Chapter Reiven Alleje: Chapter 20

Hindi maialis ni Sofiajade ang pisngi sa bintana ng twin-engine plane na sinasakyan niya papunta sa Puerto Malnado. Ayon sa coordinates na ibinigay sa kanya ni Adolf, nasa gitna ng Amazon jungle sa bahagi ng Peru matatagpuan si Martin. Dahil naghigpit ang Megos marahil para di na niya ma-monitor pa ang kilos ni Martin ay wala na siyang alam sa sitwasyon nito o kasong hinawakan nito.

Hinding-hindi na ito makakawala pa sa kanya sa pagkakataong ito lalo na’t may go signal siya mula sa papa niya. At dahil sumakit pareho ang ulo nila ni Myco sa chess match nila ay sinuspinde muna nila ang laro. Mukhang ayaw pa nitong mapasubo sa pagpapakasal sa kung sinong babae lang kung matalo niya ito.

Nagpa-book agad siya ng flight papuntang Lima, Peru. Naghihintay na doon ang Amazon Peru expert na tauhan ng papa niya na si Felix.

“Naghihintay na ang bangkang sasakyan natin sa Puerto Malnado. Mula doon, isang araw na lakaran papunta sa Yubidwa tribe. May isa o dalawang araw tayo.” Ayon sa nakausap nila ay iyon ang tribong nakatira sa location nila Martin. “Pero walang makuhang masyadong impormasyon sa kanila dahil itinigil daw nila ang pakikipag-trade sa ibang taga-tribo at ayaw din nila ng outsider. They could be hostile.”

“Mag-ingat na lang tayo.”

Hindi lang mga katutubo at mga mababangis na hayop ang pwede nilang maka-engkwentro. Gaya sa Moskitia Jungle ng Honduras, may mga rebelde, illegal loggers at mga narcos din doon. Baka mas mapanganib at mas mabagsik pa.

Isa pa, di rin niya alam kung anong klaseng virus ang hinaharap nila Martin ngayon. Baka di rin siya protektado laban sa mga kalabang di nakikita ng mata. Saka na niya iisipin iyon. Kailangan lang niyang makita si Martin.

The lush greenery soothed her mind. Naalala niya ang Forest Trail na kasama niya si Reiven at ang Moskitia Forest habang kasama si Martin. Both memories made her smile. At kailangang matatak din na magandang alaala sa kanya ang pagpunta niya sa Amazon. Hinaplos niya ang dalawang akai ito bracelet sa braso niya. Martin could never cut their bond.

Hindi na siya kasing ingay ng tulad sa Moskitia jungle habang nakasakay sila sa bangka na namamaybay sa Madre de Dios River. Mas maingat na siya ngayon. May dala rin siyang baril at jungle knife. Nakikiramdam din siya sa paligid. Baka mamaya ay may humarang sa kanila.

Bahagya siyang nakahinga matapos ang kulang ilang oras na paglalakbay sa Madre de Dios River. Walang aberya sa ngayon.

It was hot and humid on the jungle floor. Nabubulok na mga dahon at iba’t ibang vegetation ang natatapakan niya sa paglalakad. Nagtatayugan din ang mga puno. Halos di pa nagagalaw ng mga tao ang bahaging iyon.

“Wala ka bang balak na magpahinga?” tanong nito matapos ang mahigit isang oras nilang paglalakad.

“Ha? Gusto mo bang magpahinga?” tanong niya at nilingon ito.

“Hindi pa ako napapagod. Ikaw ang inaalala ko.”

Nag-thumbs up siya. “Nababagalan pa nga ako sa lakad ko. Gaano pa tayo katagal sa mga Yubidwa? Kaya ba nating kunin ng kalahating araw?”

“Relax. Baka naman malumpo ka na kapag hindi ka nakapagpahinga.” He checked his watch with GPS program. “Ilang oras pa, didilim na. May village dito na pwede nating tuluyan. Kung hindi, matutulog tayo sa gubat.”

“Hindi ba delikadong maglakad ng gabi? Kung hindi masyado…”

“Don’t push it. Kung ayaw mong ako ang tadtarin ng buhay ng papa mo,” sabi nito at inalalayan siya nang tumawid sila sa malalaking bato.

Kumakain sila habang nagpapahinga nang ilabas ni Felix ang baril. Hinila siya nito sa likuran nito nang humagibis ang sibat sa paanan nila.

Hindi na ito nakapagpaputok pa ng baril dahil napalibutan na sila ng mga lalaking may hawak na sibat at AK-47 na baril at may pinta sa mukha.

“¿Quién es usted? Qué quiere usted de nosotros?” Sino daw sila at ano ang kailangan nila sa mga ito.

