Chapter 28

College Days…

“I’M SO pathetic,” wika ni Sunny sa isip niya nang makaupo siya sa hagdan ng fire exit ng campus nila. Nagpunta siya roon dahil gusto niya na mapag-isa. Nope, hindi pala niya gusto. Mas appropriate na sabihin na wala kasi siyang choice.

Kailangan ni Sunny na magtago dahil pagod na siya sa judgmental na tingin sa kanya ng mga tao. Pakiramdam rin niya, habang nasa campus grounds siya ay kulang na lang na may magsabi sa kanya na malandi siya. Pero matagal pa ang end of semester. Kaya gustuhin man niya na umalis ay hindi pa puwede. After all, second sem na siya ng pangatlong taon niya sa kolehiyo. Kaunting pagtiis na lang ay makakaalis na siya sa campus. Bukod pa sa naniniwala siya na darating rin ang panahon at mawawala ang issue sa kanya. Masyadong fresh pa nga lang ang sa ngayon kaya kailangan muna niyang humanap ng temporary na pagtataguan.

Nagkaroon ng malaking issue tungkol kay Sunny dahil sa Queen Bee best friend niyang si Christine. Last week kasi ay nalaman nito na may lihim pala na pagkagusto sa kanya ang MVP boyfriend nitong si Jeffrey. Nagalit ito sa kanya kahit wala naman siyang kasalanan. Ni hindi niya nga alam na may gusto sa kanya si Jeffrey. Nag-uusap man sila pero wala naman siyang nakikitang malisya sa mga sinasabi nito. Pero kahit ganoon, inakusahan siya ni Christine na malandi at mang-aagaw.

Sikat si Christine sa campus nila kaya ito ang pinaniwalaan ng mga tao. Ni wala man lang nga na nakinig sa kanya. Pero hindi naman niya masisisi ang mga ito. First year college pa lang ay magkaibigan na sila ni Christine. Magkaklase sila. At dahil hindi naman siya kagandahan at kasing yaman nito, madalas ay nasasabihan lang siya na “shadow” nito. Mas may power at influence sa kanya si Christine. Kaya nga siguro ganoon na lang na nasaktan ito nang malaman nito ang lihim ni Jeffrey. Hindi nito matanggap na magkakagusto pa sa iba ang boyfriend nito samantalang narito na naman ang lahat. Masakit rin dahil kaibigan siya nito at kung ipagkukumpara nga ay mas angat naman talaga ito sa kanya.

Tinanggap na lang ni Sunny ang mga pangyayari kahit biktima lang siya. Kung papatol rin naman siya ay wala rin siyang laban. Ayaw rin niyang labanan si Christine dahil somehow ay naiintindihan rin naman niya ito. Nilayuan na lang niya si Jeffrey. Naintindihan naman nito iyon. Nagsorry rin ito sa kanya dahil nadamay pa siya sa problema.

Walang magagawa si Sunny kundi maghintay na matapos ang issue. Dahil wala rin siyang malapit na kaibigan bukod kay Christine, no choice siya kundi mag-isa. Ang iba naman ay nilalayuan rin siya dahil sa issue. Kaya nagpunta na lang siya sa fire exit ngayong free time niya. Tahimik roon at walang tao. Walang magdya-judge sa kanya.

Kaya lang, mas nakaramdam ng lungkot si Sunny ngayong mag-isa na siya. Hanggang kailan tatagal ito? At kung magtatagal man, magkakaroon pa ba siya ng bagong kaibigan? Pakiramdam niya ay nasira na ang college life niya sa issue.

“Yes, you are so pathetic. Hindi ka rin kasi marunong lumaban,” Muli ay nasabi ni Sunny sa kanyang isip. Pero hindi siya sanay na lumaban. May pagkamahiyain siya. Kaya nga kahit ramdam niya na may potensyal siya na sumikat rin kagaya ni Christine ay hindi niya maggawa. Wala siyang confidence sa sarili. Pero alam naman niya na mas matalino siya kay Christine. Kung gagamitin lang niya ang utak niya para sumikat, hindi siya masasabihan na “shadow” ng kaibigan. Hindi rin siguro siya kaagad na huhusgahan ng mga tao na malandi dahil kung tutuusin, may laban naman siya kay Christine. Mas maganda at mas mayaman man ito, mas matalino at mas mabait naman siya. May pagka-spoiled brat kasi si Christine---isa sa mga madalas na naririnig niyang reklamo ni Jeffrey rito.

