Nanakit ang mata ni Sofiajade nang dumilat siya. Nagluha ang mata niya dahil sa usok na lumulukob sa kanya. Habol niya ang hinga at nananakit ang lalamunan niya. Pakiramdam niya ay sinusunog ang kalamnan niya sa di niya malamang dahilan. Noon lang siya nakaramdam niyon.
Pawis na pawis siya. May kakaibang pwersa na namumuo sa loob ng katawan niya. Hindi niya alam kung ano iyon. Itinaas niya ang kamay. She wanted it. She wanted to reach for it. Kung di niya makukuha ang bagay na iyon ay mamamatay siya. Iyon ang sinasabi ng sistema niya.
Kung mamamatay na siya at init ang nararamdaman niya, sa impyerno ba siya mapupunta? Magdurusa ba siya bago mawala sa mundong iyon?
Isang kamay ang humawak sa kamay niya. “Sofiajade.”
Unti-unting luminaw ang paningin niya. Sa likod ng makapal na usok ay naroon ang guwapong mukha ng lalaking mahal na mahal niya. Bakas ang matinding pag-aalala sa mukha nito. “Reiven?” nanulas sa bibig niya.
Tumango ito at tipid na ngumiti. “It’s okay. I am here.”
“Bakit nandito ka? Nasa Yubidwa ako, hindi ba?”
“Oo. Nandito ka pa rin.”
Nagpunta siya doon para ipaglaban ang pagmamahal niya kay Martin. Pero bakit si Reiven ang kasama niya ngayon na ayon sa lahat ay patay na.
Ilang beses niyang ikinurap ang mata subalit nananatiling nandon si Reiven. “Bakit ka nandito? Susunduin mo na ba ako?”
“No!” Hinaplos nito ang noo niya. “How are you feeling?”
Sunud-sunod ang paghugot niya ng malalim na hininga. Sumigid ang kakaibang init na nararamdaman niya sa katawan niya na noon lang niya naramdaman. “Parang nasusunog ako, Reiven. Sa impyerno ba ako mapupunta kapag namatay ako?”
“Ano bang impyerno ang sinasabi mo?”
“Masamang tao ako dahil ginulo ko si Martin. Pinilit kong ikaw siya. Pinasakit ko ang ulo niya. Marami akong ipina-ban sa riding club dahil sa masasama nilang sinasabi sa iyo at ginulo ko lang ang riding club para lang sundan si Martin,” kumpisal niya. “Na-ban ako ng kapatid mo. O baka dadalhin ako sa impyerno dahil galit ka sa akin. Mahal ko si Martin tulad ng pagmamahal ko sa iyo.”
Kung nakakausap niya si Reiven at hindi ito si Martin, ibig sabihin ay magkaibang tao ang dalawa. Napakalayo ng nilakbay niya para kay Martin pero wala siyang pinagsisisihan. Alam niyang tama ang naramdaman niya. Mahal niya ito.
“Shhh… huwag mong isipin iyan, Sofiajade.”
Naulinigan niya ang malakas na tunog ng tambol. Lalo niyong pinabigat ang pintig ng puso niya na sa bawat sandali ay nagpapasikip sa dibdib niya.
Noon lang niya napansin ang isang matandang lalaki na mahaba ang buhok at may pinta sa mukha. May hawak itong tungkod na may dahon sa dulo. It must be the tribe’s shaman.
Nakataas ang dalawang kamay nito, nakapikit ang mga mata habang umuusal ng dasal sa lengguwaheng di niya maintindihan.
“Anong ginagawa nila? Dinadasalan ba nila ako dahil mamamatay na ako?” Parang totoong-totoo na mawawala na siya sa mundong ibabaw. Nakaramdam siya ng kakaibang kilabot. Ano ang kasasapitan niya sa kabilang buhay?
Nahigit niya ang hininga nang makaramdaman siya ng bugso ng pwersa sa loob ng katawan niya. She had a fever inside her body that she didn’t know how to extinguish. May sakit siya na di niya alam ang lunas. Lalo niyang naramdaman ang panghihina at unti-unting pumikit ang mata niya.
