Chapter TTBP 49

“ANONG miryenda natin?” tanong ni Nadine sa mga kasama bandang alas dos ng hapon. Medyo humupa ang dami ng tao na namimili at tapos na rin niyang kausapin ang isang teacher na gustong magbigay siya ng speech tungkol sa social entrepreneurship. Konektado sa miyembro ng Paradise Resort na si Mrs. Gamboa ang naturang guro kaya siya imbitado. Gustong makatulong ang mga ito sa kanya para mapawi ang di magandang imahe nila ni Miller sa publiko.

"May padala na bang cupcake kay Miller 'yung si Chloe?" tanong ni Tessa sa kanya na pinatunog pa ang bibig na parang sabik na sabik kumain.

"Adik ka talaga. Parang gusto mo na manligaw pa rin si Chloe kay Miller."

"Ikaw din naman adik doon sa cupcake ng ex niya. Kaya nga di ka mapakali. Saka ikaw itong unang nagbenta kay Miller. Sabi mo tanggap lang siya nang tanggap ng biyaya galing sa bruha niyang ex.”

“Kahit naman karibal ko kay Miller ang impaktang iyon, masarap talaga siyang magluto. Dati pa ako adik sa cupcakes niya.”

Pumitik sa ere ang kaibigan. “Sabi na nga ba may gayuma talaga ang luto ng babaeng iyon. Buti na lang talaga hindi natikman ni Miller."

Nadine did a hair flip. "Buti na lang talaga pak na pak ang ganda ko at ako pa rin ang pinili ni Miller sa huli."

"Ganyan tayo e. Ang ganda mo, sariwa pa. Walang panama ang gandang gayuma. Iyon nga lang, di ka masarap magluto."

"May pera naman ako pambili." Tanggap naman ni Miller na di siya talentado sa kusina. He didn't care. Minahal naman daw siya nito dahil sa magagandang katangian niya. Sabi nga nito, kaya nitong mag-hire ng magaling na chef pero hindi mababayaran ang pagmamahal niya.

Matamis pa sa asukal kung magmahal si Miller. Akala niya hindi ito showy o hindi malambing. Pero sobrang lambing nito. Minsan nga siya na ang nauumay sa sweetnes nito. Pero sabi ni Miller, iyon na lang daw ang maNgagawa nito para may positivity sa buhay nito. With office politcs affecting his work, he really needed something that makes him happy. At masaya siya dahil siya ang pinili nito para magpasaya dito.

Lumapit sa kanila si Ivy "Miss, may customer tayo. Mukhang sosyal. 'Yung dating assistant ng chef sa TV."

"Si Chloe,” sabay pa nilang usal ni Nadine.

Kumalembang ang cowbell na nasa taas ng pinto nang pumasok ang babae. She was wearing a mint green sleeveless dress and white strappy sandals. She was graceful, she made it look like she was moving in slow motion. Napanganga ang staff niyang si Bono na nag-aayos ng estante at di ito nagawang batiin.

“Good afternoon,” bate ni Nadine dito nang maka-recover.

"What a quaint little shop you have. Nice,” komento ng babae at pinisil pa ang mango plushie na nadaanan nito.

"Thank you,” aniya at kuntodo ang ngiti. Kahit gaano pa ito kaganda, kanya pa rin ang ngiting tagumpay. Siya ang pinili ni Miller. Siya ang nagwagi. “Napadalaw ka sa shop ko. Do you want to check the local produce for your next menu."

"No. I want to deliver these,” anito at inabot sa kanya ang paper bag.

“Ako na po ang bahala diyan, Ma’am,” maagap na sabi ni Tessa at kinuha ang paper bag. May laman iyong kahon. Nanlaki ang mata nito nang makita ang nasa loob. "Cupcakes? May dala siyang cupcakes. Ang sweet!”

“Para talaga sa akin?” tanong ni Nadine.

“Request ni Miller para sa iyo,” ngiting-ngiti nitong sabi pero di maitatago ang kapaitan sa likod niyon.

“Hindi pa ako nagmimiryenda. Do you want to join me?” alok niya sa babae.

“Sure. Di naman ako busy ngayon,” sabi nito.

Nagpahanda siya ng mint tea at flower salad para kay Chloe.

Sa secluded area sila ng shop tumuloy kung saan ine-entertain niya ang mga guest at ma-enjoy ng mga ito ang sample tea and coffees nila. May privacy sila doon dahil sa manipis na divider pero pwede silang silip-silipin ng mga staff para I-check siya. Nakaalerto ang mga ito sa presensiya ng babae. Kalaban pa rin ito. Pero hangga’t wala itong ginagawang masama, pakikisamahan niy ito.

Napapikit siya nang matikman ang cupcake nito. "This is heaven! Ang sweet talaga ni Miller. Alam na alam ang gusto ko. I can smell Paris on your cupcakes. Natikman ko kasi 'yung cupcakes sa office ni Miller. The best!"

“Ikaw ang kumain ng cupcake sa office ni Miller?” tanong nito sa mataas na boses.

Tumango siya. “I love cupcakes.”

“W-Well, paborito kasi ni Miller ang cupcakes na bake ko. Kapag nahihirapan siya sa Wharton dati, iyon ang pinapa-bake niya. I know he is going through a lot right now. I want to make him feel better. Sana nakatulong sa kanya. I want him to know that I am here as a friend.”

Pinagsalikop niya ang palad. “Kailangan talaga namin ni Miller ng mabubuting kaibigan lalo na sa panahon ngayon. Thank you for the cupcakes. It made me feel better. Ayaw na kasi ni Miller ng cupcakes lalo na kung lasang Paris. He is not exactly a fan of Paris.” Nagkibit-balikat siya at patay-malisya kung bakit. “Ewan ko kung bakit.”

