Chapter Reiven Alleje: Chapter 30

Pakiramdam ni Sofiajade ay lumulutang siya sa tubig. Madilim ang langit. Isang malaking ipo-ipo ang humihigop sa kanya patungo sa kawalan. Unti-unti siyang lumulubog. Humihingi siya ng saklolo pero walang makarinig sa tinig niya.

“Sofiajade, please wake up. Come back,” anang isang boses. Napakapamilyar ng boses na iyon sa kanya. Ang boses ng lalaking mahal niya.

“Reiven,” tawag niya sa pangalan nito.

Kailangan niyang makaahon. Kailangan niyang makabalik. Hindi pa ito ang oras para mawala siya. Kailangan siya ni Reiven. Bumalik ito para sa kanya. Ito na ang oras para magkasama silang muli. Di siya pwedeng mawala nang tuluyan.

Inangat niya ang kamay at inaabot ang kawalan. Umaasa siya na naroon lang si Reiven para abutin iyon at hilahin siya palayo doon.

“Sofiajade, I’m here!” tawag nito sa pangalan niya at isang kamay mula sa kung saan ang kumapit sa kamay niya nang mahigpit.

Nang idilat niya ang mata ay naroon lang si Reiven sa tabi niya. Nakatunghay ang guwapong mukha nito sa kanya. Akala niya ay nananaginip lang siya ng una pero nang maramdaman niya ang init ng kamay nito na pumapawi sa sakit na nararamdaman niya sa katawan niya ay natiyak niyang nakabalik na siya.

“Reiven, anong nangyari sa akin?” mahina niyang tanong.

May mga kamay na humablot sa kamay niya mula sa pagkakahawak ni Reiven. “Sofie, nandito kami ng papa mo,” anang si Jeanna. “You are safe now.”

“Ano bang nangyari sa akin, Ma?” tanong niya. “Hindi naman ako nabangga, di ba? Sinagip ko lang iyong bata pero di ako tinamaan ng sasakyan. Naramdaman ko sumakit ang puson ko tapos dinugo ako. What’s wrong with me?”

Puno ng pag-aalala ang mata ni Jeanna nang tingalain si Michael. Mariing nagdikit ang labi ng papa niya. Si Reiven naman ay matiim ang anyo sa likuran ng mga ito pero piniling di magsalita. “Sofiajade, you had a miscarriage.”

Napanganga siya. “A miscarriage?” Pumikit siya dahil nahilo siya sa sagot nito. “I must have misheard it. A miscarriage? Nakunan ako?”

Marahang tumango si Michael ay umiyak naman si Jeanna. DI naman iyon tinutulan ni Reiven. Ibig sabihin ay totoo. Gusto sana niyang tumawa pero kahit sa konting pagtawa ay nararamdaman niya ang sakit. Nananaginip ba siya? Imposibleng makunan siya. Di naman siguro siya na-trap sa kung saang dimension o warped zone.

Humugot siya nang malalim na hininga nang ilang beses. Tumingin siya sa bintana ng kuwarto niya sa ospital. Kulay pink ang ilang puno. It was the season of cherry blossoms. Spring at nasa Japan siya. Tama naman ang panahon niya. Pumunta pa nga sa kanya si Reiven para manood sila ng cherry blossoms.

“Baka naman po nagkamali lang ang doctor. Hindi ba tinamaan ako ng amazonia virus? Baka nakaapekto iyon sa system ko,” wika niya. “Reiven, paki-confirm naman sa kanila. I am sure they are mistaken.”

“Nakita ko mismo ang result ng examination mo,” Reiven said in a grave voice.

Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya matanggap na nakunan siya. “Get another doctor’s opinion! O kaya ilipat ninyo ako ng ospital. Paano ako mabubuntis? Hindi ako Immaculada Concepcion. I haven’t done it yet!”

Oo. Naranasan lang niya iyon sa panaginip. Parang totoo pa nga. Pero di naman siguro siya mabubuntis ni Reiven dahil lang sa panaginip.

Lumapit si Reiven sa kanya at lumayo sa kama ang mga magulang niya. “Sofiajade, nasabi ko na wala pang nakukuhang gamot sa level three stage ng virus na tumama sa iyo, di ba? Maliban sa ritwal ng mga Yubidwa.”

“Oo. Natatandaan ko pa nga ang parte ng ritwal kahit nagdedeliryo ako.”

“It was not the shaman’s ritual that saved you. May mas importante pang parte ng ritwal. Nasabi ko na ito sa iyo dati.” Tumigil ito sa pagsasalita at humugot ng malalim na hininga. “We made love.”

Bumagsak ang panga niya. “We did it?”

