NADINE was dumbfounded then fury spread throughout her body. Nakalingkis ang mga kamay ni Chloe kay Miller habang nakayakap sa leeg ng lalaki. It was the most painful sight. Sino ba naman ang gusto na makitang hinahalikan ng ibang babae samantalang nasa di kalayuan lang siya. At sigurado siya na sinadya iyon ni Chloe.Susugurin na sana niya ang mga ito kundi lang si Miller mismo ang kumalas sa babae. Distaste was written all over his face.
“Stop, Chloe. Nababaliw ka na,” angil ng binata.
“I love you, Miller. Alam ko na pinili mo lang si Nadine para mag-advance ang posisyon mo sa kompanya,” malakas na sabi ng babae. Nakita niyang itinaas ni Director Chavez ang isang kamay at kusang tumigil ang musical band na kinuha nito sa pagtugtog. Kaya naman dinig na dinig ang sinabi ng babae.
“Ano bang sinasabi mo?” tanong ni Miller at pinunasan ng likod ng palad ang bibig nito.
“Hindi mo na kailangang magpanggap na mahal mo siya. Pwede naman tayong magkasama. We can be free. Be with me. Let’s come out free. You don’t have to suffer with Nadine.” Inilahad nito ang kamay sa direksyon niya. “She’s not worth it. Tinrato ka lang nilang basura dahil sa kanya. Why suffer when you can be with me?”
“I am sorry, Nadine,” sabi ni Director Chavez at pinisil ang balikat niya “I am sorry that you have to find out the truth this way.”
Parang nanonood siya ng isang eksena sa pelikula. Ang kaibahan lang ay siya mismo ang kasangkot. Kahit pa anong comfort ang ibigay sa kanya ni Miller na siya ang mahal nito at pinipili nito, alam niya na may katotohanan ang sinabi ni Chloe. Di mawala-wala ang malisyosong balita tungkol kay Miller dahil sa kanya. His enemies thrived on it.
At ang tanging para makawala si Miller sa kamalasan sa relasyon nila kung iiwan niya ito. Sa pagkakataong ito, si Miller na ba ang magdedesisyon na iwan siya?
“Nadine,” anang si Miller at hinawakan ang kamay niya.
“A-Aalis na ba tayo?” tanong niya.
Di sumagot si Miller. Sa halip ay pumunta sila sa stage at lumapit sa mikropono. Tumindi ang kaba ng dalaga. “Good evening. I want to apologize to Isabella for the scene. I know this is your event and your special day. There are some things beyond my control and all I want a clean slate starting tonight.”
“Miller… you don’t have to do this. Sa ating dalawa, ikaw ang di impulsive. L-Let’s just release a statement after this,” pakiusap niya sa binata.
Di siya tiningnan ng binata. Nanatiling tuwid ang tingin nito sa mga tao. Mukhang desidido na itong I-address ang issue sa harap ng maraming tao. At natatakot siya kung ano ang sasabihin nito, kung paano ang magiging desisyon nito.
“For weeks now, Nadine and I were bombarded by speculations about the nature of our relationship. Gusto lang naming tumulong sa mga tao at nabaligtad ang sitwasyon dahil sa isang malisyosong tsismis. Everyone is questioning my integrity, even people whom I thought knew me well. Matagal kaming nanahimik ni Nadine. But I want all the speculations to stop tonight. Kailangan ko nang maging totoo. I am not happy anymore.”
Parang may malaking paa na tumapak sa puso ni Nadine. Di na masaya si Miller sa kanya? O sa simula pa lang, hindi na siya ang nagpapasaya dito? Sa wakas ba ay natauhan na ang binata at na-realize nito na mas mapapasaya ito ni Chloe? Na wala naman siyang idinala dito kundi sakit ng ulo at kamalasan. Napuno na ba ito at idedeklara iyon sa harap ng maraming tao?
