Chapter Reiven Alleje: Chapter 31

“I hate my flight! Parang di ako makakarating sa Narita Airport ng isang piraso,” sabi ni Myco habang nakadapa sa futon. Kadarating lang nito mula sa Manila. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito dahil ang alam niya ay busy ito sa riding club.

“Bakit ba bigla mo akong dinalaw? Kung kailan magaling na ako.”

Normal na ulit ang buhay niya at nakabalik na siya sa trabaho. But things were different. Di na siya nakakangiti katulad ng dati. Naninibago sa kanya ang mga tao sa paligid niya. Maging siya ay naninibago sa sarili niya. Nang piliin niyang mawala sa buhay niya si Reiven, parang wala na siyang rason para ngumiti.

“Hindi ako basta-basta makaalis sa riding club. Sandali lang ako dito. Bukas kailangang bumalik na ako doon. It’s in chaos.” Ihinagis nito ang diyaryo sa harapan niya. “Reiven is now a sensation.”

“Bakit? Nag-artista na ba siya?” tanong niya at binuklat ang diyaryo. Matapos ang pag-uusap nila, umalis din si Reiven ng Japan. Siguro ay tanggap na nito wala itong maasahan sa kanya. A part of her wished that he was still there. Hinahabol-habol pa rin siya. Pero mas mabuti na ang sitwasyon nila ngayon.

“Inamin niya sa lahat na siya si Reiven Alleje.”

Nagtayuan ang balahibo niya nang makita ang artikulo. Exclusive interview iyon ni Reiven. Inamin nito ang lahat ng pinagdaanan nito. Mula sa pagkakabihag dito sa Manato Laboratories, sa pagkawala nito sa Amazon rainforest hanggang sa pagbabalik nito sa sibilisasyon bilang si Doctor Martin de Guia.

Wala itong itinira. Detalyado ang lahat.

“Nababaliw na ba siya? Bakit pa niya inamin ang totoo? Ang alam na nga ng mga tao hindi siya si Reiven Alleje, hindi ba?”

“Ang sabi mo daw sa kanya, ayaw mo kay Martin de Guia. Siguro naisip niya hindi mo siya lubusang mamahalin dahil nasa anino pa siya ni Martin de Guia. Now you have the man that you love. You have Reiven Alleje.”

“At sa palagay mo babalik ako sa kanya dahil sa paglabas niya na iyan? Hindi ko naman hiningi iyan sa kanya!”

“Inamin din niya na in love na siya.” May isa pang diyaryo na may stolen shot ni Reiven. Naka-focus ang tattoo nito at ang akai ito bracelet. “Pero para daw sa peace of mind ng babaeng iyon, pinili niyang itago na lang sa initial na S.G.”

“SG? Sino iyon?” painosente niyang tanong.

“Pinagkakaguluhan na siya ng mga babae ngayon.” Pumalatak ito. “Kaya nga problemado kami sa security ng riding club ngayon. Hangga’t di bumabalik ang SG na iyan, dudumugin ng mga babae si Reiven. After all, he is a fresh face. Isa pang Alleje. And girls see him as a hero. A valiant warrior.”

“Anong gusto mong gawin ko? Bumalik ako para matahimik kayo sa riding club at hindi na siya dumugin ng mga tao.” Niyakap niya ang sarili. “I just want him out of my life. Hindi madaling kalimutan ang ginawa niya. He made love to me but he didn’t tell me. Alam niyang buntis ako pero di rin niya sinabi.”

“Hindi niya intensiyon na itago sa iyo ang lahat.”

“Bakit? Natatakot siyang masira ang pangalan niya? Ang trabaho niya?” Trabaho lang naman kasi ang makakatanggal sa guilt na umaalipin dito. Habang siya ay panggulo lang sa buhay nito.

“He did it because he loves you. Importante ka sa kanya.”

“Emosyonal ka na rin dahil in love ka kay Olympia Montez. Kaya pati kay Reiven, naniniwala kang mahal ako.”

