“Irrashaimase!” bati ng babaeng naka-bunny costume.
Umuklo agad siya sa harap ng estante na may glass ball. Kumislap ang mata niya nang makita ang batang babae at lalaki na nakasakay sa itim na kabayo. Nakatayo ang kabayo sa ilalim ng puno ng cherry. Nang alugin niya ang glass ball ay nagmistulang umuulan ng cherry blossoms. It was a sakura world.
“Gusto mo ba iyan?” tanong ni Reiven.
Tumango siya. “You know how much I like spring. Parang palaging season ng cherry blossom dahil diyan, di ba? Di pa ako maa-allergy.” Tiningala niya ito. “Bibilhin ko ito sa ayaw mo’t sa gusto. I like it.”
Dinampot nito ang glassball. “Ikura desu ka?” tanong nito kung magkano. “Kore o moraimasho.” At idinala na ng bunny girl ang item sa counter para bayaran ni Reiven.
Hinabol niya ito. “Ano… ako na ang magbabayad.”
“My treat. Alam ko kung gaano ka kahilig sa cherry blossoms. You always remind me of spring, Sofiajade. Kahit siguro tumanda ka, you will have that youthful glow. You always bring a smile on my face the same thing that the spring brings you joy.”
Di niya maalis ang tingin kay Reiven habang nagsasalita ito. There was a sparkle in his eyes while he stared at her. As if he adored her so much. Did he finally give up on his fate? Na-in love na ba ito sa kanya?
“Thank you sa regalo,” mahina niyang usal habang naglalakad sila.
“Saan mo pa gustong pumunta?”
“Home. Ipagluluto mo pa ako ng dinner, hindi ba?”
“Bakit ako na naman ang magluluto? Kailan ka matututong magluto?” angal nito. “Hindi ba dapat babae ang nagluluto?”
“Pagsilbihan mo naman ako! Wala akong nabiling anime kaya dapat bumawi ka sa akin. Pagsilbihan at aliwin mo ako.”
Iniyakap nito ang braso sa leeg niya. “Parang inaabuso mo yata ako.”
“Magpaabuso ka naman. Basta gusto ko ng nido soup. Saka crablet at tempura.” Binasa niya ang labi. “Nagugutom na ako.”
“Mamumulubi ako sa iyo kapag ikaw ang naging girlfriend ko. Gutom ka lagi pero hindi ka naman tumataba.”
Humagikgik siya. Di pa sinasabi sa kanya ni Reiven na mahal siya nito. Pero natiityak niyang espesyal siya dito. Dati ay isang saradong libro sa kanya si Reiven. NI halos di siya nito kinakausap. Tingin nito sa kanya ay isang malaking kalokohan. Ngayon ay ipinararamdam nito sa kanya na di isang malaking kalokohan ang pagmamahal niya dito. Binubuksan na nito ang puso sa kanya.
Pagdating sa train station ay hinarang sila ng mga nakabarikadang pulis. May suot na gas mask ang mga ito. May mga ambulansiya din nakaparada sa di kalayuan, walang tigil sa paghuni ang sirena. Maraming mga tao na nag-uusyoso at pilit na pinapalayo ng mga pulis sa lugar.
“Ano kayang nangyari?” tanong niya kay Reiven. “Hindi naman lumindol, di ba? Di rin naman nagkasunog. May train accident ba?”
Di sumagot si Reiven. Maya maya pa ay may inilabas nang stretcher lulan ang isang lalaking nasa edad na singkwenta. Mabilis ang kilos ng rescuer na naka-gas mask. Walang sinasayang na oras para makasagip ng buhay. Mayroon din namang biktima na may takip ng puting kumot sa mukha. Binawian na ng buhay.
May isang bata rin na sa tingin niya ay sampung taong gulang at umiiyak habang nakayakap sa nanay nito. Hinahanap nito ang ama. May babae rin na nakikiusap na pumasok upang makita ang nobyo nito.
Hinatak na siya ni Reiven. “Huwag na tayong mag-usyoso. Umuwi na tayo.”
“Pero di pa rin natin alam kung ano ang nangyayari dito.”
Pumra ito ng taxi at pinasakay siya. “Malalaman din natin iyan sa balita. Ang importante makalayo sa tayo sa disgrasya.”
“Hindi ba tayo tutulong sa kanila?” Kapag may ganoong sakuna ay gusto naman niyang makatulong. May background naman siya sa disaster control.
“Pinapalayo na tayo ng mga authorities, di ba? They got everything covered. Isa pa, di natin alam kung anong klaseng disaster ang nangyari doon. Mas alam ng mga rescuers ang gagawin. While we are unprotected. Baka sa halip makatulong tayo, makasagabal pa tayo sa operation nila.”
“Oo nga. Tama ka.” Pinagsalikop niya ang palad sa kandungan. Di nawawala sa isip niya ang mga taong nag-iiyakan, mga taong nasaktan at mga taong na-trauma sa trahedya. Ano ang magagawa niya sa batang nawalan ng magulang o mga taong nawalan ng minamahal na nobyo, asawa o kaibigan? Sa mga taong naghihirap at humihingi ng tulong?