But then, mahina nga siya. And she prepared it that way. Kailangan niyang tanggapin ang sitwasyon niya. Kaya ang tanging magagawa na lang niya ay malungkot at umiyak.

Pathetic nga.

Hindi na pinigilan ni Sunny ang pagtulo ng luha niya. Kailangan niya ng release sa sakit na nararamdaman niya. Umubob siya habang patuloy pa rin na umiiyak.

“What are you doing here?”

Natigilan si Sunny sa pag-iyak. Nag-aalinlangan rin siya kung magtataas siya ng tingin. But she did. At natigilan ulit nang makita ang lalaki sa harap niya.

Ruan Roxas, the college heartthrob is standing in front of her.

“A-anong ginagawa mo rito?”

“Tinagalog mo lang ang tanong ko,” Umismid ang lalaki. And again, gusto ulit na matigilan ni Sunny. He just did a simple moving of the lips yet it felt like he had rocked a world.

Her world actually.

Sinalubong ni Sunny ang tingin ni Ruan. Unknowingly, she felt her heart racing. Pero siguro ay dahil hindi niya inaasahan na bibigyang tingin man lang ng lalaki. Kaya nakakagulat naman talaga na kakausapin pa siya nito ngayon.

Baka i-dya-judge ka rin niya, nasa isip ni Sunny. Alam kaya ng lalaking ito ang chismis? Kilala kaya siya nito? Pero teka, kilala naman niya kahit papaano si Ruan. Marami man ang nagka-crush rito ay kilalang mailap ito sa mga tao. Loner daw ito at bihirang magsalita. Which makes him more crushable as he is intriguing and mysterious.

Pero hindi naman crush ni Sunny ang lalaki. Mas gusto kasi niyang magfocus sa pag-aaral kaysa ang unahin ang mga crush. Kaya lang, parang bigla yatang nagbago ang pananaw niya ngayon.

O baka naman kasi nasa mahinang stage lang siya kaya nagiging marupok siya. Hindi niya mapigilang hindi pansinin ang perfect qualities in physique ni Ruan. Magulo man at may kahabaan ang itim na buhok nito ay parang mas lalo pa iyong nagpaguwapo rito. He looked ruggedly handsome, especially in his dark skin. Makapal ang kilay, may pagka-misteryoso ang brown na mata, matangos ang ilong at makapal ang labi nito. Matangkad ito at may pagka-lean rin ang katawan.

His physique looked so good and perfect. Pero mali siya na i-entertain ang nabibiglang damdamin. Mayroon pa kasing isang bagay na kilala si Ruan---magulo ang buhay. Ang alam niya ay twenty three years old na ito. Ilang taon ng late ito na maka-graduate sa mga ka-batch dapat nito. Sa pagkakaalam niya, nasa pang third year subjects pa lang rin ito ng college sa kurso nitong Business Administration. Sabi nila ay matalino naman daw ito, hindi lang nga nagseseryoso sa pag-aaral. Panay raw ang absent nito sa klase kaya hindi makatapos.

Pero bukod roon, masyado rin itong guwapo para sa kanya. Aminado siya na hindi naman siya kagandahan. Hindi siya nito magugustuhan. Ano pa ang silbi ng magka-crush rito? Masasaktan lang siya.

And most of all, Sunny doesn’t need another ache…

Sa halip na sumagot ay umub-ob na lang ulit si Sunny. Pinagpatuloy niya ang pag-iyak.

“`Wag kang umiyak,”

Hindi niya pinansin ang lalaki. Sino ba ito sa akala nito para utusan siya?

“Kapag umiyak ka pa, aalis ako rito.”

