Nag-apoy ang mga mata ni Martin. “Sinasabi mo ba na sinungaling ako, Miss Gosiaco? What right do you have…”
Pinunasan niya ng napkin ang gilid ng labi niya. “Relax! Naniniwala ako na namatay ang nanay mo pagkaalis mo papuntang Amazon. Everybody thought you were dead. I just don’t believe that your mother gave you the bracelet. This is not the type of bracelet a mother would give to her son.”
“Why did you say so?”
“That bracelet is akai ito design. In Japanese, it means red line. That red line connects two people together. Soulmates. It is for couples.”
“Hindi ka naniniwala na nanay ko ang nagbigay nito?”
“It must have a partner.”
“Paano kung sabihin ko na iisa lang ang bracelet na ito? At nanay ko talaga ang nagbigay. Mahirap pa ring paniwalaan?”
Kinuha niya ang kamay nito at idinikit ang kamay niyang may suot na bracelet. “Watch!” Nagdikit ang latch ng dalawang bracelet. “See those lines? They connect. Kaya ginawa ang red design na iyan para ipakita ang koneksiyon ng dalawang tao sa isa’t isa. Soulmates.” Wala na itong kawala sa kanya ngayon.
Discomfort was written all over his face. Pilit nitong pinaghiwalay ang bracelet nila. “So you have your soulmate bracelet and I have mine. So what’s the big deal?”
“Doctor de Guia, ibinigay sa akin ng boyfriendko ang bracelet bago siya mamatay. Seven years ago, he died in a laboratory explosion in Venezuela. He is also a virologist like you.”
“Then I am sorry for you,” anito sa pormal na boses.
“Na-retrieve ang katawan niya. Hindi siya ma-identify maliban sa access card niya sa laboratory. Hindi kasama ang bracelet na ito sa accident scene. Hindi rin nakuha sa mga gamit niya. Now I know why. Nasa iyo ito.”
“So… you are telling me that we are… soulmates? Maraming ganitong bracelet, Miss. Hindi lahat ng meron nito, soulmate mo na.”
“Pwede bang magkaroon ng maraming soulmate ang isang tao? No. Iisa lang ang soulmate ng bawat isa. At kaya iisa lang din ang pwedeng makapares ng bracelet na ito. And you are my akai ito, Reiven Alleje.”
Mabilis itong uminom ng tubig. “Miss Gosiaco, I am a scientist. Sinasabi mo ba na ako ang reincarnation ng boyfriend mo?” Tumawa ito nang pagak. “This is not funny. That’s why I don’t want to watch drama series. Crazy!”
Nakakainsulto ang pagtatawa nito sa kanya pero pinanatili niya ang composure niya. Sigurado siya dahil nasa kanya ang lahat ng ebidensiya. Inilapag niya sa table ang picture ni Reiven. Kuha nila iyon sa falls sa Forest Trail. At ang isa naman ay kuha nito nang nakasakay ito sa kabayo.
“This is Reiven. Kahit saang anggulo mo tingnan, di nagkakalayo ang itsura ninyo. Even your voice.” Inilabas niya ang picture ni Martin de Guia sampung taon na ang nakakaraan. Patpatin ito at mukhang nerd. “And this is Martin de Guia ten years ago. Saan ka mas nahahawig? Hindi ba kay Reiven Alleje?”
“Nagbago ang itsura ko noong nasa Amazon jungle ako. Hindi biro ang buhay doon. You have to be physically fit to survive. Nag-adapt lang ang katawan ko sa sitwasyon. I did a lot a manual labor. Kaya nag-improve ang katawan ko. Nagkataon lang na may pagkakahawig kami ng boyfriend mo.”
“Reiven is a good horseman. His family is into equine business. The Allejes own the Stallion Riding Club. And he is a natural when it comes to horses.”
“Good for them. That’s a very popular riding club,” kaswal nitong komento. “Balita ko lahat ng babae sa Pilipinas gustong pumasok doon.”
“Ayaw ni Martin de Guia sa mga kabayo.”
“Pwede namang magbago ang gusto ng isang tao. I have…”
Nakuyom niya ang palad at binayo ang mesa. “Enough of your lies! Kahit ano pang sabihin mo, lalo lang tumitibay ang ebidensiya na ikaw si Reiven. This bracelet and even that curry rice that he loves so much! Sabi mo kanina ayaw mo tapos ngayon naubos mo lahat.”
