“How’s your trip?” tanong ni Myco at ibinagsak ang sarili sa tabi ni Sofiajade. Nasa sala siya ng bahay nito sa Stallion Riding Club. Mula sa Aringan ay nagpasundo siya sa chopper at nagpahatid doon. Matapos ang nakakapagod na lecture niya sa mga bata ay nagdesisyon siyang umuwi agad.
“Great!” Inilipat niya ang photo album sa kabilang page. Hinaplos niya ang picture ni Reiven na nakatayo sa tabi ng snowman habang nakayakap siya dito. It was their first Christmas in Japan together. “Look! Kahit nakasimangot si Reiven mas charming pa rin siya sa snowman.”
“Matagal mo nang hindi binubuklat iyan,” komento ni Myco.
“Talaga? Masyado na ba akong busy para makalimutang tingnan si Reiven?”
Sinadya niyang isubsob ang sarili sa trabaho. Iniiwasan niyang tingnan ang mga lumang picture ni Reiven dahil mas gusto niyang buhayin ito sa pagpunta sa mga lugar na dati na nilang pinupuntahan o gawin ang mnga bagay na madalas nitong gawin katulad ng pagkahilig nito sa classical music.
“Babalik ka na ba sa Japan?” tanong nito.
“That’s the plan. Di ko rin naman matatagalan na iwan ang trabaho ko. Sayang naman kung maunahan kami ng ibang company na mag-launch ng product.” Kadalasan sa technology world, kung sino ang nauna ay siya ang sikat. And that was where Hinata Industries was good at. Ang maging pioneer.
Gusto niyang bumalik sa normal ang buhay niya. Tulad ng dati bago pa niya makilala si Doctor Martin de Guia. Ayaw na niya itong makita. Ginugulo nito ang isip niya. Kaya kahit nangako siya kay Daeia na magtatagal pa ng ilang araw ay nagbago din ang isip niya. Mas malayo kay Martin, mas mabuti.
“So you don’t have to unpack your stuff?” tanong nito.
“Kukunin ko lang ang pasalubong ko sa iyo. Sandali lang!” Pumunta siya sa kuwarto niya at hinalungkat ang gamit. Inilabas niya ang jewelry pouch niya at dinukot ang wild boar’s necklace para kay Reiven. Sa halip ay ang akai ito bracelet niya ang nakuha niya. “O! Anong ginagawa nito dito?”
Tiningnan niya ang suot niyang bracelet. May dalawang akai ito siyang bracelet? Saka niya naalala na inilagay niya sa pouch ang bracelet bago siya pumunta sa falls. Baka kasi malaglag pa kapag naligo siya at mawala. Mahihirapan pa siyang hanapin iyon. Kung ganoon ay kanino ang bracelet na suot niya.
Tinawagan niya si Daeia. “Daeia, may nawawalan ba ng bracelet diyan?”
“Iyon nga sana ang itatawag ko sa iyo. Hinahanap siya ni Doctor Martin kanina. Importante daw iyon sa kanya.”
“Si Doc Martin?” May akai ito bracelet din si Martin na tulad ng bigay sa kanya ni Reiven. Inangat niya ang bracelet at sa panggigilalas niya ay nagdikit iyon. It fitted perfectly. Sabi sa kanya ni Reiven ay customized ang bracelet na iyon. At ang magkapares lang ang maaring magdugtong.
Ilang minuto na siyang nakapagpaalam kay Daeia pero nananatili pa rin siyang tulala. Paanong nagdikit ang bracelet na bigay sa kanya ni Reiven at ang bracelet na pag-aari ni Martin?
“Ate, nasaan na ang pasalubong mo?” angal ni Myco. Iwinasiwas nito ang kamay sa mukha niya. “Nahipan ka ba ng masamang hangin?”
“Myco, I want all the information you can get on Martin de Guia. ASAP.”
Hindi pwedeng dalawa ang akai ito niya. Kailangan niyang matiyak kung sino nga ba si Martin de Guia. Ano ang taling nagdudugtong sa kanila?
“HOW can something so wrong feel so right all along. Catch me, I’m falling for you…”
Inalog ni Sofiajade ang dalawang maracas nang matapos kumanta si Celestine. Nasa Lakeside Bistro and Music Lounge siya para mag-relax. Di muna niya itinuloy ang flight niya papuntang Japan. Gusto pa niyang mag-aliw.
“Ang galing-galing mo, Tin! Isa pa!”
Tumikhim si Celestine. “Miss Sofie, pwedeng mamaya na po? Parang sirang plaka na akong paulit-ulit. Pabalik-balik na parang fungi. Puro iyan na lang ang kinakanta ko.”
“Tin, puntahan mo na ang customers natin at iwan mo kami,” utos dito ng pinsan niyang si Zairo, ang may-ari ng music lounge.
