Chapter 29

Present Time, Thailand

NAKAHALUMBABA si Sunny habang naghihintay ng bus sa Bangkok Bus Terminal. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. One year ago nang may mapanood siyang vlog tungkol sa Bangkok. Nangarap siya na makarating roon kaya naman iyon ang napili niyang Honeymoon destination. She wanted to explore the city. Unfortunately, her companion now doesn’t. Boring raw ang Bangkok. Isang araw lang sila roon at ngayon ay sasakay na sila ng bus papunta sa lugar na gustong puntahan ni Ruan sa Thailand---ang Chiang Mai.

Nagresearch naman si Sunny tungkol sa Thailand. But most of her research is about Bangkok. She was fascinated by the city and what it has to offer. Pero wala siyang na-research tungkol sa Chiang Mai. In fact, first time niya nga lang narinig ang tungkol sa lugar na iyon.

Ayaw pang umalis ni Sunny ng Bangkok. Pero parang wala rin naman siyang choice. Ruan gave her two options: maiiwan siya sa Bangkok na walang kapera-pera at mag-isa o sasama siya rito papunta ng Chiang Mai.

With a small amount of time, Sunny choose the latter. Hindi niya pa rin kayang i-inform ang family niya sa disaster na nangyari sa kanya sa eroplano. Ayaw niyang mag-alala lalo ang mga ito. Pinag-alala na niya ang mga ito nang magdesisyon siyang magpunta ng mag-isa sa honeymoon niya. Bukod roon ay ayaw rin niyang humingi ng favor sa mga ito. They already had done a big favor for her when they still support her despite of the disaster of her wedding. Wala rin naman siyang malapit na kaibigan na puwede niyang hingian ng tulong.

Kaya lang, parang mas nagiging mali lang ang lahat sa pagsunod niya kay Ruan. Hindi nasusunod ang plano niya. At higit sa lahat, may gagawin na naman siyang kakaiba sa buhay---ang magpalipas ng isang gabi sa bus.

Mahigit sampung oras daw ang biyahe mula Bangkok papunta ng Chiang Mai. Para maka-save ng araw at para na rin daw maka-save ng accommodation ay nag-night bus sila. Hindi siya fan ng pagbabiyahe sa bus, lalo na kapag malayo. Nabo-bored siya. Hindi rin siya nakakatulog sa biyahe. At ang masaklap pa, ordinary bus lang ang sasakyan nila! Walang aircon. At nang dumating pa ang bus at makasakay sila roon ay nakita niyang madumi pa iyon. Kinikilabutan tuloy siya.

“What are you thinking?” untag sa kanya ni Ruan nang makaupo sila sa bus. Magkatabi sila sa upuan.

“Na ang cheap-cheap mo,”

Nagkibit-balikat si Ruan. “We should do what the locals do,”

“At least, the upper class locals do,”

“Nakabili na tayo ng ticket. Besides, tutulog lang naman. Mahangin naman sa labas. What’s the big deal?”

“Kung sa `yo wala, sa akin meron,” Gustong-gusto na niyang ikutan ito ng mata. Pero bago niya pa naggawa iyon ay may ibinigay na sa kanya si Ruan. Isinuot nito sa ulo niya ang isang eye mask.

“Just put that on. Makakatulog ka rin,”

“I don’t think so,”

“You can always try,”

Alas onse na ng gabi. Pagod na rin si Sunny. Paano, ilang beses rin naman siyang pinaglakad ni Ruan para makapunta sa ilang tourist spot sa Bangkok. Mas maganda raw iyon para tipid. But then, mainit sa Bangkok. It exhausted her. She feels so drained. Gustong-gusto na rin niyang matulog.

So Sunny tried.

Inilagay na ni Sunny ang eye mask sa mata. Ipinikit rin niya iyon. And in just a minute, pakiramdam niya ay hinehele siya. Parang nawawalan na rin siya ng pakialam sa paligid niya. Kaya naman kahit naramdaman niya na may gumalaw ng ulo niya papunta sa balikat ni Ruan ay hindi na niya pinansin. Instead, she cherished the feeling. And in just a few moments, Sunny felt she is in dream world.

Or a nightmare…

IT IS the most beautiful day for Sunny. Pakiramdam rin niya ay ang ganda-ganda niya. But it has to be. Today is her wedding day.