“Your boyfriend is dead! May ebidensiya sila, hindi ba?”
“Hindi na makilala ang mukha niya,” mahina niyang usal. “Ngayon iniisip ko kung totoong si Reiven nga ang namatay doon.”
Tinawag nito ang waiter para sa bill nila at ibinigay ang credit card. “Miss Gosiaco, let’s just call this a night.”
“Paano mo ipapaliwanag na marami kang nakalimutan sa nakaraan mo nang bumalik ka sa sibilisasyon? You don’t recognize old friends…”
“Alam mo kung bakit nahirapan din akong makabalik sa sibilisasyon? Because I caught a fever so severe that I nearly died. It erased my memory. Nakilala ko ang sarili dahil sa diary na naisulat ko. And I am still a virologist now because my acquired memory is not erased. It is still intact. And claiming that I am your ex-boyfriend is worse than having an amnesia.”
Napahikbi siya nang naglakad sila palabas ng restaurant. “Why are you doing this to me, Reiven?”
“I told you I am not Reiven.” Tumigil ito sa paglalakad at hinawakan ang balikat niya. “At bakit ka umiiyak? Hindi kita pinaiiyak.”
“Kung ayaw mong umiyak ako, sabihin mo ang totoo.”
“Nasabi ko na ang totoo. Just accept it.”
Tahimik siyang umiiiyak habang sakay sila ng taxi pabalik sa hotel na tinutuluyan nila. Marami pa siyang gusto sabihin dito pero nararamdaman niya ang matnding galit nito. Baka bulyawan na siya nito kapag nawalan ito ng pasensiya sa kanya. It hurt her to the core. Siya pa ba ang sinungaling at baliw ngayon? Hindi ba nito nakikitang nagdurusa siya? Hindi ba siya nito mahal?
Inabot nito ang panyo sa kanya. “You are a mess. Clean up your face. Baka isipin ng mga tao may ginawa akong masama sa iyo.”
“Sana sinaktan mo na lang ako ng pisikal kaysa sinasaktan mo ako nang ganito, Reiven. Pitong taon kang nagtago sa akin. Pitong taon mo akong niloko. Tapos sasabihin mo sa akin na hindi ikaw si Reiven.”
“Because I am not Reiven Alleje!” he said in a hiss.
“Seven years. Hindi pa ba sapat sa iyo ang pitong taon na iniwan ako? Hindi mo na ba ako natatandaan? Ako ang babaeng mahal mo? We are soulmates…”
Pinigilan nito ang kamay niya nang tangkang ididikit ulit niya ang bracelet dito. “You want your soulmate?” Kinalas nito ang bracelet at inilagay sa palad niya. “Here. It is yours. Just stop bothering me.”
Ibinato niya pabalik dito ang bracelet.“Hindi bracelet mo ang kailangan ko! Ikaw! Come back to me, Reiven. Hindi ako magtatanong ng kahit ano. Hindi ako magagalit.”
Matalim siya nitong sinulyapan. “For the record, I am not Reiven Alleje. I am sorry about your boyfriend. I am sorry that we are so much alike. But I would never be him! Respect it. Kung hindi mo iyon kayang irespeto, mabuti nang huwag ka nang makita kahit na kailan.”
Nakatigagal siya nang bumaba ito ng taxi. DI agad siya nakababa dahl naparalisa siya. Ayaw na siyang makita pa ni Martin. Parang itinulak siya nito sa isang malalim na balon ng kawalan.
What’s the use of finding Reiven and losing him again?
“GOOD morning, Sunshine! Get up! Masarap mag-horseback riding ngayon. Doon tayo sa lake.” Kinalabit siya ni Emrei. “Sige na. Sabay na din tayo mag-breakfast.”
Sumikat na ang araw pero di pa rin siya bumabangon sa kama. Di na niya matandaan kung ilang beses na siyang nilubugan at sinikatan ng araw sa kuwartong iyon pero di siya halos natitinag. Babangon lang siya saglit para kumain ng konti o mag-CR pero matutulala na naman siya at dadapa sa kama.
Malapit siya sa mga pioneer members ng riding club lalo na sa mga kamag-anak ni Reiven. Parang prinsesa siya ng mga ito at protective sa kanya. Kaya naman kapag wala siya sa mood tulad ngayon ay to the rescue agad ang mga ito.
“Bago mo isama ng horseback riding iyan, utusan mo munang magsuklay at maligo,” bulalas ni Beiron na kanina pa rin siya inuutong bumangon.