Marahan itong tumango. “Yes.”

Parang agos ng tubig na nagbalik sa alaala niya ang lahat. Ang inaakala niyang magandang panaginip lang ay totoo pala. Then she remembered the pain during one of her dreams when Reiven entered her. Pati na rin ang pangyayari pa kasunod niyon. Magandang isipin na panaginip lang ang lahat. Pero ngayong nalaman niya na totoo iyon at nabuo ang anak sana nila… wala na ang anak nila…

Itinakip niya ang palad sa mukha. Naghahalo-halo ang emosyon na nararamdaman niya. Di niya alam kung ano ang uunahing maramdaman. Everything seemed so surreal. Hindi pa rin nagsi-sink in ang realidad sa kanya.

“Ma, Pa, pwede po bang iwan muna ninyo kami ni Reiven?”

“Sofie, dito lang kami ng papa mo,” giit ni Jeanna. Mukhang natatakot ito sa maari niyang gawin o masabi kay Reiven.

“Ma, I am too weak to argue with you. Please!” pakiusap niya.

“Nasa labas lang kami ng mama mo.” At inakay ng papa niya ang mama niya.

Reiven looked so dead serious. Malungkot ang mga mata nito subalit guwardiyado pa rin ang ekspresyon nito. Reiven Alleje. The man she fell in love with. The man she would willingly trade everything, even her life just to be with. Pero nang mga oras na iyon ay di niya alam kung saan niya ito ilalagay sa buhay niya.

“Now explain everything to me. From the top!”

“Nang magkasakit ka, kailangan kong magdesisyon. Hahayaan ba kitang mamatay o isasagawa ang ritwal. At kailangan ko ring mamili kung sino sa amin ang gagawa ng ritwal para sa iyo. Ako, si Adolf o si Ron Isaac.”

Ngayon na unti-unting luminaw sa kanya ang lahat. “So ikaw ang naging sacrificial lamb. How noble of you. Hanga naman ako sa pagmamahal mo sa propesyon mo. Talagang inalay mo pa ang sarili mo sa buhay ko,” sarkastiko niyang sabi at kumurba ang sardonikong ngiti sa labi niya. “Ganyan ka ba sa lahat ng pasyente mo?”

Ginagap nito ang kamay niya. “Sofiajade, I did it because I love you. Ayokong mawala ka sa akin.”

Nanlamig siya. Di lang niya mabawi ang kamay mula dito dahil nanghihina pa siya. “Paano mo akong minahal kung hindi mo sinabi sa akin ang totoo? Alam mo rin ba na magkakaanak tayo? Kaya ba nagbago ang isip mo at ikaw pa mismo ang sumunod sa akin dito? Dahil alam mong buntis ako?”

Namutla ito at umiling. “Wala akong alam!”

“Paanong hindi mo alam? Ikaw ang doctor ko!”

“You have a personal OB-Gyne. Hindi niya sinabi sa akin na buntis ka!”

“And why would he keep it from you?” Ang OB-Gyne niya ay kinuha mismo ng mama niya para tumingin sa kanya. “Ano ang motibo niya?”

Di siya nito nasagot. Hinigpitan nito ang paghawak sa kanya niya at kinintalan ng halik ang likod ng palad niya. “Just trust me this time. Wala akong gagawin na pwedeng makasakit sa iyo. Please!” Doon niya naramdaman ang takot ni Reiven. He was keeping something from her.

Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kamay niya. “Sofiajade…”

Bigla siyang nagkaroon ng lakas at hinablot ang kamay niya mula dito. “Oh! Thank you for saving my life, Doctor de Guia.”

“I am Reiven.”

Umiling siya. “Reiven loves me. Hindi niya gagawin sa akin ito. Hindi niya itatago sa akin ang napaka-importanteng bagay lalo na ang tungkol sa magiging anak namin.” Tumulo ang mainit na luha sa gilid ng mata niya. Ngayon na lang niya unti-unting nararamdaman ang emosyon. “Martin de Guia only cares about his profession. Sinagip mo lang ako dahil ayaw mong mabahiran ang maganda mong pangalan. Well, Doctor de Guia, you can also include the title of great lover in your achievements. Kahit na panaginip lang iyon, naalala ko ang lahat. Basta huwag na huwag mo lang sasabihin sa akin na mahal mo ako.”

“Hindi ako nagsinungaling na mahal kita.”

Umiling siya. Ni di niya pinansin ang pakiusap sa boses nito. Wala na siyang gustong paniwalaan mula dito. “Dati, gustong-gusto kong marinig na sabihin mo iyan kahit na kunwari lang. But now, I don’t need your lies. I don’t need you at all to make you happy. At gagawan mo ako ng pabor kung mawawala ka sa buhay ko.”

