Palakad-lakad sa harap ni Sofiajade si Reiven. Maya’t maya itong humuhugot ng malalim na hininga. “What you did was stupid, Sofiajade! Stupid! Hindi mo ginagamit ang katalinuhan mo sa tama. Wala ka dapat dito sa isolation area. Dapat nasa mental hospital ka. Are you crazy?”
Kanina pa dumudugo ang tainga niya sa sermon ni Reiven. Mula sa villa ni Myco ay di nito binitiwan ang braso niya hangga’t di siya nito naibabalik sa kuwarto niya sa isolation area ng riding club. Ramdam na ramdam niya ang matinding galit nito. Ito pa lang ang nanenermon sa kanya. Maya maya tiyak ay dadating na si Myco, ang papa niya at maging si Reichen. Wala pa doon ang sermon ni Reid Alleje na siguradong sesermunan siya sa video conference.
Daig pa tuloy niya ang isang takas na bilanggo o baliw na takas sa mental hospital. Kinumpiska ang access card niya. May mga guwardiya na rin sa paligid ng isolation area. At higit sa lahat, wala na rin siyang laptop computer at iba pang gadgets. Pati DVD at anime niya ay kinumpiska sa kanya dahil di daw alam ng mga ito kung hanggang saan ang kaya niyang gawin.
Nakayuko siya habang mahigpit ang kapit sa laylayan ng nurse’s blouse na suot pa rin niya hanggang ngayon. Sa tindi ng sermon ni Reiven sa kanya, kulang na lang ay magpabaon siya nang buhay sa lupa.
“Sobra ka naman. Mental hospital,” nakalabi niyang usal.
“Okay. So you don’t like to be stupid and crazy. What you did was inconsiderate and selfish. Salamat sa iyo, may isang taong nabibingit sa kamatayan dahil sa kagagawan mo.”
Nasa kabilang isolation room si Florecina at inoobserbahan. May mga kasamahan si Reiven mula sa Megos na tutulong. Di naman iniiwan ni Myco si Florecina. Lagot tiyak siya kay Myco mamaya. Milya-milya din sermon nito.
“Akala ko kasi pwede na akong lumabas. Ilang araw na lang naman, di ba? Sabi ni Felix magaling na ako. Halos clear na sa virus.”
“Halos? Alam mo ba na mas mabilis kang makakahawa sa ganitong stage. Hindi tayo dapat nagte-take ng risk. Ngayon, baka wala nang twenty-four hours ang itagal ng buhay ni Florecina oras na lagnatin siya.”
“She’s Level three.” Pagdadaanan din nito tiyak ang dinanas niya. Naipadyak niya ang paa sa sobrang frustration. “Ano… wala pa rin ba kayong gamot?”
“Wala,” sagot ni Reiven. Nagtagis ang bagang nito at tinanaw ang bintana. Isa pa iyon sa nakaka-frustrate dito. Wala pa ring gamot.
“Hindi ba may ritwal naman na nakagamot sa akin?”
Matalim ang mata nito nang lingunin siya. “Ritwal? Ano? Hahanap tayo ng tribo na gagamot sa kanya? O dadalhin din natin siya sa mga Yubidwa. Bago pa siya makarating doon, malamang patay na siya.”
Yumuko siya at parang ayaw na niyang iangat ang ulo niya. “I am sorry.”
Ngayon na lang niya nakita ang resulta ng pagiging impulsive niya. She thought her plan was foolproof. Di niya inaasahan ang pagdating ni Florecina.
“Sorry? Iyan ang masasabi mo?” Humalukipkip ito at tumayo sa harap niya. “Paano kung mamatay si Florecina? Maibabalik mo pa ba ang buhay niya?”
Marahan siyang umiling at naramdaman niya ang pagpatak ng luha sa mata niya. Sobrang guilt ang nararamdaman niya. “Magdadasal ako na gumaling siya.”
“Paano kung hindi na?”
Inangat niya ang mukha. “Dito lang ako hangga’t di siya gumagaling.”
“At ano ang gagawin mo? Bubulukin mo ang sarili mo dito? Do you think it would make everything okay?”
“Ginawa ko lang naman iyon dahil kapag natalo ako ni Myco sa laban namin, hindi na kita pwedeng makita. Di na kita masusundan.”
“At ano ang gagawin ko sa iyo? Babantayan kita? O kapag nakaalis ka dito, makikipaghabulan ka sa akin? Ganito lang ba ang gagawin mo sa buhay mo?”