“Nang ma-detect nila ang sakit mo at nagdesisyon si Reiven na ituloy ang ritwal, tinawagan niya sila Papa. Nagpaalam siya sa gagawin niya. Ang sabi ni Papa, pumapayag daw siya pero kailangan huwag nang sabihin sa iyo ni Reiven. At oras na sunduin ka nila sa mga Yubidwa, di na magpapakita sa iyo si Reiven.”

“Sila Papa mismo ang nag-utos noon kay Reiven?”

“Kaya nagalit sila kay Reiven nang sumama sa iyo dito sa riding club at inalagaan ka pa. Nagkausap kayo ni Mama. Kulang na lang, ipakain niya si Reiven sa bulkan. Ilang beses nang gustong sabihin ni Reiven sa iyo pero lagi niyang iniisip ang bilin sa kanya ni Papa. Oras na malaman mo ang totoo mula sa bibig mismo ni Reiven, ilalayo ka nila sa kanya. Nakaplano na rin kung kanino ka ipapakasal. You know how they reared us up. Cool and always in touch with reality. Love is not a part of that reality. And Reiven could ruin you.”

Sumigid ang sakit sa sentido niya. Ang mga magulang niya na inaakala niyang concern sa kanya, heto at minamanipula ang buhay niya. May sariling paniniwala ang mga magulang niya. Di niya alam kung anong klaseng emosyon mayroon ang mga ito para di maniwala sa pagmamahal. Ni hindi nga yata alam ng mga magulang niya na mahal din ng mga ito ang isa’t isa.

“So they are controlling Reiven. Kagagawan din ba nila kung bakit di sinabi sa akin ni Reiven na buntis ako?”

“No. Walang alam si Reiven. Kaya nga sila kumuha ng OB-Gyne mo para iyon ang mag-report ng kalagayan mo. That same OB-Gyne fed false reports to Reiven.”

Nakuyom niya ang palad. Hindi si Reiven ang may kasalanan kundi ang mga magulang niya. “They knew that I was pregnant. Apo nila iyon. Di ba nila naisip na karapatan kong malaman ang tungkol sa anak ko . Si Reiven ang sinisi ko. Hindi ko pinaniwalaan ang kahit anong sinabi niya.”

Wala siyang ideya na buntis siya. Akala niya ay epekto lang ng pagkakasakit niya ang di niya pagkakaroon ng buwanang dalaw. Na ayon sa doctor na kinuha ng mga magulang niya ay babalik din sa normal.

Pumatak ang mainit na luha sa mga mata niya nang maalala ang matinding lungkot sa mga mata ni Reiven. Parang iiyak ito noon. Sabi nito ay nagluluksa ito. Akala niya ay siya lang ang biktima. Pareho pala silang biktima. Nawalan ito ng karapatan sa maraming bagay. Ni hindi siya nito nayakap. They could have shared the same sorrow. Siguro mas alam niya ang pakiramdam ng ipinagluluksa ang anak niya kung nayakap niya ito. Pero itinulak lang niya ito palayo.

“Bakit ginagawa ito nila Mama at Papa sa akin?”

“Ayaw nilang magkaroon ng hold si Reiven sa iyo. Kaya idinala kamuna dito sa Japan dahil di pa nila alam ang gagawin sa iyo o kung paano ka ilalayo. But they definitely don’t want you to end up with Reiven.”

Akala niya ay ang pagmamahal niya kay Reiven ang sumira sa kanya. That love made her whole and kept her sane. Ngayon ay di niya alam kung paano pupulutin ang pira-piraso ng sarili niya.

“Na-shock yata sila Mama at Papa nang sabihin ni Reiven na kasal na kayo. Akala nila, iyong isang ritwal lang ang dapat gawin para mabuhay ka. Pero ayaw naman ni Reiven nang wala kang panghahawakan sa kanya. So he decided to marry you even if it isn’t legally binding yet.”

Tiningnan niya ang tattoo na nakatatak sa kamay. Iyon daw ang bond nilang dalawa ni Reiven. Parang wedding ring. “My akai ito.”

