“She’s pretty. No wonder my brother likes her.”
Hindi maiwasang mangiti ni Sofiajade habang binabasa ang report tungkol sa pagkakadisgrasya ni Myco. Sinadya itong gitgitin ng kalaban nito na guest lang ng riding club. May rekomendasyon na si Reichen na I-ban ito. Naghihintay na lang ito ng desisyon ni Reid.
Subalit natutuwa rin siyang malaman na may babae nang pinag-iinteresan ang kapatid niya. Sa wakas ay tao na ito.
“Florecina Malaybalay. She’s a new staff in Housekeeping Department.” Humalukipkip si Martin.“Nakita ko siya. She doesn’t look like a housekeeper though.”
Pinagmasdan niya ang magandang mukha ni Florecina sa picture. “Yes. She has intelligent eyes. At least may taste ang kapatid ko. Salamat naman at tao na siya. May interes na siya sa mga babae.”
“Hindi ka pa ba matutulog?” tanong nito.
“It’s just nine in the evening. Patutulugin mo na ako?”
“Na-stress ka dahil sa nangyari kay Myco. Magpahinga ka na. Bukas makakadalaw na sa iyo si Myco. Goodnight.”
“Tatapusin ko lang ‘to,” tukoy niya sa email na kadarating lang. “Maya maya lang aantukin na rin ako.”
Nagtaka siya dahil parang nagmamadali ito. Dati rati ay umaabot pa ng alas nuwebe o alas diyes si Martin para lang samahan siyang manood ng DVD o kaya ay makipag-kwentuhan. Her instincts told her there was something fishy.
She clicked the button at the touch pad. Lumabas ang isang window kung saan nakikita niyang naglalakad si Martin sa corridor. “It’s time to fly,” usal niya.
In-activate micro-robotic fly na ginagamit niyang spy camera. Kanina ay ginamit niya iyon para I-check kung ano ang totoong kalagayan ni Myco. Nakadapo lang iyon sa labas ng kuwarto niya matapos niyang gamitin.
Pinadapo niya ang insect spy cam sa balikat ni Martin. Kasing liit lang iyon ng karaniwang langaw at di gumagawa ng ingay kaya safe pa rin iyon hanggang makarating si Martin sa kuwarto nito sa medical center. Lumipad ang insect spy cam niya at pinadapo niya sa isang painting doon.
Di nag-iisa si Martin sa kuwarto. Nandoon din si Reichen na nilalaro ng daliri ang touchpad ng laptop nito. “Mahilig ka pa rin makialam sa gamit ng iba, Reichen.”
Nagulat siya sa komentong iyon ni Martin. Bakit naman nito gagamitin ang salitang “pa rin” samantalang di naman halos magkakilala ang mga ito.
Umangat ang gilid ng labi ni Reichen. “And you still like to keep secrets. Kahit ang computer mo, ikaw lang ang pwedeng maka-access. Fingerprint mo lang ang nire-recognize na amo.” Reichen folded his arms. At inilagay nito ang palad sa likuran ng ulo. “This is so boring! Pwede na ba kitang tawaging Kuya Reiven?”
Reiven. Tinawag ni Reichen si Martin na Reiven. Kung ganoon ay tama ang hinala niya. Sina Martin at Reiven ay iisa lang. At alam ito ni Reichen.
She zoomed in the camera to Reiven. Hinaplos niya ang mukha nito sa LCD screen. Kung ganoon ay hindi nga nagkamali ang puso niya. Ito at si Reiven ay iisa. Kaya pala kahit ano pang sabihin nito na di ito si Reiven, di pa rin nawawala ang pagmamahal niya dito.
“Don’t call me Reiven. I am not your brother anymore,” wika ni Reiven sa malamig na boses. “I am Martin de Guia now. Matagal nang patay si Reiven Alleje.”
Binawi niya ang kamay. Reiven was a vibrant man. Kahit na nagsusungit ito, may masaya pa ring kislap sa mga mata nito. But not this man. He looked so hard. Parang napakaraming sakit ang pinagdaanan nito.
Tumayo si Reichen at lumapit dito. “Don’t say that. Buhay ka! Iyon ang mahalaga. Hindi na katulad ng dati ang lahat mula nang makita namin ang bangkay na inakala naming ikaw. At tuluyan na kaming sumuko. And all these seven years, you are alive. Paano ka nakaligtas sa pagsabog?”
