Chapter Reiven Alleje: Chapter 29

Lumulutang ang utak ni Sofiajade habang nakatutok sa computer. She was trying her best to track the intruder of the riding club’s database. Pero dead end pa rin siya. Inubos na niya ang buong magdamag para tuntunin ang nag-access sa classified at red code information ng riding club pero wala na talagang bakas. Nasa security room siya ng villa ni Myco dahil naroon ang mga personal security gadgets at tracers na ginagamit nilang magkapatid.

Pinisil ni Reiven ang balikat niya at tumayo sa likuran niya. “Hindi ka pa ba matutulog? Magpahinga ka naman.”

“Hangga’t hindi ko nate-trace ang naghahanap sa iyo, di ako titigil.” Mukhang ang information tungkol kay Reiven ang puntirya. “Hindi ako matatahimik.”

Lahat ng mga members at guest ay may information na nakatala sa database ay masusing imbestigasyon na magagamit ng riding club para protektahan ang lahat ng nandoon. Kasama na ang impormasyon kay Reiven at Martin de Guia.

Ang nakakabahala sa kanya ay sa loob mismo ng riding club na-trace ang signal gamit ang account ng isang member na wala sa Pilipinas. Bago niya nakuha ang eksaktong location ay nawala na ang signal. Ibig sabihin ay nasa paligid lang ang mga kalaban nila. Kahit na sino ay pwedeng maging suspect.

“Gusto ko sanang maging masaya dahil may pamangkin na ako pero ganito naman ang nangyayari,” sabi ni Reichen na di masabi agad kay Reid kung ano ang nangyayari sa riding club. Nasa ospital pa sa Madrid si Reid at ang mga magulang nito at binabantayan ang asawang si Tamara. “Madi-disappoint si Kuya Reid dahil di minsan na nga lang siya aalis ng riding club, di ko pa mabantayang mabuti.

“Nang ipakita sa akin ang video ni Reiven Creo, hindi ko alam kung paano ngingiti.” Malungkot na nilingon ni Reiven si Reichen na nasa couch. “Minsan na lang ako magpapakita sa inyo, gulo pa ang dala ko.”

“Hindi naman ikaw ang may dala ng gulo. Sila,” depensa niya.

Tumayo si Myco at pumapalakpak. “Okay! We are a bit melodramatic here. We have to assess the situation then make a solution. We need a shot of caffeine first. Ako na ang kukuha ng coffee.”

“Tutulungan ko si Myco. Malamig na ang croissant na di naman natin nagalaw. I-oven na lang natin,” wika ni Reichen at lumabas.

Tinakpan ni Reiven ang mga mata niya. “Take a nap for a while.”

“Hindi ako makakaidlip man lang. Di ko alam kung sino ang kalaban…”

“Ten minutes lang. Umidlip ka ng ten minutes. Please. Hindi mapapahinga ang isip ko kung nakikita kong wala kang tulog dahil sa akin.”

Nagpatianod siya nang yakagin siya nito sa couch. Nang ihilig siya ni Reiven sa katawan nito, awtomatikong pumikit ang mga mata niya. Bakit ba masyadong malupit ang tadhana sa kanila? Ilang sandali na lang ang natitira sa kanila para magkasama at maging masaya, inaagaw pa sa kanila.

Tama nga kaya ang sinabi ng mama niya? Na di siya magiging masaya sa taong mahal niya. Ayaw pa rin niya iyong tanggapin hanggang ngayon. Dahil sa kabila ng gulo, payapa ang isip niya basta nararamdaman niya ang init ng katawan ni Reiven. Di niya iyon ipagpapalit sa konsepto ng kaligayahan ng mama niya.

Nakaramdam siya ng gutom nang maamoy ang croissant na dala ni Reichen. “Ah! Ang bango!” Bumangon siya at dumampot agad ng isa. “I’m alive!” Mabilis na gumana ang isip niya. Kumuha siya ng ballpen. “Sino-sino ang mga posibleng may access sa password ni Sabrino Montreal at gagamit noon?”

“Whoa! Puno pa ang bibig mo, trabaho agad ang iniisip mo. Baka mahirinan ka. Mamaya na iyan,” saway sa kanya ni Myco.

“Baka nga mahirinan ako. Kape!” Tumakbo siya sa pinto. Naabutan niya si Myco na malagkit ang pakikipagtitigan kay Florecina. Ito ang naka-schedule na maglinis sa villa ni Myco. “Myco!” nakataas ang kilay na tawag niya dito at itinuktok ang dulo ng ballpen sa dingding. “Mamaya ka na makipagligawan. We need to work. Iyong kape mo, baka expired na. Hindi na fresh.”