“Sigurado akong ma-i-in love lalo si Arvin sa `yo, Anak…” wika sa kanya ng Mommy niya nang makita siya nito sa kanyang wedding dress. Tinanggap ni Sunny ang papuri. After all, she agrees. Bagay na bagay sa kanya ang off-shoulder cream dream gown niya. Besides, she wants to feel positive. Gusto niyang ma-attract na magiging positibo ang lahat ngayong araw. It should be the perfect day. Isang taon rin nilang plinano ni Arvin ang kasal nila.

Pero higit sa lahat kilala niya si Arvin. He loves her so much. He praised her everyday. He is perfect.

And everything will be perfect.

So far, ganoon pa naman ang nangyayari. Her dress, hair and make up were all perfect. Her family is happy. On time rin na natapos siya sa pag-aayos. The drive to the church was smooth, too. Pero kabaligtaran naman noon ang reaksyon ng mga tao makarating sila sa simbahan.

Halos lahat ng mga tao ay nasa labas ng simbahan kaya nakikita ni Sunny. They all looked tense. Nakita pa nga niya ang ilan na umiiyak. Kinabahan si Sunny, lalo na at kilala niya ang mga ito. Karamihan sa mga ito ay kamag-anak niya. Lumapit rin sa bridal car ang isa sa mga Tita ni Arvin. Namumula ang mga mata nito nang may iabot sa kanya na sobre.

Nanginig si Sunny habang binubuksan ang sobre. Obviously, it’s a letter.

And it was from the most unexpected person: si Arvin.

At unexpected rin ang nabasa niyang mensahe mula rito.

“I can’t marry you, Sunny. I’m sorry…”

Mga sampung minuto yata na tulala si Sunny bago pa man tumulo ang balde-baldeng luha niya.

NAALIMPUNGATAN si Ruan nang makarinig ng mga hikbi. Bahagyang nanginig rin siya nang ma-realize na mula iyon sa babaeng nakasandal sa braso niya. Napapikit muna siya nang mariin bago tuluyang iminulat ang mga mata.

Tulog pa rin si Sunny pero umiiyak ito. Siguro ay nanaginip ito nang masama. He decided to wake her up. Niyugyog niya ito.

Naggising si Sunny. Pero nanatili pa rin itong umiiyak. May pag-aalala ang mukha na tinignan niya ito. “Anong nangyari?”

“Iniwan niya ako…”

“Sa panaginip?”

Humikbi si Sunny. “Sana nga ay panaginip lang ang lahat…”

Napatiim-bagang si Ruan. He could feel her pain because he knew everything.

Damn you, Arvin! Ruan cursed his friend on his mind. Sa pagkakaibigan nila, siya ang sinasabi ng mga tao na masama. Hindi daw siya nagseseryoso sa buhay. At kahit malapit na sa thirties ay hindi pa rin siya masasabing responsible. Sa halip kasi na pamahalaan ang negosyo ng pamilya, pinili niya ang isang unstable na buhay.

Pero at least, lahat naman ng ginawa niya ay may magandang dahilan. He wanted to pursue his passion. He wanted to stand on his own. Samantalang ang ginawa ni Arvin ay walang kapatawaran. At ang masaklap pa, wala siyang maggawa roon dahil wala rin siyang kaalam-alam kung ano ba ang pumasok sa isip nito.

Nagpatuloy si Sunny sa pag-iyak. Hindi naman niya ito masisisi. Pero ayaw niyang umiyak ito.

It breaks him everytime.

“`Wag kang umiyak,”

“Stop your famous line. I have to cry,”

“Still, stop being silly---“

Tumingin sa kanya si Sunny. Naningkit ang mga mata nito. “Tumigil ka! Hayaan mo akong umiyak! Wala kang karapatan na pigilan ako. After all, isa ka rin naman sa mga may kasalanan kung bakit nagkakaganito ako!”

Ruan was stunned. Namutla siya. Pero aminado siya sa naggawa. Tanggap niya iyon. Kung hindi niya sana ipinakilala si Sunny kay Arvin.

But if only she knew that he regretted that. Big time. At hindi lang ngayon.