“Wala ako sa laboratory. Bago pa mangyari ang pagsabog, pinaghinalaan na nila ako na nag-eespiya sa underground laboratory nila. Doon nila ginagawa ang mga biological agents na gagamitin ng Hikari no Tengoku cult. They locked me in an underground prison. Di pa yata sila makapag-desisyon kung iaalay ako sa kulto o sila na lang ang papatay sa akin. Itinakas ako ni Keziah. I have to make it to the border to come back here. Pero habang nasa Brazil- Venezuelan border kami sa Amazon jungle, doon ko nalaman na kasabwat din pala ng stepfather ni Keziah at ang kulto. Kaysa direkta akong patayin, pinatalon na lang nila ako sa eroplano gamit ang parachute. Bahala na daw ang gubat sa akin. Problema ko na rin daw kung di ko alam paano gumamit ng parachute.”
Iyon pala ang dahilan kaya ito pumunta sa Venezuela. Perhaps he wanted his old self back. Marahil sa Tokyo pa lang ay alam na nitong kompanya nila Keziah ang gumawa ng mga biological agents na ginamit sa subway attack. Kaya galit na galit ito kay Keziah noon. A part of him was broken that time. Akala nito ay makakabawi ito pero bigo pa rin ito. Ni hindi na ito nakabalik sa kanila.
“Sino ang bangkay na inilibing naming?” tanong ni Reichen.
“Iyon siguro ang kumuha ng pass card ko.”
“At nabuhay ka sa loob ng dalawang taon sa gubat?”
Tumango si Reiven. “Injured ako nang bumagsak ako sa Amazon. Tribo ng Mana ang nakakuha sa akin. Nakipamuhay ako kasama nila sa loob ng dalawang taon. Akala ko nga habambuhay na akong titira kasama sila. They war with other tribes. Ako ang tumulong sa panggagamot sa kanila. Ni wala rin silang contact sa ibang mga tao na may koneksiyon sa mga taga-sibilisasyon. Hanggang dumating ang mga misyonero.”
Naalala niya ang picture na nakuha niya nang ibalik ng mga misyonero si Reiven. Mahabang-mahaba ang buhok nito, halos di nakapag-ahit at luma ang damit. At namuhay ito sa loob ng dalawang taon malayo sa sibilisasyon. Ayon din sa mga ito, nagkasakit si Reiven na bumura sa bahagi ng alaala nito.
“Paano kang naging si Martin de Guia?”
“Siya ang scientist na pumunta sa Amazon para humanap ng gamot para sa sakit ng nanay niya. Nakisama siya sa mga Mana. Dahil sa paglusob ng iba’t ibang tribo, napilitang lumipat ang mga Mana sa ibang lugar. Nagkasakit din si Martin de Guia at namatay. Ang naiwan lang niya ay ang mga gamit at files niya.”
“Nang nakuha ka ng mga misyonero, Martin de Guia ang pakilala nila sa iyo. Nagka-amnesia ka ba?” tanong ni Reichen. “Hindi mo na ba kami matandaan?”
Isa iyon sa ikinakatakot niya noon. Na baka nagkasakit ito at di na sila maalala.
“I decided to be Martin de Guia. Mas ligtas akong makakabalik kaysa sasabihin kong ako si Reiven Alleje. Di ko alam kung sino ang mga kalaban ko. Parang ayoko ngang bumalik sa sibilisasyon noon. Di ko alam kung ano ang makikita ko pagbalik.”
“Pwede ka namang bumalik sa amin. Kung sinuman ang mga magtatangka sa buhay mo, poprotektahan ka namin.”
Ibinagsak ni Reiven ang sarili sa couch. Parang pagod na pagod ito habang inaalala ang pinagdaanan nito. “Kaya ba ninyong protektahan ako sa sarili ko? Maraming namatay dahil sa akin, Reichen. I worked for those murderers. Sa palagay mo ba gugustuhin kong balikan ang dati kong buhay?”
Sinisisi nito ang sarili sa pagkamatay ng maraming tao kahit na wala naman itong kasalanan. Pinoprotektahan din siguro nito ang mahahalagang tao dito. Prominente ang pamilya nito. Sa pagbabalik nito, uulanin ito ng kontrobersiya. Kahit pa sabihing nalinis na ng mga Alleje ang pangalan ni Reiven, inisip ng marami na isa itong tunay na terorista. Na pinagana lang ng mga Alleje ang pera ng mga ito para I-abswelto si Reiven.
“I believe that you are not a murderer. At kahit ano ka pa, kapatid pa rin kita. Tatanggapin ka namin. Bumalik ka na sa amin, Kuya,” pakiusap ni Reichen.