Mahigpit na hinawakan ni Reiven ang balikat niya at bahagyang inalog. Halos bumaon ang daliri nito sa balat niya. “Hindi! Gagaling ka! Naririnig mo ba ako, Sofiajade? Hindi ka mamamatay. Gagaling ka.”
Through her hazed eyes, she tried to focus on him. Inangat niya ang kamay at hinaplos ang pisngi ito. He was warm. Deliciously warm as if he was alive.
Inilapit niya ang mukha dito. He was breathing. “Reiven, I can feel you.”
Hinalikan niya ang gilid ng labi nito. It was not enough. She wanted more. The hunger inside her became more painful. Inangat niya ang isa pang kamay at hinaplos ang buhok nito nang marinig ang kalansing ng metal. Nahagip ng mata niya ang dalawang akai ito bracelet.
“Reiven, nasa iyo din ba ang akai ito bracelet mo?” tanong niya.
“Wala. Nasa iyo, hindi ba?”
“Pero kay Martin ang bracelet na ito. Idinala ko ito sa kanya dahil ang alam ko siya ang destiny ko. Siya ang lalaking mahal ko.”
“Sofiajade, sino ba ang talagang mahal mo?” tanong nito.
Pinagmasdan niya ang maamo nitong mukha at sinulyapan din niya ang bracelet. Dapat ay si Martin ang lalaki para sa kanya. Pero kung kukunin na siya ni Reiven ngayon, iyon siguro ang tadhana niya. Sa huli, isa lang ang maari niyang maging akai ito. At si Reiven iyon.
She offered the bracelet. “Take it. It is yours. I am always yours.”
Tinanggal nito ang bracelet sa kamay niya at isinuot sa bisig nito. Ginagap nito ang kamay niya at nagdikit ang bracelet. “It is perfect.”
“Ibig sabihin maisasama mo na ako sa langit, hindi ba?”
“Hindi. Dito ka lang!” mariing tutol nito.
“Pero paano tayo magkakasama kung…”
He cut her words with a searing kiss. Gumapang ang bolta-boltaheng kuryente sa katawan niya. Kanina, pakiramdam niya ay mamamatay na siya at di na niya matitikman pa ang ganoong bagay sa mundo. Pero ngayon ay gusto pa niyang mabuhay nang mas matagal. Marami pa siyang bagay na gustong maranasan.
When was the last time that she was kissed by a man? Pitong taon na ang nakakaraan noon at si Reiven lang ang nakahalik sa kanya.
Maingat ang halik ni Reiven noon at lagi siyang inaalalayan. Kakaibang init ang ihinahatid ng halik nito. Pinag-aapoy ang bawat bahagi ng katawan niya. Pinatitindi nito ang pwersang kanina pa sumasalakay sa kanyang katawan.
Humaplos ang kamay nito sa braso at likod niya. His touch was setting her whole body on fire. Anong ginagawa nito sa kanya? Kung galing sa langit si Reiven, bakit gusto nitong lalo pang pagsiklabin ang init sa katawan nito. Gusto siya nitong tupukin pang lalo pagnanasa dito. Ito ba talaga si Reiven?
Mabilis siyang sumagap ng hangin nang naghiwalay ang labi nila. “Reiven…”
“Yes?” tanong nito at kinintalan ng halik ang paligid ng mukha niya.
“Dapat guardian angel kita, hindi ba?”
“Oo. May problema ba?”
“You are not supposed to make me feel this way?”
“Make you feel what?”
Binasa niya ang labi niya. Nanunuyo ang lalamunan niya. “You make my body yearn for you, Reiven.”
His thumb sensuously massaged her neck down to her shoulder. “Like this?”
“Yes,” she said in a hiss.
“What do you want?”
“I want you. I want you to be a part of me. Take me out of my misery, Reiven. Extinguish this fire inside me or I will die.”
Hinaplos ng daliri nito ang pang-ibabang labi niya. “No, baby. I want you to burn for me.”