"You don't mind that I gave those to Miller?"

Tumigil siya sa pagkain at uminom ng tsaa. Then she gave a tight smile. "I do mind. Ex ni Miller nireregaluhan pa siya kahit na alam nang may girlfriend siya. Sino ba naman ang okay doon?"

"Yet you are not mad at me."

Humalakhak siya. "Gusto mo ba sabunutan kita ngayon? No. Hindi na kailangan. Para kay Miller, pumupunta ka lang sa kanya dahil gusto mo siyang kumbinsihin na makisosyo sa business na itatayo n'yo. He refused. Hindi na siya interesado sa iyo o sa negosyo mo. Iyon lang. May dapat ba akong pagselosan.” Dumilim ang mukha nito. Masakit nga naman sa pride nito dahil kailangan pa niyang isampal sa mukha nito na ayaw ni Miller dito. Wala na rin itong kakayahan na pagselosin siya. Irrelevant na ito sa buhay nila. “Pero interesado ako na makisosyo sa iyo. Just for these cupcakes."

"What?" bulalas ng babae.

"Negosyante ako. Pwede kong i-set aside ang personal kong isyu dahil alam ko na kikita ako. I believe that you are highly skilled and people still recognize you. Ngayon pa lang, nakikita ko na ang dami ng perang kikitain natin as partners.”

Umiling ang babae at di makapaniwala siyang pinagmasdan. "You are crazy if you really want a tie up with me."

"You need money and I have it. Negosyante ako at handa akong maging professional. Hindi ako masyadong mausisa sa day-to-day operation ninyo. That is your forte. I will help with the marketing and promotion. At gusto ko lang malaman kung kumikita tayo. You don’t even have to think that I exist.”

Mahabang sandal siyang pinagmasdan ni Chloe. Tinatantiya marahil kung seryoso siya sa inaalok. Hindi pa alam ni Miller ang tungkol doon. Baka masakal siya ng nobyo pag nalaman. But it was a good business.

Kalaunan ay umiling ang babae. "No. Si Miller ang gusto kong makasosyo at hindi ikaw."

"Hindi siya interesado sa iyo. Di pa ba malinaw? O umaasa ka pa rin na babalikan ka niya? Ginagamit mo lang naman ang restaurant mo para bumalik sa iyo si Miller, ‘di ba?" tanong niya sa kalmadong boses.

Kinuyom ng babae ang arm ng rattan chair. "I don't need to be insulted like this. You have to right!”

Humalakhak si Nadine at sinapo ang dibdib. "Insulted? Sincere ang offer ko. Gusto kong makisosyo sa negosyo mo. Ako nga ang dapat mainsulto dahil naghahabol ka pa rin sa boyfriend ko. Buti na lang talaga confident ako sa relasyon namin. Secured ako sa pagmamahal niya."

She bared her teeth to her. Mistula itong asong ulol na nakangirngir. "You don't deserve him."

'Wow! E sino naman ang may deserve sa kanya? 'Yung gaya mo na nang-iwan sa kanya nang walang paalam at basta na lang sumama sa ibang lalaki? Matapos mong pagmukhaing tanga at saktan si Miller, sa palagay mo deserve mo siya? Wow! Ang ganda mo grabe lang. May kakapalan ka rin 'no? Nahihiya naman ako sa iyo." Real talk na kung real talk. Pero di niya hahayaang maliitin nito ang halaga niya sa buhay ni Miller. Di niya hahayaang maliit nito ang pagkatao niya.

Tumaas ang kilay ng babae. “Talaga? I may be a lot of things. Pero kahit minsan di ko sinira ang image ni Miller. Di ko siya sinira sa ibang tao."

Mas mataas ang angat ng kilay niya. "Excuse me? Pinapalabas mo na sinira ko si Miller?" Siya ang huling taong gagawa no’n.

"Hindi nga ba? Mula nang dumating ka sa buhay ni Miller, nagkandamalas-malas na siya sa kasusunod sa iyo. He is not supposed to associate himself with his aunt. Matapos ang ginawa sa nanay niya at sa pamilya niya, dapat lang putulin na niya lapitan pa. After all, she has a bad reputation. But what did you do? Kinaladkad mo siya sa Paradise Resort at napagkamalang gigolo. And now he is in hell. Nakaladkad ang magandang pangalan niya. Pinalalabas pa na kaya lang nasa posisyon siya kapalit ng pagiging boyfriend mo. Miller takes pride with his work. Alam ko iyon. Ngayon ayaw na siyang irespeto ng ibang colleagues niya dahil sa iyo. Mawawala ang lahat ng pinaghirapan niya dahil mantsa ka sa pangalan niya. He is now known a glorified corporate gigolo.”

Parang tinadyakan ang dibdib ni Nadine. Miller was suffering. At masakit na marinig na siya ang may kasalanan. "Patutunayan ni Miller na mali sila. He is good.” Nangako si Miller na malalampasan din nila iyon. Na wala siyang dapat na ipag-alala.

Ngumisi ang babae. "Really? Sa palagay mo ba makakabawi pa siya sa toxic work environment niya ngayon? Kahit gaano siya kagaling, walang maniniwala na di nagamit ang impluwensiya ng daddy mo, na utang na loob niya ang magiging posisyon niya sa relasyon ninyo.”

“Deserving siya kung saan man siya nandoon ngayon!”

“It doesn’t matter because you are beside him. He is tainted. Isa lang naman ang solusyon para mawala ang usap-usapan sa kanya - hiwalayan mo siya."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.