Tumayo siya at dinuro ito sa dibdib. “Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam ng habambuhay hinahabol mo ang taong mahal mo. Na kaharap mo lang siya pero ni hindi mo siya pwedeng yakapin. NI hindi mo siya matawag sa pangalan niya. Na ginagawa mo ang lahat dahil mahal mo siya pero lagi na lang mali. Is it a sin to love you, Reiven?”
“Stop calling me Reiven! Hindi ako si Reiven!”
“Alam ko na kung sino ka. Narinig ko sa usapan ninyo ni Reichen.”
His smile curved in a ruthless smile. “Of course. You must be spying on me. Di ka talaga titigil hangga’t di mo nalalaman ang totoo. Kung narinig mo ang lahat, di ko na siguro kailangan pang magpaliwanag sa iyo.You should stay away from me.”
Niyakap niya ito. “Reiven, I am sorry. Ang dami ng hirap na pinagdaanan mo. Sana nakita agad kita nang bumalik ka. Sana nai-share mo sa akin lahat ng sakit na nararamdaman mo para di ka na-iisa. I am sorry that you have to suffer alone. I am sorry that I love you so much, we have to come to this. Pwede naman tayong bumalik sa dati, di ba? Ituring mo na lang na masamang panaginip ang lahat.”
Akala siguro nito ay mag-isa na lang ito. Na dahil sa pinagdaanan nito, di na niya ito tatanggapin pa. Sinisisi ni Reiven ang sarili sa maraming bagay. Itinuring din nitong parusa sa sarili ang pagkawala sa Amazon jungle sa loob ng dalawang taon. At sa pagbabalik nito, ipinagpatuloy nito ang pagpaparusa sa sarili nito.
Di nito ibinalik ang yakap sa kanya. Animo’y isa lang itong malamig na estatwa na nakatitig sa kawalan. Walang buhay ang mga mata nito, walang ekspresyon ang guwapo nitong mukha.
“You don’t know how it feels to have a horrible nightmare, Sofiajade. Hindi mo pa nararanasan na mabingit ang maraming tao sa kamatayan o may mamatay sila dahil sa iyo. They would stare at you in your dreams. Kahit na hindi sila magsalita, alam mong ikaw ang sinisisi nila. Ipagdadasal mo na sana ikaw na lang ang nawala at hindi sila. Na di mo na kailangan pang gumising sa umaga pero di mo naman kayang harapin ang sarili mo sa salamin.”
Naalala niya ang gabing dinalaw ng bangungot si Reiven. Tinukoy nito ang biktima ng bioterror attack sa subway station sa Tokyo.
“Nightmares,” usal niya. “Kaya ba mas pinili mo na lang na maging si Martin de Guia at kalimutan ang pagiging Reiven Alleje dahil sa bangungot mo?”
“Sabi ni Reichen sa akin, nalinis na ang pangalan ko sa nangyari. Na tinulungan ko lang ang mga kriminal na iyon nang di alam ang tunay nilang motibo. Pero hindi iyon ang sinasabi ng konsensiya ko. Di iyon ang sinasabi ng mga taong pinatay ng virus na gawa nila. Dahil alam kong kahit anong gawin ko, hindi ko na maibabalik pa ang buhay nila.”
Malalim ang sugat na iniwan sa pagkatao dito ng nangyari. Tama ito. Walang makakabura sa bangungot na pinagdaanan nito. Kinamumuhian nito ang sarili dahil nagamit ito ng mga kriminal para pumatay ng ibang tao. Wala man itong direktang involvement sa nangyari, inuusig pa rin ito ng konsensiya nito.
“Kailangan mo bang lumayo nang tuluyan sa amin para tuluyang mawala ang mga bangungot mo? Hindi mo ba naisip na mas makakatulong kami kung kasama mo kami?” Hinaplos niya ang pisngi nito. “Kung kasama mo ako.”
Pinigilan nito ang pulsuhan niya ang inilayo ang kamay sa kanya. “No! Mas mabuti nang malayo kayong lahat sa akin.”
“Reiven, mahal kita!”
“Alam mo ba na lalo mo lang akong pinahihirapan dahil sa pagmamahal mo?” Binitiwan nito ang kamay niya. “I don’t need love, Sofiajade. At hindi na rin ako ang lalaking mahal mo. Hindi na ako si Reiven Alleje.”
