Chapter TTBP 48

Tumango siya. “Mabuti naman.”

Natanaw pa nila na nagmamadaling sumakay ng elevator si Chloe. “Ang bilis naman no’n,” usal ni Nadine. “May iba bang ka-meeting si Miller?”

Nagkibit-balikat ang babae at tinawagan agad si Miller paglapit sa desk nito. “Wala daw po siyang meeting. Pumasok na kayo, Miss.”

Kumatok muna siya sa pinto bago binuksan iyon. Naabutan niya si Miller na nakakunot ang noo habang nakatitig sa ilang papeles. “Why so serious?” tanong niya sa lalaki.

His face suddenly lit up. “Hey!” Tumayo ito at sinalubong siya. Niyakap agad siya nito nang mahigpit. “I miss you. Ikaw ang stress reliever ko.”

“Ako ba talaga? Kagagaling lang dito ni Chloe at balita ko lagi pa siyang may dala na cupcakes,” anang lalaki. “Nakakatampo talaga.”

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Bakas ang pag-aalala sa anyo nito. “Sorry. Nakita mo ba siya? Nagkausap ba kayo?”

“Nakita ko siyang umalis. Nalaman ko lang na nandito siya dahil kay Director Chavez. Itutuloy mo ba ang pagsosyo sa restaurant niya?”

Bumuntong-hininga ito at hinawakan ang kamay niya. “I think she is irrelevant. Concern lang daw siya sa akin dahil sa mga di magagandang balita tungkol sa relasyon natin. She wanted to comfort me. Pero wala kang dapat pagselosan. Hindi naman siya nagtatagal dito sa opisina ko. Ni hindi ko kinakain ‘yung cupcakes na bigay niya. Ipapa-ban ko siya sa building kung kinakailangan…”

“Sino naman ang nagsasabi na nagseselos ako sa kanya?” tanong niya kay Miller.

“Sabi mo nagtatampo ka.”

“Kasi kung kani-kanino mo ipinapamigay ‘yung cupcake ni Chloe. Di mo man lang ako naalala,” nanghahaba ang nguso niyang sabi.

Nanlaki ang mata ni Miller. “Gusto mo na sa iyo ko ibigay ‘yung cupcake na si Chloe ang nag-bake?”

Tumango siya at nagningning ang mga mata nang mamataan ang makulay na box na nasa ibabaw ng desk nito. “Iyon ba ‘yung cupcake na dala niya? Akin na iyan. Gutom na talaga ako. Wala naman sigurong gayuma iyan ‘no?”

“Kakainin mo talaga iyan?”

“Oo naman. Kailan ba ako tumanggi sa pagkain? Saka nag-aral pa sa Paris ‘yung ex mong chef. Pakinabangan ko naman lahat ng natutunan niya. Libre kaya ito.”

Humalakhak si Miller at niyakap siya mula sa likuran. “You are really something.” At saka pinaulanan ng halik ang gilid ng mukha niya.

Pinanggigilan nito ang pagkakayakap sa kanya hanggang di siya makahinga. “Miller, huwag mo naman akong masyadong patayin sa pagmamahal. Ano ba?”

Niluwagan lang nito ang yakap pero di pa rin siya pinakawalan. “Thank you for not getting mad at me. Ayoko nang dagdagan ang problema kapag nalaman mong pumupunta siya dito. Baka pati siya pag-awayan natin. Di na tuloy ang pagsosyo ko sa restaurant kanila. Maybe she wants to get on my good side. Wala pa silang nakukuhang papalit sa akin kahit may ini-refer na ako. Di sila magkasundo sa ibang terms ng pamamahala sa restaurant.”

“O ikaw talaga ang gusto ni Chloe na mabawi?” sabi niya at di pumalag sa pagkakayakap nito. “But I trust you, Miller. Akala ko magseselos at mai-insecure ako kay Chloe. But you made me feel secured in this relationship. Na di mo ako iiwan at ipagpapalit sa iba.”