Matagal ng panahon…

College Days

“SINO `yung babae na tinitignan mo kanina habang nagigitara?” tanong ni Arvin kay Ruan. Kababata niya ito at tinuturing na best friend kahit na ba ilang taon na rin silang hindi nagkikita. Simula nang mag-college si Arvin ay nakabase na ito sa Alaska. Doon na rin ito nakapagtrabaho. Nagbakasyon lang ito sa Pilipinas ngayong buwan.

Para maging worthwhile ang bakasyon ay nagdesisyon silang sumali sa isang acoustic night competition. Pareho silang musician ni Arvin. Magaling itong kumanta at magaling naman siyang mag-gitara. Luckily, they were chosen to perform. At ngayon nga ay kakatapos lang nilang i-perform ang original song nila. It was composed by him.

Mukhang marami ang nagkagusto sa kanta nila. The crowd were all clapping. Ruan was overwhelmed, lalo na at naroroon ang taong inspirasyon niya sa na-compose na kanta.

“Sunny,” maikling sagot ni Ruan sa tanong ng kaibigan.

“Someone special?”

Umiling si Ruan.

“Then?”

“Collegemate,”

“Only?”

Tumango si Ruan. Hindi naman niya puwedeng ikonsidera talaga na special someone niya si Sunny. They barely know each other.

“Okay,” Tumingin si Arvin sa puwesto ni Sunny. “Maganda siya. Puwede mo ba akong ipakilala sa kanya?”

Parang tinakasan ng kulay ang mukha ni Ruan. “Bakit?”

Nagkibit-balikat ito. “Gusto ko lang.”

Tinitigan ni Ruan ang best friend.

“What?” Natawa si Arvin. “Natatakot ka ba na aagawin ko siya sa `yo?”

“Hindi. Hindi rin naman siya sa akin.”

“`Yun naman pala, eh. Pero wala ka naman na dapat ipag-alala. Paalis na ako sa isang linggo. Kung may balak man ako sa kanya, wala na akong oras para doon. Nasa Alaska ang buhay ko,”

May point si Arvin. Pinagbigyan niya ito. Umupo sila sa table ni Sunny pagkatapos na mag-perform.

“Hi, Congratulations,” bati naman ni Sunny nang makita sila. Nagpasalamat siya rito at ganoon rin naman si Arvin. Ipinakilala niya ang dalawa sa isa’t isa.

Kinuha ni Arvin ang kamay ni Sunny. Pareho silang nagulat nang halikan iyon ni Arvin. “It was nice to meet you, Little Sun,”

Namula si Sunny. “I-I’m not little sun,”

“Yes, but I want to see your smile,” Kinindatan ni Arvin si Sunny.

Namula lalo si Sunny. Pero sa huli ay pinagbigyan rin nito si Arvin. Ngumiti ito.

Hindi nagtagal, nauwi na ang ngiti sa tawanan. Natural na tahimik si Ruan kaya hindi siya masyadong nagsasalita. Si Sunny at Arvin ang nag-bonding. And it looks like they are enjoying.

And they look good.

Kabaligtaran ng good ang naramdaman ni Ruan. Naiinis tuloy siya. Inamin niya kay Arvin na hindi niya someone special si Sunny. Ayaw rin niyang isipin na may special feelings siya rito. Kakakilala pa lang nila. It was weird to feel something special for her.

Pero bakit nga ba naiinis siya? Nagseselos ba siya?

INAASAHAN ni Ruan na makikita si Sunny sa fire exit ngayong araw. Hindi naman siya nito binigo. Lunch time came and the door opened. Kiming nginitian siya nito pagkatapos ay umupo sa dati nitong puwesto.

Bumaba si Ruan sa inuupuan ni Sunny. Iniabot niya rito ang isang paper bag ng fast food meal na binili niya kanina.

“I bought you lunch,”

Itinaas nito ang maliit na paper bag na dala nito. “May dala rin ako,”

“So? You can eat both,”

“Hmmm…”

“Come on,” Inilabas na ni Ruan ang mga pagkain sa paper bag at binuksan iyon. Kumuha na rin naman si Sunny. Kinain rin nito iyon.

“Teka, bakit may kagat ito?” tanong ni Sunny nang makailang kagat na sa fried chicken.