Inamoy niya ang buhok niya. “Mabango pa naman ang buhok ko, ah! Amoy Stallion Shampoo and Conditioner pa iyan!”
“Sofiajade, ilang araw ka na bang hindi naliligo? Tiningnan mo ba ang sarili mo sa salamin? Pwede ka nang maging mangkukulam sa itsura mo,” anang si Emrei.
DI na rin niya alam kung kailan siya huling naligo at nagsuklay. Dalawa ba o tatlong araw? She had never been so depressed in her life. Pakiramdam niya ay namatay siya nang paulit-ulit nang sabihin ni Martin na ayaw na siya nitong makita.
Nang nabalitaan niyang namatay si Reiven ay di naman siya na-depress nang ganoon. Inisip agad niya ay kailangan niyang mabuhay sa mga taong naiwan nito. Kailangan niyang maging malakas at ipagpatuloy ang buhay. Kailangan niyang mabuhay para sa pagmamahal nito. Ngayon ay wala na siyang dahilan para ipagpatuloy pa iyon. Buhay nga ito pero di naman siya nito kinikilala.
“Aanhin ko ang kagandahan kung hindi naman niya ako mahal? Mabuti pang ganito na lang ako. Walang nagmamahal sa akin,” nakatulala niyang usal.
“Sofiajade, nagkakaganyan ka lang ba dahil sa lalaking iyon?”
Inangat niya ang ulo at matalim na sinibat ng tingin si Beiron. “Sino naman ang may sabi sa iyo na basta lalaki lang si Martin de Guia?” Wala siyang pakialam kung isa itong makapangyarihan na anak ng oil sheikh. Di siya papayag na kung anu-ano na lang ang itawag ng mga ito sa pinakamamahal niya.
Marami nang dumalaw sa kanya para lang palabasin siya ng kuwarto. Na-depress siya dahil mula nang mag-dinner sila ni Martin ay di na siya nito pinansin pa. Tuluyan na yata itong nagalit sa kanya.
Umuwi siyang bigo. Wala na siyang Reiven, galit pa sa kanya si Martin. Gumuho ang mundo niya. Kahit yata magkagiyera pa sa labas o dumalaw pa ang lahat ng Hollywood stars sa Pilipinas ay di pa rin siya matitinag.
“Si Martin de Guia? Iyong kahawig ni Reiven? Mas guwapo ang pinsan ko doon,” anang si Beiron at humalakhak. “What’s the use of going after the man who is not interested with you?”
“Mahal ko siya. Siya si Reiven. Nararamdaman ko iyon.”
“Marami mang similarities si Doctor de Guia kay Reiven, di ibig sabihin iisa lang sila. Walang alam ang lalaking iyon kundi humanap ng virus. At kung siya si Reiven, matitiis ba niyang hindi tayo makita?” tanong ni Emrei.
“Baka nagka-amnesia siya sa explosion. Baka…” Bumangon siya. “Hindi natin alam kung paano siyang nakaligtas doon. Pero sana maniwala kayo…”
“Sofiajade, I am sure kung buhay pa si Reiven, kasing successful din siya ni Doctor de Guia. Pwede ring ma-in love ka sa kanya dahil magkahawig sila. Pero unfair na sabihin mong iisang tao lang sila,” giit ni Beiron.
“How will you explain the bracelet? Si Reiven mnismo ang nagpagawa no’n?” tanong niya. Iyon ang ebidensiyang pinanghahawakan niya. “Kung ayaw ninyong maniwala, magpa-DNA test na rin si Martin para malaman ang totoo.”
“Sino ba pwedeng ireto natin ito para tigilan na niya ang kaiilusyon na buhay si Reiven?” tanong ni Emrei. DI naman nito pinapansin ang paliwanag niya.
Humalukipkip si Beiron. “Lalaki lang ba ang problema mo? May kilala akong pwedeng I-set up ng date sa iyo. Si Prince Rostam.”
“Iyong prinsipe ninyong playboy?” tanong niya.
Nasa pamumuno pa ng hari ang Kaharian ng Al Ishaq. At si Prince Rostam ang isa sa pinakamayaman at sikat na playboy sa buong mundo at siyang susunod na hari. Malapit ito sa mga Rafiq. Isa sina Beiron at Emrei sa mga taong pinagkakatiwalaan nito.
