IBINABA ni Miller ang whole wheat pancakes with blueberry jam na ni-request ng tiyahing si Madam Monina. "Here is your breakfast. I prepared it just as you like it."
Nasa gazebo sila na nasa gitna ng isang manmade lake at isang tulay lang ang nagdudugtong. Hilig ng tiyahin ang pancakes na matabang pero sumasarap dahil sa blueberry jam. It was part of their bonding. Nang matanggap niya ang assignment paggisingkanina na ipagluto at ipag-serve ito ng agahan, iyon agad ang napili niyang iluto.
"Thank you. Samahan mo akong mag-breakfast, hijo. Matagal-tagal na rin nating hindi ginagawa ito." There was a hint of joy in her voice. Alam niyang nasasabik din ito sa kanya.
"H-How about your date?" tanong niya.
Iba't ibang Paradise Boys ang nakakasama nito kada kumakain. At di na siya makikialam kung propesyunal man ang relasyon nito sa mga iyon o personal. Iniiwasan lang niyang makagulo sa nauna nauna nang schedule nito. Sa mga gulong nagawa niya nang nagdaang araw, pakiramda niya ay tino-tolerate lang nito ang presensiya niya sa resort.
"Wala akong ibang ka-date. Nagpahanda ako ng breakfast para sa iyo. I want you to be my date. Is that okay?"
"S-Sure," aniya at umupo sa tapat nito. Di nga lang alam ni Miller kung ano ang dapat sabihin o gawin dito. Nang wala itong sinabi, saka lang siya nagsimulang kumain. He didn't expect that. Nang ibigay nito sa kanya ang assignments, di nito nabanggit na gusto siya nitong makasama o maka-date. At lalo siyang kinakabahan dahil wala itong masyadong sinasabi. She was just savoring her pancakes. "Okay lang po ba ang lasa?"
"Yes. It is perfect. Are you having a great time here?" tanong nito at humigop ng tsaa.
"Your resort is great. Rejuvenating and relaxing. Magagaling rin ang staffs ninyo at very competent. Marami akong natutunan sa kanila. No wonder this place is becoming more and more popular. Parang gusto mo nang kalimutan ‘yung buhay na iniwan mo sa labas kapag nandito.”
It was like a haven. Nang nandoon siya, di niya ine-expect na mare-relax siya. Akala kasi niya ay puro eskandalosong bagay ang makikita niya. Bukod sa floor show nang pangalawang gabi, parang normal lang na resort ang lugar.
"Mukhang kasundo mo na nga ang mga staff ko. As if you are one with the Paradise Boys,” she said with a hint of formality.
"They surprise me. Magaan silang kausap. Di kailangang maging laging seryoso. And they are well-rounded with various topics like politics and business." Minsan nga mas marami pang alam ang mga ito sa kanya. They didn't act like airhead gigolos at all when he talked with them.
"Pero ina-advice mo ang mga staff ko na iwan na ako," anang si Monina sa malamig na boses.
Natigilan si Miller. "Tita....of course not."
Pininasan nito ang gilid ng labi. "Nakausap ko si Franklin. Ine-encourage mo sila na mag-business o sumubok ng ibang trade."
"Franklin is naturally good in cooking. Na-mention niya na magpatuloy sa culinary school. O kahit simpleng eatery niya pwede siyang magtayo at simulan na ang negosyo habang bata pa siya.. I only encouraged him to try something else." Gusto niya itong kunin na cook pero di daw nito maiwan ang tiyahin niya.
"Sabi mo kay Calix gusto mo siyang maka-partner sa bar na gusto mong itayo." Naningkit ang mata nito. "Are you serious about that? O paaasahin mo lang siya dahil gusto mo na mawalan ako ng magaling na bartender?"
"Alam po ninyo na bago ninyo siya i-hire dito, pangarap niyang magkaroon ng sariling bar. Wala naman masama kung alukin ko siya ng kapital. I also must diversify. Lucrative business ang bar." He was sincere that time.
"At ire-recommend mo na sumali si Lewis sa male pageant?"
"Pangarap niyang maging model at artista. And besides, di naman kayo kakalimutan ni Lewis. Babalik pa siya dito at ipo-promote ang resort ninyo. I suggested that,” giit niya.
Binitawan nito ang kubyertos at kumalampag sa plato. "You want them to invest in stock market so it would be easier for them to leave me."
Mariin siyang pumikit dahil parang pumipitik sa sakit ang sentido niya. "Tita, kahit kayo po ie-encourage ko na sumali sa stock market, que mayaman o mahirap. Kahit kayo may stock sa stock market.”
Humikbi ito at tinutop ang bibig. "Gusto mong iwan nila ako. Gusto mong mag-isa na naman ako. You must really hate me that much. Ginawa kong miserable ang pamilya mo, ang nanay mo sa huling araw ng buhay niya. Di pa ba sapat na tinalikuran ako ng pamilya ko? Di pa ba sapat na tinalikuran mo ako?"
"Tita, that is not true," aniya at hinaplos ang likod ng matandang babae. Di niya na-realize kung gaano ito kalungkot sa pag-iisa hanggang ngayon. Iniwan nila ito at itinakwil. Akala niya masaya ito sa buhay nito.
"I made your mother miserable. Kasi... kasi pakiramdam ko inagaw niya ang lahat sa akin. Una si Kuya. Your father and I used to be so close. Tapos nagulat na lang ako na nabuntis niya ang nanay mo at nagtanan na lang sila. It was painful. I felt cheated as a sister. Bakit ganoon? Nakalimutan na niya ako. Akala ko bestfriends kami. Pero kinalimutan ko iyon. You came and I love you like my own." At malungkot itong ngumiti.
