Chapter TTBP 44

Wala siyang narinig. Tuloy-tuloy siya hanggang sa harap ng lalaki. “Congressman, good evening. Di ko alam may shooting pala ng teleserye dito sa resort. May permiso ka ba galing sa korte para lumapit dito? Ang pagkakaalam ko kasi, may restraining order laban sa iyo ang asawa mo at may kaso laban sa iyo dahil sa pananakit mo sa kanya. Muntik mo nang patayin ang anak n’yo. May kapal ka pa ng mukha na humarap dito.”

Lumuhod ang solon paharap sa kanya. “A-Alam ko may mali ako. Pero mahal ko ang asawa ko. Tatanggapin ko siya kahit di ko anak ang bata. I love her so much. Nagdilim lang ang paningin ko.”

Pagak na tumawa ang dalaga. “Taragis na pagmamahal iyan. Mahal mo kaya muntik mo nang mapatay? Saka huwag mo ngang baligtarin ang kwento. Ikaw ang nambabae. May ebidensiya si Roxann laban sa iyo. At sigurado ako na kaya rin niyang patunayan na ikaw ang ama ng dinadala niya. Padrama-drama ka pa. Di naman totoo. Nagsama ka pa ng reporters mo. Dapat sa iyo pinuputulan ng kaligayahan. Sarap mong tadyakan.”

Inangat niya ang paa para patamaan ang mukha ng kongresista pero niyakap siya ni Miller sa baywang. “Kumalma ka, Nadine. Please.”

Nanginginig ang buong katawan niya. Gusto niyang maiyak sa galit. “Paisa lang. Paisa lang, Miller.”

“Parating na ang mga pulis, Congressman Ayalde. Dadamputin ka na nila kapag di ka pa umalis. Sa korte mo na makikita ang asawa mo,” sabi ni Miller sa kalmadong boses. Di alam ni Nadine kung paano nito nagagawang kumalma.

Inakay na ng bodyguard nito ang solon. Sa kanilang magnobyo na-focus ang atensyon ng mga reporter. "Are you that girl on the billboard who nearly killed her date?" tanong babaeng reporter ng Star Network. “Gusto mo rin bang patayin ang congressman?”

“Mukha bang mapapatay ko siya? Ni di nga sumayad ang sipa ko. Pero death penalty para sa mga manlolokong lalaki at nananakit ng babae” panggagalaiti niya habang yakap siya ni Miller at inaakay pabalik sa kotse.

"Mr. Miller Sebastian, anong ginagawa ninyo dito?" tanong ng isang lalaking reporter ng kalabang istasyon. "Anong masasabi ninyo na puro gigolo daw ang nasa loob? Tama ba na hayaan ang asawa ni Congressman doon? Totoo ba na may kabit ang asawa ni congressman at nasa loob?"

"The staffs there are decent. And they don't hurt women. No comment on other questions,” pormal na sagot ng binata.

"Or maybe you are one of the Paradise Boys,” malisyosong sabi ng isang sikat na bading na Youtube blogger na madalas katakutan sa mundo ng pulitika at showbiz. “Did you gyrate your way to East Star Holdings presidency? Inakit ba ninyo ang anak ng may-ari ng kompanya para maging susunod na presidente?"

Naningkit ang mata ni Miller. “Of course not.”

"Kasi bastos ang tanong mo. Sana mag-research ka muna..." angil ni Nadine. Alam ba nito na kagalang-galang si Miller, matalino at sobrang sipag sa trabaho? Tapos pabababain lang nito ang pagkatao sa tatlong simpleng tanong?

"Those are valid questions,” nakangising sabi naman nito. “Did I hit home?”

I-hit ko kaya mukha mo… Pero di na niya nasabi iyon dahil pinapasok na siya ni Miller sa passenger seat.

“Thank you,” magalang pang sabi ng binata sa mga reporter na parang kanina lang ay di sila binalahura ng mga ito.

Dumating na rin ang mga pulis para hawiin ang reporters. Wala na ring madadampot pa ang mga ito dahil nakaalis na ang kongresista. Saka lang nabuksan ang gate ng resort at nakapasok sila. Sinubukang makakuha ng reporters ng video pero walang nagawa ang mga ito.

“Are you okay?” tanong ni Miller.

Tinungga niya ang natirang Pocari Sweat para paluwagin ang paninikip ng dibdib. “Okay na ako. I am sorry kung mainit ako kanina. Hindi ko talaga mapigilan. Alam mo naman ang nangykari kay Roxann tapos pati ikaw kung anu-ano ang inakusa ng higad na tsismosang iyon…”

“I understand.” Itinigil nito ang sasakyan, kinalas ang seatbelt niya at niyakap siya. “And you did great. Wala kang nasaktang tao. Iyon ang importante.”

