Chapter TTBP 46

I WANT to be your daddy. Mas low maintenance ako kaysa sa boyfriend mo na kompanya mo ang hanap. Latest iPhone lang sapat na. You can keep me as a secret.

Muntik nang masuka si Nadine nang mabasa ang comment sa picture nila ni Miller sa Instagram account niya. Hindi naman niya kilala ang lalaki pero pang-doseng comment na iyon sa araw pa lang na iyon kahit na alas nuwebe pa lang ng umaga. “Unggoy! Itsura mo naman di ka naman yummy. Block!” At nagdesisyon na siya na I-off ang comment at I-private ang account.

Ilang araw na mula nang sumabog ang isyu na high class gigolo niya si Miller kapalit ng presidency ng East Star Holdings, tantiya niya ay may kulang isang libo na siyang indencent proposal mula sa authentic gigolos, feeling guwapo at nagti-trip lang. Herederang mukhang lalaki ang tingin sa kanya ng lahat.

And everyone wanted a piece of her money. May nanghihingi kahit trip to Hong Kong lang daw dahil gustong makarating sa Disneyland kapalit ng isang gabi kasama siya, may nagpapabili ng isla, may gusto na bayaran niya ang membership fee sa isang exclusive club para daw mas dumami ang kliyente nito at ang iba ay may audition video pa mula sa nag-I-striptease hanggang sa nude show habang sumasayaw. Minsan nakakatawa. Minsan nakakauyam.

Sina Ivy at Tessa ang tagasala ng messages niya. Pinagkakatuwaan na lang nila minsan kaysa magalit. Guwapong-guwapo naman kasi sa sarili ang iba at parang trip lang din para sa ilan. Mga walang magawa sa buhay.

Binawi ni Tessa ang cellphone sa kanya “Sabi ko sa iyo huwag mo nang buksan ‘yang social media account mo. Kasi ‘yung sincere friends mo, alam naman kung ano ang super private number mo. Doon sila ko-contact kung kinakailangan.”

“This is worse. Parang mas wala akong kalayaan ngayon,” sabi niya at nilinis ang estante ng mga organic shampoo and conditioner. Nabawasan na ang trabaho sniya dahil may dalawa na silang bagong staff na pawang working students.

“Iba ka. Sikat ka kasi. Aba! Ikaw ang young sugar mommy ng bayan. Mantakin mo iaalay ang kompanya kay Miller mapasaya ka lang ng tatay niya.”

Matalim niyang tiningnan ang kaibigan. “Not a good joke. He loves me okay? At di worth it si Miller sa mga insultong natatanggap niya mula sa mga taong di naman siya lubusang kilala.”

May nagta-tag sa kanya sa mga comment sa blogs tungkol sa relasyon nila ni Miller. Merely speculations. It all put Miller in a bad light. Pero may tiwala naman siya sa kakayahan ng nobyo. With his brilliant mind, sino ba namang tangang hindi ito gugustuhin bilang pangulo ng kompanya kapag umalis ang ama niya? But she didn’t think Miller was hungry for the position.

Hinampas ni Tessa ang estante. “Dapat talaga idemanda ‘yung gagang reporter na nagpakalat ng tsismis na iyan. Abuso sila sa press freedom. Di naman iyan ang sinumpaan nilang tungkulin. Naninira sila ng kapwa nila. Ni di man lang nagre-research. Nakakabobo talaga. ‘Yung mga ganyan ngayon pa lang sunog na ang kaluluwa sa impyerno kasama ‘nung congressman na babaero at nananakit ng asawa. Gigil ako.”

Matalim niya itiong tiningnan. “Nalinis ko na e!”

“Sorry naman. Affected lang ako sa nangyayari. Tapos ‘yung demonyong congressman na iyon kulang na lang ipagtayo ng rebulto sa dami ng accomplishments. Hype na hype ang hayup!”

“Lilipas din iyan. Makakahanap din sila ng ibang isyu na pag-uusapan. ‘Yung mas importante. May araw din ‘yang Congressman Ayalde na iyan. Di naman siya habambuhay makakapagpanggap na disente at malinis.”

Hindi lang niya alam kung gaano katagal. Isang linggo pa lang ang lumipas pero parang isang taon na ang nagdaan. Nakakapagod din ang tsismis. She wanted to escape with Miller. Gusto nilang lumayo sa gulo ng Pilipinas at mamundok o mamalagi sa isang remote island na walang internet.

