Chapter Reiven Alleje: Chapter 10

Nahigit ni Sofiajade ang hininga at di maalis ang tingin sa arena. Horses were Alleje’s way of life. Doon nabubuhay ang mga ito, sumisikat at lumaki. Pero aatakihin yata siya sa puso kung panonoorin niya itong sumakay sa nagwawalang kabayo.

“Di na niya kailangang gawin ito. Ayoko namang mapahamak siya.” Ayaw niyang makitang magkabali-bali ang buto ni Reiven o talaktakin ng kabayo.

“You don’t know my brother well. He is a natural in taming horses. Kami ni Kuya Reid dumaan pa sa isang professional horse trainer para matuto. Pero si Kuya Reiven nagawa niyang mag-isa noong nine years old pa lang siya.”

“How did he do that?” tanong niya.

“Idol niya si Alexander the Great. Ginagamit niya ang common sense niya. He understands animals and their emotions. Inaalam niya kung ano ang gusto nila at kinatatakutan. He befriends them. Mas naiintindihan pa nga niya ang mga hayop kaysa sa mga tao. Hindi ko alam kung bakit pinili niyang maging virologist kaysa pumasok sa equine world. Mas idol ko pa si Kuya Reiven pagdating sa kabayo kaysa kay Kuya Reid.”

“Siguro dahil may mas importante sa kanya kaysa sa mga kabayo. He wants to save lives. Other people’s lives.”

Pinagmasdan niya ang bawat galaw ni Reiven nang buksan ang gate at lumabas ang nagwawala nitong kabayo sakay ito. Kailangan nitong manatili sa ibabaw ng kabayo sa mahabang panahon.

Ngayon lang niya nalaman ang bagay na iyon tungkol kay Reiven. Na higit pa itong magaling na makisama sa mga kabayo kaysa sa mga magagaling na horse rider kaya ni Reichen. Kung ganoon ay wala nga ba siyang dapat na ikatakot?

Nagpumiglas ang kabayo. Ayaw nitong may nakasakay dito pero parang balewala kay iyon kay Reiven. Parang nag-e-enjoy pa nga ito. “Whooo!” sigaw nito. Parang bata ito na naaaliw sa delikadong ride sa amusement park.

Nawala ang takot niya at napalitan ng tuwa. She had never seen him so wild and free. Iba ito sa Reiven na parang pasan ang mundo kapag nasa loob ng laboratory. Na parang alipin ito ng mga virus na naninira sa mga tao.

On his horse, the wind was swirling freely around him. Parang musika rin sa pandinig ang halakhak nito. Naramdaman niya ang pamamasa ng mata niya. Masaya si Reiven doon. Ito marahil ang mundo na nagpapasaya dito. Sa matagal na panahon niya itong minahal, bakit ngayon lang niya ito nakitang ganoon kasaya?

And he turned rodeo into an art. Tama si Reichen. Reiven was a natural with horses. Ang pag-aalala niya ay napapalitan ng paghanga.

Matapos ang mahigit isang minuto na pagwawala sa kabayo ay tinulungan itong bumaba ni Emrei sa kabayo. It was a success.

“Sofiajade, nanalo ako!” tuwang-tuwang sigaw nito at tumakbo palapit sa kanila. Niyakap siya nito at kinintalan ng halik sa labi. “I beat my old record.”

“Gusto kong magalit sa iyo dahil pinag-alala mo ako.”

“Well, I am safe. Saka may kapalit naman kapag natuloy ang laban namin. I can have the Forest Trail for myself every month. Isasara iyon sa ibang member ng riding club. Isn’t it great?”

“Ah! Ibig sabihin doon kayo magde-date,” sabi ni Reichen. “Dapat yata may ganyan din akong deal kay Kuya Reid.”

Tinapik ni Reiven ang noo ng kapatid. “Huwag kang gaya-gaya.”

Pumailanlang boses ni Reid sa speaker ng arena. “Wala na ba kayong plano na manood sa akin? Hindi pa ako tapos mag-perform. Reiven, huwag ka munang mag-celebrate. You beat your own record. Pero di mo pa ako natatalo.”

“It means I have to go back to my own box,” sabi ni Reiven at kinintalan siya ng halik sa labi. “We’ll celebrate later.” Sigurado na itong ito ang panalo.