“Dahil alam ko kung ano ang pakiramdam ng minahal at iniwan. Akala ko di na ulit ako magmamahal matapos akong sinaktan ni Chloe. Kaya nang mahalin kita, ipinangako ko sa sarili ko na di ko gagawin na iwan ang taong mahal ko tulad ng ginawa ni Chloe sa akin. Thank you for trusting me.”

Hinarap niya ito. “We are a team, Miller. Hindi na ako ‘yung insecure na babaeng naghahabol sa iyo noon. Mas secured na ako dahil ako ang mahal mo. Marami tayong pinagdadaanan ngayon. But we will get through this.” Tinapik ng hintuturo niya ang dulo ng ilong nito. “Ang gusto ko lang sabihin mo sa akin kapag may ganitong pangyayari. Ayoko nang nagugulat na lang ako at si Director Chavez pa mismo ang magbabalita sa akin.”

Sinapo nito ang batok. “Yeah. Pero huwag muna natin pag-usapan iyan. I am stressed out with work. Kailangan ko mag-recharge.”

“May atomizer ako dito para matanggal ang stress mo.”

“Hindi ko kailangan ng atomizer.”

Tumaas ang kilay mo. “Anong kailangan mo?”

“Ikaw.” Sinapo nito ang pisng niya. Then he devoured her lips with gusto. Parang naka-miss ito ng miryenda at tanghalian at noon lang ito makakakain.

She felt sexy and powerful at the same time. Para sa kanya, isang templo ni Miller ang opisina nito. He won’t do anything inappropriate inside. Puro trabaho, trabaho at trabaho lang ito sa loob ng apat na sulok ng silid. Kissing him was like desecrating his shrine. She broke the barrier and she loved it.

“Cupcake o ako?” biglang tanong nito nang maghiwalay ang labi nila.

“Cupcake,” sagot niya at binasa ng dila ang labi niya. Ine-enjoy pa niya ang halik nito. “I love you, Miller, but food is life. Gutom na talaga ako.”

Humalakhak muli ang binata. “Fine. Pero iuwi mo na lang ang cupcake sa shop at kainin ninyo ni Tessa. Kain tayo sa cafe sa rooftop. Gusto ko ng pesto nila.”

“Paano ang trabaho mo?” tanungin niya at nilingon ang mga dokumentong pag-aaralan nito.

“It can wait.” He laced his finger with hers. Hinawi nito ang hibla ng buhok sa noo niya. “Pero gusto ko nang makasama ang girlfriend ko. We have to get out of this room.”

“Bakit? Nanganganib ba ang puri mo?” nanunukso niyang tanong.

“I didn’t know that I was starving until I tasted you,” pakantang sagot nito at hinila ang kamay niya. “By they way, by the way, you do things to my body. I didn’t know that I was starving until I tasted you.”

Nakanganga sa kanila si Ruizmae nang lumabas sila ng kuwarto ni Miller. Parang nagulat pa ito na sweet sila sa isa’t isa. “Kakain lang kami sa rooftop. ‘Yung cupcake paki-pack. Iuuwi daw ko,” sabi ni nadine. “Pakisabi sa nagbigay, bigay lang siya nang bigay, ha? Dalaw lang siya dito kay Miller basta may pasalubong.”

Matalim siyang tiningnan ng nobyo. “Did you just pimp me out for cupcakes?”

“Grabe naman siyang makabintang. Bugaw talaga ang dating ko?” malungkot niyang tanong dito. “Pero masarap talaga. Naalala ko na naman ‘yung cupcakes na niluluto niya na pasalubong sa amin ni Papa. Di pa siya chef no’n. Lalo naman siguro ngayon na nakapag-training na siya sa magaling na chef sa Paris.”

He bared his teeth to her. “Ibang klase! Dadalhin na lang kita sa Paris kaysa ipagpalit mo ako sa pagkain.”

Humagikgik siya dahilan para bigyan sila ng kakaibang tingin ni Miller. Na parang wala silang karapatan na sumaya at dapat miserable sila sa pinagdadaanan nila. No! Hindi sila basta-basta matitibag ni Miller. Kakapit siya dito hangga’t sinasabi ni Miller na mahal siya nito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.