Chapter Reiven Alleje: Chapter 17

Nakahanda na ang ngiti ni Sofiujade pagbalas niya ng elevator patungo sa lobby ng hotel na tinutuluyan niya sa Tegucigalpa, Honduras. Naghihintay sa lobby ang makakasama niya sa virus hunting expedition.

Sa wakas ay makakasama na rin niya si Reiven. No. It’s Martin. Kung ayaw niyang sumakay sa susunod na flight palabas ng Honduras, di na niya ito dapat pang tawaging Reiven. She had to play his game to win.

Nakaupo sa couch si Martin at kausap ang isa sa mga kasamahan nito nang lumapit siya. “Buenos noches!” bati niya.

Dahan-dahang lumingon si Martin at tumiim ang anyo nang magtama ang mata nila. “Fancy meeting you here, Miss Gosiaco.”

For a moment, she thought moonlight danced around him. Ilang araw na madilim ang ulap sa paligid niya dahil akala niya habambuhay na siyang mabibigo dito. Pwes, bukas ay sisikatan siya ng araw kasama ito.

“Martin, she is your girl, right?” anang lalaki na kasama ni Martin.

“She is not my girl!” mariing tanggi ni Martin at di maipinta ang mukha nang iiwas ang mga mata sa kanya. Nalaman marahil ng mga kasamahan nito na nakipag-date ito. Di naman kasi nakikipag-date si Martin dahil trabaho lang ang buhay nito.

“I am Adolf Shearmur. Doctor Shearmur,” pagpapakilala ng lalaki.

“Nice meeting you, Doctor Shearmur!” Hindi ito mukhang doktor kundi rockstar dahil may kahabaan ang buhok nito at tadtad ng hikaw ang tainga. May red streak din ang blonde nitong buhok.

Ang Megos Warriors ay isang independent na grupo ng mga virologist, immunologist at epidemiologist. Gusto kasi ng mga ito na tumakas sa red tape at bureaucracy ng gobyerno. Pawang respetado ang mga ito.

“So you are here on vacation?” tanong ni Adolf sa kanya. “You can join me and Martin on a trip. If you like nature and jungles.”

Siniko ito ni Martin. “We are not going on a field trip. It is a virus hunting expedition. It won’t be pleasant for city girls who are looking for adventure.”

“I think it would be quite an experience. So what time are we leaving?” tanong niya sa dalawa.

“You are not going with us.” Matiim siyang tinitigan ni Martin. “And we don’t have time for a chat. May hinihintay kaming makakasama namin sa expedition.”

“Where the hell is that techno girl?” tanong ni Adolf at tiningnan ang relong pambisig. Naiinip marahil ito sa paghihintay.

Pumalakpak siya. “I am here. So let’s get started?”

“Doctor Shearmur, could you please leave us for a sec? Wait for Sci-Tech representative at the other table.” His dark eyes pierced her. Parang kahit huminga nang normal ay di siya nito hahayaan. “And we need to have a serious talk.”

“Sure!” aniya at inilapag sa harap nito ang memorandum mula sa director nito. Binasa nito ang sulat. “I will be a part of this virus hunting expedition to assist you with the new gadget. Nai-present ko na ito sa director ninyo. Mas maganda daw na makasama ako sa inyo. He told me that this trip is so important. At malaki ang maitutulong ng mga gadget na dala ko.”

“I want to see them!” sabi ni Adolf na nakatunghay sa balikat ni Martin at binabasa ang memorandum.

“The gadgets are in my suite. Check them then decide if I can be useful for this trip or not.” Nanatiling nakaupo si Martin sa couch. Parang nag-iisip pa kung sasama sa suite niya o hindi. “Doctor de Guia,” untag niya dito.

“Yes?”

“I won’t rape you. Hindi mo kailangang alalahanin ang puri mo.”

“I am not worried about anything!” he seethed. Saka ito taas-noong tumayo. “Let’s get it over with.” Parang gusto na nitong mawala siya agad sa paningin nito.

Nang makapasok sa suite niya ay komportable na agad si Adolf. Si Martin naman ay tuwid na tuwid ang likod. Parang isa itong sundalo na handang lumaban. He was definitely on guard.

“This is a traveller’s digital microscope. It looks like a mini-computer but it is programmed to analyze laboratory specimens.” She pushed the button. Lumabas doon ang slide na may ready nang specimen. “This is a blood sample.” Ipinasok ulit niya ang slide sa slot. Lumabas sa LCD screen ang microscopic image niyon. “This device has the power of an electron microscope and a computer.” Pinindot niya ang plus sign. “This is the zoom and you can easily capture images and store the information. It has its own hard disk and USB drive.”

