“Ma, I am fine! Magaling ang doktor ko. I will be fine in less than a month’s time. At nakikita naman ninyo ako, di ba?” nakangiting sabi ni Sofiajade kay Jeanna na kausap niya sa webcam. Iyak ito nang iyak dahil di siya nito maaring makita.
Habang nagdedeliryo siya ay ginamit ni Martin ang Blueberry phone ni Felix upang sabihin sa mga magulang niya ang nangyari. Mas mahirap lang sa kalooban ng mama niya na di siya malapitan o mayakap man lang.
“Kasalanan ito ng Papa mo! Sana di ka niya kinunsinti!” Tumalikod pa ito sa webcam at pinunasan ang luha. Ayaw kasi nitong ipakita na umiiyak ito.
“It’s okay. Nandito naman po si Martin para alagaan ako,” pang-aayo niya.
Sinapo nito ang noo at napahagulgol. “Bakit ba pumayag si Michael na siya ang doktor mo? Kaya nga nagpadala kami ng doktor na titingin sa iyo.”
“Ma, magpasalamat kayo na siya ang doktor ko. He is an expert on the field. And he saved my life.” Kung ibang doktor siguro ang tumingin sa kanya ay baka pinaglalamayan na siya ngayon.
“Hindi na matutuloy ang honeymoon namin ng papa mo sa Hawaii. Maghihiwalay na kami! I want an annulment.”
“Hindi kayo pwedeng magpa-annul. Ano na lang ang ipapakita ninyong magandang ehemplo sa magiging apo ninyo?” tanong niya.
Tumigil ito sa pag-iyak. “Anong magiging apo?”
“Ma, malapit ko nang pikutin si Martin!” bulong niya at humagikgik.
Pinanlakihan siya nito ng mata. “Nakukuha mo pang magbiro. Paggaling mo, humanda ka sa akin. Mapapalo kita!”
“Matanda na ako saka pa ninyo ako papaluin.”
Kahit kailan ay di siya napalo ng magulang niya. Natuto siyang maging masunurin dahil titig pa lang ng papa niya ay kinikilabutan na siya. Kung ayaw niyang masaktan, kailangan niyang sumunod agad.
“Because you became stubborn. That man…”
“Doctor Martin de Guia is his name, Ma.”
“I will give you a month, Sofiajade. After that, stay away from him.”
Mabigat man ang loob niya ay nagpaalam siya sa mama niya. Di rin naman niya ito kayang sundin. Akala siguro ng mama niya ay basta lang siyang nababaliw dahil sinasabi niyang iisa lang sina Reiven at Martin. Ngayon ay wala na siyang pakialam. Di mababalewala ang pinaghirapan niya para makasama si Martin.
Awtomatiko siyang ngumiti nang pumasok si Martin sa kuwarto kasama ang male nurse niya. Nasa isolation area siya sa medical center ng riding club. Napaka-istrikto sa facility na iyon. Di tulad sa ibabang bahagi ng medical center na malayang madadalaw kahit sinong pasyente, kailangan pa ng permiso mula sa doktor at security head ng riding club bago makapasok.
Kahit gumamit pa ng protective mask, ayaw mag-take risk ni Martin. Malaking gulo ang mangyayari oras na kumalat ang virus na iyon.
“Good morning!” bati niya sa dalawa. “Nakatulog ka bang mabuti sa kuwarto mo, Doctor de Guia?” Tiniyak sa kanya ni Myco na maganda ang kuwartong tutuluyan nito sa riding club. She wanted him to enjoy his stay.
“Thanks for the room. Pero may kuwarto naman dito sa medical center. Doon na lang ako tutuloy mamaya,” sabi nito.
“Magtatampo ang pamilya ko kapag tinanggihan mo ang kuwarto sa villa ni Myco. Parang bisita ka na rin dito.” Pasasalamat na rin iyon ng pamilya sa pagsagip nito sa kanya. Isa pa, gusto ring tiyakin ni Myco ang seguridad nito.
“Miss Sofie, tiyak naman po na sikat na ako sa mga mga kakilala ko. Parang member na rin ako ng riding club ngayon.” Abot-tainga ang ngiti ng male nurse niyang si Nero. “Pati iyong crush ko sa lugar namin biglang nag-text. Baka daw pwede ko siyang dalawin pag-uwi ko.”