Napakamot si Ruan. “Oh, nakuha mo `yung nakagatan ko na pala,”

Pinaningkitan siya ni Sunny. “Ibinigay mo sa akin tapos nakain mo na pala? You’re gross,”

“Madaming chicken diyan,” Tumingin siya sa anim na piraso ng chicken na nas bucket. “Alangan naman na hindi man lang ako kumain ng isa? You’re just lucky to pick that chicken,”

“Still, you are gross,” Ibinaba na nito ang chicken.

Hinawakan ni Ruan ang baba ni Sunny. Sinalubong niya ang mga mata nito. “Gross ba talaga ang laway ko?”

Naramdaman ni Ruan ang panginginig ni Sunny. “D-do you want to talk about the kiss? Dahil sa totoo lang, dapat ay sinampal na nga kita,”

Tinanggal na ni Ruan ang kamay. “Yes. And you still didn’t,”

Sandaling tinitigan siya ni Sunny. Pagkatapos ay inirapan siya at naglihis ng tingin.

Ruan can’t help but grin. “Nagustuhan mo `no?”

“May tao bang gusto na nananakawan?”

Doon naman na-guilty si Ruan. Alam niyang mali ang naggawa niya. He is sorry. But not really sorry. May isang bahagi kasi niya ang nagsasabi na tama ang ginawa niya.

Pero sa huli, ginawa ni Ruan ang matagal na dapat niyang ginawa at siyang nararapat. “I’m sorry…”

“Bakit mo ba kasi ginawa `yun?”

“I-I don’t know, too. I just felt like kissing you. You were so helpless,” pag-amin ni Ruan.

Hindi nagsalita si Sunny. Nagpatuloy si Ruan. “But to be honest, I like it.”

Matagal na hindi na naman nagsalita si Sunny. Lumakas naman ang kabog ng dibdib niya dahil sa kaba. Hindi siya sanay na ma-reject. Girls come after him. Kaya nga siya madalas na pumupunta sa fire exit dahil alam niyang bihira lang ang pumupunta roon. Ayaw niyang makita siya ng mga tao. Ayaw niyang guluhin siya.

Pero si Sunny, kahit mukhang tahimik at wala namang gusto sa kanya ang siya pala na gugulo ng buhay niya.

And most especially, the words he utter after.

“Uhmm… can we just forget it?”

It will be hard to forget something as beautiful… nasa isip ni Ruan. Bahagyang sumama ang loob niya. But then, maybe if she keeps on remembering it, she will always look awkward. At ano ang puwedeng mangyari? Layuan siya nito. Iwan. Ayaw naman niyang mangyari iyon.

Nag-isip sandali si Ruan. “Fine. But only if you will agree with my condition.”

“Ano naman `yun?”

Inilahad ni Ruan ang kanang kamay. “Can we be friends?”

Matagal na tinitigan ni Sunny ang kamay niya. Pero sa huli ay hinawakan rin naman at nakipagkamay sa kanya.

Sunny’s hands were warm. It made his heart slightly race. Napaka-weird ng lahat. Pero mas na-weirdan siya sa tanong niya. He wanted more from Sunny. He wanted to explore more the weird feelings he is instantly having for her.

Pero sa ngayon ay kailangang matuto muna siyang makontento. Maybe this can be their best option. Friends.

For now.

MULA sa airport ay dumiretso si Ruan sa bahay nina Sunny. Kung tutuusin ay wala pa rin siyang tulog. Pakiramdam kasi niya ay kulang ang dalawang linggo na backpacking experience niya sa Tacloban. Madami siyang napuntahan kaya naman madalas ay kulang siya sa tulog. Pagod siya. But he wouldn’t miss this day for the world. Birthday ngayon ni Sunny at may munting handaan daw sa bahay ng mga ito. He was invited.

And excited.

Isang buwan na silang bakasyon ni Sunny sa college. Dahil rin sa pagpunta niya sa Tacloban ay matagal na rin simula nang huli niya itong nakita. Na-miss niya ang babae.

Dahil minsan na naihatid ni Ruan si Sunny ay alam na niya ang bahay ng mga ito. Inabangan siya nito sa gate.

Nang makita ni Sunny ang backpack niya ay napailing ito. “At talagang dumiretso ka rito,”

“Na-miss kita, eh.” Wika niya at kinurot ang pisngi nito.

