Matapos ang buong araw na paglalakbay sa gubat, isang luxury na kay Sofiajade ang mainit na tubig sa mountain lodge na tinuluyan nila sa gabing iyon. The place was rustic but it was heaven. Titiisin na niya ang lumang inn na iyon kaysa naman sa malamig na gubat. Ang ang pinakamaganda pa doon ay mae-enjoy niya ang Stallion Shampoo and Conditioner at ang spa shower gel niya.
Para sa mga ecotourist ang lodge na iyon. Maswerte sila dahil walang naka-check in na tourist sa lodge kundi ay magte-tent sila sa labas.
Mahina na lang ang ulan nang matapos siyang maligo. Wala na ang dalawang virologist na kasama niya sa kuwarto. Baka bumaba na ito sa mess hall o kaya ay nagku-kwentuhan sa may terrace ng lodge.
Kaya naman in-enjoy niya pati ang pagsusuklay at pagtitig sa salamin. Iyon na lang ang pagkakataon ng lahat para mag-relax dahil sa mga susunod na araw ay pukpukan na ang pag-a-assist niya sa mga ito. Kailangan niyang trabaho ng mga ito para malaman kung ano pa ang kailangan niyang I-improve sa imbensiyon niya para bumagay sa pangangailangan ng mga ito.
“Miss Gosiaco!” tawag ni Martin sa kanya kasunod ang katok.
Binuksan niya ang pinto. “Yes?”
Tulad niya ay bagong ligo rin ito. Mas langit yata ang makita ito kapag bagong ligo. He smelled of the fresh rain and organic soap. Naka-dark gray itong long sleeve shirt na halos humakab naman sa katawan nito. Kaya naman di ito hiningal kaninang pasan-pasan siya. He was a demi-god.
His nose crinkled as he entered the room. “Anong amoy iyon?”
Inamoy niya ang sarili. “Anong amoy?” Wala namang patay na daga sa kuwarto niya. At di rin siya amoy patay na daga.
Kinuha nito ang ilang hibla ng buhok niya at inamoy. “Ito!”
“Mabango, hindi ba?” Siguro ay sasabihin nitong naakit ito sa kagandahan niya lalo na’t naamoy nito ang Stallion Shampoo sa buhok niya.
“Itapon mo na ang shampoo mo,” mariing utos nito.
“Ha? Anong problema sa shampoo ko? Alam mo ba na ang shampoo na ito ang dahilan kung bakit dinumog ang Stallion Riding Club at Stallion boys? Hindi mo rin ba alam na maraming mga babae ang gumanda ang buhay at nagkaroon ng magandang love life dahil sa shampoo na iyan.”
“So the shampoo is some kind of lucky charm? Gusto mo ring magkaroon ng magandang love life kahit na nandito ka sa gubat?”
He was on guard again. Sa takot yata nito sa kanya, iniisip nito na gagayumahin niya ito sa pamamagitan ng shampoo.
“Hindi. Gusto ko lang mag-shampoo. Di dahil nasa gubat ako, mag-aamoy lumot na ako. Pagkatapos ng pinagdaanan ko, shampoo na lang ba ipagkakait mo pa sa akin? Saka environment-friendly ang shampoo ko.”
Naging malambot ang anyo nito. “Masakit ang katawan mo?”
Iginalaw niya nang bahagya ang balikat at napangiwi siya nang parang piniga ang kalamnan niya. “Masakit dito.”
“I can offer you a massage. Wala ibang pwedeng magmasahe sa iyo. It’s either Adolf or me but he is busy with Rhyzie and Gemme.”
“Dapat ikaw ang minamasahe at hindi ako. Nabali yata ang balikat mo sa pagpasan mo sa akin.” Halos isang oras din siya nitong pinasan.
“Halos kasing bigat mo lang ang mountaineering pack ko.” Naroon kasi ang provisions nila. Pagkain, gamot at mga equipment ng mga ito. “Mamaya na daw ako ima-massage ni Adolf bago matulog.”