“Wow!” manghang-manghang sabi ni Adolf. “Cool! We have a cool microscope at the lab but this one is way cooler. We can bring it anywhere.”

“It can be solar powered if by chance you are in a place with no electricity. Your director likes it. According to him, even CDC and WHO doesn’t have this kind of equipment.” Tinapik niya ang laptop. “It has its own solar panel. This laptop can either use solar power and electricity. It is waterproof, shock proof and you can connect to the Internet even if you are in the middle of the jungle. Try it!”

Dali-daling lumapit si Adolf at binusisi ang laptop at traveller’s microscope. Puro papuri ang natanggap niya pero nananatili pa ring passive ang ekspresyon sa mukha ni Martin. Nakahalukipkip itong lumapit sa kanya.

“Is this Hinata Industries’ technology?” tanong nito.

“The laptop is but not the digital traveller’s microscope. Hinata Industries is not into medicine technology. I designed it for Reiven. Alam ko na nakikipaglaban kayo sa oras. Mas mapapadali ang trabaho ninyo kung ito ang gagamitin ninyo.”

Ipinatong ni Martin ang kamay nito sa kamay niyang nakapatong sa laptop. “Anong kapalit ng lahat ng ginagawa mo?”

“I just want to help your cause.”

“Or you are doing this because you thought you found your boyfriend?” tanong nito at naglaban ang mga mata nila.

Huminga siya nang malalim ang binawi ang tingin dito bago nito makita ang pangingilid ng luha sa mata niya. Akala ba nito ay laro lang sa kanya ang lahat? “I am doing what I can to help, Doctor de Guia. Bawat isa sa atin dapat may gawing makakatulong sa iba. This is my way.”

“Martin, let’s take it!” Tinapik ni Adolf ang balikat nito. “I want to try these gadgets. So cool!”

“We are leaving tomorrow morning. Here are the things that you have to bring and do.” Inabot nito ang papel. Nakasulat doon ang mga kailangan niyang dalhin at gawin. It would be a more serious jungle adventure compare to her Cordillera trek.

Itinuro niya ang mountaineering backpack. “I am all set.”

“Pwede mong iwan ang passport mo sa office Megos. For safekeeping. Baka mabasa lang iyan sa biyahe natin.” Kumunot ang mata nito nang tingnan ang sundress na suot niya. “And I sure hope that you won’t wear a dress like that. Pupunta tayo sa gubat. Hindi tayo magbi-beach party.”

“Scared that I’d eat you alive?”

“We’ll fetch you tomorrw. I just want to remind you. Hindi tayo pupunta sa isang tour para mag-enjoy ka. It would be dangerous and tough. So just backout now.”

“Alam ko nang sa gubat tayo pupunta. Wala akong balak na maging pabigat sa iyo. Huwag mo rin sana akong tratuhing kaaway, Doctor de Guia. You are here on a mission. So am I. Magtulungan na lang tayo.”

She won’t let this opportunity go. Pero alam niyang di iyon magiging madali.

“HUMAYO ka, kaibigang Tom Sawyer! Maglakbay saan mo man naisin,” sabay na kanta nina Sofiajade at Adolf habang magkahawak-kamay na naglalakad sa Moskitia jungle. Umalingawngaw ang boses nila sa kalawakan ng gubat kasaliw ang iba’t ibang klaseng ibon at hayop. Papunta na sila ngayon sa mga kaloob-looban ng gubat.

Mula sa capital ng Honduras na Tegucigalpa ay sumakay sila ng eroplano hanggang sa bayan ng Rio Platano. Mula sa Palacios ay nagbangka sila papunta sa rehiyon ng Las Marias kung saan lalakarin na nila ang kaloob-looban ng gubat. Sa mahabang biyaheng iyon ay sila lang ni Adolf ang maingay.

“You two!” Sinibat sila ng matalim na tingin ni Martin na siyang nasa likuran ng guide nila. “Wala ba kayong planong manahimik?”

“I don’t understand Tagalog,” pa-slang pang sabi ni Adolf kahit na nakangisi. Ilang taon itong nanatili sa Pilipinas kaya matatas ito sa Filipino. At gustong-gusto din nito ang mga Filipino dubbed na anime at soap operas.

“At bakit magkahawak kayo ng kamay?” singjal nito at pinaghiwalay ang kamay nila ni Adolf. Inilabas nito ang alcohol sa belt bag at in-spray sa kamay niya. “Hindi mo alam kung anong bacteria o virus mayroon diyan.”

“My, my, Doctor Martin de Guia is protecting his woman!” tukso ni Adolf. “He is jealous! He is human!”