UNTI-UNTING humina sa pandinig ni Sofiajade ang kanta ng matandang shaman ng tribo. Humina na rin ang tunog ng tambol. Silang dalawa na lang ni Reiven sa silid na iyon. Wala siyang pakialam sa nangyayari sa labas ng mundo niya dahil nang mga oras na iyon ay si Reiven lang ang tanging mundo niya.
Halos di siya hinihiwalayan ng labi nito. He was kissing him so fiercely that it made her head spin. Eksperto din ang bawat haplos ng kamay nito sa kanyang balat. Tinitiyak nito na bawat dampi ng balat nito sa balat niya ay lalong nagpapadingas sa apoy na naglalagablab sa kaibuturan niya.
His arms tightened around her and he pulled her against his warm delicious body. Malayang naglakbay ang kamay niya sa matipuno nitong balikat at dibdib. Bigla niyang binawi ang kamay na parang napaso.
“Sofiajade, bakit?” tanong ni Reiven.
Pinagmasdan niya itong mabuti. Mas matured na si Reiven ngayon kaysa pitong taon na ang nakakaraan. Tumatanda din ba ang tao sa langit? He was more like Martin than Reiven. Sa pangangatawan, sa itsura at sa boses. She didn’t even think that Reiven could be this passionate. He used to be in control and gentle. Parang ibang Reiven ang kasama niya ngayon.
Ipinilig niya ang ulo. “This must be a dream.”
“A dream?” Reiven asked in a sensual voice.
Tumango siya. Kadalasan ay naghahalo-halo ang mga nangyayari sa panaginip pero lahat ay maaring maging possible. Sa panaginip lang niya maaring mahawakan si Reiven. Sa panaginip lang niya ito pwedeng mahalikan at mahaplos. Sa panaginip lang niya ito pwedeng angkinin. And she could control her dream.
“Make love with me, Reiven,” pakiusap niya.
“That’s exactly the idea.”
Nagsilbi iyong go signal sa kanya. Di na niya inisip kung ano ang tama at kung ano ang mali. She just followed what her body was yearning for.
Mabilis ang pagkilos nila nang alisin ang lahat ng sagabal sa katawan nila. Hindi siya nakadama ng kahit anong pagkailang na nakikita nito ang kabuuan ng katawan niya. Maybe the desire took it all away.
“Sofiajade, I want you to trust me on this,” bulong nito.
Tumango siya. Di nag-aksaya ng kilos si Reiven. His lips and hands explored every part of her exposed skin. Her fever was reaching fever pitch. It was too much but she knew that she hasn’t reached the pinnacle yet. May kulang pa.
Pinigilan niya ang balikat nito. Nagtatanong ang mga mata nito. She kissed his lips with ardor. Nagulat si Reiven. Hindi nito inaasahan ang ginawa niya. This time, she would take the lead.
She pushed on his shoulder and he fell backwards. She moved over him and straddled his body. She took her time to glorify his body. It was like a sculpture of a demi god. A perfect masterpiece.
She had seen Reiven naked before. Pero hanggang tingin lang siya. Di niya ito nahawakan. Di niya ito nahaplos. Ngayon ay nagagawa na niya iyon kahit na sa panaginip lang. It was enough for her. Parang totoo ang lahat.
Kumunot ang noo nito at puno ng katanungan ang mga mata. “What do you think you are doing?”
“When I was a teenager, I once dreamt of being an Amazon. I would take a man as my captive, my slave. Magagawa ko ang lahat ng gustuhin ko sa kanya. You are my slave now, Reiven Alleje.”
She moved against him. She was taking everything she wanted but she still wanted more. Sawang-sawa na siya sa mga tanong na laging mailap ang sagot. Pagod na rin siyang lagi na lang nawawala sa kanya ang lahat ng kaligayahang nakalaan para sa kanya kung kailan gusto na niyang maging masaya.
Di na niya pakakawalan ang pagkakataong iyon. Hindi niya hahayaang maglaho na lang si Reiven at matapos ang magandang panaginip na iyon.
Reiven held her hips, stopping her move. “Sofiajade…”
Bago pa siya nakasagot ay naramdaman niya ang pagsigid ng sakit sa katawan niya. Nahigit niya ang hininga. She was a virgin.
