Maalinsangan ang pakiramdam ni Sofiajade. Aircon naman ang kuwarto niya sa isolation room ng medical center ng riding club. Umuulan pa nga sa labas pero parang sinisilaban ang dugo at mga kalamnan niya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kanya. Hindi tuloy siya makapag-concentrate sa laro niya kalaban ang computer chess.
Ginagamit niya ang maraming free time niya para mag-practice. Bago umalis si Martin sa riding club ay hahamunin niya si Myco. Kailangan niyang manalo laban dito kung ayaw niyang tuluyan silang magkalayo ni Martin.
Bumukas ang pinto at pumasok si Jairon. “Good afternoon, old maid virgin!”
Sumama ang timplada niya nang makita ito. “Anong ginagawa mo dito?”
“Ano na naman ang problema mo sa kaguwapuhan ko?”
“Naaalibadbaran ako!” Her instincts told her that he should leave right away. Hangga’t wala si Martin sa kuwartong iyon, di makakabuti sa kanya na tumanggap ng bisita. Sa palagay niya ay umaatake na naman ang virus.
“Parang hindi tayo magkaibigan. Huwag kang ganyan. Natatakot ka ba na kapag nagdikit kami ng doktor mo, mas mamahalin mo na ako kaysa sa kanya?”
Naningkit ang mata niya. “Jairon Vince Yun, pinag-iinit mo ang ulo ko! Baka gusto mong masaktan!”
Sinapo ng palad nito ang dibdib. “Bakit ba gustong-gusto ng mga babae na saktan na lang ako? Gusto ko lang naman na may babaeng magmamahal sa akin pero lahat kayo katawan lang ang habol sa akin.”
“Hindi mo ba nakikita na busy ako? Kung magpapahangin ka lang, maghanap ka na lang ng ibang babae na magnanasa sa katawan mo. DI ka mauubusan.”
Hinaklit nito ang balikat niya at bahagyang inalog. “Tell me? Anong kulang sa akin para seryosohin ako ng mga babae? Si Xandi tinanggihan ako. Wala naman daw kulang sa akin. Masyado daw akong guwapo. Kasalanan ko ba iyon?”
Ipinaling niya ang mukha at itinulak ito. “Lumayo ka sa akin! Naaalibadbaran ako!”
Madalas na ang eksenang iyon kapag nagkukulitan sila ni Jairon pero hindi sa mga oras na iyon. Nagiging pula ang tingin niya sa lahat. Hindi rin siya makahinga. She was feeling that thirst again. She could hear her blood rushing in her ears.
Hindi na pantay ang paghinga niya nang tingnan si Jairon. Tumataas lalo ang temperatura niya. Nangangati na ang kamay niya na kabigin ito at halikan. Tumututol ang puso at isip niya. Alam niyang kapag nasimulan iyon, di na iyon titigil. She couldn’t let the virus take over.
Kinapa niya ang cellphone. Kailangan niyang tawagan si Martin. Kailangan nitong malaman ang nangyayari bago mahuli ang lahat.
“Sofiajade, anong nangyayari sa iyo?” nag-aalalang tanong ni Jairon at hinaplos ang noo niyang nagpapawis.
Napakalapit ng mukha nito sa kanya. Itinaas niya ang kamay para haplusin ang palad nito. Pinigil niya iyon. Hindi! Hindi pwedeng magkaroon ng misconception si Jairon na gusto niya ito. Kailangan niyang labanan ang virus.
Bumukas ang pinto at pumasok si Martin. “Martin,” mahina niyang tawag sa pangalan nito. Mabuti at dumating ito sa oras. Buti hindi pa huli ang lahat.
Bakas ang pagkagulat sa mukha nito at naglipat-lipat ang tingin sa kanila ni Jairon. “Anong ibig sabihin nito?”
“Doc, mukhang hindi maganda ang pakiramdam niya…”
Malalaki ang hakbang ni Martin at binitbit ang kuwelyo ni Jairon. “Tama. Masama ang pakiramdam niya kaya sinasamantala mo naman!”
“What? Look! I’m…”
Iniisip ba ni Martin na may nangyayari sa kanila ni Jairon? “Martin, mali ka ng iniisip tungkol sa amin.”
Itinulak ni Martin si Jairon. Kakaiba ang galit sa mga mata nito. Nagtitimpi lang ito na pakawalan ang kamao at saktan si Jairon. “Get out! Just get out! I don’t care if you are a personality here! Pero ipapakaladkad kita palabas dito kung hindi ka pa lalabas sa kuwartong ito!”