Kinuha niya ang massage oil at inamoy. Umubo siya at mabilis na inilayo ang massage oil sa kanya. “Bakit ganito ang amoy nito? Papatayin mo ba ako?”
“It’s a massage oil cum insect repellant.”
“It is also a man-repellant.”
“You don’t need a love life in a jungle, do you?”
So that was his game. He was resisting her as much as he could. Mukhang gumagana din ang utak nito. Wala itong balak na magpaakit sa kanya. Pwes, mahirapan ito sa pagkontra sa ganda niya kung kaya nito.
“Fine!” aniya at pumasok sa banyo.
Kinatok nito ang pinto. “Sofiajade, kung ayaw mo ng massage oil na ito, di kita pipilitin. We will use your own massage gel. But we need work out on those sore muscles. Baka mahirapan ka bukas. Mas mahaba ang lalakarin natin.”
Lumabas siya ng banyo suot ang robe niya. Naka-underwear na lang siya sa loob. “Magpapa-massage naman talaga ako sa iyo. Pero dahil sinabi mo na di na iyang nakakasulasok na massage gel ang gagamitin ko, use my spa lotion.”
Tinanggal niya ang robe. Bigla itong tumalikod. “W-What are you doing?”
“Magpapa-massage ako, hindi ba?”
“Di ko sinabing maghubad ka!” singhal nito.
Dumapa siya sa kama. “Hey, Doc! Kapag nagpapa-massage ka ba nakabalot ka pa ng damit ng pang-Eskimo? You strip your clothes off. I am not totally naked.”
Nanatili pa rin itong nakatalikod. “Hindi kita pwedeng I-massage nang ganyan. Dagdagan mo pa ang damit mo.”
“I won’t rape you. Promise Parang di ka pa nakakakita ng babaeng walang damit. Naturingan kang doktor.”
He faced her but he kept his eyes averted. Kumuha ito ng kumot at itinabing sa katawan niya. “H-Huwag mong tatanggalin iyan.”
“Kung ayaw mong makita ang katawan ko, pumikit ka!” Regular siyang magpa-spa at massage. Pero naiintindihan niya ang pagkailang nito. Unang beses lang din na mahahawakan ng lalaki ang katawan niya.
“It would be just a back massage, arms and legs massage.”
Pumikit siya. “Whatever you say. Hindi na rin ako magsasalita. Isipin mo na lang na si Adolf ang mina-massage mo.”
“Magbibigti si Adolf oras na may katawan siya tulad ng sa iyo. He loved women’s body but he’d die if he’s trapped in one.”
Ngumiti lang siya at humilig sa unan. Pinigil niyang umungol nang humaplos ang kamay nito sa balikat niya. It was tentative at first but after a few strokes, he was more comfortable with it.
“That was brave a while ago,” puri nito.
“Hmmm….” Ungol niya at nilingon ito.
“Hindi mo binitiwan ang kamay ko kahit natatakot ka na.”
“Tinanong mo ako kung gusto kong mamatay. Naisip kong ayoko pa.”
“Mula nang mamatay ang boyfriend mo, di ka na nagka-boyfriend ulit?”
“Hindi pa ako nai-in love ulit. My heart only beats for Reiven.”
“At sumunod ka sa akin dahil magkamukha kami.”
“Doctor de Guia, wala akong balak na matulog sa gubat. So mas mabuti pang ibahin na lang natin ang topic.”
Di niya alam kung sino ang mas tino-torture nito. Siya o ang sarili nito. Sinusubukan pa nito kung balak pa rin niyang ipilit ditong ito si Reiven?
“How did you survive without him?”
“Survive? Di ko alam kung iyon ang tamang term doon. You can call it that way because outside, I am perfect. I have a great career. After graduating magna cum laude from University of Tokyo, I took up my Masters in MIT. And now, I am Hinata Industries’ most precious brain. I have great family and friends. And I also have…” Natigilan siya. “Well, that’s all I have. A career, family and friends.”