“Natatakot ka ba? Get used to it. My brother loves to thrive on danger. Mas magaan pa ang pagsakay niya sa bronc kompara sa paglaban niya sa mga virus. Can you keep up with him?”

“I am trying.” Ilang taon na niya itong minahal at wala siyang balak sumuko.

“Then do your best. Sabi ni Mama mahirap daw magmahal ng isang Alleje.”

Nilingon niya ito. “Naniniwala ka sa kanya?”

“How the hell would I know? Ang alam ko lang magmahal ng mga babae. Wala akong planong pahirapan sila. Ikaw lang naman ang makakasagot niyan.”

Nangalumbaba siya. “Does it matter if I am in love with an Alleje or not? Loving someone is already tough. Dadating din naman ang panahon na magiging masaya ka matapos ang paghihirap mo. You just have to love patiently.”

At iyon mismo ang ginagawa niya. Hindi niya alam kung ano ang maari nilang haraping pagsubok ni Reiven pero kakayanin nila iyon. Kakayanin nila.

“CONGRATULATIONS!” bati ni Sofiajade kay Reiven habang nakaupo sila sa tabi ng falls. “Akala ko talaga ikaw na ang mananalo kanina.”

Winiligan nito ng tubig ang mukha niya. “Nananadya ka ba? Natalo nga ako ni Kuya Reid.Wala na ang privilege na I-reserve sa akin ang Forest Trail once a month.”

“Pwede mo namang masolo itong gubat kapag birthday mo o birthday ko. Bukod pa iyon sa every quarter pwede mo itong ipa-reserve.”

“At dapat kong ipagpasalamat iyon?”

“Losers can’t be choosers. Maging masaya ka na lang sa ibinigay niya.” Naging seryoso ang mukha nito. Mukhang di natuwa sa kantiyaw niya. Humawak siya sa braso nito. “Sorry. Di ka naman talaga loser. You did your best.”

“I am giving up those privileges, Sofie. I want something else.”

“What? A grand villa at Forest Ridge?” tanong niya. Mas gusto nito na malapit sa Forest Trail at tanaw iyon mula sa linya ng mga villa na itatayo sa Forest Ridge.

“I just want to build a treehouse. Iyon naman ang pangarap ko noon pa.”

“Treehouse? Ayaw mo ng grand villa?”

“Gusto ko lang ng simpleng lugar kasama ang babaeng mahal ko.” Inilahad nito ang kamay. “Sasama ka ba sa akin kung doon tayo titira? It may not be a grand villa but it would be a grand treehouse.”

Tinanggap niya ang kamay nito at humilig sa balikat nito. “Kahit pa siguro sa kuweba mo ako itira, walang problema sa akin.”

Kahit nga siguro saan siya kaladkarin na lupalop ng mundo ni Reiven ay sasama siya. It was just a dream before. Masaya na siyang mahalin lang ito. Ni hindi nga niya hiniling na mahalin din siya nito. Di niya alam na parang lumulutang pala ang pakiramdam kapag mahal din siya ng lalaking mahal niya.

“I want to give you something.”

Ipinikit niya ang mga mata niya. “Anong ibibigay mo sa akin? Kiss?”

“Something more beautiful than a kiss. I want to put my destiny in your hand.”

Isang malamig na bagay ang inilagay nito sa palad niya. Nang idilat niya ang mata ay white gold iyon na bracelet. But it has a peculiar red etched line.

“Bakit may red line pa?” tanong niya.

“This bracelet is akai ito. It is a like a couple’s bracelet.” Itinaas nito nang bahagya ang kamay. “May bracelet din ito na kaparis ng kanya.”

“Well, that means red line.”

“Watch!” Nang idikit nito ang bracelet nito sa bracelet niya ay kumalas ang parte ng pulang linya at dumikit sa kabila. Magkadugtong ang dalawa.

“Wow! Parang may nagko-connect sa ating dalawa.”

“Akai ito is a red line that connects two people who are destined for each other.”

Kumislap ang mata niya. “Soulmates!”

“Exactly!”

She pouted her lips. “You don’t believe in soulmates, Reiven.”

“I used to. Para sa akin, kalokohan lang iyon. Na hindi magiging masaya ang isang tao kung tatanggihan niya ang nakatakda sa kanya. But when I decided to surrender to my fate and love you, I feel that it is true. Sabi ko, kalokohan kapag hindi na naipaliwanag ng Science. Kaya nang di ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko sa iyo, siguro nga totoo ang love. Totoo ang destiny. Totoo ang soulmates.”

