“DO we really need to attend this party? Di kayo magkasundo ni Director Chavez,” paalala ni Nadine sa kay Miller habang nakasakay sila sa Cadillac na naka-assign na sakyan nila. Bohemian ang theme ng party kaya naman nakasuot siya ng dress na may bell sleeves at boots habang naka-chino shirt na may burda si Miller at jeans. Sa isang resort sa Tanay gaganapin ang party.
“Yes. Hindi nga siguro kami magkasundo pero mabait naman sa atin ang anak niya. She invited us. We need to socialize,” paalala ng binata. “We have a lot of catching up to do.”
“Napaplastikan pa rin ako sa ibang tao hanggang ngayon.”
Isang buwan na ang lumilipas mula nang maging usap-usapan ang relasyon nila ng binata. Humupa na iyon pero dama pa rin niya ang pangmamata dito ng mga tao. Di lihim sa kanya ang makahulugang tingin ang bulung-bulungan laban sa kanila. Hanggang ngayon, ilang projects din ang na-delay dahil sa panghaharang ng mga kakampi ni Director Chavez. Pero kapag successful ang project, magaling mang-angkin ng karangalan kahit na si Miller ang nagpakahirap sa lahat.
“Kasama sa ito sa negosyo. Kung ayaw mo na mapagtsismisan, sa kuweba na lang tayo tumira, doon sa walang kapitbahay.”
“Di naman tsismoso ang mga paniki ‘no? That sounds great,” nakangisi niyang. Mas gusto niyang makasama ang paniki kaysa sa mga tsismosa at backstabber ng alta sociedad.
“Come on. Last party na ito tapos magre-relax na tayo. How does a trip to the lake cabin sound?”
Kumislap ang mga mata ni Nadine. “Really? Magbabakasyon tayo?”
“Yes. Ipa-finalize ko lang ang date para one week tayong mag-camping doon. Or anywhere you want to go.”
“The lake cabin is fine. Tayong dalawa lang at malayo sa mga tsismosa.” Alam niya na malaking effort iyon sa binata dahil abala ito sa trabaho. Pero sa lahat ng pinagdaanan nila nang nagdaang araw, kailangan nilang lumayo nang sila lang.
“So, can you pretend that you are enjoying the party. Isang gabi lang.”
Huminga ng malalim si Nadine. “Alright. Ngingiti ako para sa isla sa Palawan.”
Di nawala ang ngiti ni Nadine nang makihalubilo sa party. Naroon ang amang si Julio at si Uncle Max na alam niyang nag-oobserba sa kilos nila ni Miller.
They knew the drill. They perfected this act for so many years. Smile. Be polite. Find a witty retort if someone was rude.
Na-corner sila ni Miller ng grupo ni Director Chavez at inulan agad ng kantiyaw si Miller. “Hello, Mr. President,” bati ng matandang lalaki sa binata.
“Bata pa ako para tumakbo na presidente ng Pilipinas, Sir. And I am not planning to enter politics anytime soon,” pabiro na sabi ni Miller.
“Usap-usapan na isasalin na ni Julio ang presidency sa iyo sa susunod na meeting ng board. Of course, he has been grooming you to take his place ever since and as his future son-in-law. Lagi niyang binabanggit iyon,” sabi naman ng vice-president for finance na si Mr. Teodoro.
“Bata pa po si Papa para mag-retire. Biro lang niya iyon,” natatawang sabi ni Nadine para palamigin ang isyu.
“I am a father, too. I will do everything for my only daughter. Handa akong bilhin ang lahat ng magpapasaya sa kanya.” Sinadyang bigyang-diin ni Director Chavez ang salitang “bilhin” na parang binibili ng ama niya si Miller para sa kanya. At di siya papayag na palampasin ang malisyosong hirit nito.
“Not my father. He lets me decide for myself. At kung anuman ang narating ko ngayon, alam ko na pinaghirapan ko iyon,” aniya at kumapit sa braso ng nobyo.
“Dad, please spare Nadine with all your business talks. Ni hindi man lang ninyo sila pinakain ni Miller bago ninyo corner-in,” maktol ni Isabella, ang birthday celebrant. “Excuse us, gentlemen. Pakakainin ko lang ang mga bisita ko.” Napailing na lang ang babae habang inaakay sila palayo. “Magkaka-hyperacidity ka kung makikinig ka sa kanila. It is my party. You should have fun.”
It was more of a cocktail party. May buffet table rin para sa mga bisita. Bohemian ang theme ng party kaya naman may mga makeshift open tents sa grounds ng resort.
“You are different,” anang si Miller.
“Of course. Iyan ang ibinibigay ng independence sa akin. I am not a meek girl anymore. I get to travel a lot. I can now speak my mind like Nadine. Parang ikaw nagbago ka rin. Parang di ako makapaniwala na siya ang girlfriend mo. Did she become submissive or you bow down to the princess?”
“She’s the boss,” sabi ni Miller at hinawakan ang kamay niya.
“Ipapakilala ko kayo sa boyfriend ko at sa mga kaibigan ko. Dapat nasa Brazil kami ngayon pero gusto ni Mom na makasama ko siya bago pumunta sa South America. They want to celebrate my birthday at least so they can show me what I’ve been missing - the life of the privileged and all,” nakatirik ang mata nitong sabi. “You will like her, Nadine. He is from the pampas of Argentina. Walang arte. Sa palagay ko magiging komportable siya kung makakukwentuhan mo siya.”