Naninikip ang dibdib niya sa matinding galit. Galit siya kay Reiven pero mas matindi ang galit niya sa sarili. Sa sobrang pagmamahal niya dito, wala siyang itinira sa sarili niya. Sana ay ipinagtabuyan na lang siya nito. Hindi iyong sasabihin nitong mahal siya nito para idepensa ang kasinungalingan nito.

“Sofiajade, don’t judge me hastily. Makinig ka muna sa akin.”

“Ano pa ba ang gusto mo? Wala na ang anak ko. Ni hindi ko alam kung paano ko siya ipagluluksa dahil di ko naman alam na nabuhay siya! At ikaw, sasabihin mo na mahal mo ako… na importante ako sa iyo? Narinig mo na, di ba? Ayoko nang makita ka. Iyon naman ang gusto mo! GO the hell back to your job which is so precious to you. Mag-celebrate ka dahil wala na ako sa buhay mo. Hindi ko kailangan ng konsensiya mo!”

Biglang pumasok sina Jeanna at Michael kasunod ang doctor. Saka niya natuklasan na histerikal na siya. Umiyak siya nang umiyak. Kanina ay nanghihina siya pero di niya iyon maramdaman sa matinding galit.

Her chest heaved. She was in the middle of an emotional turmoil. Akala niya ay isang fairy tale ang pag-ibig niya dito. Mali siya. It was a nightmare. Siya lang ang masaya sa mundo niya. She was a fool. Ngayon lang niya natuklasan iyon.

“Reiven, lumabas ka muna. Iwan mo muna siya,” anang papa niya at hinarangan si Reiven para di makalapit sa kanya.

“Huwag ka nang magpapakita sa anak ko,” utos ni Jeanna.

May pagsusumamo sa mata ni Reiven nang tumingin sa kanya. “Sofiajade, you have to know something.”

“Ayoko nang makinig sa iyo,” aniya at ipinaling ang mukha palayo.

“We are married!”

HINDI maialis ni Sofiajade ang tingin sa mga babies sa nursery. Discharged na siya sa ospital sa araw na iyon matapos ang ilang araw na pamamalagi. Pinili niyang magpadaan sa nursery. Gusto niyang makita ang mga bata.

Pilit niyang kinakapa sa sarili kung ano ang pakiramdam ng maging isa. Magdadalawang buwan daw ang bata sa sinapupunan niya. Nalulungkot siya pero di niya alam kung ano ang tamang emosyon o anong klaseng kalungkutan na dapat maramdaman ng isang ina. Ni di niya nalaman na may bata sa loob ng katawan niya noon. Nawala ang bata nang di niya nare-recognize ang presensiya nito.

“Sofiajade, we have to go. Naghihintay sa labas ang papa mo,” bulong ni Jeanna.

“Ma, anong pakiramdam mo nang ipinagbubuntis mo ako?” tanong niya. “Ilang buwan na ako nang malaman mong buntis ka? Tapos anong ginawa mo. Sinabi mo ba kay Papa? Natuwa ba kayong dalawa?”

“Sofiajade, there is no use discussing this. Magiging emosyonal ka lang at hindi iyon makakabuti sa iyo.”

“Emosyonal?” Inilapat niya ang palad sa salaaming bintana. Malamig iyon gaya ng nararamdaman niya sa puso niya. “Ma, gusto kong malaman. Ayokong basta kalimutan ang anak ko. Ni hindi ko siya naramdamang gumalaw. Ni di ko naramdaman ang pintig ng puso niya. Ni hindi ko siya natawag na baby kahit minsan. Ni hindi ko naiparinig sa kanya ang classical music na pwedeng magpatalino sa kanya paglabas niya. Wala!”

Hinaplos nito ang buhok niya at kinintalan ng halik ang ibabaw ng ulo niya. “Ang Papa mo ang unang nakaalam. I was too busy to notice anything. Basta ibinulong niya sa akin na sana lalaki ka. Women are so emotional.”

Natahimik siya at hinayaan ang mama niya na itulak ang wheelchair niya. That was so like her father. Si Reiven kaya anong klaseng ama? Ano kaya ang naramdaman nito nang malaman ang tungkol sa anak nila?

Pasakay na siya ng kotse nang makita niya si Reiven. Tinangka nitong lapitan siya pero pinigilan ito ng papa niya. “Mabuting huwag ka munang magpakita.”

Nilingon niya si Reiven. “Ikaw? Anong naramdaman mo nang malaman mo ang tungkol sa anak natin? Masaya ka ba?”

