Chapter Reiven Alleje: Chapter 8

Hindi tumigil sa pagpindot sa doorbell sa apartment ni Keziah si Sofiajade. Malala na ang sitwasyon nila ni Reiven. Pinangatawanan na nitong maging isang estranghero sa kanya. Kapag nagsasalubong siya ay di man lang siya nito sinusulyapan. Parang hangin lang siyang nagdadaan.

Nagsimula lang naman ang pagbabago ng ugali nito sa pagbalik ni Keziah sa buhay nito. May ginawa si Keziah na sumugat sa pagkatao ni Reiven. At wala ring ibang makakatulong sa kanya kundi ito lang. Kahit pa nga isa itong karibal. Pareho lang naman silang nagmamahal kay Reiven.

Nang pagbuksan siya nito ng pinto ay pawis na pawis ito at magulo ang buhok. “Sofiajade!” gulat nitong bulalas.

“Goumen nasai,” hinging-paumanhin niya. “Dumating ako ng walang pasabi. Kailangan lang kitang makausap.”

“Magulo ang bahay ko. Is it okay with you?”

Nagkibit-balikat siya. “No problem.”

Nakakalat ang malalaking kahon sa sala nito. May malalaking luggage bag din siyang nakita sa pinto ng kuwarto nito. “Sorry for the mess. Nag-eempake ako dahil bukas na ang flight ko. Babalik na ako sa Venezuela.”

“For good? Iiwan mo na si Reiven?”

“Wala na akong lugar sa buhay niya. Bahala ka na sa kanya.”

“Wala na rin akong lugar sa buhay ni Reiven. He refused my love. Lahat ng nagmamahal sa kanya, itinataboy niya palayo.”

“I feel sorry for you,” anito at inilagay ang picture frame sa kahon.

“I don’t need your sorry. Kailangan ko ang paliwanag mo. Anong ginawa mo kay Reiven? Bakit nag-iba siya?”

“Sofiajade, I don’t have time for this.”

Umuklo siya sa harap nito. “Please! Kung nagmamalasakit ka sa kanya, tutulungan mo ako. Sabihin mo ang totoo bago niya sirain ang sarili niya. Ikaw ang gumawa ng gulong ito. Ikaw lang din ang makakatulong sa akin.”

Kung kailangang magmakaawa siya at lumuhod kay Keziah ay gagawin niya. Hindi niya kayang pabayaan si Reiven. Di niya kayang tumigil sa pagmamahal dito. At di siya titigil hangga’t di niya naibabalik si Reiven sa dati. Iyong lalaking optimistic sa buhay. Kayang maging masaya kahit na madalas maging masungit. Iyon ang lalaking minahal niya.

“Pabayaan mo na lang siya, Sofiajade.”

“Pabayaan? Anong klaseng sagot iyan!” singhal niya. “Ginulo mo ang buhay niya tapos gusto mo pabayaan ko na lang siya?”

“Dahil wala na tayong magagawa pa para sa kanya ngayon. At kahit ano pang gawin mo, di mo siya maaring mahalin.”

Umiling siya. “Baliw ka ba? Kung sinukuan mo na siya, di ko siya isusuko.” Ngayon higit na kailangan ni Reiven ang pagmamahal at pag-aalaga niya.

“Sofiajade, di niya kayang tumanggap ng pagmamahal dahil kahit sarili niya ay di niya kayang mahalin. You can’t stand a man like that.”

Hinaklit niya ang balikat nito. “Pwes, sabihin mo sa akin kung ano ang ginawa mo sa kanya! Ano?”

Tiningnan siya nito sa malalamig na mga mata. “Wala na akong maitutulong sa iyo. Makakaalis ka na.”

Naglaban nang matagal na sandali ang mga mata ni Keziah. Sa huli ay siya rin ang sumuko. Wala siyang makukuhang kahit ano kay Keziah. Di siya nito matutulungan. She shared a secret with Reiven. Ang mga ito lang ang tanging nakakaalam.

“Sige! Bumalik ka sa pinanggalingan mo. Sana makatulog ka nang mahimbing habang nahihirapan si Reiven dito,” aniya at padarag itong binitiwan.