“Sofiajade, I will do everything to keep you safe. So don’t do anything stupid. Huwag na huwag mong ipapahamak ang sarili mo. Ako ang masasaktan kapag napahamak ka at nasaktan.”
Itinaas niya ang kanang palad. “Promise! I will be safe.”
“Good.” Gumuhit ang ngiti sa labi nito. Pagkuwan ay kumunot din ang noo at nagging seryoso. “Tutulong tayo sa kanila. Kailangan lang nating I-assess muna ang sitwasyon. Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?”
Wala siyang naririnig sa sinasabi nito. Nakatitig lang siya sa mukha nito habang di nabubura sa isip niya ang ngiti sa labi nito. She loved his smile. At dahil sa ngiti ng iyon, gagawin niya anumang iutos nito. At parang kinikiliti ang puso niya na ngumiti ito dahil alam nitong ligtas siya.
She would be safe for him. Ayaw niyang mag-alala pa ito sa kanya.
“REIVEN, ganito na ba kagulo ang mundo? Katapusan na ba ng mundo?”
Hindi halos makasubo si Sofiajade habang pinapanood ang trahedya sa subway station sa sala ng studio-type apartment ni Reiven. Isang bioterrorism attack ang naganap na subway train station na iyon sa Tokyo. Napagkit na nga siya sa harap ng TV.
Limampung tao ang awtomatikong namatay dahil sa pagpapasabog ng powder-form na virus. Daan-daan pa ang ginagamot sa ospital.
Napailing si Reiven na nakaharap sa laptop nito at habang nakikinig pa rin sa balita. “There’s also an attack in London, Sydney and even in Singapore. Nag-email din sa akin ang Papa mo. Vigilant na rin daw sa Pilipinas. Kinuha sila para sa security ng mga railway transits. Mahirap na baka magaya sila sa Tokyo.”
Niyakap niya ang unan. “Ayaw nga niya akong palabasin ng bahay. Kailangan daw mag-ingat ako. Mahirap daw sa ganitong klase ng giyera. Di daw natin alam kung sino ang kalaban natin.”
Kahit si Reiven nga ay ayaw na rin siyang palabasin ng bahay. Kulang na lang yata ay suutan siya nito ng gas mask. Humahalo daw sa hangin ang virus kaya posibleng malanghap niya. Mas praning pa ito sa magulang niya.
Ayon sa paunang imbestigasyon akala ay isang gas nerve attack ang nangyari. Respiratory system at nervous ang puntirya. Nang lumalim ang imbestigayon ay ang isang kakaibang klase ng virus na pinangangambahang nakakahawa.
“See? Kung lumapit ka kanina sa may subway, baka kasama ka na sa casualty nila. At di natin alam kung buhay ka pa ngayon.”
“Kapag namatay ako, paano pa kita magiging boyfriend? Paano pa ang pangarap kong kasal natin at paano ang magiging anak natin.” Isinubsob niya ang mukha sa unan. “Paano na ang mga babaeng nagnanasa sa iyo?”
Umupo ito sa arm ng sofa at hinaplos ang buhok niya. “As if I would allow that to happen. Kaya sa susunod huwag kang padalos-dalos. Papa mo na mismo ang ang nagsabi. This is no ordinary war. Di natin alam ang kalaban natin.”
May matinding pag-aalala sa mga mata nito. They were so close to dying. Kung nagpilit siya kanina, daig pa niya ang tumapak sa isang kumunoy.
Dahil security expert ang papa niya ay aware siya sa gulo ng mundo. Pero di siya natatakot dahil tinuruan sila ng kapatid niyang si Myco ng survival training at self defense. Ito yata ang unang pagkakataon na haharap siya sa panganib nang walang kalaban-laban. At ang kalaban niya ay maliliit na nilalang. Virus.
It could kill in an instant. Katulad ng mga kawawang nilalang. They thought it was innocent train ride. Ngayon ay wala na ang mga ito sa mundo.
“Anong klaseng tao ba ang papatay ng kapwa nila tao?” tanong niya. “Gusto ba nilang sila lang ang mabuhay sa mundo?”
Bumuntong-hininga ito. “Di pa rin alam ang perpetrator. Kahit ang virus, inaalam pa rin nila. Sabi ni Tamaki-sensei, maghintay-hintay pa ako. Nasa meeting pa rin siya.”
Ibinalik niya ang tingin sa TV. “Reiven, may mga suspects nang nahuli.”
Ilan iyong mga Japanese na miyembro ng isang kulto. “Hindi ba kaklase mo ang isa sa kanila?” tanong nito at itinuro si Radjin na miyembro ng Eternal Light. Nakita sa security camera ang ginawa nitong paghahasik ng lagim sa subway.
Habang nakapadapa at pinoposasan ng mga pulis ay ipinagsisigawan pa nito ang pananampalataya nito sa Diyos. Na gugunawin daw ang mundo at ang mga ito ang anghel na sugo na mag-aalis sa lahat ng makasalanan.
“Ang kulto niya ang may kagagawan sa atake sa subway station?” Hinaplos niya ang sariling braso. “Hindi ba niyaya pa niya ako sa kulto niya?”
