Hindi makatingin nang diretso si Sofiajade kay Martin habang tsine-check nito ang vital signs niya. Matapos niya itong muntik na pagsamantalahan, wala na siyang mukhang ihaharap dito. Dala ba ng sakit niya kaya di na niya maihawalay ang katotohanan sa ilusyon? Iniisip siguro nito na cheap siyang babae para sunggaban na lang ito basta.
Nilalabanan niya ang kagustuhang titigan ito. Nanininikip lang ang dibdib niya dahil sa kakaibang init na lumulukob sa katawan niya. Kahit na nakadamit pa ito ay parang hinuhubaran niya ito sa isip niya at…
“Ayoko na!” mahina niyang usal at pumikit ng mariin.
“Anong ayaw mo? Hindi pwedeng di ka kumain,” mariing wika nito. “Tatlong araw nang walang laman ang sikmura mo.”
Maang niya itong tiningnan. Namali pala ito ng akala. Mabuti na rin iyon dahil baka ipakain siya nito sa mga anaconda oras na malaman nito ang tinatakbo ng utak niya. Tirik na tirik ang araw pero puro kahalayan ang naiisip niya.
Tiningnan niya ang soup na isine-serve nito na may dahon-dahon. “Ano iyan? Mabubuhay ba ako pagkatapos kong kainin iyan?”
“Hindi maganda ang lasa pero lalakas ka naman. Sofiajade, we are in the middle of the jungle and you are sick. You can’t be choosy. Ang importante mabawi mo ang lakas mo. You have to survive here.”
Iniumang nito ang kutsara sa kanya. Hindi niya gusto ang amoy. Maasim-asim. Baka sakaling mabura rin sa isip niya ang mga kahalayan sa isip niya kapag natikman niya ang soup na iyon. Isa pa, si Martin ang nagpapakain niyon sa kanya. Kahit pa siguro lason iyon ay malugod niyang tatanggapin.
Mapait na maasim-asim ang lasa ng soup. Pikit-mata niya iyong inubos. Hindi niya alam kung paanong nanghihina siya pero nagagawa pa rin niyang pagnasaan si Martin? Gaano na ba kataas ang libido level niya?
“Martin, ano ang nangyari sa akin? Hindi ko matandaan.”
“Dumating ka ng Yubidwa ng inaapoy ng lagnat. Nahawa ka sa virus na dala ni Rosa kaya tatlong araw kang walang malay at nagdedeliryo.”
“Sino ang nag-alaga sa akin?” tanong niya.
“Ako. Nakabantay lang ako sa iyo dito. You are the worst victim here. Wala nang isang araw ang itatagal ng buhay mo kung hindi naagapan.” Nagtagis ang bagang nito. “Hindi mo alam kung gaano kadelikado ang lugar na ito.”
“Hindi ka ba nagkasakit?” nag-aalala niyang tanong. Tatlong araw siya nitong inalagaan. Baka mamaya ay nabibingit na rin ito sa kamatayan dahil sa kanya.
“Mga babae lang ang tinatamaan ng virus. Sa isang microscopic bug nagsimula ang virus na iyan. Nagpapasalin-salin siya sa pagkakaroon ng close contact ng biktima sa ibang tao. It could be transmitted by breath. Kaya hindi ka pwedeng lapitan ng babae. The virus is deadly.”
“Martin, paano si Rosa?” Di niya matatanggap kung wala si Rosa sa mundo. Ang importante ay mabuhay ito dahil may asawang nagmamahal dito. Plano pa nito at ni Rogelio na bumuo ng isang masayang pamilya.
“She’s safe. Nasa second level lang ang naging epekto sa kanya ng virus. May inoculation na kaming nai-develop para sa kanya kaya naagapan. Ilang oras na lang din ang itatagal ng buhay niya kung di siya dumating dito.”
“Thank God!” usal niya at pinagsalikop ang palad.
“Masaya ka dahil safe siya pero di mo naman naisip na ikaw mismo muntik nang mamatay!” may himig ng galit nitong sabi. “Hindi ka talaga nag-iisip!”
Lumabi siya. “May sakit na nga ako, sinesermunan mo pa ako.”
“Sino ba ang may kasalanan kaya ka nagkasakit? You are so impulsive!” Huminga ito nang malalim. Pilit na kinakalma ang sarili. Ayaw na siguro nitong sermunan pa siya dahil may sakit siya. “At huwag mong gamitin sa akin na may sakit. Nanghihina ka na pero nangangatwiran ka pa.”