Nakilala ni Nadine ang mga kaibigan ni Isabella na nakilala nito sa pagbiyahe sa iba’t ibang bansa kasama na ang nobyo nitong Argentinean na si Anton. Komportable siya sa company ng mga ito. Mukhang nag-enjoy din si Miller na marinig ang kwento ng mga ito habang nasa biyahe. Iba pa rin kasi kapag may nakakahalubilo na ibang mga tao sa iba’t ibang lugar. No wonder Isabella was more liberated in her ways and bolder. Walang makaka-survive na backpacker kung di sasamahan ng lakas ng loob gaya ng mga kaibigan nito. They were survivors. Di nakapagtataka na mas nagustuhan ni Isabella ang nomadic life ng mga backpacker. Parang nakatali ito sa leeg ang nasa ilalim ng ama hanggang di na halos makahinga.
“Try these cupcakes. Superb,” alok ni Isabella. Kumagat si Nadine. “It tastes like…”
“Paris,” dugtong niya. At nag-aalalang tumingin kay Miller. Isang tao lang ang alam niyang may ganoong lasa ng cupcake.
“Exactly! Si Papa ang kumuha ng service niya She made the cake, too. Sa Paris daw nagtrabaho ‘yung chef niya. She used to work as a TV host. Baka kilala ninyo. There she is! The one with the belly button pants and flowery blouse.”
Naningkit ang mga mata ni Nadine nang makita si Chloe Salgada na nakatayo sa tabi ni Director Chavez. Nakahawak pa ang matandang lalaki sa baywang ng babae. Lumingon ang matandang lalaki sa kanila. Bumulong ito kay Chloe. Maya maya pa ay naglakad na ang dalawa palapit sa kanila ni Miller.
“This is bad news,” usal ni Nadine kay Miller. Kumalat ang tensyon sa buong katawan niya. Matapos ang huling komprontasyon nila ng babae, iniiwasan na nila ito ni Miller. Pero mukhang wala itong balak na tantanan sila.
“Are you enjoying the food?” tanong ni Director Chavez sa kanila.
“Superb, senyor,” komento naman ni Anton.
“I am sure pamilyar kayo sa lasa dahil kilala ninyo ang chef namin - Chloe Salgada. Lalo na siguro si Miller,” sabi naman ni Director Chavez.
“Si Nadine ang mas kilala ang luto niya. She loves her cooking,” sa halip ay sabi ng binata.
“Really? That’s a surprise,” manghang usal ng matandang lalaki.
“I even offered her to be my business partner,” anang si Nadine sa magaang boses.
“Ah! Pero may offer din ako sa kanya kaya siguro tinanggihan ka niya. Naikwento na sa akin ni Chloe,” sabi ni Director Chavez.
“Wow! This is interesting. Mga kakilala lang namin ang gusto niyang mag-invest. I didn’t know you were close,” sabi naman ni Miller na may himig ng paghihinala. They meant trouble. At kung magsasama ang mga ito, it means double trouble. May pinaplano na di maganda ang mga ito kaya kailangan nilang maging alerto ni Miller.
“Nagkita kami sa party dati. She mentioned that she’s looking for an investor because you said no. Your loss is my gain,” kaswal na kwento ng direktor.
“”Discussing business again, Dad? Why don’t you dance?” ungot ni Isabella. “The music is nice.”
“Nadine,” alok ni Director Chavez sa kanya at napilitan siyang hawakan ang kamay nito. Habang awtomatiko namang hinila ni Chloe si Miller sa dance floor.
Walang nagawa si Nadine kundi sumunod sa agos. At alam niya na pinagbibigyan lang din ni Miller si Isabella dahil birthday nito at para di mapahinga si Chloe. He was still a gentleman.
“I am sure you are happy that Isabella is home,” komento ni Nadine kay Director Chaves habang sumasayaw sa slow country music.
“Yes. But after this, she is leaving me again for her backpacking in South America with her boyfriend. Mahirap na talagang kontrolin ang mga batang tulad ninyo ngayon. Ayaw na ninyong sundin ang mga magulang ninyo.”
“Well,we have to make our own mark. We appreciate everything our parents did for us. Believe me. Pero may sarili rin kaming mga pangarap. After all, pinalaki ninyo kami na may sariling isip.”
“Like you and Miller. But that boy is an ambitious one. He always had his eyes on Baluerte Holdings ever since he was a kid.”
“He worked hard for it. Nauna pa ng siya kaysa sa inyo na makapasok sa kompanya,” aniya sa magaang boses.
“Siya dapat ang tagapagmana ng kompanya kung hindi ka nahanap ng tatay mo. He loves this company so much. Gagawin niya ang lahat para maprotektahan iyon. He is devoted. Devoted indeed.” Lumingon ito sa direksyon nila Miller at Chloe. Dikit na dikit ang babae sa nobyo niya kahit na nakikita niyang dumidistansiya ang binata dito.“Isasakripisyo niya ang lahat para sa kompanya. Even his own heart. Look at them. I don’t think they ever got over each other.”
Gusto niyang tadyakan ang binti ng matandang lalaki at iwan sa gitna ng dance floor. Siya ang girlfriend ni Miller at ininsulto siya nito. Wala itong kaibahan sa mga intrigerong tsismoso na matrona sa tabi-tabi. Pero naalala niya ang pangako kay Miller na magbe-behave siya para sa party na iyon. Di siya pwedeng gumawa ng eksena kaya kailangang habaan ang pasensiya.
“Some good things never last,” usal niya at nagkibit-balikat.
Then they kissed right in the middle of the dance floor.