“Thank you po, Bosteng,” sabi ni Celestine at bahagya siyang kinawayan.
“Ah! Tintin, magkantahan pa tayo!” apela niya.
Dinampot ni Zairo ang microphone. “Sofiajade, huwag mong abusuhin ang mga tauhan ko. Manager ko si Tintin, hindi singing machine. Kung gusto mong marinig nang paulit-ulit ang kanta, bumili ka ng CD. Patugtugin mo.”
Inagaw niya ang microphone dito. “Killjoy ka talaga. Gusto kong makarinig ng love songs. Napagod lang akong kumanta kaya siya ang pinakanta ko.”
“Ano naman ang nakain mo at biglang gusto mong makarinig ng love song?” tanong nito at tumabi sa kanya. “Akala ko nabubuhay ka para sa classical music.”
Pumaling siya ng upo dito. “Kuya Zai, do you believe in destiny?”
“Oo naman. Tulad ko, destined na ma-in love sa akin ang mga babae.” Guwapo ang pinsan niya kaya lapitin ng mga kababaihan.
“Sa palagay mo ba pwedeng ma-in love sa isang tao ng dalawang beses pero dalawang tao talaga sila?”
“At paano mai-in love sa isang tao kung ang isang taong iyon ay dalawang tao rin?” pag-aanalisa nito sa tanong niya. “Ito bang taong ito ay may multiple personality kaya dalawan tao siya sa isang katawan? Baliw iyon!”
“Hindi! Ang hina mo namang mag-isip!”
Pinanlakihan siya nito ng mata. “Wala kang galang sa nakatatanda.” Bumukas ang pinto ng KTV room at pumasok si Myco. “Myco, ikaw nga ang umintindi sa ate mo. Pwede daw bang ma-in love ng dalawang beses sa isang tao pero ang taong iyon ay dalawang tao talaga.”
“Bakit mo ba kasi pinapansin iyang si Ate?” sabi ni Myco at kumuha ng beer mula sa bucket. “Ate, naka-drugs ka ba?”
“Heh! Matino ang isip ko. Saka iced tea lang ang ininom ko.” Inilahad niya ang palad. “Nasaan na ang pinapahanap ko sa iyo?”
Inabot nito ang folder sa kanya. “Kumpleto lahat iyan.”
“Ano naman iyan?” tanong ni Zairo at nakiusyoso.
Binuklat niya ang folder at bumungad ang picture ni Martin. Xerox iyon ng clipping sa magazine. It was an article for the new breed of warriors-the virologists. Nakaguwapo nito sa coat nito. Ruggedly handsome ito dahil sa may kahabaan nitong buhok na itinali para sa pictorial na ito.
“Martin de Guia, thirty-four years old, half-Venezuelan, single, Graduate of University of Maryland and virologist and epidemiologist for Megos Warriors,” basa ni Zairo. “Iyan na ba ang bagong love interest mo? Sa wakas!”
“Hindi naman siya bago. Matagal ko na siyang kilala.” Isinara niya ang folder. “Matagal na ninyo siyang kilala.”
“Ngayon ko pa lang siya nakita,” sabi ni Zairo.
Halos iduldol niya sa mukha nito ang picture. “Titigan mo. Hinid ba kahawig niya si Reiven? Hindi lang hawig. Reiven na Reiven. At kapag narinig mo ang boses, pareho din. I have a feeling that he is Reiven.”
“Hey! Hold that thought!” saway sa kanya ni Myco. Hinawakan nito ang balikat niya at tinitigan siya sa mata. “Ate, makinig kang mabuti. Reiven is dead. Nakita mo nang ilibing siya. And this man is not Reiven.”
“Sofiajade, hindi ito magandang biro,” iiling-iling na sabi ni Zairo. “Pwede mong sabihin na magkahawig lang sila at marami silang pagkakapareho. Pero di mo pwedeng sabihin na iisa lang sila.”
Inilabas niya ang pares ng akai ito bracelet. “Then ask the jeweler regarding these bracelets. Bigay sa akin nI Reiven ang isa. Ang kapares niyan ay nasa kay Reiven. Pero bakit may ganito ring bracelet si Doctor de Guia?”
“Coincidence?” anang si Zairo.
“It is destiny,” pagtatatama niya. May imbing ngiti sa labi niya nang lingunin si Myco. “Oras na hindi magkatugma ang dalawang bracelet na iyan at mali ako, kalimutan ninyong may pinag-usapan tayo kay Reiven at kay Martin de Guia.”
“At kung tama ka?” tanong ni Zairo.
“Imposible,” kontra ni Myco. “Pagkatapos nito, patahimikin mo ang sarili mo. Tigilan mo na rin si Doctor de Guia Let Reiven rest in peace.”