That was all she got. Masaya naman siya pero may oras na nakatitig lang siya sa kawalan. Alam niyang may malaking puwang sa puso niya.
“I don’t have a family.” Bata pa lang ay patay na ang tatay nito at wala na rin ang nanay nito. “I don’t have friends. Just colleagues whom I can share my professional thoughts with. All I have is a career with viruses and bacteria.”
“Ayaw mo bang magkapamilya?”
“I am content with my life.”
“Hindi ka ba nalulungkot na mag-isa?” He was somewhat like Reiven. May mga taong nagmamahal dito pero mas gusto nitong mag-isa sa mundo nito.
“Una, overpopulated na ang mundo. Kaysa dumadagdag ako, sasagip na lang ako ng buhay ng iba. Mahalaga na rin iyong contribution sa mundo.”
She sighed deeply. “Ayaw mo bang I-share ang magandang lahi mo?”
“It’s not just the genes, Miss Gosiaco. Kapag may anak ka na, kailangan palakihin mo rin siyang responsableng tao. That’s an enormous task.”
“Paano kung ma-in love ka?” tanong niya nang braso niya ang minasahe nito.
“That’s so bad. It is not a part of my itinerary.”
“Kailangan ba ng schedule kapag na-in love? You just feel it. Hindi ka naman siguro robot na kailangan pang I-program para lang may maramdaman.”
Bumaba ito ng kama. “Put on your clothes. I think dinner is ready.”
His comment was cold. Sinong tao ang kailangang I-schedule kapag na-in love? Pwede naman nitong sabihin na ayaw nitong ma-in love. May itinerary pa itong nalalaman. He was not just cold. He was also weird. Bakit ba kailangang ganitong klase lang ng lalaki ang mahalin niya?
Lalo lang niya itong gustong mahalin.
BILING-BALIGTAD si Sofiajade sa kama niya. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang napag-usapan nila ni Martin kanina. Kung hindi ito si Reiven at pagbabasehan ang buhay nito bilang si Martin de Guia, ano ang dahilan nito para di makaramdam? Nasaktan ba ito? Wala ba itong naramdaman na pagmamahal kahit minsan? Even criminals and lunatics feel. Lahat ng tao ay may puso kahit na gaano pa kasama.
Bumangon siya at pumunta sa terrace ng lodge. Madilim na madilim sa labas at ang tanging tanglaw lang ay ang maliit na lampara sa magkabilang kanto ng baluster ng terrace. Mamasa-masa pa iyon dahil sa ulan.
“Hindi ka makatulog?”
She jumped when she heard Martin’s voice. “Doctor de Guia!” Nakahiga ito sa hammock na inuugoy-ugoy nito. Di niya ito napansin kanina dahil di naman ito gumagawa ng ingay. “Hindi ka rin ba makatulog?” tanong niya.
“Dito ako matutulog.”
“Pero hindi ba malamig dito saka mamaluktot ka sa hammock.”
Humalukipkip ito. “Mas matatahimik ako dito kaysa marinig kong maghilik si Adolf at ang mga kasama ko. Ikaw? Di ka sanay sa sobrang tahimik?”
“Pakiramdam ko may papasok na lang na paniki o flying tapir sa kuwarto ko. I am not used to unusual sounds.”
“Paano ka matutulog sa tent kapag nasa ibang location na tayo?”
“Hindi ako makakatulog sa tugtog sa music pod ko. Rock and pop kasi.”
Inabot nito ang headphone nito sa kanya. “Try this. Makakatulog ka dito,” anito at umusod sa hammock.
Humiga siya sa tabi nito. Ngumiti siya nang marinig ang pinapakinggan nito. “Wow! Beethoven’s Symphony number seven.” Pumikit siya. “This is nice.”