Si Felix ang nakipag-usap dito dahil biglang nabura sa utak niya ang Spanish vocabulary niya sa sobrang takot. Di siya makasagot. Bakit naman ngayon pa nangyari ito kung kailan abot-kamay na niya halos ang minamahal niya? Ilang lakaran na lang. Ilang kilometro na lang at ilang bundok ang aakyatin ay magkikita na sila nito.

“Vamos! Vamos!” utos ng pinakapinuno na si Rogelio. Miyembro ang mga ito ng isang tribo na may contact na sa mga taga-lungsod. Patunay na moderno na rin ang pakikipaglaban ng mga ito gamit ang mga baril.

“Anong kailangan nila sa atin?” tanong niya at humawak sa braso ni Felix. Di naman siya matatakutin. Sa pagkakataon lang na iyon ay dehado siya sa laban. Dadalawa lang silang magkakampi ni Felix.

Dinala sila ng mga ito sa village. Papadilim na noon at sinisinop na ang mga bata sa tahanan. Nagluluto ang mga kababaihan sa mga palayok. Primitibo pa rin ang lugar na iyon sa maraming paraan.

Idinala sila ni Rogelio sa isang kubo, ang tahanan nito. Isang babae ang nakaratay doon. “Rosa, mi esposa.”

Ikinuwento nito na mataas ang lagnat ng asawa nito matapos dalawin ang kaibigan nito sa kabilang tribo. May sakit daw ang mga tao doon at maarin nahawa ito. Si Felix ang tumingin sa babae. Nagdedeliryo na si Rosa.

“Mataas na mataas ang lagnat niya,” sabi ni Felix.

Nagsalita si Rogelio sa pinaghalong Spanish at native dialect nito.

“Anong sabi?” tanong niya kay Felix.

“Ginawa na daw nila ang alam nilang paraan na itinuro ng dumalaw na doctor dito para sa dengue at malaria. Kaya lumapit sila sa shaman nila. Sabi ng shaman nila, para daw gumaling si Rosa kailangan nilang magkaanak. Sa palagay tuloy ni Rogelio mas kailangan nila ng doctor.”

“Si Martin! Doktor si Martin.” Ipinaliwanag niya kay Rogelio na may kilala siyang doctor pero kailangan pa iyong puntahan sa kabilang tribo. Sa mga Yubidwa.

Pumayag si Rogelio na dalhin si Rosa doon kasama ito at ang mga katribo nito. Gagawin daw nito na lahat para sa mahal na asawa.

HUMIHINGAL si Sofiajade sa bawat paghakbang. Umupo siya sa ugat ng malaking puno. “Sandali! Pwede bang magpahinga?” tanong niya.

“Sofiajade, kaya mo pa ba?” tanong ni Felix. “Gusto mo ba na paunahin na natin sila sa tribo? Kailangan na nilang dalhin si Rosa doon.”

“K-Kaya ko ito,” aniya at ipinilig ang ulo.

“Nasobrahan ka yata sa energy kahapon.”

Anim na oras pang lakarin pero parang umuugong iyon sa tainga niya. Di niya alam kung kaya pa niyang lakarin ang ganoon kalayo. Pagputok pa lang ng araw ay umalis na sila sa tribo nila Rogelio.

“Medyo masama nga ang pakiramdam ko.” Kumapit siya sa braso nito. “Uminom na ako ng gamot. Mamaya lang eepekto na iyon.”

Di niya alam kung bakit bigla siyang nanghina. Maingat naman siya sa iniinom at kinakain niya. Nilingon niya si Rosa na buhat-buhat ng mga kasama nito sa improvised ne stretcher. Nahawa ba siya kay Rosa? Ano ba ang sakit nito?

Hindi siya pwedeng mag-aksaya ng oras at maging pabigat sa mga kasama. Kailangan magamot agad si Rosa. At kailangan din niyang makita agad si Martin. Hindi siya pwedeng tatamlay-tamlay kapag nakita niya ito.

Naramdaman niya ang bahagyang paglakas ng mga tuhod niya. Baka umeepekto na ang gamot. Pilit pa rin siyang naglakad. Si Martin na lang ang nagpapalakas sa loob niya. Kailangang magkita na sila.

Kinuha na ng ibang taga-tribo ang gamit niya at inalalayan na rin siya ni Rogelio para mas mapabilis sila. Nakakita sila ng usok sa di kalayuan. Nang tingnan niya ang Blueberry phone niya ay kumpirmado. Malapit na sila sa location.

“Kaya mo pa ba?” tanong ni Felix.

Ngumiti siya. “Oo naman.” Humugot siya nang malalim na hininga. “Kaya ko na ang sarili ko. Huwag mo na akong alalayan.”