“Magkaka-girlfriend ka na rin. Congratulations!”
Pinindot ni Martin remote para sa blinds at umangat. Bumulaga sa kanila ang magandang view ng riding club mula sa one-way mirror. Ang malawak na berdeng damuhan at ang magandang view ng Taal Lake. Malayang tumatakbo ang ilan sa mga kabayo dahil malapit iyon sa free zone. Sinadyang I-construct ang medical center sa ganoong disenyo dahil magandang therapy sa mga may sakit ang mga kabayo.
“So this is the Club of Prince Charmings.” Tumayo sa harap ng bintana si Martin at namulsa. “The real thing is better than the ones in magazines.”
“Of course. Alam mo ba na ang unang match na nilaro dito ay polo match ni Reiven kasama ang pamilya niya. He won that match. Pero mas gusto niya ang bareback bronc riding tulad ng ginawa mo sa Cordillera.”
“He sounds like a very good horseman,” komento nito. “Mahal na mahal siguro niya ang lugar na ito.”
“He was born here. Ang dalawang kapatid niya sa Spain ipinanganak pero siya sa ancestral house ng mga Alleje. Gusto mong mamasyal tayo doon?”
Inayos nito ang kumot niya. “Bago ka magplanong mamasyal, magpagaling ka muna.” Wala siyang napansin na kakaiba sa reaksiyon nito. Inaasahan niya na baka may kislap ng rekognisyon sa mga kwento niya. “Just tell me if you have an urge attack. Nasa stage siya na pwede mong kontrolin.”
Hindi pwedeng laging gamitin ang gamot. It might destroy her natural sexual impulse according to Martin. At ang malala ay baka masira ang reproductive system niya. Gawa ang gamot sa bark ng puno at katas ng mga halaman na sa Amazon din matatagpuan. Sapat lang ang dosage niya para di kontrolin ng aktibidad ng virus.
“Nasabi mo sa akin na may method na ginagamit ang mga Yubidwa, di ba? They just let nature takes its course. They take a lover.”
“So?” tanong nito sa malamig na boses habang pinag-aaralan ang chart niya.
“Why don’t I just take a lover instead?”
Bumagsak sa sahig ang chart na hawak nito. “No! That’s impulsive.”
“But it is far safer and better. Di ko na kailangang uminom ng gamot.”
Napatiim-bagang ito. “Don’t even think about it. Hindi kita pagbibigyan.”
Ngumisi siya. “Doc, hindi ko naman sinabing ikaw ang bibiktimahin ko. At kung ikaw lang ang aasahan ko, virgin na ako habambuhay. Siguro nagkaroon ako ng ganoong virus para di ako maging virgin habambuhay.”
“Want me to wring your neck?” he asked in a dark, hoarse voice. Kuyom nito ang palad at mukhang sasakalin siya oras na totohanin niya.
“Bakit ka nagagalit? Nagseselos ka?” Ngumisi siya at kinalabit ang braso nito. “May gusto ka sa akin, no?”
“Kung ibibigay mo ang sarili mo sa isang lalaki, di lang dahil kailangan ng katawan mo. Ibigay mo iyan sa lalaking mahal mo. At tiyakin mo na aalagaan ka niya at mamahalin ng higit sa buhay niya. At isusuko niya ang lahat para sa buhay mo.” Padarag nitong dinampot ang chart. “Sabi ng kapatid mo dadating na daw ang laptop mo pati anime collection mo. Para naman may mapaglibangan ka at hindi puro kalokohan ang pumapasok sa isip mo.”
“Killjoy!” bulalas niya. “Paano kung hindi ko na makontrol ang urge ko? Tapos bigla na lang kitang sunggaban o kahit na sinong lalaking malapit sa akin?”
“Kung mangyayari iyan, tawagin mo ako. Kahit sino pa ang kasama mo, tawagin mo ako. At tiyakin mo lang na kung may susunggaban ka, ako iyon.”
Excited na yata siyang atakihin ng libido surge. Wala nang kawala sa kanya si Martin kapag nagkataon. Parang sinabi na rin nito na may lisensiya siyang mamikot. Di naman pala ganoon kasama ang virus na tumama sa kanya.