“Sofiajade.” Malungkot siyang sinulyapan ni Jairon at lumabas din sa huli.
Nakaramdam siya ng matinding panlalambot. She could still feel the fire burning inside her. It was the least of her concerns now. Nararamdaman niya ang matiim na titig sa kanya ni Martin.
Hinawakan nito ang pulsuhan niya. “You are having a surge, right?”
“Yes,” sagot niya at piniling pumikit na lang.
“Sabi ko sa iyo tawagan mo ako kapag kakaiba ang pakiramdam mo.”
“I was about to…”
His fierce eyes pinned hers. “O baka hindi mo na itinuloy dahil nandiyan ang lalaking iyon. Are you tired and sick of taking medicines and instructions from me? Ganyan ba katindi ang epekto ng virus sa iyo, nakakalimutan mo na ang sarili mo?”
Nanlamig siya sa matatalim nitong salita. Iyon ba ang tingin nito sa kanya? Na kakalimutan na niya ang moral niya pati ang pagmamahal niya dito dahil pinili niyang papangyarihin ang init ng katawan niya. Ganoon ba siya kababang babae?
She couldn’t stand that. Kahit na nag-aapoy ang himaymay ng laman niya, nagmistulang yelo naman ang puso niya. Ngayon lang niya naisip kung gaano kababa ang tingin sa kanya ni Martin.
Bumangon siya. “Excuse me.”
Pinigilan nito ang balikat niya. “Stay put! Dadating na sila dala ang gamot mo. We have to control that virus before it destroys you.”
“Wala akong pakialam sa gamot mo! Wala akong pakialam sa iyo!” Bumangon siya sa kama at tumakbo papunta sa shower room.
Hinabol siya ni Martin pero kinandaduhan niya ito ng pinto bago pa siya nito maabutan. Binuksan niya ang shower at hinayaan ang tubig na anurin ang lahat ng nararamdaman niya. Ni hindi na niya hinubad ang damit niya at pinabayaan iyong mabasa. Humagulgol siya ng iyak habang kinukuskos ang balat niya.
Nakarinig siya ng katok sa pinto pero binalewala niya iyon. Sumalampak siya sa tiles ng sahig. She felt like she was crying in the middle of a storm. Hinahagupit ng tubig ang katawan niya. Wala siyang laban sa tubig. Wala rin siyang naging laban sa masasakit na salitang binitiwan ni Martin.
She could still see the hatred in his eyes. Ni hindi nito hinayaan na magpaliwanag sila ni Jairon. Hinusgahan na lang sila nito. At sinisisi siya nito na parang siya mismo ang virus at di isang biktima.
Lumikha ng ingay nang pwersahin ni Martin na buksan ang pinto. “Sofiajade, bakit nagbasa ka?” Hinatak nito ang tuwalya sa rack at isinara ang shower.
Nanatili lang siyang nakaupo sa tiles habang nakatulala. DI niya sinagot ang tanong nito. Ibinalot siya nito ng tuwalya. Pumalatak ito dahil nakadamit pa siya.
“Kailangang magbihis ka! Magkakasakit ka sa damit mo.”
“Huwag mo akong hawakan,” sabi niya sa malamig na boses. “Baka mahawa ka pa ng virus ko.”
“Hindi ako mahahawa ng virus mo.”
“Mas mababa pa ako sa virus sa paningin mo, di ba? Madumi akong babae. O baka halimaw na din ang tingin mo sa akin.” Tiningala niya ito. “Sa palagay mo ba basta ko na lang hihilahin ang kahit sinong lalaking makita ko?”
“Look! Nang makita ko siya na malapit sa iyo, akala ko iyon nga ang nangyayari. Inaasahan ko na kapag may libido surge ka tatawag ka agad sa akin.” May halong pagtitimpi sa boses nito.
Niyakap niya ang tuhod. “I don’t deserve this kind of treatment. Okay lang naman sa akin na halos mamatay sa kahahabol sa iyo. Kahit na hindi mo ako mahal, huwag mo lang sabihin na masama akong babae.”
Iningatan niya ang sarili niya sa loob ng mahabang panahon. Ni hindi nga siya tumitingin sa ibang lalaki. Hindi ba ito naniniwala tuwing sasabihin niya iyon?
Niyakap siya nito. “I am sorry. Nag-aalala lang ako dahil mapahamak ka habang wala ako. I am doing everything I can to protect you. Alam ko kung gaano ka ka-vulnerable kapag umatake ang virus na iyan. Paano kung di mo makontrol ang sarili mo at pagsamantalahan ka ng iba? Lalo na ang lalaking iyon!”