“Hindi ko lang matiis si Rosa na di tulungan. Hindi ako patatahimikin ng konsensiya ko lalo na’t alam kong matutulungan mo siya.”
Mataman siyang pinagmasdan nang magkadikit ang mga labi. Perhaps he wanted to hate her but he couldn’t. Gusto lang naman niyang tumulong.
“Kumain ka na lang,” anito at sinubuan ulit siya ng soup.
Ngumanga siya. Naramdaman niya na may kakaiba sa pulsuhan niya. May kakaibang disenyo sa pulsuhan niya. Kiniskis niya iyon ng daliri pero di nabura.
“Tattoo? Saan ko nakuha ang tattoo na ito?” tanong niya.
“That tattoo saved you.”
“Hmmm… may scientific basis ba na nasagip ako nito?”
“Sofiajade, aaminin ko. Sa level ng virus na tumama sa iyo, hindi kakayanin ng gamot na naimbento namin. It would kill you. Wala na rin kaming oras para mag-develop ng gamot na sisira sa intensity ng virus activity.” Inilapag nito ang bowl ng soup sa tabi at ginagap ang kamay niya. “Kaya nagdesisyon kami na hingin ang tulong ng taga-Yubidwa. They performed a ritual to heal you.”
Kung ganoon ay totoo pala ang nakita niya. Akala niya ay produkto lang ng imahinasyon niya ang ritwal na iyon. Pero paano niyang ipapaliwanag na nakita niya si Reiven? Siguro ay nag-aagaw-diwa siya. Naghahalo ang halusinasyon at realidad.
“Naniniwala ka pala sa mga ritual na iyan.”
“Scientist ako pero naniniwala ako sa Diyos. Ilang taon din akong tumira dito sa Amazon Jungle. Paano mo ipapaliwanag na natatagpuan ng mga shaman ang tamang gamot para sa iba’t ibang klaseng malulubhang sakit tulad ng diabetes. Tinutuklas pa lang namin pero alam na nila. Wala naman silang scientific knowledge. Tumatawag lang sila sa diyos nila. Sometimes you need to have some faith. Doon ka lang maililigtas,” paliwanag nito.
She thought he was a hard-core scientist. Ang ibang scientist daw ay di naniniwala sa diyos o sa mga bagay na di maipaliwanag ng siyensiya. But Martin was different. Para mabuhay siya, ginawa nito ang lahat ng paraan.
“Thank you for saving me. Hindi ka ba mapapagalitan ng superiors mo?”
“Kahit pa ibawal sa amin ang ginawa ko, gagawin ko pa rin. Ang importante nabuhay ka. Kaya huwag nang matigas ang ulo mo.”
Nang subuan ulit siya nito ay napansin niya na suot nito ang akai ito bracelet. “Paano ito napunta sa iyo?”
“Ibinigay mo sa akin nang dumating ka dito.”
“Talaga?” Ang natatandaan niya ay ibinigay niya iyon kay Reiven sa panaginip niya. At wala siyang ibang nakasama sa panaginip niya kundi si Reiven lang. “Martin, nandito ka lang ba sa tabi ko noong may sakit ako?”
“Oo. Ako ang nakabantay sa iyo.”
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. “Natawag ba kitang Reiven?”
“Lagi mo naman siyang tinatawag,” kaswal nitong sabi.
Hindi niya ito mahimigan ng pagseselos o pagtatampo pero seryoso naman ang mukha nito. Na-offend kaya ito?
“Sorry. Nagdedeliryo kasi ako…”
Pinunasan nito ng tissue ang labi niya. “I understand that you really love Reiven. Thank you for bringing my bracelet back,” anito at tumayo.
“Hindi naman ako nagpunta dito para ipagpilitang ikaw si Reiven. Nagpunta ako dito para ibigay ang bracelet na iyan. You are my akai ito, Martin.”
“Hindi nga ako si Reiven,” giit nito.
“I don’t care if you are Reiven or not. Ikaw ang mahal ko. Kung tinanggap mo ang bracelet, ibig sabihin mahal mo rin ako. Tanggap mo nang ako ang akai ito mo!”
“Saka na natin pag-usapan iyan kapag magaling ka na,” anito at lumabas ng kubo. Humiga siya at pumikit. Bumalik na siya sa realidad. Panibagong pakikibaka na naman para mahalin siya ni Martin.