“DO you like horses, Doctor de Guia? Do you ride?” tanong ni Reichen kay Martin. Idinala nito ang invitation sa birthday ng nobyang si Saskia sa susunod na buwan. Nagkataon na naroon din si Martin.
“A little,” tipid na sagot ni Martin.
“He is a natural,” singit niya. “He can even tame wild horses. Nang magkakilala kami sa Cordillera, pinapaamo niya ang wild horse sa isang tribo doon.”
“You must be really good,” puno ng paghangang sabi ni Reichen.
“Not as good as you are.” Umangat ang gilid ng labi ni Martin. “Hindi naman ako katulad mo na nag-aral sa Spanish Riding School.”
“Kaya ako pumasok sa Spanish Riding School dahil may mas magaling sa akin. Hindi na yata niya kailangang magpaturo kung paano magpaamo ng kabayo. Pero mas pinili niyang maging doktor.”
May kumurot na lungkot sa puso niya. Alam niya ang nararamdaman ni Reichen. Nakikita rin nito si Reiven sa katauhan ni Martin. Siguro ay gusto rin nitong magtanong kung iisa lang ang dalawa pero di nito magawa.
“May may equine research facility kayo, hindi ba?” tanong ni Martin.
“Yes. Katulong namin ang Al Ishaq. They are leading in equine biotechnology. Our facility is open to Megos. May mga discovery na maaring makatulong ang mga kabayo sa iba’t ibang klaseng sakit.”
“Thank you, Mr. Alleje. I will inform my superiors about it.”
Tumango si Reichen at pilit na ngumiti. Nararamdaman niya ang frustration nito. He was not his usual confident self. Ang Reichen na kilala niya ay madaldal. Ito ang taga-entertain sa mga members ng riding club at sa mga guest. Malakas ang charisma nito kaya maraming bumibisita sa riding club. Pero sa pakikipag-usap nito kay Martin ay may pagkakataon na nabablangko ito.
“Kung hindi ka komportable sa kuwarto mo sa villa ni Myco, you are welcome to stay at the Alleje Mansion. Wala namang tao doon ngayon,” alok ni Reichen.
“Thank you for the invitation. Ayoko namang abusuhin kayo sa pagtuloy ko dito,” pormal na sagot ni Martin.
“How about dinner sometime? My parents and brother are coming home soon. Matutuwa sila kung makikita ka. Manganganak na ang asawa ni Kuya Reid. Reiven Creo ang ipapangalan nila sa bata. Sa palagay mo sino ang magiging kamukha ng bata?” excited na tanong ni Reichen. Di sumagot si Martin at tinitigan lang si Reichen. “I must be going. Mahirap kapag wala si Kuya Reid. Ako ang hari dito. Bata pa ako. Bakit ako ang gumagawa ng responsibilidad ng matatanda?”
Sinundan ng tingin ni Martin si Reichen nang lumabas at huminga nang malalim. “Iniisip din siguro niya na ako ang kapatid niya.”
“Paano kung ikaw nga si Reiven Alleje?”
Pinalitan nito ang CD sa player ng Sleeping Forest CD. “Tapos na tayo sa topic na iyan, hindi ba?”
“Ngayong nasa Stallion Riding Club ka, di iyan maiiwasan. Kahit hindi magsalita si Reichen, gusto niyang itanong kung ikaw nga ang kapatid niya. O baka gusto ka rin niyang tawaging kuya.”
“Do you want to dig this issue?” Tumayo ito sa harap ng kama niya. “Pero ito na rin ang huling pagkakataon na makakausap mo ako. “I will ask another doctor to handle this case.”
Galit na naman ito sa kanya. Hindi naman siya ang nag-open ng topic. Ito mismo ang nagsabi ng obserbasyon nito kay Reichen. At parang ganoon lang kadali sa kanya na pakawalan ito. Tingnan lang niya kung kaya siya nitong tiisin.
Pumikit siya at huminga nang malalim. “Ahhh…”
“Sofiajade…”
“G-Gusto ko ng tubig. Biglang maalinsangan ang pakiramdam ko.”
Kumuha ito ng alkaline water sa dispenser at inabot sa kanya. “Here.” Inubos niya ang tubig at inabot dito ang baso dito. “Gusto mo pa?”
Ginagap niya ang kamay nito. “I want something else. I want blood.”
Maang siya nitong pinagmasdan. “Naging bampira ka na ba?”