“Oo. Dadalhin ko na ang kape!” sigaw ni Myco at tumakbo sa kusina.

Pagpasok niya ay tahimik ang dalawa habang tinitingnan sa database ang malalapit kay Sabino Montreal. Wala siyang ideya kung paano ina-narrow down ang mga suspect. Nanakit ang batok niya.

Inabutan siya ni Reiven ng kape. “May iba pa kaya tayong paraan para malaman kung ano ang purpose ng intruder na iyon?

“Hindi basta-basta riding club lang ang puntirya ng intruder kagabi. He or she is after you,” sabi ni Myco. “Dalawang pangalan lang ang hinanap niya sa search engine. Martin de Guia and Reiven Alleje.”

“May nakuha ba siyang impormasyon?” tanong ni Reiven.

“Information about Martin de Guia is highly classified. Iilan-ilang tao lang ang makaka-access doon. Ako, si Kuya Reid si Beiron, si Emrei, si Kuya Reid at si Myco,” sagot ni Reichen. “And of course, that sneaky girl.”

“Ako ang unang nakaalam ng totoo,” aniya at itinaas ang kamay. Nginisihan niya si Reiven. Kung di humara-hara ang magandang katawan nito sa daraanan niya, sana ay nananahimik pa ito bilang Martin de Guia.”

“How about Reiven Alleje’s database?” tanong ni Reiven.

“Wala na siyang malalaman. That database is designed to launch a virus once accessed. It’s under the red code,” paliwanag niya. “Malamang wasak na rin ang computer na gamit niya. Wala pang commercial anti-virus na naka-encounter ng virus na iyon. Kahit na mapatay pa niya ang virus na iyon, oras na pumasok siya may isa pang mas matinding virus siyang mae-encounter.”

“Hindi na tayo pwedeng maging kampante. They know who you are,” wika ni Reichen at nababahalang pinagmasdan ang kapatid. “They used Sabrino Montreal’s access code. Member natin siya na naka-base na sa Canada.”

“May kinalaman si Sabrino Montreal dito?” tanong ni Reiven. Hindi naman kasama sa elite na miyembro ng riding club si Sabino. At wala rin naman itong nakalaban sa mga Alleje o kahit sinong malapit sa pamilya.

“Not necessarily,” wika ni Myco. “Hindi galing sa Canada ang location ng access point. Nandito mismo ang riding club. Pero nagkaroon ng interruption habang tine-trace natin ang exact location.”

“Ang importante, alam natin na nandito lang din ang taong iyon,” sabi niya. “So you can’t just leave the riding club, Reiven.”

Naglaban ang mga mata nila ni Reiven. Alam na niya ang tinatakbo ng isip nito. He wanted to run away. “Mas dapat akong umalis. Kung pati dito masusundan ako, mas maraming manganganib dito. Hindi na ako dapat nagtagal dito.”

“Hangga’t di natin alam kung sino ang nakakaalam ng tungkol sa pagkatao mo. It might be still a hunch. Mas makakabuti na nandito ka sa riding club. We will protect you, bro. Responsibilidad ko iyon bilang kapatid mo,” mariing wika ni Reichen. “Di ka pwedeng mawala ulit sa amin.”

She felt the same. Kahit na bumalik pa sa pagiging Martin de Guia si Reiven, ang importante sa kanila ay ang kaligtasan nito. Kailangang bago ito lumabas ng riding club ay na-clear na nila ang kasong iyon at mahuli ang may masamang tangka dito. Di na nila alam kung paano poprotektahan si Reiven paglabas nito.

“Myco, we have to act fast.” Tumipa siya sa keyboard at tiningnan ang listahan mga security camera na produkto ng Hinata Industries. “Kailangan na nating palitan ang security system mo. We need something that even the riding club’s security doesn’t know we have. Dito namamalagi si Reiven. Malakas ang hinala ko na pati itong bahay mo pasukin nila.”

“Matindi ba ang kalaban natin? Sino?” tanong ni Reichen.

“Pwede isa iyon sa gustong magpabagsak sa riding club. Pwedeng reporter o kalaban ng pamilya,” pag-iisa-isa ni Myco sa posibleng suspect.

“O maaring miyembro ng Tengoku no Hikari Cult.” Iniikot ni Reiven ang tingin sa kanila. “Marami sa kanila ang buhay pa at maaring humahanap sila ng pagkakataon para makaganti kung sakaling buhay pa ako. Nagawa nilang pumatay ng inosenteng tao. Lalo naman sa mga alam niyang nagtraidor sa kanila.”