Inungusan lang siya nito at niyaya na pumasok sa loob. Ipinakilala siya nito sa parents nito.

“Manliligaw mo?” usisa naman ng Mommy nito.

“Hindi po,” Namumulang sagot ni Sunny. “Kaibigan lang,”

“Hmmm… Ok. Pero speaking of kaibigan, nasaan si Christine? Pupunta ba siya dito?”

Umiling si Sunny. Niyaya na siya nitong kumain, mukhang parang iwasan ang tanong.

“Mukhang hindi mo pa pinapaalam sa pamilya mo, ah.”

“Ang alin?” Nagmaang-maangan pa si Sunny.

Napailing-iling siya. Mukhang ayaw na nga talaga nitong pag-usapan ang paninira rito ng dating kaibigan. Well, kung gusto nitong ilihis ang usapan, gusto niya rin.

“Na manliligaw mo ako?” Kinindatan niya ito.

Natulala si Sunny. Pagkatapos ay umubo ito at inikutan siya ng mata. “Hindi ka nakakatuwang mag-joke,”

“Well, mas hindi nakakatuwa na magsikreto sa pamilya mo,”

Huminga nang malalim si Sunny. “Ayaw ko lang na mag-alala sila. Bakasyon na pero feeling ko, hindi pa rin natatapos ang issue. It’s hell,”

Tumango si Ruan. “Naiintindihan ko. `Wag na nga natin pag-usapan. Ang mahalaga naman ay nandito ako. I’ll be with you,”

“As a friend…” wika nito at sinalubong ang mga mata niya. Napakurap siya nang maramdaman na parang may lungkot roon. Teka, hindi ba nito gusto na hanggang magkaibigan lang sila?

Are the feelings mutual?

Bumangon ang excitement sa puso ni Ruan. Gusto niya na magkaibigan sila ni Sunny. Pero mas may gusto pa siya roon.

Marami nga lang na problema. Kung tutuusin, napakabilis pa ng lahat sa kanilang dalawa. Nagustuhan niya na halikan ito, hindi niya kayang makita na umiiyak at na-discover niya na sa pagiging kaibigan nito ay gusto rin naman niya itong kasama. All are weird because besides the fact that it was all instant, he doesn’t enjoy a girl’s company.

Ngayon lang.

Pero hindi lang naman ang nakakalito na damdamin ang problema ni Ruan. May problema rin siya kay Sunny. May tatlong taon rin ang pagitan nila. Kung titignan ay bata pa ito. Ayon rin sa research niya, nire-reject nito ang mga nanliligaw nito dahil hindi pa ito ready. Mas gusto raw nitong magfocus muna sa pag-aaral. Consistent honor student ito.

Isa pang problema ay si Ruan mismo. Mahigit tatlong taon ang agwat ng edad nila dahil sa magulo niyang buhay. Lagi siyang bumabagsak sa klase dahil panay absent siya. Mas gusto niyang mag-focus sa passion niya sa pagigitara at pati na rin sa pag-compose ng mga kanta. At last year lang ay nagkaroon pa siya ng newly found interest: travelling.

Lahat ng interes ni Ruan ay malayong-malayo sa kurso niyang Business Administration. Pero hindi naman kasi niya choice ang kurso---it was his parents. Gusto ng mga itong pamahalaan ang may kalakihan rin nilang business balang araw. But he wanted to do what he wants. Rebelde siya na maituturing, lalo na at wala pa naman siyang napapatunayan sa mga “passion” niya sa buhay.

Unfit pa si Ruan para kay Sunny. He is a mess. At hindi niya sigurado kung kailan ba siya magiging stable. He is kind of at lost in life.

But that’s okay. Bata pa naman sila. Isa pa, hindi dapat siya magpadala sa bigla-biglang damdamin dito. Kung talagang gusto niya ito, hindi mawawala kaagad ang nararamdaman niya rito.

And maybe it’s not yet time. Maybe it’s just good to be friends. After all, there are a lot of cases that friends turned to lovers, too.

Someday.

“WALA kang kuwenta,” Nanginginig ang boses ng ama ni Ruan pagkatapos siyang sampalin. Nanginginig rin naman siya. Gusto niyang gumanti. Pero ano ba ang karapatan niya? Anak lang siya. Bukod pa sa alam rin naman niya na may pagkakamali siya.