Tiningnan niya ang magkaugnay nilang kamay. It was perfect. They fit together.

Nang mahalin niya si Reiven, basta minahal lang niya ito. She didn’t believe in destiny either. Para sa kanya, dinedesisyunan ng isang tao ang kapalaran niya. But now, she was ready to believe in everything. Gaya ng paniniwala ni Reiven na silang dalawa ang para sa isa’t isa.

“Hindi kaya itakwil ka bilang alagad ng siyensya kapag narinig ka nila.”

Niyakap siya nito. “To hell with them. Ikaw lang ang mahalaga sa akin. Para kahit na magkalayo tayong dalawa, hindi mawawala ang linyang nag-uugnay sa atin. At di mo makakalimutan ang pagmamahal ko sa iyo.”

Tiningala niya ito. “At bakit? Aalis ka ba?”

“Kailangan ko munang pumunta ng Venezuela.”

Naglaho ang sayang nararamdaman niya. “Bakit? Dahil kay Keziah? Are you in love with her?”

Umiling ito. “No. Trabaho lang ang pinagsamahan namin. Wala kang dapat ikatakot. You are my akai ito.”

“Well, kung trabaho lang din naman, bakit babalik ka pa sa kanya?”

“May kailangan lang akong tapusin. Hangga’t di ko natatapos ang problema ko, baka di kita magagawang mahalin nang buo. Kailangang gumising ako isang araw na kaya ko nang harapin pati ang sarili ko. And I am doing this for us.”

Puno ng takot ang puso niya. Sa bawat salitang bitawan nito ay parang di na ito babalik sa kanya. Iyon marahil ang pinakamabigat na pagsubok sa kanya. Hindi iya alam kung anong klaseng panganib ang susuungin nito.

“I want you to keep this. Hindi ko alam kung kailan ako babalik. Waiting could be tough. Pero kapag nakikita mo ito, parang nandito lang ako. Di mo ako mami-miss.”

“Pwede bang hindi kita ma-miss?” Nangilid ang luha sa mata niya. “May akai ito ka pang nalalaman. Mas naiiyak kaya ako kapag ganito. Mami-miss mo ba ako?”

“Of course. May email naman at chat. Pwede kitang tawagan sa cellphone.”

Hindi ganoon kadali na pakawalan ito. Pero importante kay Reiven ang gagawin nito. May mga bagay itong tinatakbuhan na dapat nitong harapin. Di niya maaring ipagkait dito ang pagkakataon nito para matahimik.

Kinintalan niya ito ng halik sa labi. “Just come back to me, Reiven.”

Lalagpasan niya ang takot niya. Titiisin niya iyon dahil alam niyang importante kay Reiven ang hinaharap nitong laban. She would wait for him.

SASABOG na ang eardrum ni Sofiajade sa Spring ni Beethoven na paulit-ulit na pinapatugtog ng kapatid niyang si Myco. Bakasyon nito sa special security academy na pinapasukan nito at may special training ito sa Tokyo kaya sa apartment niya ito tumuloy. Pero gusto naman nitong paduguin ang tainga niya sa classical music.

“Myco Gosiaco, anong sumapi sa iyo at puro classical ang pinapatugtog mo?”

Mahilig sa gothic music ang kapatid niya. Dati nga ay nasermunan pa ito ng papa niya dahil mukha daw miyembro ng kulto dahil lagi itong nakaitim. May itim pang lipstick at maging ang nail polish ay itim din. May pagka-rebelde kasi ito noong naging teenager. Nagbago lang iyon nang pumasok na ito sa mala-military nitong training sa academy.

“Sabi ni Kuya Reiven, pang-matatalinong tao daw ang classical. Gusto ko pang lalong tumalino kaya iyan ang pinapakinggan ko.”

Doon yata sila di magkakasundo ni Reiven. Sa classical music. Hindi talaga sila close nila Chopin, Beethoven at Mozart.

“Mabuti pa samahan mo na lang ako sa Akihabara.”

Pinigilan nito ang braso niya at umiling. “Sabi ni Kuya Reiven, di ka daw pwedeng pumunta sa Akihabara nang walang permiso niya. At bawal daw na makinig ka ng CD ni Hideaki Takizawa at kung sino pang guwapong artist. Itinago ko ang CD mo.”