Pinusitsitan ni Martin ng alcohol ang braso ni Adolf. “Go away or I will feed you to the first jaguar or puma that I will see.”

Namutla si Adolf at dumistansiya agad sa kanya. “Amigos!” Nagtatakbo sa guide nila sa harapan para makipag-kwentuhan.

“Dapat ipinakain ko na sila sa mga buwaya kanina pa,” sabi nito at di pa rin maipinta ang mukha habang naglalakad.

“Doctor de Guia, hindi ba kayo nabo-boring?” tanong niya. “Wala akong naririnig kundi mga huni ng ibon, kuliglig, ahas…”

Inabutan siya nito ng tubig. “You should be saving her breath. Sa ganito katinding humidity, walang normal na tao ang nakakadaldal.”

“I am just relishing this wonderful experience. Cool ka lang!”

Ang Moskitia jungle ang itinuturing na Amazon jungle ng North America. Maraming world heritage site at protected wildlife area sa rehiyon. At dahil tropical rainforest ay napakainit at napakalagkit doon. Pero di niya magawang mabugnot dahil bukod sa walang sawa siyang nakakasilay sa kaguwapuhan ni Martin, inaliw naman siya ng kakulitan ni Adolf. Ito lang yata ang di seryoso sa grupo. Sa tagal ng biyahe nila, ayaw naman niyang mapanisan ng laway.

Bukod kina Martin at Adolf ay may kasama silang dalawang guide, dalawang babae at isa pang lalaking virologist na kabilang din sa Megos. Mukhang may competition sa papanisan ng laway ang tatlo pang iba at di palasalita. Di rin marahil kinaya ng mga ito ang matinding init

Mariin nitong hinawakan ang braso niya. “This is not some jungle ecotour. Mas ligtas ka pa sa Aringan at Tambogon kaysa dito. Maraming illegal loggers dito at mga narcos na handang pumatay ng tao kapag akala nila pakikialaman mo sila.”

Napangiwi siya. “That dangerous?”

“Your family has a security agency. Dapat alam mo iyan bago ka pa sumama sa virus hunting expedition na ito. Lahat kami may baril dito.”

“I didn’t bring one but I can do tai chi,” pagmamalaki niya.

“Aanhin mo ang tai chi kapag nabaril ka na?” kontra nito.

“Bago pa ako mabaril magtatago na ako.”

“Be serious! This is the real world. Hindi ka lang naglalaro ng computer games dito o nanonood sa TV. You are in the wild. You will deal with wild weather, wild animals and wild people. You could die here.”

“You don’t have to worry about me. Kaya ko ang sarili ko. I have a lesson in different kinds of survival. Hindi rin ako magiging pabigat sa iyo.”

“Bilisan mong maglakad. Baka abutan tayo ng ulan dito,” anito at hinila ang kamay niya.

“Uulan? Ang ganda-ganda ng panahon. Tirik na tirik ang araw.”

Nagulat siya nang makarinig ng malakas na dagundong ng kulog. Nang tumingala siya ay nagsisimula nang mag-ipon ang itim na ulap sa ulunan nila. Umihip ang malakas na hangin at naghunihan ang mga ibon. Parang gustong takasan ang malakas na ulang paparating. “Sofiajade, bilisan mo!” utos nito.

Isinuot nila ang mga raincoat nila nang bumagsak ang malalaking patak ng ulan. Humahagupit sa balat nila ang bawat butil ng tubig na galing sa langit. Takbo lang sila ng takbo kasunod ang guide nila.

“Hindi tayo pwedeng abutin ng dilim dito. Kailangan nating makahanap ng matutuluyan,” sabi ni Martin. “Dalawang oras pa daw iyon sabi ng guide natin.”

Pataas nang pataas ang inaakyatan nila. Nahigit niya ang hininga nang makita ang makitid na daan na kailangan nilang lakaran. Vertical cliff ang nasa taas ang at baba ng daan. Posibleng mabagsakan sila ng putik at bato mula sa taas at pwede rin namang tuluyan nang maglaho sa mundo kapag bumagsak sila sa ibaba.

“We have to cross this as fast and as cautious as we can!” utos ni Martin sa kanila. Isang pagkakamali lang ay pwede silang mamatay.

Nanginginig ang katawan niya sa lamig at matinding kaba. Kaya niyang sagupain ang lahat. Malupit na bagyo, lindol, ahas o kahit santambak pang terorista at mga drug lords at gangster. Kahit iharap pa sa kanya sina Voltes V at Diamos. Huwag lang siyang dalhin sa matataas na lugar. Nalulula siya.

“Sofiajade, huiwag kang titingin sa baba,” utos ni Martin sa kanya.

