“Sofiajade, do I really have to wear this riding habit again?”
Parang di makahinga si Reiven habang inaayos niya ang riding habit nito para sa polo match. “Mr. Alleje, di naman pwedeng hayaan kitang maghubad na lang sa arena kapag naglaro ka. Baka may makapasok na namang isa sa mga Flower Girls at pagpiyestahan na naman ang katawan mo. Baka galisin ka.”
Sa kanya lang ang katawan nito. Di pwedeng pagnasaan ng iba.
“Mas komportable akong maglaro kapag wala akong coat. Ang init-init. Tropical country tayo. Wala naman tayo sa Europe.”
“Ikaw din. Titig lang ng mga babaeng iyon, mangangati na ang balat mo.”
“Walang scientific basis iyan.”
“Huwag ka nang mag-base sa science. Maniwala ka na lang sa theory mo. Kasi kapag ako ang tumitig sa iyo, baka mabuntis ka nang wala sa oras.”
Ginulo nito ang buhok niya. “That’s so silly.”
Naging seryoso siya habang inaayos ang butones ng coat nito. “Reiven, pangarap ko noon na kapag nagkaanak tayo, ako ang mag-aayos ng uniform niya kapag nag-enroll siya sa riding school. Tapos tuturuan mo siyang maglaro ng polo o kahit anong horse sports na gusto niya. O kaya pagagawan ko siya ng laboratory coat niya kung gusto niyang maging little Doctor Reiven Alleje.”
“May ganyan kang pangarap?”
Marahan siyang tumango. “Yup. Pero hindi na mangyayari iyon. Kaya kahit ngayon lang, huwag mo nang hubarin ang coat mo. Minsan lang naman.”
Nakahawak ito sa butones na kasusuot pa lang niya. Tinitigan siya nito. Parang nag-aalangan kung tatanggalin nito nang tuluyan ang butones at coat o hahayaan na lang iyon. Ibinuka nito ang bisig at niyakap siya.
“Wish me luck on this match.” Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “I am sorry. Hindi ko natupad ang pangarap mo.”
“Silly. Hindi ko ito sinabi sa iyo dahil gusto kong malungkot ka para sa akin. A few days with Reiven Alleje is enough.” Tumingkayad siya at kinintalan ito ng halik sa labi. “At iyan ang halik na kailangan ko. Hindi halik sa noo.” Dinuro niya ang dulo ng ilong nito. “At oras na matalo ka, lagot ka sa akin.”
“Mukha ba akong magpapatalo?” Ngumisi ito. “I am Reiven Alleje, remember? Wala si Kuya Reid dito. Iyon lang ang katatakutan ko.”
“Magtatampo si Reichen oras na marinig niya iyan.”
He crinkled his nose. “We haven’t had a serious match yet since he graduated from Spanish Riding School. Titingnan ko kung dapat ko siyang katakutan.”
“Yabang! Talunin mo muna sila!”
Mukhang kampante si Reiven habang sakay ng polo pony nito. Kasama nito sa team si Beiron habang nasa kabila naman sina Reichen at Emrei. Puno na ang indoor arena ng mga spectators.
Siya ngayon ang kinabahan para kay Reiven. Kilala niya kung gaano ka-ruthless si Reichen at Emrei sa game field. Maging ang mga players na miyembro ng magkalabang team ay kasama sa mga elite players ng riding club. Madalas iharap ang mga ito sa ibang polo club sa open tournament ng Stallion Riding Club. Reiven might be there for fun. Pero iba pa rin kapag seryoso ang laro. Baka masaktan ito.
“He is an Alleje,” anang si Myco na nakatayo sa tabi niya.
“Huh!” usal niya at tiningala ito. Alam na nito ang totoo.
“I said Reiven is an Alleje, right? Sabi ni Sir Reid sa akin dati, he is the most blessed when it comes to horses. Natural lang na magkasakitan sila sa game na ito pero alam na niya ang gagawin niya.”