“Kahit sino pa ang may masamang tangka sa iyo, pareho silang makikinabang. Kapag nahuli ka ng kulto, makakarating ito sa media. Kapag nalaman ng media ang tungkol sa iyo, malalaman din ito ng kulto.” Humugot siya nang malalim na hininga. “Let’s install those systems now. At paglabas natin dito, lahat ng masasalubong ninyo ay ituring ninyong suspect. Pati bubuyog o lamok na sumusunod sa inyo. Baka espiya iyon.”

Nagtawanan sina Reichen at Reiven. “That’s crazy!” anang si Reichen. “Masyado na ba tayong paranoid para pati sila paghinalaan natin.”

“Tanungin mo ako kung paano ko nalaman na sina Martin at si Reiven ay iisa. I spied on him using my friend the robotic fly. Di natin alam ang kakayahan ng mga kalaban natin kaya dapat maging matalas tayo.”

BUMIGAT ANG dibdib ni Sofiajade nang masilip ang kapatid na si Myco sa harap ng malaking LCD TV. Paulit-ulit nitong pine-play ang video ng intruder na kumuha ng files ni Reiven sa laptop computer nito at kumopya sa mga files nito. Masakit iyon sa kapatid niya dahil ang intruder ay si Florecina-ang babaeng mahal nito.

“Myco, di ka pa rin halos natutulog. Ni hindi mo nagalaw ang pagkain mo.”

“Wala akong ganang kumain,” anito sa malamig na boses. “That woman? Kumain na ba siya?” SI Florecina ang tinutukoy nito. Only she wasn’t Florecina. She wasn’t Florecina Malaybalay, an ordinary housekeeper. She was Olympia Montez, one of Asia’s most hard-hitting investigative journalist.

Nahuli nila si Olympia sa pamamagitan ng hidden camera na awtomatikong nag-activate nang tumigil ang orihinal na security camera na naka-install sa villa ni Myco. May nagbigay ng tip dito na sina Reiven Alleje at Martin de Guia ay iisa lang. Naroon ito para kumuha ng impormasyon sa hinihinalang “terorista”.

Nasa custody nila si Olympia. Pinili nilang kausapin muna ang abogado nito bago ito sampahan ng kaukulang kaso. Hindi iyon madaling tanggapin para kay Myco. Her brother fell in love with an enemy. Ayaw na ayaw ni Myco sa mga reporters. They were sneaky. Ikabubuhay daw ng mga ito ang kasiraan at privacy ng iba. At iyon ang pinoprotektahan nila sa riding club. Ang privacy ng miyembro nila.

“Dadating na ang abogado niya mamaya.”

“I want her out of the riding club soon. Tama talaga ako unang beses ko pa lang siyang nakita. Masyado siyang matalino para makalusot kahit nahuli ko na siya. Damn her! And she has the guts to tell me that she came here with good intentions.”

“We would be properly dealt with. Relax.”

Tumayo ito at sinipa ang swivel chair. Her brother was so cool and self-contained. Kahit pa kaharap nito si Kamatayan ay di ito nagpapakita ng emosyon. Ito marahil ang pinakamahirap na naranasan nito. Ang harapin ang emosyon nito.

“Alam ko na ngayon ang pakiramdam mo nang mahalin mo si Reiven kahit na siya si Martin de Guia. Ang pagkakaiba lang natin, minahal mo ang tamang tao kahit nagpakilala siya bilang ibang tao. Kilala siya ng puso mo. While my stupid heart fooled me. Sana sinunod ko na lang ang idinidikta ng utak ko.” Dinampot nito ang investigative news magazine kung saan nakalagay ang article ni Olympia tungkol sa pagkatao ni Reiven. “This is her reality. Full of crap.”

Pinigilan niya ito sa balikat. “We will fix this. Magtutulungan tayo.”

“I have a perfect solution for everything. I am resigning. Kapag dumating si Sir Reid mamaya, bibitawan ko na ang post ko bilang security head ng riding club.”

“Myco, no! Pinaghirapan mo ang posisyon na ito. You worked hard for it. Tapos basta mo na lang bibitiwan? Hindi mo dapat iwan ang posisyon mo.” Trabaho na lang ang iniikutan ng buhay nito ay bibitawan pa ba nito?

“I am a failure. Sa mismong bahay ko ako nasalisihan. She breeched my system. She knows how incompetent I am.”