Umungol siya. “Kailangan ko ang init ng iyong katawan.”
Hinatak niya ito at mabilis nitong itinukod ang palad sa magkabilang gilid niya para di siya nito madaganan. Bakas ang pagkasindak sa mga mata nito. “Sofiajade, wait! If you are having a surge, we have to examine you first.”
“Wala na akong oras para diyan. Mamatay ako.”
Yumakap siya sa batok nito at hinila ito palapit sa kanya. She kissed him teasingly. Ito ang problema. She was not an expert kisser. Si Reiven lang ang hinayaan niyang humalik sa kanya nang matindi bukod sa hinalikan niya sa Martin nang akala niya ay nananaginip siya.
Nagulat siya nang sagutin ni Martin ang halik niya. He deepened the pressure. His tongue pushed past the barrier of her lips and skimmed her teeth. Nanlaki ang mga mata niya. Dapat ay ipakita niya dito kung ano ang epekto nito sa kanya. Pero heto at umiikot ang ulo niya at parang nakukuryente ang himaymay ng laman niya.
Nag-flash sa isip niya ang panaginip niya. Wala siyang libido surge dahil sa virus pero daig pa ng halik ni Martin ang epekto ng virus na iyon. Mas nababaliw siya sa napakaikling panahon at di niya makontrol ang sarili niya. She didn’t want him to stop.
“You are faking it,” bulong nito nang maghiwalay ang labi nila.
Dumilat siya. “Ha? Anong…”
Naningkit ang mata nito kaya di na niya naituloy ang sasabihin. “You are not really having a surge.”
“Gusto mo lang akong takasan. Nangako ka sa akin…”
“You are a wild kisser when you have a surge, Sofiajade.” Tumuwid ito ng tayo at inayos ang coat nito. “And your pupils do not dilate. Sa palagay ko normal din ang temperature mo. You are not a good actress in this department.”
Sinasabi ba nito na mas magaling siyang humalik kapag inaatake ng virus? Malas! Bakit ba di niya napag-aralang mabuti iyon? Malay ba niyang pati ang halik niya ay alam nito ang kaibahan.
Bumitiw siya dito. “Akala mo umaarte lang ako? Akala ko pa mandin, ikaw ang matatakbuhan ko sa ganitong sitwasyon.” Ipinaling niya ang ulo at pumikit. “Sige. Hayaan mo akong mamatay dito.”
“If you want me to kiss you, just say so.” Inilakas nito nang bahagya ang musika sa CD. “Just relax. According to your record, you won’t have a surge anytime soon. May epekto pa sa iyo ang gamot.”
Paglabas ni Martin ay pumasok si Myco. “Anong ginawa mo sa doktor mo? Mukhang na-harass mo.”
“Parang halik lang big deal na sa kanya. Hinalikan din naman niya ako,” mahina niyang bulong. “Ang damot!”
“Ate, huwag mo nang paglaruan si Doctor de Guia. He came here with good intention. Gusto niyang tuloy-tuloy kang gumaling. Alam mo bang suspended siya sa Megos dahil di naman siya dapat ang hahawak sa case mo?”
“Bakit hindi niya sinabi sa akin?”
Umupo ito sa gilid ng kama niya. “Bakit pa? Para magkaroon ka na naman ng ilusyon na mahal ka rin niya. Come on! He is just a professional.”
“Bakit? Imposible bang ginawa niya iyon dahil mahal niya ako?”
“He saved your life. Ginawa lang niya ang trabaho niya. Kapag magaling na siya, aalis na siya dito. Di mo na kailangan pang buhayin si Kuya Reiven sa kanya.”
“Susundan ko pa rin siya,” giit niya.
“Wala ka nang kakampi. Hindi ka na makakalapit sa kanya. Sobrang abala na ang ginagawa natin sa kanya.”
Bakit ba napakaraming kontrabida sa buhay niya? Gusto lang naman niyang magmahal. Bakit ba di na lang siya hayaang maging masaya ng mga ito?
“Hindi pa. Hangga’t di mo ako natatalo sa chess, di mo ako pwedeng pigilan.”
“Kailan ka ba nanalo sa akin?” Magaling siya sa chess pero dudugo muna ang utak niya bago niya matalo si Myco.
“I won’t give up Martin de Guia. Hindi ako magpapatalo.”