Bahagyang bumangon si Reiven. Humawak siya nang mahigpit sa balikat nito. Bahagyang humupa ang sakit. Di siya makagalaw dahil natatakot siyang maramdaman na naman ang sakit na iyon.
May takot sa mata niyang tiningnan si Reiven. “Bakit nakakaramdam ako ng sakit? This is just a dream, right?”
“Relax!” Hinaplos nito ang buhok niya at hinagkan ang labi niya. “It is natural. Just close your eyes. I will take the pain away.”
Marahan siyang tumango. May tiwala siya kay Reiven na di siya nito sasaktan. She knew that he could make her feel better.
Reiven gently rolled her on her back. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan ang tunog ng kagubatan na bumalot sa pagkatao niya. Bumilis nang bumilis ang tunog ng tambol at bumilis din ang galaw nito. Dalawa silang mananayaw na sumasayaw saliw ng ritmo na singtanda ng panahon.
Nag-aapoy ang buong katawan niya. Nararamdaman niya ang daloy ng dugo sa ugat niya. Musika rin ang bawat paghinga ni Reiven.
Kanina ay may kontrol pa siya sa katawan niya ngunit ngayon ay ipinaubaya na niya lahat kay Reiven. He would take that searing pain away. She didn’t care if making love with him would kill her later.
Dahan-dahan siya nitong inaangat patungo sa alapaap. At kung kailan akala niya ay naabot na niya ang langit ay bumulusok siya pababa sa lupa. But it was not a painful fall. Reiven’s warm body cushioned hers.
“I love you, Sofiajade. Keep that in mind,” bulong nito sa kanya at kinintalan ng halik ang mga mata niya.
Gumuhit ang ngiti niya sa labi at ipinikit ang mga mata. Maaring pagdilat ng mata niya ay wala na si Reiven. Maaring bumalik na ito sa langit.
Kung totoo man o hindi ang panaginip niya, sana lang ay di na iyon mabura pa sa alaala niya. She had just made love with her guardian angel.
GUMUHIT ang ngiti sa labi ni Sofiajade. Maganda na naman ang panaginip niya. She made love with Reiven. Hindi lang isang beses. Maraming beses iyong nangyari na di na niya mabilang. Tuwing imumulat niya ang mga mata, matutuklasan niyang nasa tabi lang niya si Reiven, naghihintay na sambahin ang katawan niya.
Nang bumiling siya ng higa ay nakita niya si Reiven na nakahilig ang pisngi sa katre at natutulog. Ganito din ang itsura nito noong isang panaginip niya. Akala niya at ito si Martin pero nang halikan niya ito ay di naman ito tumutol. Iyon na naman ang simula ng isang napakagandang panaginip.
Kahit umaga, tanghali at gabi pa ang setting ng panaginip niya, pinagbibigyan siya ni Reiven anuman ang hilingin niya. Sana ay totoo na lang ang lahat.
Hinaplos niya ang dulo ng ilong ni Reiven. Umungol ito at dahan-dahang idinilat ang mata. “Good morning!” malambing niyang bati dito.
“Morning,” bati rin nito at tumuwid ng upo. Hinipo nito ang noo niya. “May sinat ka pa rin nang bahagya.”
Umusod siya palapit dito at hinaplos ang balikat nito. “Can I have you for breakfast?” tanong niya at inangkin ang labi nito.
Reiven kissed her back gently. Parang porselana siyang babasagin kung ituring nito. She was used to Reiven’s scorching kisses. Pero may pagkakataon na inaalalayan lang siya nito tulad ngayon. But just the same. His kiss was enough to burn her soul.
Biglang bumukas ang pinto at bumaha ang liwanag. “Martin!”
Marahas niyang nilingon ang pinto. Nakatayo doon si Adolf. May tinawag itong Martin. Ibinalik niya ang tingin sa lalaking hinahalikan niya kanina. “M-Martin?”
“Yes,” nakunot-noo nitong sagot.
Dali-dali siyang lumayo dito. Si Martin na ang kasama niya at hindi si Reiven. Tapos na ang panaginip niya.