“Hindi ba tahimik na ang buhay ninyo? Natupad din ang pangarap ni Kuya Reid para dito sa riding club. It is more than I imagined. Oras na bumalik ako, masisira ang lahat ng pinaghirapan ninyo. Pati ang mga tao dito sa riding club, pwedeng mailagay sa alanganin ang buhay. Mas matatahimik kayo kung wala ako.”
“How about Sofiajade? She loves you. Naniniwala siyang ikaw si Reiven.”
Ipinikit ni Reiven ang mga mata. “Yes. That persistent crazy woman.”
“Nagpunta ka dito dahil sa kanya,” mahinang usal ni Reichen.
“Responsible ako sa nangyari sa kanya. But she has to stop following me around. Isinusugal lang niya ang buhay niya sa akin. Baka sa susunod, di na siya makaligtas.” There was gentleness in Reiven’s voice when he talked about her. It was the same voice that told her that he loved her. Mahal pa ba siya nito?
“Hindi mo na ba siya mahal? Mahal na naman ka niya, Kuya. Madami na ngang lalaking lumuha ng dugo dahil binabasted niya. Ikaw lang ang mahal niya.”
Tumayo si Reiven at pinagmasdan ang painting kung saan nakadapo ang spy insect niya. Naka-focus ang guwapo ngunit malungkot nitong mukha. “ If I am Reiven, I would stay with her. Mahal na mahal siya ni Reiven.”
“But you are Reiven.”
Nabura ang lungkot sa mga mata nito. His eyes became cold and rash. “I am Martin de Guia now, Reichen. Wala akong pamilya. Wala rin akong kakayahan. Nabubuhay lang ako para sa sarili ko. And don’t expect me to love anybody. I am void of that emotion. I don’t need it.”
Hindi pa rin niya mapaniwalaan ang naririnig niya. Kahit na sino pa ito, si Reiven o si Martin, tao pa rin ito na may emosyon. Marunong magmahal at nanaisin na magmahal. Bakit ipinagkakait nito sa sarili ang karapatan na iyon? Naroon lang naman sila ng pamilya nito na handang magmahal dito.
Bagsak na ang balikat ni Reichan. Parang nawalan ng pag-asa na baguhin ang iniisip ng kapatid. Taon ang ginugol ni Reiven para patigasin ang sarili. His experiences made him so hard and harsh. Hindi iyon basta basta mabubuwag. Nagawa nitong magtago sa kanila sa loob ng mahabang panahon. Sa palagay niya ay di nila basta basta maiiba ang pananaw ni Reiven.
“Anong gagawin mo kay Sofiajade?” tanong ni Reichen.
“Aalis ako kapag magaling na siya. Kailangang kalimutan na rin niya ako. Hindi ko siya pwedeng mahalin.”
Nakuyom niya ang palad. Manhid na ba talaga ang puso ni Reiven para patayin ang lahat ng emosyong pwede nitong maramdaman kasama na ang pagmamahal nito sa kanya?
“ You can’t do this to me, Reiven. I am not that easy to get rid of,” mariin niyang bulong sa sarili habang nakatitig sa mukha ni Reiven sa screen.
Ngayon pang nalaman niyang buhay ito, lalong di niya ito pakakawalan. Titigil lang siya sa pagmamahal dito kung mawawala siya sa mundo.
Siya ang babae na kapag lalong pinagkakaitan ng pagmamahal, lalong tumatapang at lalong magpupumilit makuha ang gusto niya. Reiven should know that by now. At di siya nito mapipigilan.
“MALAPIT na kayong lumabas dito, Miss Sofiajade. Low batt na daw ang mga virus ninyo. Konting tiis na lang, Ma’am,” sabi ni Felix na nagpainom ng gamot sa kanya.
Kulang isang linggo na lang at clear na siya. Aalis na rin si Reiven sa riding club. Wala na siyang maisip na paraan para di umalis si Reiven. Maliban kung magkakasakit siya o kung papayagan siyang bumuntot ulit dito.
“Salamat sa pag-aalaga sa akin, Felix.” Humikab siya. “Matutulog na ako.”
“Alanganin po yata ang tulog ninyo, Ma’am. Epekto siguro ng gamot.”
She pressed something in her laptop. Saka niya iyon itinabi at humiga. Pumikit siya at hinintay na lumabas si Felix. Isang oras pa ang lilipas bago siya nito muling balikan. Di rin siya pupuntahan ni Reiven doon dahil busy ito sa laboratory. Dumalaw ang mismong director nito para I-check ang research nito sa equine laboratory ng riding club.