Habang idinuduyan siya sa hammock ay di na niya maramdaman na threat ang mga kuliglig at kung anupamang mapanganib na hayop na nasa kagubatan. The music calmed her and those threatening sounds emerged with the soulful music.
“I never thought that you are the classical type.”
“Dati wala akong hilig. Inaaway ko pa si Reiven dati dahil dumudugo ang tainga ko sa classical. Pero mula nang mawala siya, nakinig na ako ng classical music. Pakiramdam ko di siya malayo sa akin at nasa paligid lang siya.”
Malapit pero malayo pa rin dahil di niya ito nakikita. Lalo lang niyang nami-miss si Reiven. Pero habang nakahilig siya sa mainit na katawan ni Martin, pakiramdam niya ay naroon lang si Reiven. Di siya makaramdam ng pangungulila.
She didn’t dare voice it out. Ayaw niyang masira ang sandaling iyon. She could feel the delicious warmth of his body, the beat of his heart and even the rush of his blood. Reiven or not, he made her feel alive.
Inangat nito ang kamay niya. “Where is your bracelet?”
Tiningala niya ito. “Huh? Bakit mo hinahanap?”
“Importante iyon sa iyo, di ba?”
“I don’t want to make you feel uncomfortable. Tinanggal ko.”
“It is your link to Reiven. Dahil lang sa akin tatanggalin mo?”
“This trip is so important for him. I mean… importante sa kanya ang buhay ng ibang tao. Paano ako makakatulong kung maiilang ka sa akin?”
Hindi ito kumibo kaya pinili na rin niyang manahimik. She was just content having him beside her. Pumikit siya at pinakinggan habang nagsasalimbayan ang mga instrumento ng orchestra. The beat of his heart was the Concert Master.
“Sofiajade, nakatulog ka na yata,” bulong nito at hinaplos ang pisngi niya. “Ihahatid na kita sa kuwarto mo.”
“Hindi pa ako inaantok.”
Kung pwede lang ay di na siya matulog buong gabi basta manatili lang siya sa tabi nito. Kahit pa papakin siya ng santambak na lamok doon, masaya na siya.
“Hindi pwedeng hindi ka matulog.” Bumangon ito. “I’ll fix you tea.”
“I love tea! Anong klaseng tea?”
“Mountain tea,” matipid nitong sagot at pumasok sa lodge. Makalipas ang sampung minuto ay may dalawa na itong dalawang tasa ng mainit na tsaa. “Try it. Mare-relax ka diyan.”
Nilanghap niya ang usok. “Hmmm.. mabango!” Manamis-namis ang lasa niyon. “Parang chamomile na cherry blossom tea. This is heaven.”
“Muntik ka na ring makarating kanina sa langit kung tuluyan kang nalaglag,” anito sa malungkot na boses.
“I will be more careful next time. It is a promise.”
“Don’t risk your life, Sofiajade.”
Tinungga niya ang tsaa. “Bottoms up!” Inabot niya ang tasa dito. “Matutulog na ako. Thanks for the tea and the music. Goodnight.”
Alam na niya ang patutunguhan ng usapang iyon. He would ask her to stay out of his way. Hindi niya ito bibigyan ng tsansa na makipagtalo sa kanya tungkol doon. She wanted to stay beside him. Kahit na ano pa ang pangalan nito. Kahit na di nito aminin na ito si Reiven basta magkasama sila.
“Sofiajade!” tawag nito sa pangalan niya at hinila ang kamay niya. Her body collided with his. Inalalayan siya nito sa baywang. “Listen! I don’t want to see you hurt. Ayoko nang mangyari ang nangyari kanina.”
“Kung sasabihin mong huwag na akong sumama sa iyo…”
Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa kanya. Nahigit niya ang hininga. He smelled of forest and mint. He was primitively male. She could feel the heat emanating from his body. There was a golden fire in his eyes. He wanted to kiss her.