“Ganoon lang ba kadali sa iyo na burahin ang pagkatao mo? Kahit kailan, hindi mo maaangkin ang pagkatao ni Martin de Guia dahil hindi ikaw siya. You are Reiven Alleje. Kahit na magka-amnesia ka pa, di iyon magbabago.”
Kahit na kalimutan nito ang nakaraan nito, di nito maikakaila sa sarili na ito si Reiven Alleje. Di nito matatakasan ang tunay nitong pagkatao.
“He is dead!” mariin nitong wika. “Siguro tama lang na mahalin mo si Reiven. Mahal ka rin niya. Pero wala na siya at huwag kang umasa na babalik pa siya.”
Nilagpasan siya nito at naglakad papunta sa pinto. Hinabol niya ito at niyakap ito mula sa likuran. “I love you. Wala akong pakialam kung ano ang pakilala mo sa sarili mo. Mahal kita bilang si Martin de Guia. Kahit na sabihin mo pang ikaw ang reincarnation ni Hitler. Wala akong pakialam. I want to be with you.”
“Kung mamahalin mo ako at ipaparamdam mo sa akin na masaya ako, babalik lang ang mga bangungot, Sofiajade. So don’t make things harder for me. Naramdaman ko na ang katahimikan ngayon bilang Martin de Guia. Let go.”
Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak niya sa baywang nito hanggang tuluyang bumagsak sa tagiliran niya ang kamay niya. Ang pagmamahal niya ang magbabalik sa mga bangungot ni Reiven. Ano ang pipiliin niya? Hayaan ito sa tahimik na buhay o manatili sa piling nito at patuloy itong mahalin?
It was a tough choice. Kinuyom niya ang palad. “Kung pakakawalan kita ngayon, isinusuko ko na rin ang kaligayahan ko. If we are together, I will chase those nightmares away. Bigyan mo ako ng pagkakataon.”
Lumingon ito. Di nito maitago ang lungkot sa mga mata. “Wala nang pagkakataon para sa iyo, Sofiajade. Tama na. Pinahihirapan mo ang sarili mo.”
“May isa pa akong pagkakataon. Hangga’t di ako natatalo ni Myco sa chess match namin, hindi ka mawawala sa paningin ko.”
“Kung mananalo ka kay Myco. Get over that match, Sofiajade. Mukhang diyan nakasalalay ang ikatatahimik nating lahat.”
“Hindi mo ako itataboy kapag natalo ko si Myco.”
“At hindi mo na rin ako guguluhin kapag natalo ka niya. Goodluck!”
That match was her last chance. She wished luck would be on her side. Gagawin niya iyon para kay Reiven.
HALOS dumugo ang utak ni Sofiajade habang pinagmamasdan ang mga chess pieces sa harap niya. Kahit saan siya tumingin ay napapaligiran ang king niya. Nakahanda na ang mga piyesa ni Myco para tapusin ang laban.
Pinagpawisan siya ng malapot kahit na aircon ang isolation room. Iyon na ang huling gabi niya doon. Clear na si Florecina mula sa virus. Nakatakda na rin ang pag-alis ni Reiven. At bago matapos ang gabing iyon, maitatakda na ang kapalaran niya.
“Checkmate!” deklara ni Myco nang iumang ang queen sa king niya.
Nasapo niya ang sentido. Kahit saang anggulo niya tingnan ay talo na siya.
Tumayo si Myco at sinulyapan ang papa niya na nakatayo sa di kalayuan. Sinusubaybayan nito ang laban nila. Ito naman kasi ang pasimuno ng lahat.
“Pa, ako ang nanalo. Sundin ninyo ang napagkasunduan natin. Hindi ninyo ako pupwersahin na mag-asawa o magkaroon ng girlfriend man lang.”
Tinapik ni Michael ang balikat ni Myco. “I honor that, hijo.”
“Ate Sofie, remember our deal?” Myco asked in a strained voice.
“Yes,” she whispered.
“You have to stay away from Doctor de Guia,” Michael Gosiaco stressed.
Nang malaman nito ang pagtakas niya sa isolation unit ng medical center ng riding club, di na siya nito sinermunan. Inisa-isa na lang nito ang magiging schedule niya oras na makalabas siya sa isolation unit. Kailangan na daw niyang bumalik sa Tokyo.At hangga’t wala siyang official business ay di siya makakabalik sa riding club.