“I want to be happy with the person who owns my heart. Gusto ko na makasama siya nang malaya at walang gumugulo sa amin. After all, kaya lang naman ako nagsisikap para maibigay sa kanya ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya. That’s why…”
Unti-unti siyang nanghihina dahil hindi na niya alam kung ano talaga ang nasa puso ni Miler. Paano kung nabubulagan lang siya sa pag-ibig at ambisyoso nga si Miller para papaniwalaing mahal siya nito kahit na hindi naman? Na kahit mahal siya nito, mas matimbang pa rin si Chloe. At nasa di kalayuan ang babae na may matagumpay na ngiti sa labi. Puno ito ng kompiyansa na nasira na nito ang relasyon nila ni Miller.
Yumuko si Nadine at kinuyom ang palad habang hinihintay ang deklarasyon ni Miller. Kailangan na niyang ihanda ang sarili kung hindi man siya ang piliin ng binata. Kung iiwan man siya nito at si Chloe ang pipiliin nito, walang mawawala dito. He could take back his integrity. Mananatili pa rin ang pangarap nito.
At siya… paano na siya? She had no choice but to let him go. Hindi ba ito naman ang gusto niyang gawin noong una pa lang? Si Miller lang ang ayaw na bumitaw. He begged her to stay. Ang kaibahan lang ngayon, si Miller na mismo ang bibitaw at walang kahit anong pakiusap ang pwedeng magpapanatili dito sa tabi.
Don’t cry, Nadine. Be strong. Minahal ka naman niya, di lang tulad sa inaasahan mo. At least, sasabihin niya sa iyo.
“I am resigning as Vice President of East Star Holdings. I am relinqushing every right to be the next president of the company,” deklara ni Miller.
Napanganga si Nadine at inangat ang tingin sa binata. Resign? Bakit ito magre-resign nang ganoon na lang?
“No! Hindi mo pwedeng bitawan ang posisyon mo. You are almost on top now. Miller!” Hinatak niya ang manggas ng suit nito pero di siya nito nililingon. Ni di ito natinag.
“Miller, what are you doing?” narinig niyang sigaw ang amang si Julio. Natakpan na lang ni Uncle Max ang mukha. Parang di nito matanggap ang desisyon ng anak. Kahit ang mga kalaban mismo ni Miller sa kompanya ay di makapaniwala sa desisyon ng binata.
“Nababaliw ka na ba? You can’t do this!” Chloe shrieked. She was hysterical. “This is career suicide. Sinasayang mo ang lahat ng pinaghirapan mo.”
“Bata pa lang ako, lumaki na ako sa kompanya. From being an errand boy to messenger to encoder and even your maintenance man. Sa halip na namamasyal ako sa iba’t ibang lugar or nasa summer camp tulad ng ibang mga kaibigan ko, inaaral ko kung paano tumakbo ang kompanya. I started from the bottom. Until I got my Masters in Wharton School of Business with honors and I became the Vice President of the company. I sacrificed a lot to get to where I am right now. But you know what? It is not worth it if it will affect my relationship with Nadine. She doesn’t deserve all the malice she’s receiving. Samantalang wala naman siyang ginawa kundi ang mahalin ako.” Hinawakan ni Miller ang kamay niya at lumingon sa kanya. Their eyes meet for the first time. Naluluha iyon. Pero sa halip na lungkot, wala siyang nakita kundi pagmamahal sa mga mata nito. Pagmamahal sa kanya. “I asked her not to leave me and hold my hand. Kaya kung kailangan kong iwan ang kompanya para di siya mawala sa akin at matahimik kami, gagawin ko iyon.”
“M-Miller…”
“I love you, Nadine,” deklara nito.
“Pero ang kompanya ang buhay mo,” palahaw ni Chloe. “Sinisira mo ang buhay mo nang piliin mo siya. Nabubulagan ka na.”
Tumalim ang mata ni Miller nang balingan ang dating nobya. “Wrong. Nadine is my life. Pwede pa akong makahanap ng ibang kompanya. I can even start my own if I want to. Di ako natatakot magsimula sa wala.”
“Hindi mo kailangang gawin ito,” emosyonal na sabi ni Miller. “K-Kausapin mo muna sila Papa at Uncle Max.”
Ibinaba nito ang mikropono at hinarap siya. “Sabi mo na minsan sa buhay mo, gusto mo na ikaw naman ang unahin. For the longest time, ikaw na lang ang laging nagtitiis para sa mga taong mahal mo. So here I am. I am putting you above everything else. You are my priority. Ikaw ang number one. Ikaw ang pinipili ko. Will you accept me even if I am jobless and all I can give you my love?”