Sunny stopped her crying. But then, na-realize niya na eh ano naman kung umalis ito? Hindi niya ito kailangan. Kilala niya lang ito dahil sikat ito sa campus nila.

Maya-maya ay nakarinig nga si Sunny nang pagsara ng pinto. Parang mas nalungkot siya. Mag-isa na naman siya. And this time, it was her choice that she partly regrets.

PARA sa isang single na kagaya ni Sunny ay simpleng araw lang ang Valentines Day. Ang kakaiba lang ay marami siyang nakikitang sweet na couples at mga babae rin na may hawak na bulaklak.

Habang naglalakad tuloy papunta sa klase niya ngayong araw ay napaisip si Sunny. Sa mga nakaraang Valentines ay isa rin siya sa mga babae na may hawak na bulaklak. Kahit naman kasi hindi siya kasing ganda ni Christine ay may mangilan-ngilan na nagkakagusto pa rin sa kanya. Pero ngayon ay ni wala man lang na taong bumabati sa kanya o ngumingiti man. Kontrabida pa rin siya sa paningin ng mga tao.

Nakakalungkot pa rin na isipin ang nangyari. Pero okay na rin iyon. At least ngayong araw ay wala siyang lalaking masasaktan kapag ni-reject niya. Wala pa kasi talaga sa plano niya ang magka-boyfriend. At so far naman, wala rin siyang mutual feelings sa mga lalaking nagkakagusto sa kanya.

Tahimik ang Valentines ni Sunny hanggang sa may lalaking naglakas loob na magbigay sa kanya ng flowers. Una niyang nakita ang flowers na binigay nito---white roses. Napaka-unusual na iyon ang ibigay sa kanya ngayong Valentines Day. Sabi kasi nila, white roses means forgiveness. Pero nang makita niya ang taong nagbigay noon sa kanya ay na-gets niya kung bakit.

Halos mapasinghap si Sunny nang makita si Jeffrey sa harap niya.

“Happy Valentines Day. I’m sorry,” wika nito at iniabot sa kanya ang flowers.

Alinlangan na tinanggap iyon ni Sunny. “Hindi mo naman kailangang gawin ito,”

“I think I need to. Ang laki ng kasalanan ko sa `yo,” Huminga nang malalim ang lalaki pagkatapos ay kinuha ang kamay niya. “And if you don’t mind, I want to have a closure date with you,”

“Closure date?”

“Yes. Alam ko naman na hindi mo ako gusto. Wala akong pag-asa sa `yo. But I want closure for my feelings…” Pinisil-pisil pa ni Jeffrey ang kamay niya. “You’re a good girl, Sunny. And I believe that you are better than Christine. Mas mabait ka, mas matalino at mas naiintindihan mo ako. Kaya nga kita nagustuhan. At masakit sa akin na hindi mo kayang ibalik ang nararamdaman ko. Naiintindihan ko naman kung bakit. Kaya lang, mahirap iyon. Pakiramdam ko ay may kailangan pa ako para matapos ang nararamdaman ko. At feeling ko, matatapos lang iyon kapag nakapag-usap tayo nang masinisinan…”

Natulala si Sunny. She knew it will be a bad idea to be seen with Jeffrey. Ngayon nga ay kinakabahan na siya. Paano pa kaya ang isang date?

Pero nangyari kaagad ang pinakakatakutan ni Sunny. Hindi pa man siya nakakasagot kay Jeffrey ay may sumabat na sa usapan nila.

“Ang kapal talaga ng mukha mo!” wika nang sumabat at sinampal si Sunny. Nanlaki ang mata niya at namutla rin nang makilalang si Christine iyon.

“Christine, mali ka ng akala…” Sinubukan ni Sunny na magpaliwanag.

“Mali?” Pulang-pula ang mukha ni Christine. “It’s Valentines Day at binigyan ka niya ng bulaklak. At hawak-hawak mo iyon. Ano ang sa tingin mo na aakalain ko? Hindi ako bulag, Sunny!”

Tumingin si Sunny kay Jeffrey. Mukhang nagulat rin ito sa nakita. Namutla ito. “Jeffrey, say something…”

Umawang lang ang labi ni Jeffrey. He is speechless. Mukhang hindi siya kayang ipagtanggol nito.

