Chapter TTBP 45

"Alam naman namin kung ano po ang totoo, Uncle.” Hinawakan niya ang kamay ni Miller at hinila paupo sa tabi niya. “Pareho naming pinaghirapan ni Miller ang relasyon na ito. Hindi naman dapat si Miller ang isyu dito kundi ‘yung congressman na nang-abuso ng asawa niya. Is there something we can do about this? Unfair po ito kay Miller. Unfair din po ito kay Tita Monina. Alam po ba ninyo na tinutulungan lang naman nila ang mga babae doon na naabuso, depressed at malulungkot sa buhay?”

There must be some way to get into Uncle Max’s good graces. Kailangan niyang ma-realize na di naman masamang babae ang kapatid nito.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ng ama ni Miller. Mas naniniwala marahil ito sa di magandang reputasyon ng resort ni Tita Monina. Ganoon na ba kasama ang tingin nito sa kapatid na wala na itong mabuting gagawin?

Sa huli ay nagkibit-balikat lang ito at humalukipkip. “Hindi na importante kung santa man sa totoong buhay ang kapatid ko. The real status of your relationship, my sister’s philanthropic works, people don't know that. They don't care.” Ihinalad nito ang kamay at ikinumpas. “Parang fairy tale story lang iyan sa kanila o kwent ng unicorn. Ang concern lang nila, ang paglalagi ninyo sa resort na sinasabing sikat sa male prostitute.” Mapait na ngumiti ang matandang lalaki. “And that my son took it a notch higher - corporate prostitution.”

Mariing nagdikit ang mga labi ni Miller. “And that is unfair because I worked hard for my place in the company. Naging errand boy ninyo ako noong high school pa lang ako habang nagbabakasyon sa ibang bansa ang mga kaklase ko. Working student ako noong college at walang special treatment sa akin. I excelled in Wharton because I want to be useful for the company. Para lang sa wala?”

Itinapik ni Uncle Max ang paa. “Alam mo naman na hindi lang ikaw ang may gusto na mag-take over bilang presidente ng East Star Holdings. Ikaw ang paborito at napili ng Ninong Julio mo. Pero alalahanin mo na pwede pa rin siyang impluwensiyahan ng ibang shareholders at board of directors lalo na kung may ganitong klaseng issue. Right now they are like sharks circling around you at the first sign of blood. Kahit na di totoo, bibilhin nila ang anggulo na ibinenta mo ang sarili mo bilang boyfriend ni Nadine para maging presidente ng East Star Holdings.”

“So I won’t be judged for my accomplishments in the company alone?” MIller asked in a hurt tone and fisted his palm. Parang gusto nitong manuntok at hindi niya ito masisisi.

“Parang bago ka nang bago sa negosyong ito. It is as dirty as politics,” anang si Uncle Max sa talunang tono.

“P-Paano po namin maayos ito?” tanong ni Nadine.

“Gawin lang ninyo ang karaniwang ginagawa ninyo. Go out like what young couples usually do. Be as sweet as possible. Join charity works if you have to. But please stop associating yourselves with people of dubious reputation. Iyon lang ang maitutulong mo sa anak ko.”

Yumuko na lang si Nadine. “Yes, Uncle.” She felt helpless. Sinisisi niya ang sarili sa pagsabog ng gulo pero wala siyang magawa para kay Miller. Unfair!

“Find a way to fix this, Miller. Huwag mong sayangin ang lahat ng pinaghirapan mo sa loob ng maraming taon dahil lang lumambot ang puso mo. You were trained better than that.”

“Yes, Dad.” At tahimik ang buong condo nang pakinggan nila ang papalayong yabag ni Uncle Max. Walang sinuman sa kanila ni Miller ang humihinga o gumagalaw man lang mula sa kinauupuan nila. Saka lang tumayo si Miller nang sumara na ang pinto. “Damn!” At hinampas ng dalawang palad nito ang glass window. “What the hell is wrong with those people? Masaya ba silang manira ng pinaghirapan ng ibang tao na wala namang kasalanan? Anong klaseng demonyo sila?”