“Tingnan ko lang kung hindi mo makalimutan iyong sinasabi mong kamkha ni Reiven kapag nagka-date kayo. Kahit ang buhangin sa disyerto kaya niyang gawing ginto sa sobrang yaman niya. Ibibigay niya ang lahat sa iyo,” pang-aakit ni Beiron. “Kaya din niyang bayaran kahit ang utang ng Pilipinas.”
Hindi siya kumibo. Pinagmasdan lang niya ang pagkalagas ng dahon sa puno sa tapat ng kuwarto niya at tinangay ng hangin. Katulad din siya ng dahon. Nalagas at tuluyan nang nilipad sa kawalan.
Wala siyang pakialam sa utang ng Pilipinas o sa kahiti sinong prinsipe. Gusto niyang makita si Doctor de Guia. Makausap ito. Kahit na sabihin nitong di ito si Reiven. Kahit na di niya banggitin pa na ito si Reiven. Basta huwag lang siyang malayo sa piling nito. Titiisin niya kahit na nasasaktan siya. Gagawin niya ang lahat huwag lang itong tuluyang mawala sa buhay niya.
Nag-ring ang cellphone niya at matamlay niyang sinagot iyon. “Hello!”
“Sofiajade, this is Conrad.” Isa sa agents nila sa security agency ng pamilya nila. Isa rin ito sa magagaling nilang private detective. “I got Martin de Guia’s new schedule. Sa susunod na araw na ang flight niya papuntang Honduras. He has a virus hunting expedition with his team.”
“Do something to get me on that team,” utos niya dito.
“Pero puro virologist lang ang kasama niya doon. Di ka naman field ng medicine. Unless you help them with the technical stuff.”
“That’s brilliant. Send me all the information you can get including the contact number of Megos’ director. I owe you this, Conrad.”
“No problem!” anito at nagpaalam na.
“Yosh!” bulalas niya at bumangon sa kama. Pakiramdam niya ay naturukan siya ng adrenaline sa sobrang sigla. “Kailangang ihanda ko na ang flight ko! Diyan muna kayo, boys! Gusto nang makatikim ng Stallion Shampoo ng buhok ko!”
“Sasama ka na sa Al Ishaq para maka-date si Prince Rostam?” tanong ni Beiron. “Well, that is good news.”
Nilingon niya ang dalawa. “Pakisabi na lang sa prince ninyo na hindi siya ang type ko. Wala akong hilig sa Prince Charming. I have a date with a hot virologist!”
UMAALINGASAW ang amoy ng Stallion Shampoo at Conditioner matapos maligo ni Sofiajade. Pakanta-kanta pa siya habang nagbibihis. Gumaan ang pakiramdam niya matapos maligo. Parang nawala rin ang ilang araw na paghihinagpis niya. Ngayon ay papunta na siyang Hong Kong dahil may meeting siya sa director ng Megos.
Nang lumabas siya ng kuwarto ay nakaabang na agad sina Emrei at Beiron. “Nagbilin sa amin si Myco na di ka pwedeng umalis dito,” mariing wika ni Beiron. Sa tangkad ng dalawa at laki ng katawan, kahit yata sino ay pwedeng pigilan ng mga ito. Nanliliit nga siya sa mga ito pero di siya nasisindak.
“Kung gusto ninyo akong pigilan, labanan ninyo ako,” hamon niya.
Nagkatinginan ang magkapatid. “Alam mo naman na di ka namin kayang saktan, Sofiajade,” sabi ni Emrei. He was torn between stopping her and not hurting her. Kilala niya ang dalawa. Malambot ang mga ito pagdating sa mga babae.
“Then pabayaan ninyo ako,” sabi niya at nilagpasan ang mga ito. Wala na siyang oras dahil kukunin pa niya ang gamit niya sa condo niya sa Manila. Isa pa, kahit na labanan pa siya ng mga ito ay kaya niyang ipagbalibagan ang mga ito.
Kinuha ni Beiron ang luggage bag mula sa kaya. “Ako na ang magdadala sa kotse mo. There’s nothing we can do anyway. Si Myco lang ang makakapigil sa iyo.”
Pasakay na siya ng kotse nang saktong dumating ang kotse ni Myco. Nilapitan agad siya nito. “Hindi ka ba talaga magpapapigil?” Hinaklit nito ang braso niya at hinila siya pabalik sa loob ng villa nito. “Hindi ka makakalabas ng riding club.”
“Chibi-kun!” malambing niyang tawag dito.