Ngayon naman ay tuluyan na silang magkakalayo ni Reiven. Sigurado siya na may mga mata nang nakasunod sa bawat kilos niya. Wala siyang takas. Kailangan niyang igalang ang kasunduan niya ng papa niya.
“Pa, what is Doctor de Guia is also Reiven?” tanong niya. Baka sakaling magbago ang isip nito kung open ang isip nito sa posibilidad ng katotohanan.
“Kahit na!” singhal nito sa kanya na halos ikabasag ng eardrums niya. “Sa palagay mo ba gugustuhin ka niyang makasama matapos ang gulong ginawa mo sa pagsunud-sunod sa kanya? Sofiajade, I am begging you. Gusto mo bang mama mo naman ang maospital sa sama ng loob na naibigay mo? Kung irerespeto mo ang resulta ng laban ninyo ni Myco, mas matatahimik tayong lahat. Pabayaan mo na si Doctor de Guia. Hayaan mo na siya.”
“Yes, Pa.” She was a loser. Wala siyang karapatan na umapela kahit na libo-libong karayom ang tumutusok sa puso niya. Sa loob ng mahabang panahon ay minahal niya si Reiven. Kahit nang inakala ng lahat na patay na ito, di ito nabura sa puso niya. Kung kailan natagpuan niya ito ulit, saka pa niya ito isusuko.
Gusto niyang umiyak nang mapag-isa. Pero nang pumasok si Reiven sa kuwarto niya ay pilit siyang ngumiti. That was the best thing a loser like her could do. Smile and show a brave front. Tama siguro ang ilang beses niyang pagpapakita kung gaano siya kahina dahil sa pagmamahal niya dito. It was game over.
“Nalaman mo na siguro kina Papa na natalo ako ni Myco,” sabi niya habang inililigpit ang mga chess pieces. “Pwede bang paki-check up ako, Doc? Dumudugo yata ang utak ko dahil sa laban namin.”
“It must be a tough fight. Pinahirapan mo daw siya.”
“But I still lost in the end. Huwag kang mag-alala. Paglabas ko dito bukas, di kita susunggaban. Hindi rin ako tatakas para lang sundan ka. I will keep my word.”
“Iyon ba ang kasunduan ninyo?”
“Yes.” Pinagsalikop niya ang palad. “Medyo mahirap pero kakayanin ko. Nasanay na akong sundan-sundan ka, eh.”
Ginagap nito ang kamay niya. “Sofiajade, it is for your own good.”
Binawi niya ang kamay mula dito at nag-abalang ayusin ang kama niya. Ayaw na niyang tanggapin ang kabaitan nito. Lalo lang siyang mahihirapan kapag nagkahiwalay sila. “Pasensiya ka na kung pinasakit ko ang ulo mo. Alam mo naman ako kapag in love, di ba? And thank you for saving my life. Sana huwag kang magalit sa akin kasi mahal kita. Wala akong magagawa doon. Makulit ang puso ko. Ikaw lang yata ang kayang mahalin.”
“This is for the best, Sofiajade.You are a tough woman. You will get over me.”
Tumalikod siya dahil di na niya kayang pigilan ang luha niya. Sana nga ay kasing tapang siya ng iniisip niya. Sana makaya niyang mawala ulit si Reiven sa buhay niya katulad noong una. Mas madali siguro itong kalimutan kung magagalit siya dito. But she simply can’t. Masyado nang malaki ang galit nito sa sarili para isuko ang mga taong nagmamahal at nagpapasaya dito. She should just let go.
Parang sinasaksak ang puso niya nang marinig ang papalayo nitong yabag. Niyakap niya ang sarili. Hindi siya lilingon. Di na niya ito tatawagin o kakausapin pa.
“Reiven, pwedeng humingi ng pabor?”
Tumigil ang yabag nito. “Ano iyon?”
Huminga siya nang malalim at nilingon ito. “Pwede ka bang makasama ng ilang araw bilang Reiven? Siguro kinamumuhian mong maging Reiven pero hindi kami. Pwede bang iparamdam ko sa iyo na mahal kita kahit konting panahon lang?”
“I don’t think it is wise.”
“Huli na ito. After that, I won’t stop you. You are free to go.”
Matagal na sandali pa siya nitong tinitigan. It must be a tough decision for him. Matagal na nitong kinalimutan kung paano maging Reiven Alleje, ang mahalin at mahalin.
“I will give you three days, Sofiajade. You can have Reiven for three days.”