Ngayon ay walang sinuman sa kanila ang pwede pang tumakas sa taling iyon. Parang basbas na rin iyon ng langit sa kanila. Reiven didn’t only love her. He also respected her. Pwede naman siya nitong angkinin at hayaan siyang mabuhay. Then he could forget about her. Pero pinakasalan siya nito. She had that mark to prove it.

“Magpa-book ka ng flight para sa atin. Aalis tayo ngayundin.”

She needed to see Reiven. Gusto niyang kumpirmahin kung totoo ang lahat ng sinabi ni Myco. Gusto ulit niyang marinig na mahal siya nito. Sana lang ay hindi pa huli sa kanila ang lahat.

“Ha?” Umungol si Myco at sumubsob sa unan. “Ate naman! Bukas na lang kung pwede. Siguro naman may matitira pa sa kanya pagdating mo.”

“Iyon nga mismo kaya aalis na tayo ngayon.” Wala nang makakapigil sa kanila ni Reiven ngayon. Kahit ang manhid niyang puso ay unti-unti na ulit na dinadaluyan ng dugo. She was starting to feel again.

Gusto ulit niyang ngumiti, magmahal at kahit pa masaktan. Ang importante ay makasama niya si Reiven. He was still her life. Hindi matatawag na buhay ang buhay niya kapag di niya ito kasama.

“Huwag ka lang sanang masa-shock. Di ikaw ang nag-iisang akai ito niya.”

NANAKIT ang mata ni Sofiajade pagtapak pa lang niya sa Pilipinas. Kabi-kabila ang nakikita niyang babae na may suot na akai ito bracelet. May mga tindahan pa sa mga nadaaanan niya sa sidewalk na nagbebenta ng bracelet na iyon. Reiven Alleje bracelet nga lang ang tawag ng mga ito. Ang masama pa, may mga tattoo pa na katulad ng tattoo nila ni Reiven. “Ano ito? Karima-rimarim ang nakikita ko!” Halos sabunutan na niya ang sarili sa sobrang inis. “Bakit maraming impostora dito?”

“I told you. Lahat sila umaasa na sila ang destiny ni Reiven.” Sumipol si Myco na katabi niya sa likuran ng kotseng sumundo sa kanila sa aiport. “Maswerte ka kung may matira pang buto-buto sa iyo.”

“Nagsisisi na akong itinaboy ko siya. Sana di siya nadikitan ng mga babaeng bacteria na iyon. Magpa-deliver ka ng isang drum na alcohol. Paliliguan ko Reiven kapag nagkita kami mamaya.”

Di niya alam na ganoon kalala ang eksena na daratnan niya pagdating sa Pilipinas. Di na bago sa kanya na dinudumog ang mga Stallion Boys at nangangarap ang mga babae na mapangasawa ang isa sa mga ito. Pero di matanggap ng dibdib niya na pati sagradong simbolo ng pag-iibigan nila ni Reiven ay malalapastangan.

“Ma’am, meron din po pala kayo ng bracelet na iyan,” anang driver nila. “Nag-break kami ng girlfriend ko dahil baka siya daw ang destiny ni Sir Reiven.”

Tumikwas ang kilay niya. “Ha? Sabihin mo sa ilusyunada mong girlfriend na balikan ka na. Ako ang legal wife. Ambisyosa! Kahit lumaklak sila ng isang drum na Stallion Shampoo, ako pa rin ang mahal ni Reiven.”

“Masyado kang high blood, Ate. Malapit na tayo sa riding club. Masosolo mo na rin si Kuya Reiven.”

Itinapik niya ang paa sa sahig ng sasakyan. Pinili niyang ipikit na lang ang mata kaysa makita ang mga babaeng nag-iilusyon na mahalin ni Reiven. Isa pa iyon sa ikinakatakot niya sa paglabas ni Reiven. Di niya makokontrol ang mga babae na naghahabol dito. Bukod sa isa itong Alleje, napaka-hot naman kasi nito. Mamatay sa inggit ang mga babaeng iyon. Natikman na niya si Reiven Alleje.