“Sa palagay ko may inside job dito. Nai-feed ang isang pre-recorded na video sa system natin at ipinalit sa kuha niya habang kinokopya niya ang impormasyon sa laptop ni Reiven. May tumulong sa kanya!”

“That’s double damn for me!” Naggiyagis ang ngipin nito. “May ahas sa mga tauhan ko at di ko man lang nalaman iyon.”

Pinili ni Sofiajade na iwan na lang si Myco. Kahit ano pang sabihin niya para maglubag ang loob nito ay walang epekto. Tiyak na nade-depress ito.

Naglalakad siya sa path walk papunta sa garden nang dumating si Reiven. “Sofiajade, si Myco?” tanong nito.

“Hindi mo siya makakausap ngayon.”

“I am leaving. Iyon ang napag-usapan namin ni Kuya Reid. Bago tuluyang lumabas ang magazine at makaabot sa ibang miyembro ng media at sa maraming tao, wala na ako dito. May reporters nang tumatawag.”

Nakakuha lang sila ng first print ng magazine na may article ni Olympia tungkol dito nang nakaraang gabi. Sa araw na iyon ang official na release ng magazine sa merkado. Una ay intruder lang ang problema nila, ngayon ay hahabulin na ito ng mga reporter pati na rin ng mga tao. Di ito matatahimik kahit na wala namang direktang impormasyon na nagtuturo dito bilang si Reiven Alleje.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

“Guatemala. Kailangan nila ng iba pang tao sa laboratory namin doon. I hate to leave you like this. Pero kailangan ko rin kayong protektahan.”

“We can handle this, Reiven. And it’s about time that you come back to where you really want to be. Kailangan ka ng maraming tao. Sana lang di sa ganitong paraan ka umalis. Gusto kong umalis ka ng masaya dito.”

May lungkot sa mata nito nang haplusin ang buhok niya. “Kung lalayo ako, ako na ang susundan ng may masamang tangka sa akin. Kung mapoprotektahan ko kayo, masaya na rin akong aalis dito.”

“Ako ang may kasalanan nito. Sana di na lang ako nagsusunod sa iyo. Sana di na lang kita ibinalik sa riding club. Sana nananahimik ka pa rin ngayon. I’m sorry.”

Niyakap siya nito. “No. Habang nandito ako sa riding club bilang Reiven, naging masaya ako. Thank you, Sofiajade. Noon lang ulit ako naging masaya. I hate things to end up like this.”

“Titiyakin na pag-alis mo, lilinisin namin ang record mo. Walang sinumang makakaalam na ikaw si Reiven Alleje. Magiging walang kwenta rin ang article na iyan.” Wala naman kasing sapat na ebidensiya ang article. Puro haka-haka lang. “I will arrange your escorts.” Magpapadala din siya ng secret bodyguards para dito.

Nakatitig lang ito sa kanya habang nagsasalita siya. “Sofiajade, huwag mo na akong susundan.”

Kahit na tutol ang puso niya ay ngumiti siya. “Of course. Nangako ako, di ba?” Magiging magulo lang lalo kung susunod pa siya dito.

Ginagap nito ang kamay niya. “Hihintayin mo ba akong bumalik?”

Nagtataka niyang inangat ang tingin. “Bakit ka babalik?”

“I want to come back once I know how to smile again, laugh and love without guilt. Ayoko nang tumakbo sa nakaraan ko. Gusto ko nang maging masaya at magmahal. I don’t want to leave you alone either.”

“Hindi. Delikado para sa iyo kung makikita tayong magkasama. Reiven, naintindihan ko na rin ngayon kung bakit pipiliin mong huwag na lang bumalik.” Kahit na gusto niya itong protektahan, baka siya pa ang lalong magpahamak dito.

“Oh, shut up! I want to come back. I want to love you freely. You are so stubborn to forget about me. Ngayon, mukha di madali sa akin na basta mawala sa buhay mo. I just need time to be Reiven Alleje again.”

Namasa ang mga mata niya. Babalik na si Reiven sa kanya. It would be dangerous for him but he was willing to defy it. Mas pipiliin nitong makasama siya kahit na maraming multong sasalubong dito.

“Hindi mo naman kailangang gawin ito…”

Pinutol nito ang sasabihin niya sa isang maalab na halik. Nakalimutan niyang bigla kung para saan pa ang pagkontra niya. Isang halik lang nito ay susundin na niya anumang gustuhin nito. Kaya ba niyang ipagkait sa sarili ang mainit na halik at yakap nito na makakamtan lang niya oras na bumalik ito sa buhay niya?

