Present Time
DAHIL sa pagod at kakulangan sa tulog ay buong maghapon na nakatulog si Sunny sa hostel na tinuluyan nila sa Chiang Mai. Alas singko na siya ng hapon naggising. Gutom na siya pero inuna muna niya ang maligo. Feeling kasi niya ay ang lagkit-lagkit niya. Mahigit sampung oras kasi ang biyahe nila mula Bangkok hanggang Chiang Mai. Ilang oras rin siyang gising sa bus dahil hindi na siya makatulog pagkatapos ng masama niyang panaginip. Nang makapag-early check in sa hostel ay natulog kaagad siya.
Nang makapaligo at makapag-ayos ay lumabas ng kuwarto si Sunny. Bumaba siya sa restaurant ng hostel. Nakita niya roon si Ruan at nagla-laptop. Nang mapansin siya nito ay binati siya nito.
Umupo si Sunny sa table ni Ruan. Inabot nito sa kanya ang menu na nasa lamesa. “Um-order ka na at kumain,”
“At ikaw?”
“I’m done,” wika nito at tumingin na ulit sa laptop nito. He looks like he is working something from there.
Hindi na niya ito pinansin at sinunod ang utos nito. She ordered papaya corned salad and Thai Green Tea. Marami naman ang serving pero parang kulang pa sa kanya ang kinain. Gusto pa sana niyang um-order ng pagkain nang mapatingin siya sa kabilang lamesa. May mga foreigner na umiinom ng alak roon.
“Gusto ko rin ng beer,” Biglang nasabi ni Sunny.
Tumigil sa ginagawa si Ruan. Nakakunot ang noo na tinitigan siya nito. “You can’t. Hindi ka naman umiinom ng alak,”
Totoo iyon. Pero ano ba ang alam ni Ruan sa mga nangyari sa kanya sa nakalipas na taon? Nang magsimula siyang ligawan ni Arvin ay bigla na lang itong lumayo sa kanya. Ni hindi na nga niya ito nakita ulit sa university nila. Hindi na nito natapos ang college. Ang alam niya ay nagsimula itong i-pursue ang bago nitong tuklas na passion---travelling. Sa pamamagitan rin noon ay nagkaroon ito ng career. He writes about his travel escapades. Bukod rin doon ay nagsusulat pa rin ito ng kanta.
Lahat ng nalalaman ni Sunny tungkol kay Ruan ay dahil kay Arvin. Pero limitado rin ang alam niya dahil limitado rin ang alam ng ex-groom niya. Kahit sinasabi ng dalawa na mag-best friend pa rin ay limited lang ang communication ni Arvin kay Ruan sa nakalipas na taon. Madalas kasi ay walang signal sa pinupuntahan ni Ruan. Kakaiba kasi itong travel blogger. He travelled to unusual and unpopular places. Madalas ay liblib iyon. Busy na rin naman si Arvin sa buhay kaya halos mawalan na ng contact sa lalaki. Kaya alam niyang kung magsisinungaling man siya ay hindi nito malalaman. Kung ang best friend nga nito ay bihira nitong makausap, bakit ba ito magiging interesado sa pagtatanong sa kanya? And besides, this is just a petty detail to be interested to ask.
“Nagbago na ako. I drink now,” wika ni Sunny. Tinawag niya ang waitress at um-order ng beer. Nakita niya ang pagtiim ng bagang ni Ruan at pagdilim ng mukha nito. Pero hindi niya pa rin ito pinansin. Nang dumating ang beer ay ininom rin niya kaagad iyon. Nakalahati niya ang bote bago tumigil.
Nahilo si Sunny. May bahagi niya ang biglang pinagsisihan ang ginawa. Hindi naman pala masarap ang alak. Sumama rin ang pakiramdam niya. Pero may bahagi rin niya ang nakaramdam ng kakaibang energy. She felt herself loose.
At nagustuhan niya iyon.
Inininom ulit ni Sunny ang natitirang beer sa bote. Parang biglang umikot ang mundo niya---mas matindi kaysa sa pagkahilo. Napahawak siya sa ulo niya. Sa pagbigat noon ay parang sa pag-gaan naman ng bigat sa puso niya.
She loved it.
Kayang tiisin ni Sunny ang sakit sa kanyang ulo. Pero ang sakit sa dibdib? Pagod na pagod na siya roon. Gusto niyang mawalan ng kontrol sa sarili at mukhang beer lang pala ang sagot roon.
“One more beer please!” order ni Sunny habang natatawa at naiiyak para sa sarili.
“MAMAMATAY na yata ako,” lukot ang mukha na wika ni Sunny habang hawak-hawak ang ulo. Nakaka-tatlong bote pa lang ito ng beer pero lasing na lasing na ito.