“Pero… kailan mo pa nalaman ang… I mean… Myco alam mo naman pala!”
Pinisil nito ang balikat niya at bahagyang lumingon sa mga taong nanonood. Mahina lang ang usapan nila pero ipinapahiwatig nito na baka may makarinig sa kanila. “Focus on the game, Ate. Nasa kalaban niya ang bola.”
Gaya ng inaasahan niya, di basta basta pagbibigyan ng grupo ni Reichen si Reiven. Ilang beses na tinangkang harangin ni Reiven ang tira ng kalaban pero di iyon ganoon kadali. They were experts in the game.
Hindi siya halos humihinga nang team na ni Reiven ang may kontrol sa bola at ito ang nagpoprotekta. Magkasalikop ang palad niya habang pinapanood ang kilos nito. He flicked his wrist and hit the ball with an offside forehand side. Ipinasa nito ang bola kay Beiron na siyang nagkapagpapasok sa bola sa goal.
Napahiyaw siya sa tuwa. Iyon ang pinakamahirap na shot pero nai-execute ni Reiven. Hindi inaasahan ng kalabang team na magagawa iyon ni Reiven.
“Iyon ba si Doctor de Guia? I love him!” tili ng isa sa mga babae sa audience.
“Kung ganyan kaguwapo ang doctor ko, kahit ulanin ako ng virus! I love you, Doctor de Guia! Marry me.”
Napangiti na lang siya sa halip na magselos at mairita. Hindi alam ng mga ito ang sinabi. “He is not Doctor de Guia. He is Reiven Alleje,” bulong niya.
Gusto rin sana niyang mag-cheer para kay Reiven pero di niya magawa. Baka kasi matawag pa niya ito sa totoong pangalan dahil sa bugso ng damdamin niya. She must shut her mouth to protect his real identity.
Half time na at divot stomping nang makalapit siya kay Reiven. Pawis na pawis ito at di maipinta ang mukha. “Half time pa lang. Di pa kayo talo.”
Lamang ang team nila Reichen ng isang puntos. Maganda kasi ang depensa ng team nito kaya di malaki ang lamang.
“Wala akong pakialam sa lamang nila. Init na init lang ako dito sa coat ko. Hindi tuloy ako makapaglaro ang maayos.”
Pinigilan niya ang kamay nito nang akmang kakalasin nito ang butones. “Huwag kang maghuhubad dito. Gusto mong malapastangan ng mga babaeng iyan?”
“Isang butones lang.” He flicked the next button. “Dalawa.”
Nanuyo ang lalamunan niya nang masilip ang muscles nito. “Reiven, utang na loob. Baka himatayin ako dito.” Nakadamit pa ito pero nasa isip na niya ay ang kabuuan ng katawan nito kapag walang damit. “Baka ako na lang ang gumahasa sa iyo. Hindi ka na makakarating sa kanila.”
Pero wala pa rin itong patawad dahil tinanggal nito nang tuluyan ang butones ng coat. “Magpantasya ka muna. I have to beat my opponents first.”
Halos magwala ang mga babae nang magsimula ulit ang laro. Sumisilip sa nakabukas na coat ni Reiven ang perpekto nitong katawan.
“That’s not legal!” sintir niya nang bumalik sa upuan niya. “Dapat ipaayos sa kanya ang damit niya. Gusto ba niyang magka-stampede dito. Parang inaakit niya ang mga babae dito. Halika! Hubaran mo pa ako.”
Hindi iyon official match kaya hindi istrikto ang mga patakaran. Wala siyang magawa kundi umupo na lang habang nagpupuyos. Umiinit ang tainga niya tuwing naririnig ang proposal ng iba’t ibang babae dito.
Sinimulan ang bagong chukker sa throw-in. Sina Reiven at Reichen ang magkatapat. Magkasalubong ang mata ng dalawa. Nang ihagis ng umpire ang bola sa gitna ng mga ito ay mabilis iyong nasabat ni Reiven.