Matapos ang kalahating minuto ay narinig niya ang mahinang click niyon. Dali-dali siyang bumangon at tsinek ang laptop. Sa window kung na naka-hook sa security, nakikita sa camera na mahimbing na mahimbing ang tulog niya. Naka-program iyon para mag-pause ng isang oras. Sapat na para makalabas siya ng medical center nang walang kakila-kilatis.
Mabilis siyang nagbihis ng damit na pang-nurse. Isa pang kaibigan niya mula sa labas ng riding club ang nagpadala niyon. Pinalabas lang na regalo sa kanya at gagamitin sa isang costume play. Pero iyon ang uniform ng mga nurse sa medical center ng riding club. May kasama rin iyong mask para makalabas siya ng center nang walang makakakilala sa kanya.
Nang makapagbihis ay itinabi niya ang damit niya sa drawer. Binalikan niya ang laptop. Walang tao sa corridor. Nagbigay siya ng panibagong command sa computer. “System lock down in twenty seconds, nineteen…” anang voice prompt.
Dali-dali siyang lumabas ng pinto dala ang chart at keycard. Naka-freeze na rin ang image ng corridor na walang tao kaya di siya makikita. Wala ring makakalabas sa kanya-kanyang kuwarto dahil ini-lockdown niya. Mali-lift lang ang lockdown oras na gamitin niya ang master keycard niya paglabas ng isolation area.
Walang kilatis siyang dumaan sa fire exit at nakalabas ng medical center. Pinara agad niya ang dumadaang golf cart. “Sa villa po ni Myco Gosiaco.”
Tahimik siyang ihinatid ng driver ng golf cart sa villa ni Myco. Dali-dali niyang ini-insert ang keycard. Ngumisi siya nang bumukas iyon. Access denied dapat ang keycard niya. Tiniyak ng mga ito na di niya magagamit ang keycard niya. Pero dahil sa kanyang kahenyuhan, nai-manipulate niya ang security database ng riding club para bigyan ulit siya ng unlimited access saan man niya naisin. Di lamang iyon, nai-program din niya ang bawat camera sa bawat lugar na mag-freeze o gumana kung kinakailangan para di siya ma-trace ng mga ito.
Pagpasok ng villa ay tinanggal niya ang nurse’s blouse at cap. Kinuha agad niya ang chessmaster’s guidebook sa kuwarto ni Myco saka sumalampak sa harap ng crystal chess set na nasa sala. Nasa dating ayos pa rin iyon nang iniwan nila ni Myco.
Iniunat niya ang kamay. “Humanda ka sa akin, Myco. Tatalunin kita. At humanda ka sa akin, Reiven. Di ka makakawala sa akin.”
Dahil sa sobrang pressure, nawala sa isip niya kung ano ang itsura ng gameboard bago niya iwan. Di naman siya tulad ni Myco na may photographic memory. Makakalimutin rin siya. Ngayong malinaw na niyang nakikita ang posisyon ng bawat piyesa, mapag-aaralan na niya iyon.
“Good afternoon, Ma’am,” magalang na bati sa kanya ng housekeeper.
“Good afternoon! Maglilinis ka ba?” Ngumiti siya. Pamilyar ang babae. Ito ang babaeng nagugustuhan ni Myco.
“Opo. Pero iyon lang isang kuwarto na kailangan kong I-disinfect. Hindi ko po kayo aabalahin. Huwag kayong mag-alala.”
“Ah! Ipinapalinis pala ni Myco ang kuwarto ko.”
“Kayo po ang kapatid niya? Nakababatang kapatid niya?”
Natawa siya. Mas mukha siyang bata kay Myco dahil ito masyadong seryoso at nakasimangot. Siya naman ay palangiti. “No. Ako ang ate ni Myco.” Inilahad niya ang palad. “Sofiajade Gosiaco.”
“Ate niya?”
Kinamayan niya ito. “Kung ayaw mong maniwala, isipin mo na lang na si Myco ang kuya ko.”
“Ako po si Florecina. Hindi ko po alam na dadating na kayo.”
“Shhh..” aniya at inilagay ang daliri sa labi. Sekreto ang pagpunta niya doon.
Tumango ito. “Okay. Maglilinis na po ako ng kuwarto ninyo.”
“Teka. Bakit may dala kang dahon ng pandan?”
“Plano ko po sanang gamiting air freshener pagkatapos I-disinfect ang kuwarto ninyo. Gusto po ba ninyo ang amoy?”
Niyakap niya ito. “Thank you! You are an angel. Sawa na ako sa amoy ng disinfectant sa ospital. Nagugutom na tuloy ako sa amoy. Kain tayo.”