Tuwid niyang tiningnan sa mga mata si Myco. “Call me a lunatic if you want. Sa palagay mo ba gusto ko ito?”
“Then stop it!” mariing wika ni Myco.
“Not until I know the truth.”
Tumayo siya at taas-noong lumabas ng KTV room. Sinalubong siya ng malungkot na kanta ng in-house band. It was about longing for the one she loved who would never come back anymore.
Naniniwala din siya na di na babalik pa si Reiven. Pero may dahilan kung bakit nagsanga ang landas nila ni Martin. Kung bakit nangyayari ang lahat. At hindi siya ang tao na tatakbo sa kung ano ang ihinain ng tadhana sa kanya.
“FORESTS are home to microorganisms that are potentially dangerous to human health. Ecological tourism, wild animal smuggling, and the advance of economic activities into unpopulated areas could be the source of lethal diseases. The Amazon jungles represent an enormous repository of microorganisms that are still unknown and potentially lethal to human beings.”
Sofiajade sighed. Mukha siyang love struck high school student habang nakatitig sa guwapong kaklase niyang nagre-report at nangangarap ng gising. Only she was not a teenager. At puro professional din ang nakapaligid sa kanya. Nasa conference siya sa Sentosa, Singapore tungkol sa mga bagong threat sa mundo at ang mga advance na solution. And Martin de Guia was one of the speakers.
“Hiro, ang ganda ng boses niya. Intelihenteng-intelihente,” bulong niya sa kaibigan at boss. Dapat ay ibang staff ang kasama nito sa conference. May sariling presentation ito sa security threats and solution. At kung paanong nagde-develop sila ng technology na di makakasira sa kalikasan.
“I don’t think it is a good idea to bring you here,” iiling-iling na sabi ni Hiro. “Iyang lalaki lang na iyan pala ang ipinunta mo dito.”
“Hindi siya basta lalaki lang. He is my akai ito!”
Kumunot ang noo nito. “Akai ito?”
“Yes. My soulmate. My destiny. And you are such an angel for bringing me here, Suichiro! Magiging masaya kayo ni Jemaikha sa nalalapit ninyong kasal.” Masaya na ang kaibigan niya kaya oras naman para siya ang sumaya.
Ang bracelet na bigay sa kanya ni Reiven ang eksaktong kapares ng kay Martin. The jewelers confirmed it themselves. Kaya lalong tumibay ang hinala niya na si Martin ay si Reiven Alleje rin. Kung paano nangyari iyon ay si Martin lang ang maaring makapagbigay ng linaw.
“Tungkol diyan sa stupid theory mo na siya din si Reiven, stop it! Payong kaibigan lang…”
“Ang payo mo ay malamang galing din sa magaling kong kapatid. Narinig ko na iyan. Martin de Guia is not Reiven Alleje. Ah! Iyan din ang sinabi ni Kuya Zairo kahit nadagdagan na ang ebidensiya ko na iisa lang sila.”
“Reiven is dead,” anito sa malungkot na boses.
“No!” Ibinalik niya ang tingin kay Martin na dini-discuss ang mga hakbang na isinasagawa ng grupo nitong Megos Warriors para tumuklas ng mga bagong sakit ang agapan ang pagkalat niyon sa matataong lugar. “He is Reiven!”
“Oras na malaman ni Martin de Guia ang kalokohan na ito, iisipin niyang baliw ka. Imposible rin na sinapian siya ni Reiven. Gumising ka na!”
Hindi na niya napansin pa ang sermon nito dahil nagtayuan na ang mga tao at pinalakpakan si Martin. Ayon sa nakuha niyang impormasyon ay isa ito sa tinitingalang virus hunter sa mundo. Iyon mismo ang pangarap ni Reiven.
Naglapitan na ang marami kay Martin at kinamayan ito. Tumayo siya na din siya para lapitan si Martin pero pinigilan siya ni Hiro. “Last warning, Sofiajade. Kung sasabihin mo sa kanya na siya si Reiven Alleje, di ka na niya kakausapin pa kahit kailan. Just leave it alone.”
Nanatili siyang nakatitig kay Martin. She had gone this far. Sana noong una pa lang ay di na niya nalaman ang mga bagay na nalaman niya dito. She just couldn’t leave it alone. “Salamat sa warning, Hiro. Kaibigan talaga kita,” aniya at lumapit kay Martin.
Awtomatikong tumingin si Martin sa direksiyon niya at tumango nang lumapit siya na parang may pising humihila sa kanilang dalawa. Na parang alam na agad nito na naroon lang siya. Nagpaalam agad ito sa mga kausap at lumapit sa kanya.
“Miss Gosiaco.” Inilahad nito ang palad. “You are also here!”