Napalunok siya. Oras na halikan siya nito, baka di na niya kayanin pang makipagtalo dito. Pero ano ang magagawa niya para pigilan ang lalaking ito na halikan siya. It was what she wanted ever since. Ang sumuko ito sa kanya.
Hinaplos nito ang pisngi niya. “I want to take care of you.”
Musika iyon sa tainga niya. His warm breath was caressing her skin. Pumikit siya. She wanted to feel his lips against her. She wanted to feel alive again.
NAALIMPUNGATAN si Sofiajade nakakairitang ingay ng mantled holler monkeys sa labas ng kuwarto niya. Naramdaman niya ang pagtama ng init ng araw sa mukha niya. Bumalikwas siya ng bangon at kinusot ang mata. Umaga na.
Sinapo niya ang ulo. Napahaba ang tulog niya. Ang huli niyang natatandaan ay pinainom siya ng tsaa ni Martin. She closed her eyes when he was about to kiss her. Pero ano nga ba ang nangyari matapos iyon? Nahalikan ba siya nito? Hindi naman siya papayag na di siya nito nahalikan. Natulog na lang ba siya nang di niya nalalaman?
Nang lingunin niya ang kama ay wala na doon ang gamit ng mga kasama niyang virologist. Ang alam niya ay madaling-araw dapat ang alis nila.
Dali-dali siyang nagbihis at di na nag-abalang maligo pa. Baka kanina pa naghihintay ang mga ito sa kanya. Mapapagalitan na naman siya ni Martin. Pagbaba niya ay nasalubong niya ang may-ari ng lodge na si Mama Noemi.
“Buenas dias, Señora Noemi! Dónde están mis amigos?” bati niya dito at hinanap ang mga kasamahan niya. Sinilip niya ang mess hall pero walang tao doon.
May inabot itong sulat sa kanya. Galing iyon kay Martin de Guia. Nagdesisyon daw ito na iwan na lang siya dahil lalong manganganib ang buhay niya. Nagpapasalamat din ito sa pagtulong niya pero di daw nito ibubuwis ang buhay niya para sa gadgets na dala niya. Maari daw siyang sumabay sa mga iba pang tourist na naroon sa lodge na babalik na sa Tegucigalpa. Binayaran na daw nito ang guide niya.
Mangiyak-ngiyak niyang nilukot ang sulat ni Martin. Ang tsaa na pinainom nito sa kanya. Malamang ay pampatulog iyon.
“¿Señora, qué quiere usted para el desayuno?” tanong nito kung ano ang gusto niyang agahan.
“¿Dónde fueron ellos?” tanong niya kung saan nagpunta sila Martin. Di nabanggit ni Martin sa kanya ang susunod na destinasyon ng mga ito. Nabanggit lang nito sa kanya kung saan-saang village sila maaring pumunta.
“Yo no sé!” Umiling ito. Hindi daw nito alam.
Nagtatakbo siya sa labas ng lodge. Gusto niyang habulin sila Martin pero di niya alam kung saang direksiyon nagpunta ang mga ito.
She felt so helpless. Napasalampak na lang siya sa lupa at umiyak nang umiyak. Bakit ipinagkakait nito sa kanya ang pagkakataong makasama ito? Wala siyang pakialam kung manganib man ang buhay niya basta kasama ito.
Pero wala na siyang magagawa. Wala na si Martin.
Tinakpan niya ang tainga dahil naririndi siya sa paghaharutan ng mga howler monkeys. Parang iniinis siya sa kabiguan niya. “Shut up!” bulyaw niya.
She felt miserable. Pati mga unggoy ay inaaway na niya ngayon. She was in the middle of nowhere without Martin. Ano pa ang silbi niyang manatili doon?
Inilabas niya ang Blueberry phone. “Myco! Chibi-kun! Nasa gitna ako ng gubat. Sunduin mo ako dito!”