Reiven bared his teeth, as if he was a warrior who was willing to win the battle. Iba na ito sa Reiven na nakita niya kanina na mukhang iritado at di kampante. Parang may pakpak ang paa ng mga kabayo nito. Magaan ang bawat galaw ng dalawa at ipinapagaspas ng hangin ang buhok nito at ang nakabukas na coat. He looked so wild and free. Katulad ito nang nakita niyang nagpapatakbo ng kabayo sa Cordillera. Ito ang totoong Reiven Alleje. He was giving his best play. Mabilis at tiyak ang bawat kilos nito. Mula sa pagpasa ng bola, sa pagdepensa at pagsalag sa bola.
Nag-vibrate ang cellphone niya at sinagot niya iyon. “Hello.”
“Sofiajade, is that Reiven?”
Nagulat siya nang mabosesan si Reid Alleje. Tumatawag ito mula sa Spain. “Sir Reid!” Mukhang naka-hook up ito sa larong nagaganap sa riding club.
“Si Reiven ang nakikita kong naglalaro, hindi ba?”
Di niya alam kung paanong sasagutin ang tanong nito. Nilingon niya si Myco pero mukhang di nito alam na kausap niya si Reid. Naka-focus ang mata nito sa laro.
Kinagat niya ang labi. Kaya ba niyang ipagkait kay Reid ang totoo? Kapatid din naman ito ni Reiven. “Sir Reid, maniniwala ba kayo na bumaba si Reiven mula sa langit para lang makipaglaro ng polo?”
“Yes. I believe so. At sa palagay ko, itinaon niyang bumaba sa lupa nang nagle-labor ang asawa ko at nasa Spain ko para di kami magkaharap. I wish I could beat the hell out of him. He is still graceful.”
Di niya mapigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. She could hear the longing in Reid’s voice. Panoorin lang niya ang bawat paggalaw ni Reiven, marinig lang niya ang halakhak nito ay naninikip na ang dibdib niya. She missed him and she would miss him. She wished she could freeze that space in time. Sana ay di na matapos iyon. Sana ay di na umalis pa si Reiven.
“Sofiajade,” untag ni Reid sa kanya.
“Yes?” sagot niya at napahikbi.
“I know that he will go back to heaven soon. Sabihin mo sa kanya na ipapangalan ko sa kanya ang anak ko. Kaya tiyakin niya na mananalo siya. Magwawala ang anak ko kung lalabas na loser ang kapangalan niya.”
“I will tell him that.”
Naghiyawan ang lahat nang manalo ang grupo nila Reiven. Hindi niya makakalimutan ang ngiti ng tagumpay sa labi nito. Natutop niya ang labi nang lapitan ito ni Reichen at yakapin. Ginulo ni Reiven ang buhok ni Reichen nang nanatiling nakayakap ang huli dito.
Kahit hindi magsalita si Reichen, pareho lang sila ng nararamdaman. He wanted to show his brother how much he appreciated him. Hindi lang nito mabigkas ang salita.
“Sofiajade!” tawag nito sa kanya at kinawayan siya.
Inangat niya ang kamay niya para kawayan ito pero ibinaba din niya. Gusto niyang ngumiti para ipakita na masaya siya para dito pero pinili na lang niyang tumalikod at patuloy na umiyak.
Nang hilingin niya na mamalagi doon kahit ilang araw lang bilang si Reiven Alleje, sabi niya sa sarili ay masaya na siyang makita itong masaya. Pero ngayon, ayaw na niyang matapos ang sandaling iyon. She didn’t want him to be lonely again as Martin de Guia. Paano pa niya ito palalayain ngayon?
Lumapit si Reiven sa kanya. “O, nanalo na kami. Bakit ka umiiyak?”
Umiling siya. “Wala!”
“Natatakot ka ba na baka madisgrasya ako?”