Napuno ng lungkot ang mga mata nito. “A part of me died. Nang malaman ko ang tungkol sa kanya, wala na siya.”

Naningkit ang mga mata niya. “Sinungaling!” Ipagpipilitan pa rin ba nito hindi nito alam ang pagbubuntis niya para mabawasan ang galit niya dito?

“What’s the use of a lie?” malungkot nitong tanong. Nang titigan niya ang mga mata nito, parang nararamdaman niya ang kalungkutan sa puso nito. Ipinagluluksa ba nito ang anak nilang nawala?

Di mawala sa isip niya ang kalungkutan sa mga mata ni Reiven kahit nang makabalik na siya sa apartment niya. Nakatulala lang siya sa bintana ng kuwarto niya. Mula doon ay tanaw ang magagandang puno ng cherry blossoms mula sa kalapit na park pero wala doon ang isip niya.

She felt void. She was enclosed in a vacuum. Lumulutang siya sa kawalan. Sana lang ay may pakiramdam din siyang balido tulad ni Reiven. Pero manhid pa rin ang pakiramdam niya hanggang ngayon.

Isinara ni Jeanna ang blinds ng kuwarto niya. “Nasa baba lang si Reiven. Mas mabuti nang huwag kayong magkitang dalawa.”

Isinandig niya ang ulo sa bintanang natatakpan ng blinds. Blangko pa rin ang ekspresyon niya. “You have nothing to worry, Ma. Kahit na nandiyan pa siya, wala rin naman akong mararamdaman kahit na ano.”

“Don’t underestimate the power of the heart to love, Sofiajade. Kahit anong galit nawawala. Sa ngayon siguro galit ka. Pero bukas makalawa, mahal mo ulit siya. Kung sana ganyan ka na lang habambuhay, di kita aalalahanin.”

“What’s fine with me right now? Parang hindi tao ang pakiramdam ko. Humihinga nga ako. I will bleed if you cut me. Pero hanggang doon na lang iyon.”

“Mas mabuti nang ganyan ka. Mula nang makilala mo si Reiven, inalala ka na namin ng papa mo. Masyado kang naging emosyonal. Emotions destroy you, Sofiajade. It ruins your perspective in life. At oras na pag-usapan si Reiven, bumabaligtad ang mundo mo. Tutol na tutol ako sa pagsunod-sunod mo sa kanya. Ilang beses kang muntik na mamatay pero masaya ka pa ring kasama siya. At ngayon, heto ang nangyari sa iyo.”

“Is it alright not to feel at all?” tanong niya. Kahit na nasasaktan siya sa ginawa ni Reiven, di niya basta mababalewala ang pagmamahal niya dito.

“Ano pa ba ang dapat mong maramdaman? Nawala na sa iyo ang anak mo. Di ka mahal ni Reiven. Konsensiya lang niya ang gumagana kaya sinusundan ka niya. Hindi ang lalaking tulad niya ang dapat para sa iyo dahil mahal mo siya.”

“Ang kailangan ko ay lalaking di ko mahal?”

“Yes. Dahil mas malinaw ang pananaw ninyo sa relasyon ninyo. Walang selosan, walang masasaktan, walang…”

“Walang hiwalayan hangga’t kaya naming I-tolerate ang isa’t isa.”

“Any man would do except Reiven Alleje. Kaya ka niyang sirain ulit oras na mabuo mo ang sarili mo at mahalin siya ulit.”

She had prided herself as different from her parents. Napaka-precious sa kanya ng pagmamahal niya. Di kasi niya iyon nararamdaman basta basta. Pero iyon din ang pinakamatinding kahinaan niya. Ngayon ay di niya alam kung ano pa ang gagawin sa pagmamahal niya kay Reiven. Ano ang dapat niyang gawin sa puso niya?

UNTI-UNTING nalalagas ang talulot ng cherry blossoms tuwing tinatangay ng hangin. Naghahanda na iyon sa pagpasok ng tag-init. Nakaupo si Sofiajade sa bench sa ilalim ng isa sa mga puno ng cherry pero di niya napapansin ang papalagas niyong ganda.

Nakatitig lang siya sa mga batang masasayang naglalaro sa playground. Di rin niya ma-appreciate ang halakhak ng mga ito. Lalo lang bumibigat ang dibdib niya.

Naramdaman niya na may nakatayo sa likuran niya at nakatitig sa kanya. “Reiven, take a seat.” Di na siya nag-abalang lingunin ito. Tinapik niya ang upuan sa tabi niya. “Wag mong sayangin ang oras sa pagtitig sa akin.”

