lang nagte-take advantage na?”

“I care for you. Hindi kita maaalagaan at mababantayan kung puro kiss ang iniisip mo. Ikaw dapat ang maging seryoso paminsan-minsan.”

Nakasimangot siyang humalukipkip. “Akala ko pa mandin bumalik ka para sa akin at nami-miss mo ako. Nagsusungit ka na naman. Bakit ka ba nandito?”

“I want to watch the cherry blossoms with you.” Hinawakan nito ang ulo niya at pinatingala siya sa puno. “Isn’t it pretty? Pink is a lovely color, isn’t it?”

“Pink? Nababading ka na ba at gusto mo ng pink?”

“Hindi. Naalala din kita dahil sa pink. And pink is like Mozart’s music. Pink,” nanatili itong nakatingala sa puno habang nagsasalita. “Sofiajade, I am staying. Babantayan kita hanggang makatapos ka.”

“Reiven, di ba gusto mong magbiyahe sa buong mundo at maging virus hunter? Gusto mong maging sikat na virologist at tumuklas ng cure sa mga bagong sakit.”

“Hindi pa iyon ngayon. Marami pa akong pag-aaralan. Kaya pumasok akong researcher kay Professor Tamaki. That way, mababantayan kita sa mga lunatic at sa mga lalaking gustong makipag-date sa iyo.”

“Ayaw mong makipag-date ako sa iba?” tanong niya.

“Siyempre. Dapat pag-aaral muna ang isipin mo.”

Umirap siya. Akala naman niya ay sasabihin nitong nagseselos ito kung may kasama siyang ibang lalaki. Asa pa siya. “Kung ayaw mong makipag-date ako sa iba, ikaw na lang ang ka-date ko.”

NANLAKI ang mata ni Sofiajade habang tinitingnan sa rack ang mga bagong anime at manga na gusto niyang kolektahin. “Ang daming bagong release na anime at manga ngayon.” Dumampot siya ng CD sa rack. “May bagong soundtrack din ng Inu Yasha. Tackey and Tsubasa ang kumanta.” Impit siyang tumili. “Ang gwapo ni Hideaki Takizawa! Ano kayang uunahin ko?”

Hinatak ni Reiven ang hood ng jacket niya. “Hey! Ang sabi mo nandito tayo sa Akihabara para bumili ng mga piyesa na gagamitin mo sa bagong invention mo. Bakit bigla tayong napunta dito sa anime at manga section?”

Nasa Akihabara sila na siyang sentro ng mga anime at electronics sa Tokyo. Para sa kanya ay isa iyong paraiso. Bukod sa forte niya ang mga electronics, addict din siya sa mga anime. At perpekto ang lugar na iyon sa mga kailangan niya. Nagpasama siya kay Reiven dahil matagal na siyang di nakakapunta doon.

“Hindi ba galing na tayo doon. Nakabili na ako ng kailangan kong piyesa.”

Hinila siya nito palabas ng shop. “Then let’s go home.”

“Teka! Ngayon na lang ulit ako makakabili ng anime at manga na gusto ko. Sige na. Minsan lang naman ako mapapadpad dito.”

Dahil kay Reiven, napilitan siyang mag-focus sa pag-aaral. Kailangan daw ay maging responsible siya. Pero kailangan din niya ang anime dahil lumalabas ang creativity niya kapag nakakanood ng iba’t ibang anime. Kailangan din naman niyang ma-relax paminsan-minsan. Nakakabaliw ang masyadong seryoso sa buhay.

“Uubusin mo ang allowance mo sa mga CD at manga na iyan?” madilim ang mukha nitong tanong. Parang isa itong istriktong tatay. Kung magiging boyfriend yata niya ito, baka maging dalawa pa ang tatay niya.

Dalawang linggo na rin itong nasa Japan. Bumalik sila sa normal na buhay. Buo na naman ang araw niya dahil makukulit niya ito. Naging ekstra lang sa pagiging maalaga si Reiven sa kanya. Lagi na siya nitong isinasabay sa pagpasok sa university at sinusundo pag-uwi. Tinitiyak din nitong sabay silang kumain. He was like a shadow and she liked it. Kahit pa nga sinusungitan pa rin siya nito paminsan-minsan.

“Konti lang naman ito.” Dumampot siya ng collectible poster ng Tackey and Tsubasa para sa soundtrack ng Inu Yasha. “Ito maganda.” Nakakita siya ng cellphone na ang design ay mukhang ng sikat na si Hideaki Takizawa. “Ito na lang ang gusto ko!”

“Hindi iyan anime, ah! Lalaki na iyan!” anito at naningkit ang mata.

Ngumisi siya. “He is the hottest actor in Japan. Magaling nang umarte, magaling pang kumanta at guwapo pa.”

Kinuha nito ang mga bibilhin niya at ipinagbabalik sa rack. “Let’s go home.”

“Ha? T-Teka!” Dinampot ulit niya ang mga inilapag nito. “Bibili pa ako…”

“Sino ang mahal mo? Ako o ang mga anime na iyan?”

“Siyempre ikaw.”

“Then hindi mo na kailangan ng anime kung kasama mo ako. Kaya kalimutan mo na muna sila lalo na iyang si Hideaki Takizawa. Ipunin mo na lang ang pera mo,” anito at hinila siya palabas ng shop.

“P-paano ang anime ko?” tanong niya at di maalis ang tingin sa naiwan kahit na halos kaladkarin na siya ni Reiven sa mataong kalsada.

“You have to grow up so you have to give them up. Hindi ka na bata. It’s high time for you to act as a woman. Kung gusto mo sasamahan na lang kitang mag-shopping ng mga bagong damit sa Shibuya.”

“Reiven, masyado kang killjoy. May matured-matured ka pang nalalaman.”

“Ano ba ang mas mahal mo? Ako o ang anime mo?” ulit nito sa tanong.

Nagpapalit-palit ang tingin niya dito at sa mga anime shops na nadadaanan niya. “Kailangan ko ba talagang mamili sa inyo? O nagseselos ka?”

Huminga ito nang malalim. “Okay lang sa akin ang anime. Pero ibang usapan na si Hideaki Takizawa. Tapos tinawag mo pang guwapo.”

Humagikgik siya. “Guwapo nga siya pero di naman siya si Reiven Alleje. Di mo na lang sinabing nagseselos ka. May maturity ka pang nalalaman.”

“Kapag nandito ka, parang nasa ibang mundo ka. Malayo ka sa akin. At di ko rin alam kung may aali-aligid sa iyong lalaki dito na tatawagin mo ring guwapo.” Inakbayan siya nito. “So you are giving up these animes, right?”

“No. Ito ang source ng creative mind ko. At hindi ako aalis ng Akihabara hangga’t wala akong nabibili kahit isa.”

Maang siya nitong tiningnan. “Sofiajade…”

“Wala namang kinalaman ang pagmamahal ko sa hilig ko sa anime. Huwag na lang tayo doon sa shop na pinuntahan natin kanina. Doon tayo sa shop na puro babae pero bawal kang tumingin sa kanila. Ako naman ang kakaladkad sa iyo palayo.”

“Mas gusto ko pa rin na umuwi na lang,” giit nito pero hinila na niya ito sa isang anime shop.

“Date natin ito kaya wala kang magagawa kundi sumunod sa gusto ko! Hindi mo ba alam na kapag nagde-date, sinusunod ang babae?”

“Hindi ako nakikipag-date. Anong alam ko?”

“Pwes, kailangan mong matuto. Pasayahin mo ako.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.