Humina ang paghikbi niya. Natunaw ang sama ng loob niya dito dahil sa init ng yakap nito. “Akala mo ba papayag na lang ako basta-basta? Kinokontrol ko ang sarili ko. Lalabanan ko ang virus na iyon kahit na ikamatay ko pa. I won’t let another man touch me.” Ito lang ang may karapatan sa kanya.
“Hindi ko rin iniisip na masama kang babae. Hindi ko lang gustong…”
“Nagseselos ka?” panghuhuli niya.
“Ayoko lang na tuluyan mong sirain ang sarili mo. Once the heat subsides, you will hate yourself. Kaya ginagawa ko ang lahat para gumaling ka.”
“Even if you have to sacrifice your self?”
Tumikhim ito. “Ibig sabihin magpapapikot ako sa iyo? Well…”
“You don’t have to compromise yourself. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para di ko na kailanganin pa ang tulong mo. Alam kong gentleman ka. Di ka basta-basta nagsasamantala ng babae.” Hinatak niya ang coat nito. “And that really annoyed the hell out of me. Mahirap kang pikutin.”
“Hindi ba gusto mo ang lalaking iyon?”
“Si Jairon?” Umiling siya. “Magkaibigan lang kami. Dahil kahit na maghubad pa siya sa harap ko at atakihin siya ng virus, di ko siya papatulan. Promise!”
“Sa susunod na may surge ka, tawagan mo agad ako. Kahit na false alarm pa iyan, ipaalam mo agad sa akin.” Sinuklay ng daliri nito ang basang buhok niya. “Ayoko nang maulit pa ang nangyari ngayon.”
Tumango siya at humilig dito. “Iyon mismo ang gagawin ko.”
“Kailangan mo nang magpalit ng damit. I don’t want to risk your health. Pero kung sa palagay mo di mo na makokontrol ang sarili mo…”
“Gusto kong maging independent sa gamot. Gusto kong maging independent sa iyo. I love you. At ayokong isipin mo na katawan mo lang ang habol ko.”
Sa gulat niya ay humalakhak ito nang malakas. “What the hell…”
Maang siyang nakatitig dito. Ngayon lang niya ito narinig na humalakhak. Nakikita na niya ang tipid na ngiti nito. Guwapo na ito noon. Pero kapag humalakhak ito, di lang ito basta guwapo. Bumabata rin ito.
“Bakit ka natawa?”
“I think I said it one time. Na katawan lang habol sa akin ng babae.”
May pumitik sa puso niya. “Kanino mo sinabi? Saka hindi naman ikaw ang tipo ng lalaki na magsasabi ng ganyan. Only playboys and chauvinist say that.” At minsan lang ay nasabi iyon sa kanya ni Reiven. Turo daw ni Reichen.
Nawala ang ngiti sa labi nito. “Ganoon ba?” Inalalayan siya nitong tumayo. “Do you still have that surge?”
“Wala na.” Yumakap siya sa baywang nito. “You are my medicine. All I need is for you to hold and comfort me.”
He didn’t push her away. Nanatili ang bisig nito na nakayakap sa kanya. “Gagawin ko ang lahat para di ka masaktan, Sofiajade. I will do everything to protect you. Malapit ka nang gumaling.”
Parang ayaw na niyang gumaling basta maramdaman lang niya ang yakap nito. Basta manatili lang ito sa tabi niya. Yes, it was a bit selfish.
Kung aalis man ito sa riding club, aalis siyang kasama nito.
NAKAPANGALUMBABA si Sofiajade habang nakatitig kay Martin. Nakakunot ang noo nito habang iniisip kung ano ang susunod na ititirang piyesa. Nakalatag ang chessboard sa coffee table sa pagitan nila. Nag-request siyang maging practice partner ito para sa chess match nila ni Myco.
Iniumang nito ang bishop sa knight niya. “Your turn.”
Ginalaw niya ang knight niya at lalo pang tinamisan ang pagkakangiti dito. “Ikaw na ulit, Doc.”
Mula nang dumalaw sa kanya si Jairon ay naging mas mabait na ito sa kanya. Di tulad dati na paminsan-minsan itong nagsusuplado. At kung hindi ito busy sa laboratory ay binabantayan siya nito sa kuwarto niya. Kaya naman laging maganda ang araw niya. Di na rin makaporma ang mga gustong manligaw sa kanya dahil laging matalim ang tingin ni Martin sa mga ito.