Naunahan rin naman ni Christine si Jeffrey na kumilos. Hinawakan nito ang buhok niya at dala ng galit ay walang hiya-hiya na sinabunutan siya nito sa corridor.

Hiyang-hiya si Sunny sa mga nangyari, lalo na at ni hindi man lang siya maipagtanggol ni Jeffrey. Hindi niya ba alam kung dahil ba sa sobrang gulat nito o sadyang wala lang itong balls para ipagtanggol siya. At hindi rin niya maggawang ipagtanggol ang sarili kahit hindi naman siya i-guilty. She feels so weak.

Naiiyak na si Sunny nang may isang tao rin naman na naawa sa kanya. Naramdaman niyang may humihila ng kamay ni Christine mula sa buhok niya.

“`Wag mo siyang hawakan,” wika nang nagtanggol sa kanya.

“Ruan?”

Hindi sumagot ang lalaki. Tumingin ito sa kanya. Sinalubong niya ang tingin nito at nakumpirma nga niya na tama ang pangalan na binanggit ni Christine. It was Ruan Roxas---the man who saw her on the fire exit the other day. Ito ang nagtanggol sa kanya.

“Bakit mo pinagtatanggol ang babaeng `yan? Malandi `yan!” Nag-aapoy na rin ang mata ni Christine. Hindi rin yata nito matanggap na may taong naglakas ang loob na nagtanggol sa kanya.

Hindi ulit sumagot ang lalaki. Sa halip, hinawakan nito ang baywang niya. Inalis siya nito sa kaguluhan.

Wala ng naggawa si Sunny kundi ang sumunod sa lalaki. It was the sensible way. Parang nahawi naman ang crowd na nakikiusyoso sa gulo habang naglalakad sila palayo.

Dinala siya ni Ruan sa fire exit. Pagkatapos ay hinawakan nito ang balikat niya at tinitigan ang mukha niya.

“`Wag kang umiyak,” He said the same words he said the other day.

Hindi sumagot si Sunny. Sa halip ay napatitig lang siya kay Ruan. His expression is blank so she couldn’t read it. Pero bakit nga ba kailangan niya pang mabasa iyon? All she need right now is to be thankful for what he had done for her. At para ibalik ang favor ng ginawa nito sa kanya ay sinunod niya ito---pinigilan niya ang mga luha niya.

“Good girl,” wika nito at inilapit ang mukha sa mukha niya. At sa gulat niya ay isinunod rin nito na ilapit ang labi sa kanya.

Hinalikan ni Ruan si Sunny…ng ilang segundo.

Hindi pa nakaka-recover si Sunny sa gulat na ginawa ni Ruan nang ilayo na nito ang mukha. Kasunod noon ay ang paglayo rin ng katawan nito sa kanya. Kagaya kahapon, iniwan na naman siya nito.

Matagal na natulala lang si Sunny. Anong meron at hinalikan siya ng lalaki? They were complete strangers. Pero ano rin na meron at hindi siya pumalag?

Sa huli, hindi rin sinunod ni Sunny ang utos sa kanya ni Ruan. Napaiyak na naman siya sa fire exit. Hindi nga lang niya sigurado kung dahil sa pinaghalo-halong emosyon o dahil sa tuwa.

DAHIL mas lumaki pa ang issue kay Sunny ay napilitan na naman siyang mag-isa. Kinabukasan ay nagbaon na siya ng lunch para hindi na rin niya kailangan na makihalubilo sa mga tao sa cafeteria. Nagpunta siya sa fire exit at doon kumain.

Pero taliwas sa unang pagtatago ni Sunny ay may tao roon---si Ruan. Mag-isa lang rin naman ito at may hawak-hawak na gitara. Alinlangan tuloy siya kung itutuloy niya ang plano na pagkain ng lunch doon. Sa nangyari kasi kahapon ay hindi niya alam kung paano pakikiharapan pa ito.