Malakas na ulan ang sumalubong sa kanya nang makalabas siya sa apartment ni Keziah. Wala siyang dalang payong pero ayaw na rin niyang magtagal pa sa lugar na iyon. Sinagasa niya ang malakas na ulan.

Sa bawat malalakas na hagupit ng hangin at malalaking patak ng ulan na nagpaparusa sa katawan niya ay parang sakit na nararamdaman niya tuwing tinatangka niyang isuko si Reiven.

Hindi niya ito isusuko. Kahit bagyo at talim ng kidlat ay sasagasain niya para sa pagmamahal niya dito. She would love even the stranger he becomes.

HABOL ni Sofiajade ang hininga nang lumabas sa konbini o convenience store. Tumigil na ang ulan sa labas pero nangangaligkig siya sa lamig. Natuyuan siya ng basang damit sa katawan. Di agad siya nakauwi dahil siksikan ang mga tao sa subway. Sa palagay niya ay lalagnatin siya pero di iyon pwedeng matuloy. Kailangan pa niyang ipagluto ng hapunan si Reiven.

Kalilimutan na niya ang pride niya. Kung magmamatigas siya kay Reiven, tuluyan na itong mawawala sa kanya. Ayaw na niya itong maiwang mag-isa. Malaking problema ang kinakaharap nito ngayon. Siya na lang ang makakatulong dito dahil wala siyang maaasahan kay Keziah.

Nanlalabo na ang mata niya at nanlalambot ang tuhod nang makarating siya sa apartment niya. “Konti na lang. Makakaluto pa ako bago dumating si Reiven. Paborito niya ang curry rice. Baka kulang lang siya sa curry rice kaya masungit,” pagpapalakas-loob niya sa sarili.

Walang sakit-sakit sa kanya. Gagawin niya ang lahat para kay Reiven. She wanted the old Reiven back.

Kulang na lang ay gumapang siya sa sobrang panlalambot. Tatlong baiting na lang siya at nasa second floor na siya nang magkabisala ang hakbang niya at nadulas siya. “Ahhh!” bulalas niya.

Mabilis siyang kumapit sa barandilya ng hagdan pero nabitiwan naman niya ang hawak. Sinundan na lang niya ng tingin nang gumulong ang grocery niya sa hagdan. Napapikit siya sa panlalambot. Kailangan pa niyang pulutin isa-isa ang mga nalaglag. Parang wala na siyang lakas para gawin pa iyon.

Sumalampak siya sa baitang ng hagdan at isa-isang dinampot ang pinamili niya. It would be an effort to gather those.

Dadamputin niya ang cup noodles niya nang may dumampot iyon para sa kanya. Nang iangat niya ang tingin ay si Reiven iyon. “Reiven?”

“Daijoubu desu ka?” tanong nito kung ayos lang siya. Kinuha nito ang paper bag niya at doon isinilid ang mga nadampot nito.

“Daijoubu desu. Okay lang ako,” nanghihina niyang sagot. Dumating na ito nang di pa siya nakakaluto. “Kaya ko na iyan.”

“Kaya mo na?” Magkasalubong ang kilay siya nitong nilingon. “Ni hindi mo nga kayang tumayo diyan.” Sinalat nito ang noo niya. “You are sick.”

“I am not! Magluluto pa nga ako ng curry rice.”

“Um-order ka na lang sana kung gusto mong kumain.”

“Ipagluluto ko ang kapitbahay ko na di ko pa kilala. Ikaw yata iyon.”

“You never really give up, do you?” Sa pagkabigla niya ay binuhat siya nito. “At paano mo ako ipagluluto ng curry rice kung may sakit ka? Nagpaulan ka na naman?”

Yumakap siya sa leeg nito. Nabawasan ang lamig na nararamdaman niya. That was what she needed. The heat of his body and the comfort in his arms. Kahit na saglit lang silang di nagkausap, parang ilang taon na ang binilang niya. She missed him. “For a stranger, you know me quite well. Stalker siguro kita.”

Gusto niyang manatili na lang sa bisig nito. Nananaginip lang ba siya o naghahalusinasyon siya dahil sa sakit niya? Ang alam kasi niya ay mas gugustuhin na lang siya nitong itapon sa labas ng building kaysa dumikit sa kanya.