“Ano iyan?” tanong nito at itinuro ang piyesang itinira niya.
“Knight!”
“Alam ko. Bakit diagonal ang tira at hindi L?”
Dumulas ang nakatukod niyang siko sa coffee table. Mali nga ang tira niya. Iniba niya ang move niya. “Sorry! Nawala sa isip ko!” Nagpapa-impress pa man din siya dito. Tapos basic lang na move sa chess ay di niya nagawa.
“Nawawala ang isip mo dahil titig ka ng titig sa akin. Mukha ba akong chessboard? Ha?” asik nito.
“Guwapo ka kasi, eh!” bulong niya. Kahit naman sino ay madi-distract dito. Sa sobrang sarap panoorin ng bawat galaw nito, nakakalimutan niya ang laro.
“Magseryoso ka! Gusto mong matalo si Myco, di ba? Kahit na hindi siya mag-practice, kayang-kaya ka niyang talunin.”
“Oo na. Kasalanan kasi ni Papa! Magkakaroon lang kami ng match ni Myco, chess pa! Pwede namang magbalibagan na lang kami.”
“Para ba saan ang match ninyo? Mas malaki ba ang mamanahin mo kapag ikaw ang nanalo?” tanong nito.
“Basta nakasalalay dito ang future naming dalawa.” Ang future nila ni Martin. Oras na matalo siya, kailangan na niya itong isuko. At di niya iyon papayagan.
Nag-ring ang cellphone nito. “Hello!” Lumingon ito sa kanya. “Okay. I will tell her. Thank you!”
“Sino iyon?” tanong niya.
“Si Doc Kester.” Huminga ito nang malalim. “Di ka daw makakasabay mag-dinner ni Myco dahil nalaglag siya sa kabayo habang nagkakarera kanina.”
“Ano?” bulalas niya at tumayo. Hangos siyang pumunta sa pinto. “Ang chibisuke ko! Pupuntahan ko siya.”
Hinarangan nito ang pinto at umiling. “You know you can’t leave here. Isa pa, maayos na ang kondisyon niya.”
Lalo siyang na-frustrate. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Reichen. “Hello! Bakit nadisgrasya si Myco? Hindi siya basta-basta madidisgrasya. He is a very good rider.”
“Nagkagitgitan sila ng kalaban niya. Minor lang naman ang injury niya,” malumanay na paliwanag ni Reichen. “Wala siyang nabaling buto.”
“Para saan ba iyang karera na iyan?” pasigaw niyang tanong. Hindi pa rin siya makalma kahit na sabihing walang serious damage sa kapatid niya.
“May ipinagtanggol siyang babae,” mahinang sabi ni Reichen.
“Hindi dahil sa babae kaya ako nakipaglaban,” sigaw ni Myco sa background.
“Maganda naman ang babaeng ipinagtanggol mo, ah!” sabat naman ni Zairo. “Naks! Binata na ang totoy namin!”
“Hindi ako totoy! Ahhh!” sigaw ni Myco. Ginagamot ito marahil nang mga oras na iyon. “Get the hell away from me! Puro kasinungalingan sinasabi ninyo.”
She forced a smile when she turned the cellphone off. Mamaya na lang niya tatawagan si Myco. Mukhang di nga seryoso ang damage nito dahil nakakasigaw pa.
“Binata na ang kapatid ko. Magkaka-girlfriend pa yata siya.”
Hinawakan nito Martin ang balikat niya. “But you are still worried about him?”
“He is still my little brother. Di mo maiaalis sa akin iyon. Myco and I have this very strong bond. Kahit na gaano kaliit ang sugat, mag-aalala ako.”
He patted her head. Malungkot itong ngumiti. “Huwag mo nang isipin. Baka bukas lang makakalabas na siya.”
“Martin, do you have a bond with anyone?” May espesyal bang tao sa buhay nito? Ang alam niya ay di ito malapit sa kahit na sino. Mas gusto nitong mag-isa sa buhay. Pero wala namang tao na makakatagal na mag-isa.
Umiling ito. “I don’t. I exist for myself alone. And as much as possible, I don’t want to form a bond with anybody.”
“Bakit? Don’t you feel that longing to love and be loved?”
Tipid itong ngumiti. “Stay here. Ako mismo ang titingin kay Myco kung ano ang kondisyon niya para di ka na mag-alala.”
He was a man of mystery. Marami itong itinatago sa kanya. Gusto niyang matuklasan kung sino ang tunay na Martin de Guia. And she also wanted to form that bond with him. An unbreakable bond that he couldn’t refuse.