Umiling ulit siya. Pwede ba niyang sabihin dito na sana ay manatili na lang ito sa piling niya at maging si Reiven. Pero ayaw niyang sirain ang sandali na iyon. Masaya na si Reiven kasama ang mga taong malapit dito pero mayroon pa rin itong ibang plano. She couldn’t take away his peace of mind from him. Hiniram lang niya ito. Hindi pwedeng manatili ng habambuhay sa kanya ang hiniram lang niya.
Niyakap niya ito. “Nanalo na ako kaya tumahan ka na.”
“Nanalo ka nga pero panalo ka rin sa mga babae dito.” Hinampas niya ang balikat nito. “Ibutones mo na nga iyang coat mo.”
Kinabig siya nito at niyakap siya nang mahigipit. He held her as if he was her lifeline. “Sofiajade, thank you. Akala ko imposible na para sa akin ang maging masaya. Akala ko wala na akong karapatan para sumaya. But here I am. I feel like I am sitting on the top of the world and I don’t feel guilty at all.”
Pitong taon nitong pinagkaitan ang sarili ng kaligayahan. Pinarusahan nito ang sarili sa kasalanang di nito nagawa. She felt for him.
“It is okay to be happy now, Reiven. It is okay to laugh. It is okay to love and be loved. You shouldn’t feel guilty about it. You deserve it.”
Hindi na ito tumutol at patuloy lang siyang niyakap. Nang pagkulumpunan ito ng kagrupo nito ay narinig niya ang halakhak nito. Hindi niya ipagpapalit ang tawa nito sa kahit anong kayamanan sa mundo. Sana iyon na ang simula ng muli nitong pagtawa. Kung bibigyan sana siya ng pagkakataon para patuloy itong maging masaya. Si Reiven lang ang makakapagdesisyon sa kaligayahan nito.
DI mapigilang humikab ni Sofiajade. Nanunuot ang lamig sa katawan niya dahil dahan-dahan nang bumababa ang ulap sa paligid niya. Nasa verandah sila ng Alleje Mansion ni Reiven at nakaupo sa onion seat. Katatapos lang ng dinner na inilaan para sa mga naglaro sa polo match kaya pagod na pagod siya.
Hinaplos ni Reiven ang pisngi niya. “Huwag mong sabihing tutulugan mo ako? Sabi mo magkukwentuhan tayo magdamag.”
Lalo siyang sumiksik sa katawan nito. Iyon lang ang init na pwede niyang kapitan. “Gusto mo magkwentuhan tayo? Kanina pa tayo nakatunganga dito pero wala ka namang ikinukwento sa akin. Naubusan na ako ng ikukwento.”
Inayos nito ang makapal na kumot sa balikat niya. “Noong nasa Amazon ako, akala ko hindi na ako makakalabas ng buhay. O baka doon na rin ako mamatay. Sabi ko sa sarili ko, oras na bumalik ako babawi ako sa lahat ng mga kasalanan. At di ako titigil hangga’t di nawawala ang bangungot sa buhay ko.”
Sa dalawang taon na pamamalagi nito sa Amazon, iyon na siguro ang nabuo sa isip nito. Na iaalay nito ang buhay nito para sumagip ng maraming buhay. ISinantabi nito ang sarili at piniling isuko ang mga mahal nito para makabawi ito. Kung halos mabaliw siya sa mahabang panahon na iyon, mas matindi ang hirap nito.
“Natahimik ka ba nang ikaw na si Martin de Guia?”
“Yes. Those nightmares stopped but not the feeling of restlessness. Kahit na anong gawin ko, parang di pa rin ako masaya. Hangga’t may alam akong sakit, di ako natatahimik. And I am always wary of the people around me. Alam ko na pwedeng gamitin ang nalalaman ko para pumatay ng ibang tao.”
Napakadami nitong responsibilidad. Pasan nito ang mundo sa balikat nito. Perhaps he devoted his whole life for that vocation. Wala na itong itinira sa sarili.