Pero di nila pwedeng takasan ang mga trabaho nila. It was business as usual for her and Miller. Tumitindi rin ang pressure sa lalaki at ramdam niya iyon tuwing nagkikita sila kapag sinusundo siya nito o nagkakausap sila sa video chat. Ngumingiti ang lalaki at pinipilit maging masaya kahit na alam niyang pagod ito. Hindi sanay si Miler sa mga intriga. Tagaayos ito ng mga problemang kinasasangkutan niya pero ibang usapan na kung ito mismo ang target ng malisyosong balita.

“Heto na ‘yung mga scent na ni-request mo at ‘yung atomizer,” anang kaibigan at inilabas ang kahon. Portable device iyon na pwedeng lagyan ng scent at maglalabas ng usok na nakakapagpa-relax. Pwedeng dalhin ni Miller kahit saan. “Umorder din ako para sa iyo.” At naglabas pa ng isang box.

“Ano ka ba? Kaya ko naman ang mga tsismis na iyan.”

“Sabi mo lang iyan. Siyempre di mo naman pwedeng sampalin ‘yung reporter or sabunutan para mai-release ‘yang stress mo. Ni di ka makapag-rant. So, paano mo naire-release ang stress mo? Papakulam mo?”

Pinagsalikop ni Nadine ang palad. “Dinadasalan ko na lang sila. Promise! Di ako madasalin pero natuto akong damihan ang dasal para sa world peace.”

“Matured ka na nga.”

“Ayoko nang makadagdag sa dinadala ni Miller.”

Sa karanasan niyang ito, natuto siyang maging mas matured sa pagharap sa issue. Na di lahat ay kailangan niyang sagutin o I-rant sa social media. Naging mas sensitive siya sa magiging impact ng kilos niya kay Miller. Walang kwenta na sagutin pa niya ang isyu dahil kahit anong gawin nila, wala ring maniniwala. Ayon kay Miller, kailangan lang nilang patunayan na sinsero ang relasyon nila maging presidente man ito ng kompanya o hindi.

“Di mo ba nasabi sa kay Sir Julio na magpa-interview siya na wala pa namang ganoong plano na gusto niyang si Miller ang pumalit sa kanya,” suhestiyon ni Tessa.

“Nag-release na ng interview ‘yung isang reporter na na-meet niya nang nasa Greece sila ni Papa. Nabanggit na niyang si Miller ang napipisil niyang kahalili niya. That he had been grooming him for quite sometime.”

"Mahirap na ngang bawiin iyon."

"Yes. Everything is on record. See? Di mo maiisip na sa isang simpleng bagay lalaki nang ganito ang gulo."

Nangalumbaba ang kaibigan. "Alam mo inggit na inggit ako sa pagiging heredera mo dati. Mabibili mo lahat ng gusto mo. Madali lang sa iyo na maka-close ang mga sikat kung gugustuhin mo. Pero kasama pala ang pera at kasikatan, madali rin para sa ibang tao na husgahan ka. Mas madali para sa kanila na maniwala sa di magandang gagawin mo kaysa sa mabuti. Hindi pala nakakainggit."

"May choice ba naman ako? Ito ang buhay na ibinigay sa akin.”

Hindi niya pwedeng isumpa ang buhay na ibinigay sa kanya dahil nakilala niya ang ama niya, si Miller at iba pang naging malapit sa puso niya. Di rin siya makakatulong sa ibang tao kundi dahil sa tulong ng yaman ng ama niya.

Pumunta siya sa opisina ni Miller matapos ang lunchtime. Nag-request siya sa sekretarya nito na sasamahan niya ang binata sa coffee break. Weird ang tingin sa kanya ng mga tauhan doon. Di na lang niya pinansin. Umakto lang siyang normal gaya ng dati. Ngumiti lang siya sa mga ito at bumabati tuwing may nakakasalubong siya.

Dumaan muna siya sa restroom. Nasa loob siya ng cubicle nang marinig niya na may lumabas sa iba pang cubicle at nagkwentuhan ang dalawang babae. Mukhang mga empleyado.

"Iba na talaga ang rich. Pabili-bili na lang ng boyfriend. Lahat na lang talaga nabibili ng pera ngayon,” sabi ng babaeng matinis ang boses.

"To think na si Sir Miller pa. Ay naku, day! Ibang klase talaga ‘yung anak ni Sir Julio, day,” sagot naman ng isa pa.