Ayaw niyang nanghihina siya kapag nagharap sila ni Martin. Kailangan niya ang talas ng dila niya at tapang ng loob niya kapag itinaboy siya nito.

Hindi siya babaeng mahina na isusuko ang pagmamahal dito. Di siya uuwing talunan. It would be Martin or nobody else.

Sinalubong ng mga Yubidwa ang grupo nila Rogelio. Nagkaroon ng pagtatalo ang mga ito nang makita si Rosa. “Ayaw nilang papasukin si Rosa?” tanong niya. “Pero kailangang matingnan si Rosa ng doktor.”

“Ayaw daw nilang magpapasok ng di nila katribo ngayon,” paliwanag ni Felix. “Lalo na daw ang mga babae.”

“May festival ba sila? O may importanteng ritual?”

Lumabas ang isa sa mga Yubidwa kasama si Adolf. “Sofiajade? What are you doing here?”

“Adolf, help that woman! She needs proper medication before she gets worse. Please!” pakiusap niya dito. Umupo siya sa lupa sa sobrang panlalambot. Pakiramdam niya ay gulay siyang nalanta.

“Yes! Yes, we will!” Nag-utos si Adolf na ipasok na si Rosa at patuluyin sa silid na pinaggagamutan nito. “You? You don’t look good.”

Binasa niya ang labi at pilit na ngumiti. “Where is Martin?”

Sinapo ni Adolf ang noo niya. “You are hot!” Tumakbo ito sa kubo. “Martin! Sofiajade is here. She is sick.”

“What?” bulalas ni Martin at dali-daling lumabas ng kubo. Nanlisik ang mata nito nang makita siya. “Anong ginagawa mo dito?”

Kinalas niya ang isa sa bracelet sa bisig niya. “Ibabalik ko lang sa iyo ang bracelet na ito. This is yours.”

“Hindi ba ibinigay ko na sa iyo iyan?” Sinapo nito ang noo niya. “Damn it! May sakit ka nga! Alam mo ba kung gaano kadelikado ang pagpunta dito. I ought to throw you to the jungle and feed you to wild animals. Pinasasakit mo ang ulo ko!” Binuhat siya nito at ipinasok sa isa sa mga kubo. Inilapag siya nito sa katre at kinuha ang stethoscope. “I want to wring your neck, Sofiajade! Alam mo ba na posibleng na-infect ka ng virus?”

“Kahit na humarap pa ako sa virus, basta makita lang kita.” Nanuyo ang lalamunan niya. Nahihirapan na siyang huminga. “Martin, you are my akai ito.” Inabot niya ang bracelet dito. “Will you accept that you are my destiny?”

“Saka mo na isipin ang akai ito na iyan!” anito sa matigas na boses pero mabilis ang kilos. Inilapat nito ang stethoscope sa dibdib niya at pinakinggan ang paghinga niya. Napapalatak ito. “We will get your blood sample.”

“Doctor de Guia, nakikinig ka ba sa akin?” tanong niya sa mahinang boses.

“Ikaw ba nakikinig sa akin?” Inabot pa rin niya dito ang bracelet. “Will you take my love?”

Tinitigan lang nito ang bracelet sa kamay niya. Akmang kukunin nito nang dumulas ang bracelet sa kamay niya. Nawalan na siya ng lakas. At unti-unti na ring nagdilim ang paligid niya.

PABILING-BILING ang ulo ni Sofiajade. Sobrang taas ng lagnat nito. She was almost delirious. Pinunasan niya ang noo nito at braso para bumaba ang lagnat. May suwero na rin ito sa braso pero di pa rin nagbabago ang kondisyon nito. Iyon din ang kondisyon ng halos lahat ng mga kababaihan sa tribo. Mataas na mataas ang lagnat. Nagdedeliryo at parang naghihintay na lang ng kamatayan.

“Bantayan mo siya,” aniya kay Felix, ang guide at bodyguard ni Sofiajade.

Padabog siyang lumabas ng kubo. Di niya alam kung paanong nakarating pa doon si Sofiajade. Akala niya ay inilalayo na ito ng pamilya at kaibigan sa kanya? Imposibleng pinayagan itong pumunta sa delikadong lugar na iyon ng basta-basta. At ngayon ay nanganganib pa ang buhay nito.

“You should see this, Martin.” Itinuro ng kasama niyang virologist na si Ron Isaac microscopic image sa screen ng traveler’s microscope nila. “That is Sofiajade’s blood sample. She has it.”

“Damn it!” bulalas niya at sinipa ang upuang kahoy sa harap. Dumating na ang kinatatakutan niya. Infected na rin si Sofiajade ng amazonia virus.

Isa iyong bagong strain ng virus na hanggang ngayon ay isang malaking hiwaga pa rin sa kanila. Nag-originate iyon sa Amazon jungle. At kaya tinawag na amazonia ay dahil tanging mga babae lang ang nai-infect niyon. May immunity ang mga lalaki sa naturang virus.