Kailangan na niyang kalimutan ang napanaginipan niya tungkol kay Reiven. Isang magandang panaginip lang ang lahat.
“AMAZONIA virus is caused by a microscopic bug. Kapag pumasok ang microscopic bug na ito sa isang tao, nagkakaroon iyon ng kakaibang chemical reaction sa katawan. You will have craving,” paliwanag ni Ron Isaac sa kay Sofiajade. Ipinapaliwanag nito sa kanya ang virus na tumama sa kanya.
“Anong klaseng craving?” tanong niya.
Ini-adjust nito ang makapal sa salamin. “You will be like a tigress looking for a prey. You will be like a traveler looking for an oasis in the middle of the desert.”
“Doc, I don’t give a damn about poetry. Ano ba iyang virus na iyan?”
Pinagsalikop nito ang palad at ipinaling palayo ang tingin sa kanya na parang nahihiya. “Hindi naman ako dapat ang nagpapaliwanag nito.” Ipinadyak nito ang paa at huminga nang malalim. “Dahil sa virus na iyan, tumaas ang libido mo. And you have this strong urge to have sex with a man.”
“Ah!” aniya at tumango. “Ganoon ba?” Kaya naman pala kakaiba ang napapanaginipan niya. Tumaas ang libido level niya. Nakakatakot na virus.
“At kapag hindi mo na-satisfy ang urge na iyon, mamamatay ka.”
Napanganga siya. “Paano ako? Bakit buhay pa ako?”
Pinagpawisan ng butil-butil si Ron Isaac. “Well…”
“Because of the ritual,” singit ni Martin na nakatayo sa may pinto ng kubo. Naglakad ito palapit sa kanya at tiningnan ang temperature niya. “Bumababa ang lagnat mo. Nag-slow down na rin ang activity ang virus sa katawan mo.”
Nag-excuse si Ron Isaac at iniwan sila ni Martin. Isang linggo na siya sa tribo ng mga Yubidwa. Nagsasalitan sina Martin, Ron Isaac at Adolf sa pakikipag-usap sa kanya. Pero madalas ay si Martin ang nandoon.Di halos umaalis sa tabi niya.
“Gagaling na ba ako?” Iyon ang kondisyon ni Martin para magkausap silang mabuti. Sa ngayon kasi ay wala itong ibang binanggit kundi ang sakit niya.
“Bumaba lang ang level ng virus pero nakakahawa pa rin. Kailangan natin ng kulang-kulang isang buwan para tuluyang bumalik sa normal ang buhay mo. Sa loob ng isang buwan, you will still have urges. Pero may gamot na tayo para diyan.”
“Ah!” Tumango siya. “Lesser urges. Not so deadly.”
“But still contagious.”
Lihim siyang nagdiwang. “Ibig sabihin dito lang ako kasama ka?”
Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Sofiajade, I have something important to tell you. About the ritual…”
“Anong tungkol sa ritual? Wala naman sa akin iyon. Di naman siguro kailangang ialay ang puso mo para sa paggaling ko, di ba?”
Tumingin ito sa labas nang marinig ang ugong ng chopper. “Nandito na sila.”
“Sinong sila?” tanong niya.
“Ang Papa mo.”
Kumunot ang noo niya. “Anong ginagawa niya dito?”
“I asked him to take you out of here.”
“Martin, hindi pwede! Gusto kong makasama ka!”
“Sofiajade, the jungle is not the place for you,” he said sharply. “Muntik ka na ngang mamatay dahil sa pagsunod mo sa akin.”
“I don’t care!” Naging matapang siya na sundan nito. Naharap niya ang kamatayan. Ngayon pa ba siya uurong?
“Hindi mo ba nakikita na malaki na ang problema namin dito? I don’t have time for romance. I am here to save lives. Tama nang minsan mong inilagay ang buhay mo sa kamay ko. That’s enough!”
“PAPA, ayoko munang umalis. Please! Aalagaan ako ni Martin dito,” pakiusap ni Sofiajade kay Michael habang buhat siya nito. Di na ito nagpadala basta ng tauhan para sunduin siya. Ito mismo ang pumunta sa Amazon para tiyaking maiaalis siya nito sa gubat. May dala din itong doctor na titingin sa kanya habang biyahe.