“Kung nagkataon, kasama ka na rin sa mga baliw na iyan.”
Maya maya pa ay ipinakita ang video ng isang lalaki. Isang press release mula sa pinuno ng Eternal Light. Nakangiti pa ito habang inaamin ang matagumpay nitong misyon bilang sugo mula sa langit. Ine-encourage pa nito ang marami pang tao na sumali sa magandang layunin nito.
“Mukhang napakaamo ng mukha niya,” usal niya. “At mukhang matindi rin ang charisma. Tumakbo pa nga siya sa Parliament at natalo, hindi ba?”
Lumapit si Reiven sa TV at tinitigan ang leader ng kulto. “Hindi ako maaring magkamali. Siya ang nakita ko sa Venezuela.”
“Ano naman ang gagawin niya doon?” tanong niya.
“H-Hindi ko rin alam.” Nag-ring ang cellphone nito at sinagot nito. “Moshi-moshi!” bati nito. “Tamaki-sensei. Hai! Arigatou!” Dali-dali itong tumakbo sa laptop nito at binuksan ang email.
“Alam na daw ba nila kung anong virus ang ginamit sa subway attack?” tanong niya at tumayo sa likuran nito.
Tiningala siya nito. “May similarity daw iyon sa isang virus strain na pinag-aralan ko noong nasa Venezuela ako. Baka daw makatulong ako.” Bumungad agad ang electron micrograph image sa file na ipinadala dito. “Ngayon lang daw nila nakita ang ganitong klaseng strain. But it is no ordinary strain.” Tiningala siya nito. “I’ve seen one like this in Venezuela. And I am sure that this one could kill in an instant. This is a devil’s work.”
“SOFIAJADE, interesado si Papa sa plano mong gumawa ng insect spy camera. Gusto niyang ihabol sa Science and Engineering Fair. Nasimulan mo na ba?” tanong ng kaibigan nitong si Hiro. Sa labas pa lang ng klase niya ay nakaabang na ito. Dati rin kasi itong nag-aaral sa Tokyo University pero nag-transfer na sa Pilipinas.
Anak ito ng may-ari ng Hinata Industries na nangunguna pagdating sa iba’t ibang klase ng technology.
“I don’t think I can make it. Marami akong inaasikaso.”
“Kung makakasama ka sa Science Fair, bibigyan ka ng maluwag na oras ng professors mo. Pwede kang I-excuse. Marami ka nang oras para I-work out ang invention mo. Noong huli nga tayong nag-usap, sabi mo matatapos mo na iyon dahil inspired ka sa pagbalik ni Reiven sa Tokyo.”
Maasim siyang ngumiti. “Kailangan ko ring asikasuhin si Reiven.”
“Bakit? May sakit ba siya?”
“Busy siya ngayon sa research. Kaya samahan mo na rin akong bumili ng lunch niya. Pupuntahan ko siya sa laboratory.”
Mula nang magkaroon ng bioterror attack ay naging abala na ito sa laboratory. Ni hindi na nga ito umuuwi sa apartment nito dahil sa quarters na ito sa university na tutulog. Di tuloy niya maiwasang mag-alala para dito.
“Ang pag-ibig ay nakakasira ng career,” sabi nito nang papunta sila sa campus nila Reiven. Nakahiwalay kasi ang campus ni Reiven sa Engineering campus. Dinuro ng daliri nito ang sentido niya. “Keep that in mind.”
Pumalatak siya. “Makakalipad din ang spy camera na iyon. Huwag kang mag-alala. Mas importante lang talaga ngayon si Reiven.”
“Oo na. Dahil sasagipin niya ang mundo.” Bahagya itong tumango. “Iyon lang pala si Reiven!”
Nakaupo sa bench si Reiven habang nagbabasa ng libro. Wala itong pakialam kung maingay man ang mga estudyante sa paligid nito dahil tutok na tutok ito sa binabasa. “Reiven, mamaya na iyan!” aniya at inilapag sa harap nito ang paper bag ng pagkain. “It is lunch time.”
Tumango lang ito. “Okay.”
Umupo na lang siya sa tapat nito at inilabas sa paper bag ang lunch nila. Ilang araw na rin niya itong di nakakasabay sa pagkain. Kahit kasi lunch break ay di ito makalabas ng laboratory minsan.
Matindi ang atensiyong ibinibigay nito sa research. Kahit yata bagsakan pa ito ng bomba ay di ito titinag sa kinauupuan. Napaka-importante daw kasi ng trabaho nito. Kailangan nitong mahanapan ng lunas ang mga biktima ng Eien no Hikari virus. Isinunod ang pangalang virus sa pangalan ng kulto na nagpakalat niyon. Isa-isa nang namamatay ang mga ito dahil sa virus. It was indestructible.
Tinapik ito sa balikat ni Hiro. “Yasashiburi!”
Inangat ni Reiven ang tingin sa binabasa at tinanguan ito. “Long time, no see. Sa Manila ka na nag-aaral, di ba?”
“Yes. At iuuwi ko na rin sa Pilipinas si Sofiajade.”