Ganoon pa man, tinignan lang naman siya ni Ruan na parang hindi siya nito kilala. Bumalik na ito sa pagstrum ng gitara nito. At na-realize rin naman ni Sunny na hindi niya kailangang umayaw dahil lang sa naroroon ito. Umupo pa rin siya sa hagdan ng fire exit at kinain ang baon niyang lunch roon.

Nasa kalagitnaan na si Sunny ng pagkain nang tumigil sa pagstrum ng gitara nito si Ruan. Napatingin tuloy siya rito. Nahuli niyang nakatingin rin naman ito sa kanya---partikular sa kinakain niya.

Napalunok si Sunny. Nag-alinlangan siya kung aalukin niya ba ito. But he looks like he was waiting for it. Sa huli ay inalok niya rito ang isa sa dalawang baon niyang ulam na chopsuey. Bumaba ito sa kinauupuan niya at sa halip ay kinain ang isa pa niyang ulam na pork adobo.

“Masarap,” papuri naman nito. Nakadalawang slice ito ng baboy at hinigop pa ang sabaw. Ilang beses naman siyang napakurap dahil sa ginawa nito.

“You’re mad,” Napahalukipkip si Sunny.

Nagkibit-balikat lang ito.

“Kaya `yung chopseuy ang inalok ko sa `yo dahil hindi ko na `yun kakainin. But I’m still eating the pork adobo. Ayaw ko pa naman na nagse-share ng pagkain. It’s like sharing the same saliva. It’s unhygienic,”

Ngumisi si Ruan. “So you consider kissing as unhygienic?”

Napaawang ang labi ni Sunny. Pagkatapos ay namula siya. Naalala niya ang nangyari kahapon. It was just a few seconds but she did taste his mouth. And so was his saliva. At nakakainis dahil may isang bahagi niya nga pala ang nagsasabi na nagustuhan niya iyon.

Sunny was the one who is mad.

Mukhang wala naman na pakialam si Ruan. Bumalik na ulit ito sa pagigitara. Gutom pa siya pero dahil mas nanaig ang kaartehan niya sa katawan ay hindi na siya kumain. Na-realize niya kasi na pati pala kutsara niya ay ginamit rin ni Ruan.

After packing the food, Sunny looked at her notes. May kulang-kulang isang oras pa siya para mag-review sa susunod niyang klase. Pero hindi rin naman siya makapag-concentrate dahil sa pagigitara ni Ruan. At hindi naman iyon dahil sa maingay ito. It’s because he make good music. Mas masarap mag-concentrate sa pakikinig ng pagigitara nito.

“You’re good,” wika ni Sunny at tinignan ito.

“Thanks,” sagot naman ni Ruan at sandaling tumigil. Pero nagpatuloy rin ito pagkatapos.

Marami pa sana na gustong sabihin si Sunny sa lalaki. Marami rin siyang tanong dahil sa ginawa nito sa kanya kahapon. Pero nagiging mahina na naman siya para magtanong. Nahihiya siya. Pero naisip naman niya na para saan pa? Mukha namang wala lang iyon kay Ruan. Maybe it’s just a spur of a moment thing. Napaka-random ng lahat para magkaroon iyon ng meaning kay Ruan. Siya lang ang nagbibigay ng malisya dahil somehow ay big deal iyon sa kanya. He was her first kiss. It should be special. It is in a way because she somehow liked it. Pero never in her wildest dreams naman kasi na inisip niya na ganito ang mangyayari sa kanya.

Huminga nang malalim si Sunny. Pinakalma niya ang sarili. Kinuha na lang niya ang cell phone at binisita ang mga social media accounts niya habang tumutugtog si Ruan. Natigil lang siya sa pagba-browse nang tumigil rin si Ruan sa pagstrum. Napatingin siya rito at nakita na inaayos nito ang gitara. Mukhang paalis na ito. Pero bago pa man, dumaan muna ito sa kanya.

“I’ll see you there,” wika nito at may ibinigay sa kanya na ticket. It was an acoustic night VIP ticket in a famous music hall. Nakita niya ang pangalan nito sa ticket. He will be performing there.