Umupo ito sa tabi niya. He kept his distance. Naramdaman agad nito ang kalamigan niya dito pero tinitigan pa rin siya nito. “Namumutla ka pa rin. Hindi ka pa dapat lumabas ng apartment mo para lang makipagkita sa akin.”

Nanatili pa ring tuwid ang tingin niya. “Hindi kasi ako nasisikatan ng araw. Laging nakasara ang blinds dahil natatakot sila Mama na makita kita.”

“Ilang beses ko na silang pinakiusapan para makausap ka o makita man lang. Ayaw nila. They really hate me.”

“Takot lang silang maging emosyonal at sumama ako sa iyo.”

“I bet you won’t because you hate me the most.”

Sumandal siya at humalukipkip. “Di ako nagpunta dito para magalit sa iyo. Gusto ko lang itanong. Minsan ba pinangarap mo na sana magkaroon tayo ng anak? Ano ang naiisip mo sa kanila? Ilang babae? Ilang lalaki?”

“Bakit mo naman naitanong?”

Sinulyapan niya ito. “Naalala mo sa riding club? Naikwento ko sa iyo kung ano ang gusto kong gawin kapag may anak tayo? Ipapasok ko siya sa riding school. Ako ang magbubutones ng riding habit niya. Tapos pagagawan ko rin siya ng maliit na laboratory gown. Kunyari little Doctor Reiven Alleje siya.”

“Bakit sinasabi mo ito sa akin ngayon?”

“Dahil iyon lang ang naiisip ko sa magiging anak natin. NI hindi ko naisip paano kung magbubuntis ako. Tapos nang makita ko ang mga babies sa nursery, di ko rin naisip kung ano ang itsura niya kapag bagong panganak, anong unang salita na babanggitin niya. Kung anong salita ang una niyang masasabi. Ni hindi ko alam ang pakiramdam kapag sinabi ng doctor na buntis ako. Magiging mommy na ako. Hindi ko rin nakita kung ano ang reaksiyon mo. Kung matutuwa ka ba?”

“I missed the experience just the same. At hanggang ngayon, nagluluksa pa rin ako. I lost my child. I lost you. At ni hindi man lang kita ma-comfort dahil hindi ako makalapit sa iyo. I can’t even hold you. It kills me everytime you look at me with so much hate in your eyes.”

Muli ay naramdaman niya ang lungkot nito. Parang lunod na lunod ito sa sobrang lungkot. “I wish I could be like you. Sana may nararamdaman ako, Reiven. Pero di ko alam kung saan ilalagay ang sarili ko. Ako nga ang nanay ng bata pero di ko siya naramdaman. Ni di malinaw ang isip ko nang may mangyari sa atin.”

“You made me feel alive everytime you call me Reiven then.”

“Bakit hindi mo sinabi na ikaw si Martin de Guia? Bakit hinayaan mo ako na tawagin kang Reiven?” tanong niya. Takot ba itong masira ang ilusyon niya?

“Naalala mo ang tanong mo sa akin? Kung ako si Reiven, ano ang gagawin ko nang tamaan ka ng virus. Sabi ko pakakasalan kita. And I would make love with you. When I married you and made love with you, I was Reiven then. Ginawa ko ang lahat ng iyon dahil mahal kita.” Pinagdikit nito ang kamay niya na may parehong tattoo. “This is the line that connects us together. We are bonded forever. Kahit pa sabihin mo na hindi legal ang kasal natin, kasal tayo. It is even consummated. I did it out of love.”

Pumikit siya. Masarap pakinggan ang mga salita nito. Parang tula. Parang magandang kanta. Unti-unti niyang idinilat ang mga mata niya at tiningala ang natitirang bulaklak ng cherry sa puno. “Spring will be over soon. I guess I have to get over you.”

“Sofiajade, you can’t! Alam ko galit ka lang ngayon. But I will make it up with you. Gagawin ko ang kahit anong gusto mo.”

“Naalala mo ba ang ibinigay mo sa aking sakura glass world? It is like my love for you. It’s like a Wonderland. Nakakulong lang ako sa mundo na iyon. Pero oras na mawasak ang mundo na iyon, paano na tayo?”

“Sinasabi mo ba na di mo na ako mahal? Na wala nang pag-asa sa atin?”

“I owe a lot, Reiven. Sinagip mo ang buhay ko. Ginulo ko ang mundo mo. Ngayon, napipilitan kang sabihing mahal mo ako. I can see the whole picture now. Siguro naman, oras na para makawala ako sa anino mo.” Inilahad niya ang palad. “Goodbye!”

“No. I will take you back no matter what. Patutunayan kong mahal kita.”

Tumayo siya. “I want a world without you in my life. I want my sanity back.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.