Bigla nitong ipininid ang labi. Noon marahil nito naalala ang utos nito sa kanya. Na ituring na lang niya itong estranghero. “Just a good Samaritan. Lalo na sa mga taong matigas ang ulo. Di nagdadala ng payong at nagpapakabasa sa ulan.”

“Ibaba mo na lang ako. Diyan lang ang apartment ko,” utos niya.

Nilagpasan nito ang apartment niya at tumapat sa apartment nito. “Ikaw na ang mag-encode ng password ng lock ko. Tutal alam mo naman.”

“Bakit dito mo ako dadalhin? We are strangers, right? Hindi ka dapat nagpapapasok ng estranghero sa bahay mo,” paalala niya. “Paano kung gahasain na lang kita habang natutulog ka?”

“May sakit ka na pero dumadaldal ka pa rin. Just encode the password.”

Pinindot niya ang code nito at kusang na-unlock ang key ng pinto. It was her mother’s technology. Pareho sila ng lock ni Reiven. At dahil isa siyang henyo, nakagawa siya ng device para makuha ang code nito. Isa sa kabaliwan niya dito. She simply missed those days. Nang sinusungitan siya ni Reiven sa kabaliwan niya. Iyon din kasi ang paraan niya para mapansin siya nito.

“Reiven, sa palagay mo ba dapat mo akong pinapasok dito?” tanong niya nang ilapag siya nito sa sofa. “Di mo nga ako dapat nilapitan kanina.”

“At sa palagay mo pababayaan na lang kita na may sakit ka?” Binulatlat nito ang laman ng grocery bag at inilabas ang curry mix. “Ako na ang magluluto para sa iyo. Nakakatiyak pa ako na edible ang luto ko.”

Lumabi siya. “Di lason ang luto ko.”

“You are sick. Di mapagkakatiwalaan ang panlasa mo. Gamitin mo ang shower ko. Maligo ka muna. Use my clean bathrobe,” utos nito at pumasok sa banyo. “You can use the bathtub if you want.”

“Paliliguin mo ako dito? Seryoso ka?” Tama ba ang naririnig niya? Di lang siya nito ipagluluto. Hahayaan pa nitong doon siya maligo at ipapagamit pa sa kanya ang bathrobe nito. Gusto ba nitong magpaakit sa kanya?

“Kaya mo bang maligong mag-isa? Baka mamaya gusto mo pang paliguan kita,” sigaw nito mula sa banyo.

“Si Reiven Alleje lang ang bibigyan ko ng privilege na paliguan ako. Iyon ay kapag pinakasalan na niya ako,” aniya at pilit na inilakas ang boses.

“How could you love such a moronic, stubborn man? Sa palagay mo ba dapat mahalin ang katulad niya?” tanong nito at sumandal sa hamba ng pinto.

“Masyado ka yatang mausisa para sa isang estranghero,” sabi niya at naglakad papuntang banyo. “May gusto ka sa akin, no?”

“Silly. Kalimutan mo nang nagtanong ako.”

Di niya mapigilang ngumiti nang nagbababad siya sa bathtub. Reiven was not acting like a total stranger at all. Kung gugustuhin nito, sana ay pinabayaan na lang siya nito na nasa labas ng apartment niya at mamatay sa lamig.

He was not indifferent at all. Ibig sabihin ay may pag-asa pa. Sa kabila ng mga sinabi nito, inalagaan pa rin siya nito.

Guminhawa ang pakiramdam niya nang matapos makaligo. Nakasuot siya ng bathrobe nang mapansin niyang nakalatag ang dress sa kama nito. Sa kanya ba iyon? Inilapat niya ang dress sa katawan niya. Sakto lang iyon sa kanya.

Namula ang buong katawan niya nang makita ang pares ng white underwear na nakalatag sa kama. Hindi siya pwedeng magkamali. Sa kanya iyon. Pumunit ang malakas na tili niya sa musika ng Princess China Orchestra.

“Reiven Alleje!” sigaw niya at marahas na binuksan ang pinto.

Nilingon siya nito mula sa kusina. “Kasya ang dress sa iyo? Ipinadala pala iyan sa iyo ni Mama galing sa Spain. Nakalimutan ko lang ibigay.”

“Walang problema sa dress.” Itinaas niya ang underwear niya. “Ito!”

“Ah! Mali ba ako ng nakuhang kulay?”