Kauupo pa lang niya sa trono no’n. Alam ba na nasa loob siya? Nagpaparinig ba ang mga ito? Baka naman hindi. Praning lang siya. Pero di niya maiwasan na makinig sa usapan ng mga ito.

"Sino naman ang tatanggi sa heredera? Ganoon pala si Sir Miller 'no? Akala ko pa mandin maprinsipyo. Sa huli pera din pala ang pipiliin. Sayang. Crush ko pa mandin,” anang unang babae.

"Ganoon talaga. Pera-pera na lang."

"Sabagay kung ganoong klase naman ang magiging girlfriend niya, maganda at mayaman pero asal squatter pa rin, baka nga kailangan nang bilhan ng matinong lalaki."

"Papa, ibili mo ako ng perfect guy. Si Miller Sebastian please. Mga sampu." At sabay na humalakhak ang dalawa.

Gusto niyang lumabas para ipagtanggol si Miller. Pero naisip niya na lalala pa ang gulo kapag gumawa siya ng eksena. Kaya ba niyang awayin ang lahat ng masasama ang sinasabi sa kanila ni Miller?

Pero mahirap magpigil ng damdamin lalo na kung aping-api na ang taong mahalaga sa kanya. Okay lang si Nadine dahil sanay siya sa eskandalo. Paano naman si Miller? Tiyak na masasaktan ito kapag nalaman nito ang kawalan ng respeto ng mga tauhan nito. Hahayaan na lang ba niya ito at mananahimik?

Napapitlag si Nadine nang biglang lumagabog ang pinto sa kabilang cubicle. Kasunod niyon ay may pumalakpak. "Ang galing naman ng mga ito. Oras ng trabaho, sinasayang sa tsismis at paninira sa iba. Di ba kayo nahihiya sa mga inaasal ninyo?”

Pumitlag ang puso ng dalaga. Si Ruizmae iyon, ang sekretarya ni Miller. Hindi gumalaw si Nadine sa kinauupuan. “Ikaw, Jean, nang walang pampabinyag ang anak mo dahil ipinangsugal ng asawa mo, di ba si Sir Miller pa nagpa-cater at sinagot pa ni Miss Nadine ang giveaway? Nakalimutan mo na. At ikaw, Bev, hindi ba nang bahain kayo, di pumayag si Sir Miller na sa evacuation center kayo tumira. Ikinuha pa ng hotel ang pamilya n'yo. Pati pagkain sagot niya. Aba! Tatlong araw nang hupa ang baha sa inyo, ayaw mo pa ngang umuwi kasi hayahay ang buhay mo. Si Miss Nadine pa ang personal na tumulong maglinis ng bahay n’yong binaha. Tapos ganito ang igaganti ninyo sa kanila? Wala kayong kahihiyan?”

"Grabe ka naman magsalita. Nagkukwentuhan lang kami ni Jean,” anang si Bev.

“Oo nga,” sang-ayon ni Jean.

"Nanghuhusga kayo ng kapwa ninyo. Nakalimutan n'yo na 'yung kabutihan na ginawa sa inyo. Ang dali ninyong makalimot. Dahil lang sa tsismis nawalan na kayo ng respeto,” singhal ni Ruizmae. Dama niya ang gigil nito. Malapit ito kay Miller. Ito ang laging kasa-kasama ng nobyo.

“Bakit sa amin ka lang galit?” tanong ni Jean. “E halos naman lahat ng tao sila Sir Miller ang pinag-uusapan.”

“Totoo man iyon o hindi, pakialam n'yo ba? May kinalaman ba sa mga buhay n'yo? Di naman nila pinakiaman nang magpakatanga kayo sa relasyon n'yo. Di naman nakaapekto sa trabaho ni Sir Miller. Di ka nga hinusgahan ‘nung tao kahit sinugod ka dito ng asawa ng boyfriend mo,” panonopla ni Ruizmae.

"Sorry naman,” anang si Jean.

"Kay Sir Miller kayo mag-sorry. Saka kay Miss Nadine. Wala silang ipinakita kundi kabutihan sa inyo pero ito ang igaganti n'yo,” angil ni Ruizmae.

"Please. Wag mo kaming ireport. Di na namin ito pag-uusapan. Kahit pa mapanis pa ang laway namin. Promise,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Bev.

“Last chance na ito,” may finality sa tono ni Ruizmae.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.