Naramdaman niyang tumigil ang sasakyan. Nang dumilat siya ay nasa harap na sila ng Rider’s Verandah. Subalit di makadaan ang sasakyan nila dahil sa dami ng mga tao. Puro iyon mga babae. Pinagkukulumpunan ng mga ito si Reiven na nakasakay sa kabayo. Di ito makadaan dahil lahat ng mga babae ay nagpapa-cute dito habang ipinapakita ang bracelet at tattoo.

“Security, we need back up!” wika ni Myco.

Maging siya ay natulala kay Reiven nang mga oras na iyon. Nakasuot ito ng maong na pantalon at white na sando. Ni hindi man lang ito nagsuot ng official riding coat ng riding club para itago ang katawan nito. He was masculine raw.

Nagtagis ang bagang niya. “Naku! Naghahanap talaga siya ng gulo. Iparada ba niya ang katawan niya dito sa riding club!”

Di niya matanggap na may iba pang mga babae na nakakakita sa kakisigan nito. Umandar ang pagka-possessive niya. Kanya lang si Reiven. Siya lang ang may karapatan sa init ng katawan nito. Bawal I-share!

“Ate, pumasok ka na sa kotse,” sabi ni Myco. “Magpahinga ka na muna. Papupuntahin ko na lang si Kuya Reiven.”

“Hindi! Ngayon na kami mag-uusap!” Nagmartsa siya palapit kay Reiven. Dumistansiya lang siya nang bahagya sa kulumpunan ng mga babae.

“Girls, excuse me,” malambing nitong sabi sa mga babae. Sa halip tuloy na tumabi ang mga babae ay nagtilian pa. Tatanga-tanga talaga si Reiven sa babae. Lalo lang nitong inaakit ang mga bruhang iyon.

“Nginitian niya ako!” kinikilig na sabi ng isa.

“Ako ang nginitian niya. Tonta!” sagot naman ng isa pa.

Namaywang siya. “Reiven Alleje!”

“Sofiajade?” usal nito at inaninag siya. Ngumiti ito at kumaway nang makita siya. “Bumalik ka na!”

“Yes! I am back,” she uttered sweetly. Pero naging mabalasik ang anyo niya nang tanggalin ang sapatos sa paa at ibinato dito.

Tinamaan si Reiven sa dibdib at nasalo ang sapatos. “Sofie, anong…”

“Diyan ka na sa mga akai ito mong fake! Magpakasaya ka!” sigaw niya at saka padabog na pumasok sa kotse.

“O! Anong ginawa mo?” gulat na tanong ni Myco.

“Umalis na tayo dito. Ayokong makita ang pagmumukha ng Reiven na iyan!”

Umurong ang kotse at sumibad palayo. Nakita niya si Reiven na tinangkang humabol sa kanila gamit ang kabayo nito.

Umirap siya. “Myco, mukha ako ang mangangailangan ng security. Pwede bang huwag palapitin sa akin ang Reiven Alleje na iyan?”

“DI ba nagpunta ka nga dito para balikan siya?”

“Ipakain muna niya sa bulkan ang lahat ng impostorang ilusyunadang naghahabol sa kanya. Saka kami mag-usap!”

“HE is so cute!” Hindi mawala ang ngiti ni Sofiajade habang pinagmamasdan si Reiven Creo, ang anak nina Tamara at Reid. Kumunot ang noo ni Reiven Creo. Parang di nito gusto na pinupuri ito. Nasa nursery sila ni Tamara. Dinalaw niya ito dahil di pa niya ito nakikita mula nang bumalik ito mula sa panganganak.

“Mukhang suplado ang binata ko at tahimik paglaki tulad nila Reiven at Reid. Pero sabi ni Reid, mukhang kay Reiven magmamana. Kumukunot daw kasi ang noo ni Reiven kapag pinupuri na guwapo,” kwento ni Tamara.

Umingos siya. “Di naman totoo. Iyong kapangalan niya, sa una lang masungit. Ngayon feeling artistahin na. Ngumingiti na kapag pinupuri ng mga babae. Saka pagdadamitin mo lagi itong anak mo. Huwag siyang gagaya sa pinagmanahan niya na mahilig magbilad ng katawan.”

“Nagbibilad ba ng katawan si Reiven?” tanong ni Tamara.