“Pumasok ka sa apartment ko at ni-ransack mo ang underwear drawer ko?”

“Hindi ka naman pwedeng pumunta sa apartment mo para magbihis nang naka-bathrobe lang. Saka malamig pa doon. Lalo kang magkakasakit. And what’s wrong? Underwear lang naman iyan. Di naman kita ni-rape.”

Natakpan na lang ng palad niya si Reiven. Dalagang Pilipina pa rin pala siya kahit madalas niyang inaakit si Reiven. “Sabi mo stranger ka! Di rin ako papayag na parte ito ng pagiging good Samaritan mo! Wala kang karapatan…”

“Nang maligo ako sa falls at nakita mo ang lahat sa akin, wala naman akong nagawa. Di naman kita sinabihang pakasalan mo ako. Kung tutuusin matagal na akong lugi sa iyo. Kumpara sa pagmamagandang-loob ko…”

“Sandali lang! Sandali lang! Magbibihis lang ako.”

Nagmamagandang-loob pala, ha! Pwes, di na ito makakatakas pa sa kanya.

NAILANG si Sofiajade habang ipinaghahain siya ni Reiven. Technically, wala naman talagang masama kung ito man ang kumuha ng underwear niya. Pakiramdam lang kasi niya ay nakita na nito ang buong katawan niya. Kasing lala siguro iyon ng naramdaman nito nang pinanood niya itong naliligo nang walang saplot sa falls.

“Wala akong iniisip na masama. I am not harboring any malicious intent against you. Hindi ako pervert, Sofiajade,” wika nito habang ipinagsasandok siya ng soup.

“Wala naman akong sinasabi,” aniya at tahimik na sumubo. Sinulyapan niya ito sa bawat pagsubo niya. Maaliwalas ang mukha ni Reiven. “Wala kang topak?”

“Topak?” tanong nito at inilapag sa harap niya ang bowl ng soup.

“Maganda siguro ang development sa case na hawak mo. Nakapag-develop na ba kayo ng gamot?”

Kumislap ang mga mata nito. “May magandang development kanina. May specimen ng herbal plant kami na pinag-aaralan na endemic sa Brazil. Nagawa niyang pabagalin ang activity ng virus. But we have to observe some more.”

Siguro dahil lang sa pressure sa trabaho kaya mainit ang ulo nito. “Galing ako kay Keziah kanina. Paalis na siya. Babalik na siya ng Venezuela.”

Kaswal itong tumango. NI hindi ito nagulat man lang na pinuntahan niya si Keziah. “It’s better for everyone. Mas matatahimik ako kung nasa malayo siya.”

“Galit ka ba? Tinanong ko sa kanya kung bakit ka galit sa kanya.”

“I am pretty sure that she won’t tell you. Gusto mo bang sabihin ko sa iyo?”

Umiling siya. “It is your secret. Kung ayaw ninyong sabihin, di ko kayo pipilitin. Saka kahit na malaman ko, di pa rin naman magbabago ang nararamdaman ko. I decided to stay here with you.”

“Di dahil mabait ako ngayon, babalik na tayo sa dati. Bukas hindi na naman kita kakausapin at di na naman kita papansinin.”

Pinaliit niya ang mga mata at saka ito tinitigan. “Sana di mo na lang ako tinulungan para di ka mahirapang itaboy ako bukas. I will just love you more, Reiven. Sana rin lumipat ka ng apartment para malayo ka sa akin.”

Itinapik nito ang chopstick sa plato. “I am planning to do that.”

“Well, I am planning to move out as well. Doon din ako sa lilipatan mo.”

Binitiwan nito ang chopstick. “You are hopeless!”

“Kahit saan ka pa pumunta, susundan lang kita. Hindi ba mas madali para sa iyo hahayaan mo na lang na mahalin kita. Wala akong pakialam kung di mo ako kakausapin at aakto kang di ako nag-e-exist sa mundo. Dahil kahit na sabihin mo nag-iba ka na, you are still the same old caring Reiven that I know. Ikaw pa rin ang lalaking minahal ko.”

Hindi siya katulad ni Keziah na isusuko na lang ito. Mananatili siya sa tabi nito kahit na takutin pa siya nitong itatapon sa Pacific Ocean at ipapakain sa mga pating.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.