“Ha?” bulyaw niya dito. “Bakit lahat na lang ng sabihin niya sinusunod mo? Sino ba ang kapatid mo sa aming dalawa? Siya o ako?”

“Ikaw. Pero mas gusto ko siyang maging kapatid dahil matured na siya. Hindi ko nga alam kung anong virus mayroon ka at naging boyfriend mo iyon.”

“At pakiramdam mo matured ka na? Hindi, oy!” Dinuro niya ang dulo ng ilong nito. “Chibisuke pa rin kita, totoy!” Chibisuke ang tawag niya dito dahil mas bata at maliit ito sa kanya. Cute naman kasi si Myco kahit noong bata pa.

Tumayo ito. “Stop calling me chibisuke. Mas matangkad ako sa iyo!”

“Kahit na anong sabihin mo, chibisuke pa rin kita.”

Tumalon siya at niyakap ito. Nawalan ito ng balanse at bumagsak. Natabig nito ang lamp table niya at bumagsak ang gamit na nakapatong doon.

“Ate kasi!” bulyaw nito sa kanya. “Umayos ka nga!”

“Sorry. Hindi ko sinasadya.” Nahigit niya ang hininga nang makitang basag na ang cherry blossom glassball na bigay sa kanya ni Reiven. “Ang sakura world ko!”

“Ang likot mo kasi, Ate. Lilinisin ko.”

Itinaas niya ang palad. “Hindi. Ako na ang maglilinis. Manood ka na lang ng TV.”

“S-Sige. Okay ka lang diyan?” anito at inayos ulit ang mesa.

Maya maya pa ay narinig niya ang balita sa CNN. Kailangan ng kapatid niya na ma-expose sa iba’t ibang klaseng balita dahil kailangan nito bilang security expert.

Kakaibang kaba ang naramdaman niya habang nililinis ang nabasag na glassball. Hindi niya alam kung bakit bigla niyang naisip si Reiven. Nagkausap pa sila kagabi. Mukha namang okay lang ito sa Venezuela. Wala daw siyang dapat ipag-alala. Nagi-guilty lang siya dahil di niya naingatan ang glassball na bigay nito.

Napapitlag siya nang alugin ni Myco ang balikat niya. “Ate! Ate!”

“O, bakit?” tanong niya at tiningala ito.

“Hindi ba Manato Laboratories ang company nila Kuya Reiven sa Venezuela?”

Tumango siya. “Oo. Bakit?”

Puno ng takot ang mga mata nito nang muling tumingin sa TV. “Iyon ba?”

Dali-dali siyang tumutok sa TV. Ipinapakita ang pagsabog sa Manato Laboratories sa Venezuela sa di malamang dahilan. Dapat daw ay mag-iinspeksiyon doon ang mga awtoridad dahil hinihinalang gamit iyon bilang bioterror laboratory nang maganap ang pagsabog. Marami nang mga tauhan ng kompanya ang nasugatan at namatay.

Nanlulumo siyang sumalampak sa sahig at kinapa ang telepono. “Si Reiven!”

Oras ng trabaho kaya tiyak na naroon si Reiven. Gusto niyang malaman kung ano ang nangyari dito. Buhay ba ito? Sana ay day off ito o kaya ay may seminar. O break time. Kahit saan basta malayo sa pagsabog.

Pinainom siya ng tubig ni Myco. “Ate, ako na ang tatawag sa kanila.”

Yakap niya ang tuhod habang tinatawagan ni Myco ang contact nito sa Venezuela para kumuha ng eksaktong impormasyon. Sinubukan din nitong tawagan ang mga Alleje.

Maya maya pa ay inabot nito sa kanya ang telepono. “Ate, Reid Alleje.”

Di agad si Reid ang narinig niya kundi ang pag-iyak ni Allegria sa kabilang linya. “Hello! Sir Reid, how’s Reiven? He is safe, right? Wala siya sa laboratory…”

“I am sorry, Sofiajade.”

Mahabang sandali itong di kumibo. Dinig na dinig niya ang tibok ng puso niya maging ang pagbuntong-hininga ni Reid sa kabilang linya. At sa mahabang sandaling iyon, parang nakabitin din ang buong buhay niya.

“I want the truth,” matapang niyang wika.

“Reiven is gone.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.