"I know that." They became as thick as thieves. She was the cool tita. Ito ang kakampi niya kapag napapagalitan siya ng nanay niya. Naging malapit sila lalo nang maging maiinitin ang ulo ng nanay niya. Di niya alam noon na may iniindang sakit ang ina. Naapektuhan ang pakikitungo ng ina sa mga tao sa paligid nito. "At ipagpapasalamat ko ang panahon na naging nanay at kaibigan ninyo sa akin, Tita."
"But I'm not perfect. Na-in love ako sa dating nanligaw sa mama mo. Nagselos ako. Pakiramdam ko aagawin na naman niya ang isang tao na malapit sa akin. D-Di ko alam na obssessed sa kanya si Joey. A-Akala ko gusto niyang agawin sa akin ang lalaking mahal ko."
"May sakit si Mama no'n, Tita,” aniya at may sumipa sa dibdib niya nang maalala ang nakaraan.
"Oo. Huli ko na nalaman. And my pride got in the way. Naniwala ako kay Joey. Napaikot niya ako. But he never really cared about me. Gusto lang niya ang pera ko at mapaghiwalay ang magulang mo. Pinagsisisihan ko iyon hanggang ngayon. Tanga kasi ako kaya nawala sa akin ang pamilya ko. I'm sorry. Hindi ko kayang ibalik ang buhay ng nanay mo. P-Pero sana huwag mong alisin sa akin ang mga taong malalapit sa akin. I’m miserable enough, Miller."
Niyakap niya ang tiyahin. "Nobody is perfect, Tita. Hindi ko kayo masisisi ngayon kung nabulag man kayo ng pagmamahal at selos. At matagal na po iyon. Di rin maibabalik ng galit at sama ng loob ko ng buhay ni Mama. But forgiving you will bring back my second mother. I forgive you, Tita.”
"Talaga?" tanong nito at tigmak ang luha sa mukha nang tingalain siya.
"Nagkamali po siguro kayo nang minsan pero di ibig sabihin iyon na ang kabuuan ng pagkatao ninyo. Di rin naman ako perpekto. Nakakasakit din ako ng mga taong mahalaga sa akin. I also want to be forgiven. I want to be the better version of myself.”
"Miller, parang kahapon lang parang insekto ang tingin mo sa akin, sa amin dito sa resort. After all, we are the scums of high society. Kami ang tinataasan ng kilay sa parties. Kami ang walang karapatan na sumaya kasi kami ang may mali. Di kami magandang impluwensiya sa mga tao sa paligid namin.”
Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang kuha ng tiyahin. "Noon po iyon, Tita. Na-realize ko wala akong karapatan na husgahan ka o kahit na sinong tao. Dahil may mas malalim pang kwento sa likod ng kumakalat na kwento sa kanila. Di ko kayo pwedeng husgahan. Iyon po ang natutunan ko habang nasa resort ninyo, Tita. I want to be happy. Pero alam ko na di tuluyang sasaya si Nadine kung alam niyang di tayo nagkakasundo.”
“You really love her,” sabi nito.
“Yes. She’s not perfect. She’s a handful, but she loves me. Di niya ako iniwan. And loving her is a liberating experience. Mas masarap pala na magmahal nang walang hinanakit at panghuhusga. Nadine loves us both. At magiging masaya siya kung makikita niyang magkasundo tayo.”
“She really changed you.” Tumayo ito at hinaplos ang pisngi niya. “Alam ko marami kang pinagdaanan na masakit. Isa ako sa mga dahilan kung bakit naging matigas ang puso mo. But Nadine did nothing but love you.”
“And love changes a person.”
Mas magaan ang pakiramdam ni Miller. Mula nang tiningnan niya ang mga bagay sa paningin ni Nadine na nabuhay sa ilalim ng panghuhusga at paninira ng iba, natuto siyang mas ma-appreciate ito at ang ibang tao. He became less critical and more understanding. Na mas madali palang mabuhay kung di siya manghuhusga sa iba. Naranasan na nitong husgahan ng iba. At alam niya na di gugustuhin ni Nadine na may ibang dumanas ng panghuhusga. At least, may isang mababawas sa mga taong iyon - siya.
"Baka hindi matuwa ang daddy mo kapag nalaman na okay na tayo,” nag-aalalang sabi ng tiyahin.
"Malaki na ako, Tita. Kaya ko nang magdesisyon na mag-isa. I want you to be my aunt again. Maigsi lang ang buhay para malungkot o magalit. Sigurado ako gusto rin ni Mama na magkasundo tayo."
Kinintalan nito ng halik ang pisngi niya. "This is the best birthday gift ever. Napasaya mo rin ako. Wala naman akong ibang ipinagdadasal kundi tanggapin mo ulit ako sa buhay mo.”
“We will catch up, Tita. Kailangan mong tuparin ang pangako mo sa akin na trip to Iceland kapag naging valedictorian ako sa high school. Pero dahil long overdue na po iyon, dapat kasama na si Nadine.”
"Of course!” Natigilan ito. “You should go to her.”
"Pero kayo po ang ka-date ko. I thought you want to catch up."
"Some other time. Tinanggihan na niya ang date kanina at lessons. Sabi niya marami siyang aasikasuhing trabaho. Nagagaya sa pagiging workaholic mo. Pero alam ko naman na ikaw ang gusto niyang makasama.”
"I will handle her. Don't worry. I will make sure she will enjoy her day.” Kailangan mas maging impressive ang experience nito kaysa sa ibang Paradise Boys.