Again, gusto na naman na magtanong ni Sunny. Bakit sya nito binigyan ng ticket? Pinuri lang naman niya ito. Sigurado naman siya na kung may ibang makakarinig ng pagtugtog nito ay pupurihin rin ito. Isa pa, hindi naman sila close.

Pero hindi rin naman binigyan ni Ruan si Sunny nang pagkakataon para makasagot. Tuluyan na itong umalis. Si Sunny na lang tuloy ang napatanong sa sarili. Dapat ay kinaiinisan niya si Ruan dahil may pagka-rude at parang sinasamantala siya nito. Pero bakit may malaking bahagi niya ang gusto na pumunta at mapanood ang performance nito?

NASUNOD ang malaking bahagi ni Sunny---nanood nga siya ng performance ni Ruan. Kinukumbinsi na lang niya ang sarili na kailangan rin niya na mag-unwind. It’s been a hell of a week because of the issue. Nagkaroon rin sila ng major exam at napakahirap noon. Kailangan niya na mag-relax kahit papaano. Naintindihan naman iyon ng parents niya kaya kahit pinayagan siya ng mga ito na umuwi ng gabi. Buong akala rin kasi ng mga ito ay kasama niya si Christine. Hindi niya pa nasasabi ang lahat sa mga ito, idinahilan lang niya ang pahirap niyang major exam.

Dahil VIP ticket ang ibinigay sa kanya ni Ruan ay malapit siya sa stage. Napag-alaman niya na puro mga aspiring artist ang performer sa acoustic night. Pangatlong nagperform si Ruan. May kasama itong isang lalaki na nagpakilalang vocalist. Si Ruan ang nagigitara. Naka-dalawang revived na kanta ang mga ito hanggang sa pangatlo ay tumigil sandali ang dalawa.

“The next song is an original song and was composed by our guitarist, Ruan Roxas…” wika ng vocalist at tumingin kay Ruan. Lahat naman ng tao ay napatingin rin dito. Nagtaas lang ito ng kamay at nagsimula ng mag-strum ng gitara.

As expected, magaling si Ruan. Narealize rin niya na ang tinutugtog nito ay ang narinig niya nang nasa fire exit sila. Nang malapit na rin ang chorus ng kanta ay naging malikot ang mata nito, parang may hinahanap sa crowd. Natigil lang ito nang magsalubong ang mata nila. Habang nag-i-strum ng gitara ay nakatitig ito sa kanya.

Hindi maintindihan ni Sunny ang mararamdaman. She felt awkward but feeling touched at the same time. Bakit siya tinitigan ni Ruan? Pero parang mas bakit may pakiramdam siya na para sa kanya ang ginawa nito na kanta?

Hello Little Sun, I want to see your shine

Hello Little Sun, I want to see your smile

Oh, my little one don’t you dare to cry

Because as odd as it is, it breaks me every time

Hindi alam ni Sunny kung alam ni Ruan ang totoong pangalan niya. But whatever it is, the song feels like for a girl who cries. At hindi ba at palagi siyang nakikita ni Ruan na umiiyak? Palagi rin nitong sinasabi sa kanya na huwag siyang umiyak. Nasasaktan ba ito kaya ganoon?

Pero bakit? Hindi naman sila magkakilala. Masyado yata siyang nagiging assumera.

Inalis ni Sunny ang nasa isip. Nag-focus na lang siya sa kanta. In-enjoy niya iyon pati na rin ang tingin na binibigay sa kanya ni Ruan. And it made her feel happy and relax.

Naguguluhan si Sunny sa mga pangyayari sa buhay niya. Alam niya na malaki rin na factor doon ang bigla-bigla na lang na pagdating ni Ruan. Binibigla siya sa mga ginagawa nito. But then, she can’t help but think about his presence. Inisip niya na siguro ay desperada na siya na magkaroon ng kahit papaano ay tatakbuhan kaya may nagsasabi sa kanya na gusto niya na ilapit ang sarili rito. Kailangan niya nang kahit papaano ay makakausap at makakasama. And surprisingly, he was there.

So maybe, they could be friends.

Pero teka, bakit parang may part rin naman niya ang nasasaktan sa huling thought?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.