“Kanina sa game, mukhang masaya ka.”
“Yes.” Hinapit nito ang katawan niya. “Ngayon lang ako nakaramdam nang saya sa loob ng pitong taon nang walang iniisip na guilt. Hanggang ngayon nga itinatanong ko sa sarili ko kung tama lang iyon.”
“Seven years of loneliness. Di ka naman babawalan ng Diyos na maging masaya. Kahit na bumalik ka pa bilang Martin de Guia, wala naman sigurongmasama kung gusto mong ngumiti. O kaya magmahal kahit na hindi ako.”
Sadness whelmed in his eyes. “Sofie, hindi ka ba napapagod na mahalin ako? Everytime you come near me, I push you away.”
“Hindi ako napapagod. Reiven, my emotions are so precious to me. For seven years, they call me names like frigid or robot girl. Wala daw akong emosyon. Di ako marunong magmahal. Kaya nang makita kita ulit at naramdaman kong mahal kita, di ko na pinakawalan ang pagkakataon na iyon. Kahit na siguro tawagin mo pa akong baliw, ipapulis, ipadala sa mental, mamahalin pa rin kita. I don’t get the chance to fall in love with just any body. What can I do? Ikaw lang ang kilala ng puso ko.”
Hinalikan nito ang kamay niya. “Sana hindi na lang nangyari ang gulo sa Venezuela. Sana nagbingi-bingihan na lang ako sa tawag ng konsensiya ko para hindi ako umalis sa tabi mo.”
“You are Reiven Alleje because you have a conscience. Di na ikaw ang Reiven na mahal ko oras na mawala iyon sa iyo. Ginagawa mo lang kung ano ang alam mong tama. Kung saan ka mas matatahimik, irerespeto ko iyon. Bumalik ka man o hindi, maghihintay lang ako sa iyo.”
Humugot ito ng malalim na hininga. “Lagi ka na lang naghihintay sa akin. Hindi ko alam kung magagawa pa natin ito ulit.”
“I don’t mind. Masaya naman ako na nakasama kita.”
“Sofiajade, di ko na pwedeng isugal ulit ang buhay mo. Sa mga susunod na disgrasya at virus na tumama sa iyo, baka di na kita masagip.”
“Buhay pa naman ako, di ba? You did everything to save me.” Bumangon siya. “Question! Kung ikaw si Reiven Alleje at tinamaan ako ng virus sa Amazon, ano ang gagawin mo?”
“I will marry you and make love to you,” direktang sagot nito habang nakatitig sa mga mata niya. “Kahit na ibigay ko ang buhay ko para ikaw ang mabuhay.”
Mahal nga siya ni Reiven. May lungkot sa mata niya nang pagmasdan ito. “But you have to go back to heaven soon.”
“Matulog ka na.” Hinaplos nito ang buhok niya. “I am not leaving you yet, Sofiajade. Put your mind at ease. Nandito lang ako para bantayan ka.”
“At hindi ka na matutulog?”
“Akala mo yata ikaw lang ang may pangarap. I have a simple dream. I want to watch you sleep.” Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa dibdib nito. “Sleep now.”
Unti-unting pumikit ang mata niya habang pinakikinggan ang tibok ng puso nito. Bakit ba di niya magawang magmahal maliban sa lalaking ito? The beat of his heart was enough to keep her sane for the rest of her life. Sana lang pagdilat ng mata niya ay nasa tabi pa rin niya ito.
Naalimpungatan siya nang may tumapik sa mukha niya. “Sofiajade…”
“Uhmmm…” ungol niya at kinusot ang mata. “Umaga na ba?”
Parang di pa siya nananaginip ay kailangan na agad niyang dumilat. Nang luminaw ang paningin niya ay naaninaw niya ang mukha ni Reiven na nakatunghay sa kanya. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.
“Tumawag si Myco. We have an intruder. Someone tried to access the classified information at the riding club’s database.”