“Hindi na po. Magtatrabaho pa ako. Sige po.” At naglinis na ito sa kuwarto niya.
Sumalampak ulit siya sa harap ng chessboard. “Yosh! Hindi ko pwedeng sayangin ang oras!” Pinag-aralan niya ang lahat ng posibleng galaw ni Myco. Kailangan niyang dibdibin iyon kung gusto niyang manalo sa henyo niyang kapatid.
Nasa kainitan na siya ng pagpaplano niya nang biglang bumukas ang pinto. “Sino ang may sabi na pwede ka nang lumabas ng kuwarto?”
Nanginig ang kamay ni Sofiajade na may hawak na libro. Natagpuan siya ni Reiven. Madilim na madilim ang mukha nito. He found her.
“Good afternoon, Doctor de Guia,” kaswal niyang bati. “Lumabas lang ako para pag-aralan ang next move ko sa chess match namin ni Myco. Baka kinakalawang na ang utak ko sa tagal kong naka-quarantine.”
“Tinakasan mo ang security sa medical center para lang sa chess match? Alam mo ba kung gaano kadelikado ang ginawa mo?”
“Dito lang naman ako nagpunta,” aniya at binuklat-buklat ang libro. Di niya dapat ipakita dito na natatakot siya. At di big deal ang pag-alis niya.
“Dito lang? Bawal ka ngang tumapak kahit saan sa labas ng intensive care section at sasabihin mo na dito ka lang nagpunta?”
“Wala namang ibang nakakita sa akin,” hirit pa niya. “Wala rin akong ibang nakasalubong nang lumabas ako. Promise!” Itinaas niya ang kamay.
“Finally! Natagpuan mo na rin siya,” humihingal na sabi ni Myco. “Kailangan pa ba nating magtulong para ibalik siya sa medical center?”
“It’s okay. May tranquilizer ako dito.” Inilahad ni Reiven ang kamay at bumaling sa kanya. “So are you coming with me or we have to take you in a forceful way?”
Kinilabutan niya nang marinig ang salitang injection. Umiling siya. “Sawa na ako sa injection.” Ikamamatay niya ang injection.
Hinawakan ni Reiven ang braso niya. “Okay. Then let’s go!”
“S-Sandali!” Lumingon siya sa kuwarto. “Magpapaalam lang ako kay Florecina.” She was a nice girl. Gusto lalo niya ang pandan scent na gamit nito sa kuwarto niya.
“Nandito si Florecina? Nagkita kayo?” bulalas ni Myco. Dali dali nitong binuksan ang pinto ng kuwarto niya. “Oh, God!”
Nasapo ni Reiven ang noo. “Damn it! We are in big trouble.” Matalim siya nitong sinulyapan. “Hey, you! Sabi mo walang ibang nakakita sa iyo.”
Nakagat ni Sofiajade ang labi. “Oo. Noong paglabas ko ng medical center. Di ninyo ako tinanong kung may nakakita na ako nang dumating ako dito. Sorry.”
Noon lang niya naalala na bawal siyang makihalubilo sa kahit sinong babae dahil maari pang makahawa ang sakit niya. Na-enjoy niya ang buhay sa labas ng isolation area kaya nakalimutan na niya ang lahat.
“Sorry? Anong sorry?” bulyaw ni Myco dito. Galit na galit. Kinuyom nito ang palad. Gusto na siguro siya nitong sakalin. “Alam mo ba ang ginawa mo?”
“May problema ba?” tanong ni Florecina na lumabas ng kuarto. “Nag-usap lang naman kami sandali…”
Nag-dial si Reiven sa cellphone. “This is Doctor Martin de Guia. Natagpuan ko na si Sofiajade. But we have a problem. There is a possibility of contagion. Yes.”
Inagaw ni Myco ang cellphone. “Drat! Magpadala na kayo ng tao dito. This is an emergency!” Di siya makatingin nang diretso dito.
Hinila ni Reiven si Sofiajade. Tahimik siyang sumunod dito. “Siguro naman hindi ka na kailangang makipag-tug of war sa akin ngayon.”
Naramdaman niya ang pamamasa ng mata sa sobrang guilt. “I am sorry.” Dadanasin din ba ni Sofiajade ang dinanas niya?
Iniwas lang ni Myco ang tingin. “You are so hard-headed. Kailangan pang may ibang taong mapahamak bago ka matauhan.”
Halos bumaon ang daliri ni Reiven sa braso niya nang isakay siya sa hiwalay na ambulansiya. “We will have a serious talk, Sofiajade. You’ve gone too far this time.”