Hinawakan ni Miller ang kamay niya. "You know you are important. Pero may malaki kaming responsibilidad. Alam mo na nakasalalay ang kabuhayan ng ibang tao sa amin.”
Iniwas niya ang tingin dito. "Don't mind me. I am just being silly." Parang bata siya na naghahanap ng atensyon.
Hinawakan ni Miller ang baba niya at pilit siyang ihinarap dito. "Hey! You are not. Alam ko naman na malakas ka. Lumaki ka na laging iniintindi mo ang mga tao sa paligid mo. Laging ikaw ang nagmamahal. Laging ikaw ang umuunawa. Your feelings are valid. At naiintindihan kita.”
“Pero wala ka ring magagawa. Isang tao lang naman ako…”
“This is our date. Ito lang ang panahon na masosolo kita. Kaya ayoko munang pag-usapan ang kompanya at ang tungkol sa trabaho. Day off natin pareho, di ba?"
Nangalumbaba siya. "Anong gagawin natin? Magtititigan maghapon?"
"Kung si Coco Martin kaya ang panoorin mo? Hindi mo pa napapanood ang movie niya."
Impit siyang tumili. "Sasamahan mo akong manood ng movie ni Coco Martin?"
"Yes. Nagpa-reserve na ako ng ticket. Para sa block screening niya. You will get to meet him."
Nanlaki ang mata niya. Di lang niya basta mapapanood sa sine si Coco Martin. Makakaharap pa niya ito sa personal. Tumayo siya at niyakap ang nobyo. "I love you, Miller!!! Thank you! Thank you! This is soooo sweet." At pinaulanan niya ng halik ang mukha nito.
"Ako ang kukuha ng picture n'yo. Ilang beses na kasing di natutuloy ang pakikipag-meet mo sa kanya. ‘Yung isang thank you concert niya nataon na birthday ko at pinili mo na puntahan ako. Noong college ka naman, ibinigay mo sa kaklase mong may sakit ang nanay ang pera na pambayad sana sa meet and greet niya.”
“Bakit alam mo lahat iyon?” nakatigagal niyang tanong.
“Tinanong ko ang bestfriend mo. Dapat lang naman malaman ko kung ano ang nagpapasaya sa iyo. Maliit na bagay lang iyan.”
“This is a big deal for me.”
“Kasi mas gusto mo ikaw ang nagbibigay. Hayaan mo ako na gawin ang trabaho ko bilang boyfriend mo. Okay? Finish your coffee. Two hours pa naman ang simula ng block screening. Gusto mong bumili ng regalo kay Coco Martin?”
Magkahawak-kamay sila ni Miller nang lumabas ng cafe. Sasabihin siguro ng iba na katuparan ng pangarap ng isang fangirl na makilala ang iniidolo niya. Pero masaya siya na may supportive siyang boyfriend.
Di niya ine-expect na mangyayari ito kapag naging nobyo niya si Miller. Akala nga niya kailangan pa niya itong pikutin o gayumahin para lang maging boyfriend. Sabi niya, sapat na ang pagmamahal niya para sa kanilang dalawa.
Pero ipinaparamdam sa kanya ni Miller na maswerte ito na naging girlfriend siya. He was a spoiler. At para sa kanya na mas gustong magtrabaho para makuha ang gusto niya, bago ito para sa kanya. But it was very much appreciated.
Isang libro tungkol sa buhay ng isang ma-alamat na direktor sa Italya ang napili ni Miller na iregalo niya kay Coco Martin. Isang direktor na rin kasi ang lalaki at makakatulong sa pagiging direktor nito.
“Mas marami ka pang alam kay Coco Martin kaysa sa akin. Daig mo pa ako sa fangirling,” tudyo niya sa nobyo nang nagbabayad sa counter.
“Gusto ko kasing malaman kung ano ang nagustuhan mo sa kanya. Well, he is not just an actor. He is also a businessman. May production company din siya. I like people who are self-made. At di sila tumitigil hangga’t di sila nag-i-improve.”
Palabas na sila ng bookstore nang biglang may humatak sa lalaki. "Miller! Sabi na nga ba susundan mo rin kami dito.” Nawala ang magandang mood ni Nadine. It was Chloe Salgada. “Guys, Miller is here to watch the theater play with us."
Hindi makagalaw si Nadine sa kinatatayuan lalo na’t nakita niya ang ibang mga kaibigan ni Miller sa exit ng bookstore. Wala siyang nagawa nang hatakin ng babae ang nobyo niya papunta sa mga kaibigan nito. Di man lang ba siya napansin ng babae? Anong concert? Paano na ang date nila ni Miller?
Naramdaman na lang niya na humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Miller at tumigil ito sa paglalakad. "May kasama ako. Movie date namin ng girlfriend ko. Of course, you know Nadine,” sabi ng binata at hinila siya palapit sa mga kaibigan nito.