“What?” singhal nito at lumingon.
Matamis siyang ngumiti at tinusok ng dalawang daliri niya ang parte ng leeg nito. Nabitiwan siya ni Myco. Di ito makagalaw at bumagsak sa lupa.
Mabilis itong dinaluhan nina Beiron at Emrei. “Anong ginawa mo sa kanya? Papatayin mo ba ang kapatid mo dahil sa lalaking iyon?” galit na tanong ng una.
“Don’t worry. Mapaparalisa lang siya sa loob ng isang minuto. Huwag ninyo siyang galawin lalo na’t di ninyo alam ang chakra points na makakapagpabalik sa kanya sa dati. Tatawagan ko kayo kapag nasa Honduras na ako!”
Saka niya pinaharurot ang kotse palayo. Nakita niya mula sa rearview mirror ng sasakyan niya na may tinatawagan sa cellphone si Beiron. She turned on the touch screen computer that was installed in her car. Naka-access iyon sa main database ng riding club. Nakita niya ang order na di siya makakalabas ng riding club.
Ngumisi siya. “As if you can stop me.”
She had a wireless network control program. Bago pa siya makarating sa gate ay nai-feed na niya sa computer ng security ng riding club na maari na siyang lumabas. Siya ang gumawa ng security system ng riding club. She knew how to manipulate it as well. Awtomatikong bumukas ang gate ng riding club. Eksaktong paglabas ng kotse niya ay nag-punch ulit siya ng code. The electronic gate closed and was locked down for three minutes. Para lang tiyakin na walang makakasunod sa kanya palabas ng riding club.
Naihampas niya ang kamay sa manibela. Nakalimutan niya ang special GPS o global satellite positioning device na pag-aari ni Myco. It was the best GPS that Hinata Industries developed. Kailangan na niyang mapag-aralan ang terrain map ng mga gubat sa Honduras para paghandaan ang pagsama niya kay Martin sa trip nito.
Tumigil siya sa bookstore na nasa malapit lang sa riding club. May isang minuto siya bago may makahabol sa kanya. “Excuse me! Do you have a special terrain map of the Honduras jungle?” tanong niya sa sales crew.
“At ano ang gagawin mo sa special map, Sofiajade?”
Drat! Nandoon ang pinsan niyang si Zairo. Tambayan ng mga members ng riding club ang bookstore na iyon. Matiim ang mga mata nito. Di pa nito alam kung anong gulo ang ginawa niya sa riding club at baka pilipitin nito ang leeg niya.
“I am off to Honduras,” kaswal na sagot niya. “There’s a virus business there. Pupunta doon ang team nila Reiven.”
Hinaklit siya nito sa braso. “Halika! Mag-usap tayong dalawa.”
Pumiglas ang babae. “Ayoko! Kailangan ko pang mag-empake dahil mamaya na ang flight ko. Kapag nakipag-usap ka, daig mo pa ang sermon ng pari. Kasing haba rin ng prusisyon kapag fiesta sa Quiapo.”
“Dahil hindi ka naman nakikinig. Wala kang pakialam sa mga taong nagmamahal sa iyo. Wala ka talagang awa sa sarili mo.”
Napipilan siya saglit. Lahat ng mga taong malapit sa kanila ni Reiven ay tutol sa ginagawa niya. Tingin ng mga ito ay nababaliw na siya. Maaring tama ang mga ito pero malinaw pa ba ang tama at mali sa isang taong nagmamahal?
Kinaladkad siya ni Zairo sa labas ng bookstore. “How long will you be miserable? Sinabi na ng lalaking iyon na hindi siya si Reiven! He is Martin de Guia. Kahit saang parte mo pa siya ng mundo puntahan, di siya magiging si Reiven.”
“Na-in love ka na ba, Kuya Zai?” tanong niya.
Umiling ito. “Not yet.”
“Kaya hindi mo alam kung paanong magmahal.” Itinulak niya at sumakay sa kotse. She heard the sound of the chopper. Mukhang may manhunt operation na sa kanya si Myco. “The riding club is in chaos right now. Pakisabi kay Myco na kung ayaw niyang lalo kong guluhin ang riding club, walang pipigil sa akin na pumunta ng Honduras para makita si Martin o si Reiven.”
Wala na itong nagawa nang patakbuhin niya palayo ang kotse. Alam ng mga tao sa riding club kung ano ang kaya niyang gawin.
Nobody could stop her seizing her destiny.