“Dati ako lang ang nakakakita. Ngayon, ipinagmamalaki na niya sa mundo.”

Natawa ito. “Maiwan muna kita. Iche-check ko lang ang nangyayari sa kusina. Dito ka na mag-lunch. Laruin mo muna ang baby ko.”

Hinaplos niya ang braso ni Reiven Creo. “Reiven, pakinggan mo ang sinasabi ko, ha? Kapag nagkaroon ka ng akai ito, dapat isa lang.”

“Isa lang naman ang akai ito ko, ah!”

Napalunok siya nang marinig ang boses ni Reiven. Dahan-dahan siyang lumingon at mabilis na ibinalik ang tingin sa sanggol nang makita itong nakatayo sa pinto. Sa kamay nito ay hawak ang kabiyak ng sapatos na ibinato niya kanina. “Reiven, paglaki mo huwag kang sasabat sa usapan ng ibang tao.”

“Reiven, paglaki mo, huwag kang papayag na magpabato ng sapatos sa babae sa public. Dapat turuan mo ng leksiyon,” bulong ni Reiven sa tainga niya.

Bigla niya itong nilingon. Mabilis niyang inilayo ang mukha dahil muntik nang magtama ang ilong nila. Matapos siyang maaksidente sa Japan, di na nakalapit pang muli nang ganoon si Reiven sa kanya. Ngayon na lang. She could feel heat radiating from his body. Lalong namula ang balat nito dahil sa pagbibilad sa araw.

And forbidden thoughts run through her mind. Carnal thoughts. Lahat ay alaala nang may mangyari sa kanila. Galit nga pala siya dito. Bakit niya naisip iyon?

“Dumidikit ka sa amin ng bata, marami kang bacteria. Sana naligo ka muna sa isang drum na alcohol.”

“Kung gusto mong ma-disinfect ako, dapat alcohol ang ibinato mo.Hindi sapatos.”

Tumayo siya. “Ibibigay sa iyo ang kabiyak mamaya. Ipaagaw mo sa mga babae mo. Sasambahin ka nila tiyak kapag nag-ala Prince Charming ka sa kanila.”

“Huwag tayo dito mag-usap. Maririnig ng bata. Hindi magandang marinig niya kung paano magselos ang mga babae.”

“Ang bata pa niyan. Anong maiintindihan niya? At di ako nagseselos.”

Hinatak nito ang kamay niya. Sakto namang papasok si Tamara. “Ate, may pag-uusapan kami ni Sofie.”

“Oo. Kanina ka pa nga hinihintay niyan. Bilisan ninyo. Magla-lunch na.”

Ipinasok siya ni Reiven sa kuwarto nito. “Tayong dalawa na lang ngayon. Wala na rin dito ang mga babaeng pinagseselosan mo. I am all yours.”

“Ano ito? Nag-iilusyon ka na kaya bumalik ako para sa iyo?”

Itinukod nito ang dalawang kamay at napasandal siya sa pader. “Then why the hell did you come back? Kung ayaw mo sa akin, nasabi ko na noon, di ba?” His finger traced the curve of her face. “Why don’t you just admit that you miss me?”

She was not able to move when he kissed her lips teasingly. Drat him! He knew how kiss her and make her ask for more. He wasn’t even touching her.

Naghabol siya ng hininga nang maghiwalay ang labi nila. “More?”

“Yes.” Bigla siyang dumilat. “No!”

Pinisil nito ang baba niya. “Why deny it? Parang di kita kabisado. I know what you want. And I know every inch of you.”

Naggiyagis ang ngipin niya. That was true. He knew how to manipulate her body. Wala siyang laban dito. “It’s just my body, Reiven. Tutal, ikaw naman din ang nagsabi sa akin dati na katawan lang ang habol ko sa iyo. Hindi na kita mahal!”

Saka siya nagkumahog na lumabas ng kuwarto nito. “Liar!” usal ni Reiven.

Her heart was beating fast. It was a lie, of course. Pero kung gustong malaman ni Reiven ang totoo, dapat ay paghirapan nito. Di siya mapapaamin nito kung aakitin lang siya ng katawan nito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.