“Really? You are asking the girl from the slums if I will take you? Yes! I love you, Miller,” aniya at humalakhak habang umaagos ang luha sa mga mata niya. Iyon din ang luha na pinipigilan niyang pumatak kanina dahil akala niya iiwan na siya ni Miller. But those were happy tears now.
“Let’s go,” bulong ni Miller. “Sa palagay ko tapos na tayo dito.”
Ibinalik na ni Miller ang mikropono sa stand at inakay siya pababa ng stage. Nagpalakpakan ang ibang mga guest. Wala siyang pakialam kung I-boo man siya ng mga ito. Ang mahalaga hawak pa rin ni Miller ang kamay niya. Siya pa rin ang pinili nito sa huli. Wala na siyang pakialam sa opinyon ng iba.
Hinarang sila ni Chloe na nanlilisik ang mga mata. “Miller, you can’t do this to me. Ako ang mahal mo…”
Pagak na tumawa si Miller. “That was soooo six years ago, Chloe. Di kita pinaasa kahit minsan na babalikan kita. Come on. Only a fool would take you back. Masyado naman yatang mataas ang tingin mo sa sarili mo delusional ka lang. Sabi ko na layuan mo na kami ni Nadine. You need help, Chloe. Wala akong nararamdaman ngayon kundi awa para sa iyo. Good luck with your business. Believe me. Hindi mo ako kailangan.”
“How could you ruin my daughter’s party, Miller?” angil ni Director Chavez. “Wala kayong respeto. I expected to much from you, Miller.”
“Do you really want me to apologize when you set up this ruckus in your daughter’s party in the first place?” kalmadong sabi ni Miller pero may bigat ang salita nito. “Dapat nga magpasalamat kayo sa akin dahil ibinigay ko ang gusto ninyo. I am out of the company. The floor is yours, Director Chavez. Good luck with the presidency. By the way, may voting shares pa rin ako sa East Star Holdings. I will see you next board meeting?” At iniwan nilang nagpupuyos ang lalaki.
“Sorry for ruining your party, Isabella,” sabi agad ni Nadine sa nag-aabang na birthday celebrant.
Sa halip na magalit ay niyakap siya ng dalawa. “No. You made my birthday so meaningful. Thank you. Sa dinami-dami ng plastikan sa event na ito, I finally some something that is real.” Bumaling ito kay Miller. “I am sorry about what my dad did. He forced you to resign to get into power…”
“That’s okay. Nakahinga na ako ng maluwag. Kami ni Nadine,” sabi ng binata. “Send my apologies to your mom.”
“Yes,” anang babae at nagpaalam na sila.
Naghihintay na sa kanila ang mga tatay nila nang papunta sa parking lot ng resort. “Brave. That’s brave and stupid,” komento ni Uncle Max.
“Dad, you taught me well. Maging parte man ako ng kompanya o hindi, marami pa akong kayang gawin. I will make you proud in my own way. Promise. For now, I want to spend time with Nadine,’ anang si Miller at kinintalan siya ng halik sa noo.
Kinayaman naman ng ama niyang si Julio si Miller. “I respect your decision, Miller. Pasensiya na kung nakadagdag ako sa di magandang espekulasyon sa iyo. You know I didn’t mean any harm, hijo.”
“Walang problema po, Ninong. Naiintindihan ko po.”
“Pwede kang bumalik sa kompanya…”
Umiling si Miller. “Mula pagkabata, hangin na ng East Star Holdings ang hinihinga ko. Siguro po kailangan ko rin sumubok ng iba. Kailangan ko rin itong gawin para sa ikatatahimik namin ni Nadine.”
“Thank you for loving my daughter,” mangiyak-ngiyak na sabi ng ama niya. “Kalimutan mo na ang kompanya pero huwag lang ang anak ko.”
Sa pagkakataong iyon, naramdaman din ni Nadine na mas pinahahalagahan siya ng ama kaysa sa kompanya nito. Niyakap din niya ito. “We will be fine, Pa. Even if we have to start from scratch, I know we can make it.”
“I know. Anak yata kita,” pagmamalaki ng ama.