Anniversary kagabi ng kompanya ng pamilya nila. Pero as usual, hindi siya um-attend. Pinili rin niya na magpunta sa isang music festival. Inusap kasi siya ng isa sa mga kakilala niya na pumalit sa gitarista ng mga ito na nag-back out. He had a performance with a band yesterday.

Late ng nakauwi si Ruan kaya kinaumagahan na lang niya ulit nakita ang pamilya. Maganda pa naman sana ang umaga niya dahil nanalo sila. Pero nang ikuwento niya iyon sa ama, sa halip na papuri ay pananakit pa ang natanggap niya.

Hindi lumaban si Ruan. Ikinuyom lang niya ang kamao. Dinuro siya ng ama. Pulang-pula ito sa galit.

“Isang taon na lang ang ibibigay ko sa `yo, Ruan. Kapag hindi mo pa tinapos ang pag-aaral mo ngayong taon, puwede ka ng umalis ng pamilya na ito.”

“Kung hinayaan niyo kasi ako na kuhanin ang gusto kong kurso, sana ay matagal na akong tapos,”

“Saan ka ba dadalhin ng musika na `yan? Nananalo ka nga pero magkano lang naman! Hindi mo ikayayaman `yan,”

“Hindi ko kailangang yumaman. Mas kailangan ko na maging masaya,” wika ni Ruan at tinalikuran ang ama. Lumabas siya ng bahay.

Hanggang kailan ba siya magtitiis sa pangmamaliit ng pamilya niya sa mga bagay na gusto niya? Highschool pa lang siya ay pangarap niya na mag-aral ng musika. Gusto niyang maging gitarista o kaya ay maging composer ng kanta. Kahit papaano ay may mga napatunayan na naman siya. Nananalo siya sa mga music fest. May ilan na rin siyang na-compose na kanta na nabenta. Pero dahil hindi ganoon na sumikat iyon kaya maliit lang ang kita.

Gustong ilabas ni Ruan ang sama ng loob niya. Tinawagan niya si Sunny.

“Anong ginagawa mo?” Bungad na tanong niya kay Sunny.

“Hindi ka ba na-inform?”

“Ha? Anong na-inform?”

“Ah, nandito si Arvin sa bahay,”

“Si Arvin?” Nagulat si Ruan. “Paano? Wala akong alam na umuwi siya ng Pilipinas,”

Ilang buwan nang nakabalik sa Alaska si Arvin. Bihira na silang mag-usap pagkatapos noon. Busy kasi si Arvin. May trabaho na ito sa Alaska.

“Yeah. Nagulat rin ako, lalo na at alam niya ang address ko. But I got to know that he researched about me…”

“Research? Pero bakit?”

Matagal bago sumagot si Sunny. “Ahmm… Inamin niya sa akin na umuwi siya ng Pilipinas dahil sa akin. Hindi daw niya ako makalimutan. He said, he likes me…”

Nanghina si Ruan. Kung hindi niya gusto ang inasal ng ama kanina, mas hindi niya nagustuhan ang ngayon. Ramdam naman niya na may gusto si Arvin kay Sunny. Kapag nagkakausap sila, si Sunny ang palagi nitong tinatanong. Pero naniwala siya sa sinabi nito noon na wala lang naman para dito si Sunny. Malayo si Sunny rito. It will not work out.

Pero mukhang hindi nakatiis ang loko.

Nalungkot si Ruan. Natakot rin siya. Walang-wala siya kung ipagkukumpara kay Arvin. He is an honourable man. Magaling itong accountant. Alam rin niya na noon pa man ay nagkakaroon na ito ng offers sa malalaking accounting firm sa Pilipinas. Tinatanggihan lang palagi ni Arvin dahil nasa Alaska nga ang buhay nito.

But Ruan is pretty sure that Arvin will also be a success here. Mas bagay rito si Sunny. He is a stable man, hindi kagaya niya na hindi alam ang patutunguhan sa buhay. Bukod roon ay nakita naman niya dati na napapatawa nito si Sunny.

Walang ipagmamalaki si Ruan. He is a mess. Siguro nga ay hanggang kaibigan na lang siya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.