Ang mga nahahawa ng virus ay mula sa mga teenager o mga kababaihan sa puberty age at sa mga babaeng di pa nagme-menopause.

“Is she a virgin?” marahang tanong ni Ron Isaac.

“If she is, she only has less than twenty-four hours to live.”

Sinipa na naman niya ang upuan sa harapan niya. Of course, she is. Di pa ulit ito nagkakanobyo at mukhang ilag ito sa lalaki. Baliw na baliw pa rin ito kay Reiven Alleje hanggang ngayon.

Mabilis pumatay ang amazonia virus. May tatlong level iyon. Ang Level A para sa mga di pa nagkakaanak, tumatagal iyon ng buwan. Para sa Level B, tatlong araw naman ang itatagal ng buhay ng babaeng di na birhen pero di pa nagkakaanak. At para sa Level C o mga virgin, tumataginting na beinte kuwatro oras.

Kung alam lang niya na aabot sa ganoong punto, sana ay pumayag na lang siya na maging nobyo nito para di na siya nito hinabol pa. She was really crazy and scary when in love. Wala itong pakialam kahit mabingit sa kamatayan ang buhay nito. Bakit kailangan pa niyang maka-engkwentro ang ganoong klaseng babae?

“Hindi ka pa ba tapos sa inoculation?” tanong niya kay Ron Isaac. Isa ito sa pinakabagong miyembro ng grupo nila. Graduate ito ng UP at mas gusto nitong sumama sa kanya palagi. “Tiyakin mo lang na gagaling siya. O babaliin ko ang leeg mo kapag di mo siya napagaling.”

“S-Susubukan ko,” anito sa nanginginig na boses. Si Ron Isaac ang tumutuklas ng gamot at bakuna.

“Bakit ba siya nandto? Nagpapakamatay ba talaga siya? At paano niya nalaman ang location namin?” tanong niya sa sarili.

Inakbayan siya ni Adolf. “That woman loves you. If you tell her to stop loving you, she would just smile but she would do the next crazier thing given the chance. Isn’t she lovely?”

“She’s a major headache.” Pinagsalikop niya ang palad. Nanganganib na ang buhay nito at wala siyang magawa. Di sila pwedeng magpadalos-dalos sa gamot. Isa iyong leksiyon sa mga virologist. Minsan ang gamot pa ang mas nagpapadali sa buhay ng mga pasyente at di ang mismong virus. They were battling against time. Pero kailangan din ay makasiguro sila sa lunas.

“There is a way to save her,” wika ni Adolf.

“What? We don’t have anything that works.”

“The ritual.”

Ayon sa lumang kwento ng mga Yubidwa, ipinadala daw ang kakaibang sakit na iyon dahil ang tribong pinagmulan ng mga Yubidwa ay pawang mga amazona, isang tribo na pawang mga babae lahat.

Nang dumating ang sakit na iyon ay itinuring iyong sumpa, ang nais ang mga diyos ay makipagkaisa ang mga ito sa mga lalaki upang mawala ang sumpa. At hanggang ngayon ay iyon pa rin ang pinaniniwalaan ng tribo.

The fever heightens the libido level and sexual craving of a woman. Kapag di iyon nagawan ng paraan, mamatay ang biktima.

May inoculation na sila para sa mga Level A at B. Mas mabagsik ang Level C sa biktima nito. Kaya naman isinasagawa pa rin ng mga Yubidwa ang sinaunang ritwal ng mga ito para di mamatay ang mga tao doon dahil di pa rin nila nalulunasan ang Level C. Ngayon ay si Sofiajade ang nanganganib ang buhay.

“It has no scientific basis.” Kalokohan sa kanya ang ritwal na iyon.

“But it works. She just needs a partner,” sabi ni Adolf.

Kailangan ng kaparehang lalaki sa isasagawang ritwal. Maselan ang naturang ritwal. Mukhang iyon na lang ang paraan upang sagipin si Sofiajade. Pero sino ang makakapareha nito? Isa sa tagatribo? Nilingon niya ang dalawang kasama. Ang mukhang tisikong si Ron Isaac o si Adolf. Walang kahit sino sa mga ito ang pwede.

Hindi siya papayag!

Ipinilig niya ang ulo at tumayo. “I will do the ritual.”

Napanganga si Ron Isaac sa pagkabigla. “You are a scientist. You…”

“You shut up and work on the inoculation!” singhal niya dito. “Adolf, talk to the shaman. We have to perform that ritual as soon as possible.”

Gagawin niya ang lahat para sagipin ang buhay ni Sofiajade. Even if it would mean that they would be bonded forever.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.