Kahit pa siguro milyong taon ay hihintayin niya ang pagbabalik nito.

HUMIHIMIG si Sofiajade ng wedding march habang naglalakad sa street na puro puno ng cherry. Animo’y umuulan ng mga cherry blossoms petals habang naglalakad siya. It was spring again. Kaya naman sa halip na mag-overtime sa trabaho sa ganoong panahon, umaalis agad siya ng laboratory ng Hinata Industries sa Tokyo para makapanood pa siya ng cherry blossoms bago magdilim.

Dalawang linggo na siya sa Tokyo. Nagkagulo sa riding club dahil sa paglabas ng article ni Olympia. Lahat ay nagtatanong kung si Reiven Alleje nga ay si Martin de Guia din. Maraming nag-iisip na totoo itong terorista kaya nagtago. Pinalayo muna siya ng magulang niya para daw di na siya makadagdag pa sa gulo.

Nag-resign si Myco pero pinigilan ito ni Reid. Habang na-handle naman nang maayos ng media department ng Stallion Riding Club ang isyu ni Reiven. Sa halip na banggitin pa ang si Reiven, nag-highlight na lang ang mga ito ng achievements ni Reiven.

Kaya kahit na magkalayo sila ni Reiven ay payapa ang isip niya. Sayang at di pa sila maaring magkita. Nami-miss niya ito lalo na’t panahon ng cherry blossoms o sakura.

Bumahing siya. Nakalimutan na naman niyang bumili ng anti-allergy. Sa sobrang excitement niya na makakita ng cherry blossoms, nawala sa isip niya na matindi rin niyang kalaban ang mga pollen. Lalo lang niyang na-miss si Reiven. Kapag ganoong panahon ay ito ang bumibili ng gamot para sa kanya.

Nag-ring ang cellphone niya at sinagot niya. “Moshi moshi!”

“Parang bata ka pa rin basta nakakakita ng sakura blossoms. And those pink blossoms suit you, Sofiajade.”

Kumunot ang noo niya. “Who is this?”

“Hindi mo na ba nakikilala ang boses ko? Nagdala pa mandin ako ng gamot mo.”

“R-Reiven,” Usal niya sa pangalan nito sa nanginginig na boses. Luminga-linga siya. “Nasaan ka?”

Nang tumingin siya sa kabilang side ng pedestrian lane ay nakasandal ito sa poste at may hawak na paper bag. Naroon ang gamot niya.

“Do you miss me?” tanong nito at ngumiti sa kanya. “Inayos ko lang ang problema sa Guatemala para puntahan ka dito. I want to watch sakura with you.”

Natutop niya ang bibig. Kanina ay iniisip lang niya iyon. Pero heto at nasa harap na niya si Reiven. At naramdaman niya ang pagpatak ng luha sa mata niya. “I hate you! Dito mo pa ako paiiyakin sa public place. Pupuntahan kita. Kapag basta ka na lang nawala at ilusyon ka lang…” His voice was like velvet caressing her skin. Gusto niyang isipin na ilusyon lang ang Reiven na nakikita niya sa kabilang kalye. But he was real.

“Sinabi ko sa iyo na huwag mo na akong sundan. That’s why I am here to get you, Sofiajade. So stay where you are. Ako mismo ang lalapit sa iyo.”

Nainip niya sa pag-green muli ng traffic light. Nahiling niya na sana ay magsitigil na lang ang mga sasakyan. She wanted to hold him so badly.

Pagka-green ng traffic light ay tumawid agad ang batang nasa limang taon sa tabi niya. Isang rumaragasang truck ang papalapit. Sumesenyas itong tumabi. Mukhang di nito kontrolado ang sasakyan nito.

“Abunai!” sigaw niya para warningan ang bata subalit parang wala itong narinig.

“Mama!” kinawayan ng bata ang ina na nasa kabilang lane.

Tinalon niya ang bata at niyakap. Gumulong sila sa kalsada at nakaiwas sa rumaragasang sasakyan. Tulala ang bata sa takot at mangiyak-ngiyak naman ang nanay nito nang kunin ang bata sa kanya.

Dinaluhan siya ni Reiven. “Are you okay?”

Tumango siya. “Iyong bata…”

“He is safe. Ikaw? May galos ka at…”

“I am fine.” Sinubukan niyang bumangon subalit sumigid ang kirot sa puson niya. “Ahhhh!” napahiyaw siya sa sakit sapo ang puson.

Reiven stared at her with horror. “Sofiajade, you are bleeding!”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.