“Don’t be selfish, Sofiajade. Gusto mong dagdagan ang alagain ni Doctor de Guia? Tama nang nakaranas kang mabingit sa kamatayan. Sobra na kung iiwan pa kita dito. Hayaan mo silang gawin ang trabaho nila. These people need him!” anito sa matigas na tinig. “It is game over. Isang malaking pagkakamali na kinunsinti kitang pumunta dito. Itatama ko ang pagkakamaling iyon.”
Nangilid ang luha sa mata niya nang lumapit sa kanila si Martin nang pasakay na sila sa chopper. “Sofiajade, si Doctor Pochelo na ang bahala sa iyo. Magtutulong ang doctor ng Center for Tropical Disease at Megos sa pagmo-monitor sa iyo kapag nasa Manila ka na.”
“Naka-ready na rin ang kuwarto niya sa isolation unit ng riding club,” sabi ng papa niya at inabot ang kamay kay Martin. “Thank you for taking care of my daughter, Doctor de Guia. And I am sorry for the inconvenience.”
Tinanggap ni Martin ang kamay nito. “You don’t have to apologize, Sir. Tiyakin lang po ninyo na di na makakapunta sa mga delikadong lugar si Sofiajade. And have a safe trip.”
“Martin, dito lang ako! Magbe-behave ako. Hindi ko pasasakitin ang ulo mo. Susundin ko lahat ng gusto mo. Basta wag mo lang akong ibigay sa kanila,” pakiusap niya. Ito ba ang sagot nito sa pagmamahal niya? Na mas gusto nitong tuluyan siyang mawala sa buhay nito?
“Mas ligtas ka kung sasama ka sa kanila,” malumanay na sabi ni Martin. “Mas magaganda ang facilities nila. Who knows? Baka sa susunod na araw may ma-discover na silang bagong gamot para tuluyan kang gumaling.”
Umiling siya. “Wala akong pakialam sa mga facilities nila. Dito lang ako! Hindi ko kayang mabuhay nang wala ka.”
Minsan na siyang namatay dahil nawala sa kanya si Reiven. Nabigyan siya ng bagong pag-asa kay Martin. She didn’t want to face the same dilemma again. Mas gusto na niyang mamatay kasama ang lalaking mahal niya kaysa mabuhay pero wala naman ito sa piling niya.
“You will live,” anito sa malamig na boses.
Pinigilan niya ang kamay nito. “You are my life!”
Akmang babawiin nito ang kamay nang makarinig sila ng mahinang click. nang tingnan nila ay magkadikit na ang bracelet nila. Nagkatinginan sila ni Martin. Kumislap ang mga mata nito.
Matapang niyang sinalubong ang mga mata nito. Kahit itaboy pa siya nito, di nito pwedeng putulin ang pulang linyang nag-uugnay sa kanila. Nararamdaman niya iyon. Higit kailanman, ngayon mas umigting ang taling iyon.
“I am coming with you,” sabi ni Martin.
“Doctor de Guia, iiwan mo kami?” bulalas ni Ron Isaac.
“Di natin alam kung anong mangyayari kapag inalis natin si Sofiajade dito. Gusto kong tiyakin na di pa lalala ang sakit niya o magmu-mutate. Higit sa lahat, ako ang nakakaalam tungkol sa virus na ito,” paliwanag nito.
Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Sasama sa kanya si Martin. Ito mismo ang titiyak na gagaling siya. Naniniwala ba ito na para sila sa isa’t isa o dahil tanggap na nitong mahal siya nito?
“Thank you for your concern with my daughter,” sabi ng papa niya. “Pero sobra na ang pang-aabala namin sa iyo.”
“Pinagkakatiwalaan ko ang mga kasama ko dito. The Peruvian government is coming soon to help. Si Sofiajade ang pupunta sa sibilisasyon. Sa palagay ko mas kailangan niya ako.” Tinitigan nito ang papa niya. Desidido na ito sa balak.
Lumapit si Adolf at inabot ang mga gamit ni Martin. “Here are your stuffs, Doctor de Guia including your papers and passport. We will take care of everything here.” Tinapik nito sa balikat si Martin. “Bon voyage!”
Hawak ni Sofiajade ang kamay ni Martin hanggang lumipad ang helicopter na sinasakyan nila. Nakaguhit ang ngiti sa labi niya. Kahit ano pa ang dahilan nito sa pagsama sa kanya, ang importante ay di siya nito iiwan.