“Hi!” alanganing bati niya sa mga kaibigan nito. Nakita niya ang pagtaas ng kilay ng mga babae pero hinalikan naman siya ng mga lalaki sa pisngi. They were just being polite. And it was awkward. Asang-asa ang mga ito na magkakabalikan siguro sina Miller at Nadine.
“So, sasama kayo sa theater play?” tanong ni Tanz. “I can get you tickets and backstage pass. “This is a Broadway production brought to the Philippines. You can’t miss this one.”
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Miller. Malakas ang kaba sa dibdib niya. Ibig bang sabihin di na matutuloy ang date nila ng nobyo? Di naman niya pwedeng iwan sa galamay ni Chloe si Miller.
“I am sorry if I can't join you,” anang si Miller at inakbayan siya. “Nakabili na ako ng block screening slots para sa pelikula ni Coco Martin.”
“The Broadway show, ipagpapalit mo kay Coco Martin?” Tumirik ang mata ng dating starlet na si Kerry. Di na ito nagtagal sa showbiz dahil bukod sa di naman ganoon katalentado, nagka-boyfriend ito ng pulitiko na may asawa na. “He is so baduy.”
Kinintalan ng halik ni Miller ang ibabaw ng ulo niya. "It makes Nadine happy. Simple lang naman ang kaligayahan nitong girlfriend ko."
"I don't understand. Paanong nagka-girlfriend ka agad? Wala ka namang girlfriend nang huling beses tayong nagkita. Para ba saktan ako?" naghihinanakit na tanong ni Chloe.
Yumuko si Nadine. Hindi niya inaasahan ang ganitong komprontasyon mula kay Chloe. She was classy and all. Talaga bang mag-eeskandalo ito sa publiko?
“Aalis na kami ni Nadine. Let’s just discuss business some other time,” pormal na sabi ni Miller. “Let’s go, Nadine.”
Napigilan na ni Chloe ang braso ni Miller bago pa sila makahakbang palayo. “Miller, I demand an explanation. Paano nangyari iyon?”
“An explanation, you mean? Katulad nang makita ko na lang sa isang website na ka-date mo na ‘yung celebrity chef at may email ka sa akin na wala na tayo? Ni walang paliwanag.” Ngumiti si Miller pero mapanganib iyon. Galit ito pero nagtitimpi lang. “Let me set this straight. Matagal na tayong hiwalay. Iniwan mo ako, di ba? Ikaw ang nanakit sa akin. Anong karapatan mong kuwestiyunin kung sino ang girlfriend ko na parang may kontrol ka sa buhay ko?"
Namutla si Chloe. "It is not like that..."
"Bumalik ka man o hindi sa Pilipinas, magiging girlfriend ko talaga siya. I am with Nadine now. Kinakausap na lang kita dahil gusto mo ng investment sa restuarant mo. Ikaw ang may kasalanan sa akin. You want a harmonious business relationship with me, know your place." Tiningnan nito ang mga kaibigan. “Ayoko nang maulit ang pamamahiyang ito kay Nadine. She’s part of company you want to conduct business with.” Iginiya na siya ni Miller.
"Miller! Wait!" habol pa ni Chloe ito.
"Chloe, tama na iyan. Nakakahiya na,” narinig niyang saway dito ni Tanz.
Hindi pa rin siya kumikibo hanggang makarating sila sa cinema area. "Sorry about that. Hindi ko inaasahan na mag-eeskandalo si Chloe.”
Magaan siyang tumawa para mawala ang tensyon. "Wala iyon. Sanay na ako sa ganyang eksena. Tanga-tanga din ng ex mo. Iiwan ka tapos maghahabol. At kung umasta siya parang siya lang pwedeng magpasaya sa iyo.”
“Nadine, huwag na huwag mo akong iiwan nang walang paliwanag. That’s the most painful thing you could do to a person. It made me feel worthless for a while. Na parang wala akong karapatan na mahalin. Kaya nang aminin mo sa akin na in love ka sa akin, hindi ikaw ang may problema kundi ako.”
“Kung anuman ang magiging problema sa relasyon natin, pag-uusapan natin. Not for a minute will I make you feel unimportant. Ngayon pa ba? Ang tagal-tagal na kitang mahal.”
He laced his fingers with hers then kissed the back of her hand. “Salamat dahil binigyan mo ako ng panibagong pagkakataon na magmahal ulit at mahalin. I love you, Nadine. Sana huwag mo akong ipagpalit sa iba.”
She kissed the tip of his chin. “Kahit pa kay Coco Martin hindi kita ipagpapalit.” Si Miller Sebastian ang lalaking pinangarap niya mula sa simula pa lang. Wala siyang planong pakawalan si Miller.