Nasa gitna lang siya ng piraso ng daan habang nagpipilit na bumalanse at huwag tingnan ang paa niya. Nakatuon lang ang tingin niya sa likuran ni Martin na nasa harapan niya. Nasa likod naman niya ang isa pa nilang guide.

“Konti pa makakatawid na tayo dito. Konti pa,” pagpapalakas nito sa loob niya. “May mainit na tayong tutulugan, bubong na masisilungan at makakakain din tayo ng hapunan. Masarap daw magluto si Mama Noemi.”

That was a treat. Napakasarap pangarapin. Para sa pagal niyang kaluluwa at katawan, isang paraiso marahil ang lugar na iyon. Kahit pa nga nabanggit sa kanya ni Adolf na parang bukbukin at luma na ang lodge na iyon.

Bumagsak ang lupang tinatapakan niya. Humiyaw siya nang naramdaman niyang hangin na lang ang tinatapakan niya at bumulusok siya pababa. Napakalalim ng bangin na huhulugan niya at malamang ay maglalaho na siya sa mundo oras na bumagsak siya sa baba. Ganoon na lang ba kadaling matatapos an buhay niay?

May kamay na sumambot sa kamay niya. “Sofiajade!” tawag ni Martin sa kanya. “Everyone, stay away from the edge! Keep your back against the cliff.”

Naramdaman niya ang pananakit ng balikat niya. “M-Mapuputol na yata ang braso ko. Babagsak na ako.”

“Isipin mo na kaya mo! Gusto mo na bang mamatay?”

May takot sa mga mata ni Martin nang tingalain niya ito subalit pilit nitong pinapalakas ang loob niya. Gusto pa nitong mabuhay siya.

Dapat na ba siyang mamatay? Nandito siya sa ganito kadelikadong sitwasyon para sa lalaking ito. Gusto niyang matiyak kung ito nga at si Reiven ay iisa. Kailangan niyang marinig mula sa bibig nito mismo. Gusto pa niya itong makasama.

Inabot ng isa pang guide ang kamay sa kanya. “Señora!”

Ibinigay niya ang buong lakas niya nang hilahin siya ng mga ito pataas. Parang wala na siyang hangin sa baga nang sa wakas ay nakasampa siya.

Tinanggal ni Martin ang bag niya at inabot sa guide nila. “Ngayon kailangan na lang nating malagpasan ito. Naririnig mo ba ako, Sofiajade?”

Tumango siya. Ginaya niya ang ibang mga kasamahang malapit nang makatawid at sumandal sa cliff. Mahigpit ang kapit ni Martin sa kamay niya at inaalayan siya. “Ilang hakbang pa. Ilang hakbang pa.”

Nang sa wakas ay nalagpasan nila ang cliff at natanaw na niya ang ilaw sa dako pa roon ng gubat ay napasalampak siya sa lupa. Humagulgol siya ng iyak.

Niyakap siya ni Martin. “Sofiajade, it’s okay. You are safe now.”

“B-Buhay pa ako, hindi ba? Buhay pa ako.”

Nararamdaman niya ang init ng katawan nito. Akala niya ay di na niya iyon mararamdaman pa. Na tuluyan na niya itong di makakasama.

“Yes. Hindi ako papayag na mawala ka. Not in my hands. Do you hear me?”

Tumango siya at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap dito. Nabubuhay pa siya para sa pagmamahal niya kay Reiven. Para sa lalaking ito.

Kinumusta din siya ng iba pang mga kasamahan. Nang alalayan siyang tumayo ni Adolf ay bumagsak din siya sa lupa.

“My legs can’t hold me up,” aniya at tiningala si Martin.

Pumalatak si Martin. Tinanggal nito ang backpack at inabot kay Adolf. “Take it. I will give her a piggyback ride.”

“B-Baka hindi mo ako kaya,” nahihiya niyang sabi.

“Anong gusto mo? Iiwan na lang kita dito?” Kumunot ang noo nito. “Kung hindi kita bubuhatin, kakaladkarin na lang kita maialis ka lang dito.”

“Tumalikod ka. Sasakay na ako sa likuran mo,” sabi niya.

Noong una ay nakasimangot pa siya dahil nagbanta itong kakaladkarin siya. Pero sa huli ay nakangiti rin siyang ihinilig ang pisngi sa balikat ni Martin.

“BUIhay ka pa ba? Hindi ka na makadaldal ngayon,” sabi nito.

“I am happy where I am right now. I am content that I am alive. Thank you. You really are my guardian angel.”

Ang sabi nila ay iba’t iba daw ang mukha ng guardian angel. Pero bakit iisa lang ang mukha ng guardian angel niya?

Wala na siyang pakialam sa pangalan nito. He would always be her angel.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.