Nadine’s heart cried out for him. Miller was suffering. Lahat ng pinaghirapan nito, gumuho lang sa isang iglap. At di niya alam kung paano ito iko-comfort.

Niyakap niya ang baywang ng lalaki mula sa likuran at ihinilig ang pisngi sa likod nito. “I am sorry. Kasalanan ko. Di ako dapat umalis sa kotse para komprontahin si Congressman Ayalde. Sana kinontrol ko ang emosyon ko. Sana hinintay ko dumating ang pulis para paalisin sila. Sana nag-no comment na lang ako sa reporter na barubal para di na lumala ang gulo. Antagonizing him is worse than antagonizing a poisonous cobra.” Nanulay ang luha sa magkabilang pisngi niya at kinintalan nng halik ang likod ni Miller. “Nawalan ako ng pasensiya kaya pareho tayong napahamak. I am sorry. Forgive me for being impulsive. Anong klaseng girlfriend ba ako na gulo lang ang dala sa buhay ko?”

Baka nagsisisi na si Miller ngayon. Iniisip siguro nito na kumuha ito ng bato na ipinukpok sa ulo. Sa halip na mabawasan ang gulong papasukan niya, pati ito ay isinubo niya sa intriga at kontrobersiya. Nagkaroon din ng lamat ang relasyon nito sa ama dahil sa kanya. At wala man lang siyang magawa para pagaanin ang sitwasyon.

Kinalas nito ang pagkakayakap sa baywang nito. Humarap ito sa kanya at ibalik ang pagkakaikot ng kamay sa baywang nito. Nakangiti nitong pinahid ng palad ang luha niya. “It is not your fault. ‘Yung malisyosong reporter ang may kasalanan. Maybe she’s on the congressman’s roster to paint us in a bad light. Gusto lang nilang I-divert ang atensyon. Minalas lang na tayo ang nandoon. It was never your fault. Alam natin kung ano ang totoo. Alam natin kung sino ang totoong demonyo sa mundo. At iyon ang panghahawakan natin.”

“Pero dahil sa inilabas ng reporter na iyan, iba na ang tingin sa iyo ng mga tao. Apektado na ang status mo sa kompanya. Iniisip nila na ginamit mo lang ako.”

Tumaas ang kilay nito. “Pakiramdam mo ba ginagamit lang kita?”

Umikot ang mga mata niya. “Miller, kung gusto mo akong gamitin, di mo na kailangang magpakahirap sa Wharton. Hindi mo na kailangang halos pakasalan ang trabaho mo. Pa-easy-easy ka na lang sana sa buhay. Inakit mo na lang sana ako sa simula pa lang, ‘di ba? Nagselos kaya ako sa trabaho mo.”

“Hindi mo na kailangang pagselosan ang trabaho ko. I will always make time for you.”

“Pero paano na ang di magandang usap-usapan tungkol sa iyo?”

Kinintalan nito ng halik ang ibabaw ng ulo niya. “Problema ko na iyon. Let me handle it. Basta tuloy lang tayo. Wala tayong ginagawang masama at iyon ang importante. Kakausapin ko si Ninong Julio tungkol dito.”

Lumabi siya. “Siya naman ang gustong maging presidente ka. Sana matulungan niya tayo na mawala ang bad publicity tungkol sa atin. Magse-set ako ng meeting sa kanya ngayon. Mabuting maagapan ito.”

“Sana mas maging kalmado si Papa sa sitwasyon na ito kaysa kay Uncle Max,” usal niya habang tine-text ng binata ang ama niya.

Tipid na ngumiti ang binata. “IT would be a tough ride, Nadine. Alam mong di lang tungkol sa negosyo ang isyu na ito. Malaking isda ang kalaban natin. Hindi tayo dapat mawalan ng focus sa isyu. For now, sundin natin ang utos ni Daddy. Let’s continue being a sweet young couple that we are.”

“Anong gagawin natin?” tanong niya.

“Na-miss ko ang kiss mo.”

Yumakap siya sa leeg nito at saka tumalon para iyakap ang mga binti sa baywang nito. Nanlaki ang mata ng binata pero maagap siyang sinapo. She gave him a thorough kiss to wipe his worries away.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.