“Hinata Industries has a product presentation tomorrow. Nice speech.” She tugged his necktie. “Nice tie. Bakit di ka nakasuot niyan noong unang beses tayong nagkita? You look so dignified.”
Di nito alam kung maiinis sa kanya pero pinili na lang ngumiti. “You are really a breathe of fresh air! May kasama ka ba?”
Nilingon niya si Hiro pero kausap na nito ang representative ng Pilipinas para sa National Defense. “My boss is busy with business.”
“How about dinner? May ka-date ka na ba?”
“Wala. Mag-isa nga lang akong magdi-dinner.”
“Kung hindi magagalit ang boyfriend mo, I’ll join you.”
She was awed when he took her to The Cliff Restaurant in Sentosa Resort. Nasa tuktok iyon ng Sentosa Island at tanaw na tanaw ang kalawakan ng South China Sea. Bumati agad sa kanya ang waterfalls, tension-edged swimming pool at ambient candles. It was perfect for a romantic date.
“Hindi naman siguro mamasamain ng boyfriend mo kung dito kita idinala. I think this is the best place in Sentosa.”
“I love it!” Hindi kasi siya nagpupunta sa mga romantic na lugar mula nang mamatay si Reiven. Namimigat lang ang dibdib niya. Parang si Martin lang ang may kakayahan na magdala ulit sa kanya sa ganoong lugar.
Hinaplos nito ang leeg at pumikit. “Hanggang ngayon di pa rin ako sanay ng nagsasalita sa public. I was at the edge a while ago.”
“No! You are good!” Di rin gusto ni Reiven na nagsasalita sa public. Hindi pa rin ito nagbabago hanggang ngayon. “You look so tired. Bakit hindi ka pumunta sa spa? Come on! Treat yourself.”
“Nah! Ngayon lang maluwag ang gabi ko. Bukas may dinner meeting pa ako sa ibang virologist at Anti-Bioterrorism Council. Di ko na rin matitikmang mabuti ang pagkain ko bukas so please bear with me.”
“They are more into Cajun dishes. Masarap kaya ang curry rice nila?” tanong niya habang tinitingnan ang menu. Iyon ang paborito ni Reiven.
“I don’t know. I don’t think I like curry rice.”
“Hindi mo pa naman yata natitikman. Try it. You will love it.”
Bahagyang kumunot ang noo nito. “Paborito ko rin iyan.”
“Okay lang ba sa boyfriend mo na nagdi-dinner ka kasama ang lalaking minsan mo nang nakitang…” Tumikhim ito.
“Hindi iyon nagseselos. Maliban na lang kung may gusto ka sa akin,” panghuhuli niya dito.
“I don’t trample over another man’s territory.”
“That’s good to hear.” Di ito katulad ng ibang lalaki na parang mauubusan ng babae. Marunong itong rumespeto. Very Reiven.
Pasulyap-sulyap din siya dito habang kumakain. Pinag-uusapan nila ang mga nangyari sa Tambogon matapos niyang umalis. Tubig at sanitation problem ang dahilan kung bakit nagka-epidemya sa Tambogon.
“Kumusta na si Aloy?” tanong niya. “Di mo ba nami-miss?”
“Dadalawin ko siya kapag may pagkakataon ako,” sabi nito. Di yata nito napapansin na sunud-sunod ang subo nito ng curry rice. He loved it.
Nasa kalagitnaan na sila ng hapunan nang may maalala niya ang bracelet. “May ibabalik pala ako sa iyo.”
Kinuha agad nito ang bracelet nang ipakita niya. “This is mine! Paano iyan napunta sa iyo?” tanong nito.
“I am sorry. Akala ko bracelet ko iyan. May ganyan din akong bracelet. Ganyan na ganyan din ang design,” sabi niya habang binabantayan ang reaksiyon nito. “Pag-uwi ko saka ko nakita pouch ko ang bracelet ko.”
There was warmth in his eyes when he put the bracelet on. “Nasa bulsa ko ito nang malaglag. Akala ko hindi na maibabalik sa akin.”
“Mukhang importante sa iyo ang bracelet na iyan. A girlfriend gave it?”
“No! My mother gave it to me when I graduated in college. She caught a hemorrhagic fever. Kaya ako nagpunta sa Amazon dahil naghahanap ako ng gamot. But I was not able to come back. Nagkasakit din ako doon at di agad nakabalik. Namatay na rin si Mama,” malungkot nitong kwento. Iyon mismo ang nakasulat sa imbestigasyon niya dito. Limang taon itong namuhay sa isang isolated na tribo kasama ang mga katutubo sa Amazon jungle. Isang grupo ng misyonero ang naka-diskubre sa tribo at tinulungan itong makabalik sa sibilisasyon.”
“Nice story but I don’t believe it.”