“Pero kilala mo naman ang mga reporters….”

Tumaas ang dalawang kilay nito. “Ano naman ang isusulat nila? Si Congressman Ayalde ang isyu dito. Siya ang gumawa ng krimen. He is the bigger news. Gumagawa lang siya ng circus para I-downplay ang ginawa niya.”

“Tayo kung tayo ang mapasama sa huli? Lalo na ikaw. Malalaman na ni Uncle Max na nandito ka sa resort.”

Pinisil nito ang balikat niya. “Huwag mong isipin iyon. Let me handle it. I will assure you that I will protect you no matter what. Ikaw na ang nagsabi na walang dapat ikatakot kapag walang ginagawang masama, di ba?”

“Tama ka,” usal ni Nadine. “Let’s just enjoy the weekend. Ipina-reserve mo ba ‘yung cottage sa lake?”

“Syempre. Request mo iyon.”

Pilit siyang ngumiti kahit na may takot pa rin sa puso niya. Dahil sa kahit anong magandang intensyon, di pwedeng walang sumalangat. Pero saka na niya iyon poproblemahin. Kalilimutan muna niya ang lahat habang kasama ang binata.

"SINABI ko naman sa iyo na dumistansiya ka sa Tita Monina mo. Look at this article. Ikaw na mismo ang puntirya. High class gigolo ka daw at ibinenta mo ang sarili mo para maging susunod na presidente ng East Star Holdings. And Monina is your pimp.”

Nanggagalaiti sa galit ang ama ni Miller na si Max habang ipinagwawagwagan sa harap nila ang iPad nito. Nasa condo sila ng binata Linggo pa lang ng umaga. Nabitin ang weekend getaway nila nang Sabado ng gabi ay pabalikin sila nito sa Maynila. Di natuloy ang overnight nila sa lake dahil sinundo sila ng isang staff ng tiyahin kahit madaling-araw. Si Tita Monina ang tinawagan ni Uncle Max dahil hindi ma-contact ang number nila ni Miller. Walang signal sa lake area.

They were given a heads up before leaving the resort. Lumabas ang video ng interview nila pati na rin ang malisyosong paratang na ibinenta nito ang sarili para lang magiging kahalili ng dadd niya. Na baka daw buntis na siya at magpapakasal na rin para makuha ang parte sa kompanya. At mukhang kalat na rin iyon sa ibang news outlet. Habang di na nakita pa ang bakas ng kwento ni Congressman Ayalde at ang pagdadrama nito sa pinto ng resort para mabawi ang asawa nito.

"That is ridiculous. Binabalikan lang ako ng congressman na abusado sa asawa niya at ng bayarang reporter. And for the record, walang ginagawang masama sila tita sa resort niya,” depensa ng binata. “It is just a holistic resort for women. At malisyoso na sabihin na isa ako sa staff doon na nagbebenta ng sarili kang wala naman silang ebidensiya. This is libelous.”

"That is not the point, Miller! Hindi ka sumunod sa utos ko! You why this mess happened in the first place? Nandoon ka sa lugar kung saan wala ka naman dapat. I told you that your aunt is bad news.”

Nakuyom ni Nadine ang palad. Matagal na niyang kilala si Uncle Max at lagi itong cool at masayahin. Kunsintidor pa nga ito sa mga trip niya sa buhay at kapalpakan. Di rin ito mahigpit kay Miller. Ito pa ang nagsasabi kay Miller na huwag laging seryoso at ma-relax naman. He was the cool dad. Ngayon lang niya ito nakitang nagalit. She was not used to it.

Marahang itinaas ni Nadine ang kamay. Parang estudyante siya na takot mag-recite sa mabalasik na professor. "Uncle Max, ako po ang may kasalanan. Ako ang nagsama kay Miller sa resort.”

Umamo ang mukha ng matandang lalaki nang tumingin sa kanya. "Hija, wala kang kasalanan dito. Di kita sinisisi kung maging malapit ka man kay Monina. It is my son's job to protect you from my sister's bad reputation and to keep you away from her company. Not the other way around. Siya dapat ang maka-impluwensiya nang maganda sa iyo, Nadine. And I am sorry if my son failed you. Pati relasyon ninyo hindi na maganda ang tingin ng iba dahil nadikit ang pangalan ninyo kay Monina.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.