Kinuha ni Ruan ang bote ng beer na hawak nito. “Kaya tigilan mo na ito. Hindi sagot ang alak sa nararamdaman mo,”
“Ang bitter pala ng alak `no? Parang puso ko,” Natatawa si Sunny. “Pero gusto ko pa. Damay-damay na!”
“No,” Pinairal na ni Ruan ang galit. Tuluyan na niyang kinuha ang alak at pinatayo si Sunny. Sumunod naman ito pero kaagad rin na nabuway. Mabuti na lang at mabilis siya at nahawakan kaagad niya ito.
Napailing-iling si Ruan habang inaalalayan si Sunny na makatayo. Mukhang hirap na hirap na talaga ito. Half-open na lang rin ang mga mata nito dahil sa hilo. Napagdesisyunan niya na pangkuin na lang ito para hindi na mahirapan.
Pumikit sandali si Sunny. Pero habang inaakyat na niya ito sa hagdan papunta ng kuwarto ay nagmulat ito. Napapitlag rin siya nang hawakan nito ang pisngi niya.
“You’re a prince charming,”
“And you’re just drunk,”
“Hmmm… Maybe. Or maybe I just feel intoxicated by you,” Nakakalokong tumawa pa si Sunny.
Sigurado si Ruan na lasing na si Sunny. Hindi na nito alam ang sinasabi. Pero ewan ba niya sa sarili niya kung bakit parang naapektuhan siya. Somehow, he wished she was not drunk so that Sunny is true to her words.
Sana nga ay intoxicated ito sa kanya. Sana ay gusto rin siya nito…
Pumikit ulit si Sunny at nagmulat na lang ulit ng mata nang maihiga niya sa kama. Titig na titig ito sa kanya. It made his heart raced and bothered.
“Sana ikaw na lang ang minahal ko…”
“Stop talking and sleep,” Napu-frustrate lang ako lalo na nagsasalita ka nang hindi mo alam. It’s just breaking me…
“Sleep with me then,”
Huminga nang malalim si Ruan. Pero sinunod rin naman niya si Sunny. Dahil twin bed ang kama nila ay kailangan niya pang iurong ang sa kanya para magkatabi sila. Hindi sila kakasya sa single bed lang.
Nang maipagtabi niya ang mga kama nila ay tinabihan nga niya si Sunny. Niyakap siya nito. Hinayaan niya ito. Pero ang hindi niya kayang hayaan na mabasa ang damit niya---lalo na sa mga luha ni Sunny. She started to cry again.
Nasasaktan si Sunny at nasasaktan rin naman si Ruan dahil sa pagsisisi. Tama si Sunny, siya ang dahilan kung bakit nasasaktan ito. Pero wala na siyang magagawa sa nakaraan. They only have a future.
And maybe, this is Ruan’s chance.
At least for him to try…
NO REGRETS, chant ni Sunny sa sarili habang tinitiis ang sakit ng ulo niya nang maggising. Mabilis niyang na-realize ang kalokohang ginawa niya kagabi---naglasing siya. She doesn’t feel good right now but she still remembers that she felt wonderful last night. Well, at least nararamdaman lang niya na masaya siya. At parang ganoon rin ang pakiramdam niya bago pa man niya tuluyang imulat ang mga mata niya.
Pero mas sumakit pa yata ang ulo ni Sunny nang makita ang lagay niya nang maggising. Magkatabi sila ni Ruan at nakayakap siya rito!
Namumulang lumayo si Sunny sa lalaki na hindi naman nagising. Sa halip ay mukhang masayang-masaya pa nga ito na natutulog. Nakangiti pa ito. Baka maganda ang panaginip nito.
O baka naman…may hindi ito magandang ginawa sa kanya na ikinatuwa nito?
Napapikit si Sunny. Gusto niyang mapasigaw. Naiinis siya. Kaya lang, nagmumula ang inis sa pakiramdam na nagustuhan rin niya ang maggising na nakayakap kay Ruan. Hindi niya maikakaila na kahit masakit ang ulo ay masarap naman ang pakiramdam ng katawan niya nang maggising.
Kainis talaga!
Tumayo na lang si Sunny ng kama. No regrets `di ba? Kaya hindi dapat siya mainis. At tama bang mag-regret sa mga bagay na pinasaya naman siya kahit papaano? Isa pa, mukhang wala namang ginawa sa kanya si Ruan na masama bukod sa yakapin. At hindi naman rin iyon considered na masama dahil nga pinasaya rin siya. Bukod ba sa malay ba niya kung sino ang nag-insist noon kagabi?
Naligo na lang si Sunny. Ch-in-eck niya ang katawan niya at parang wala namang pagbabago. Pagkatapos ay nag-ayos na rin siya ng sarili. Nanatili namang tulog pa rin si Ruan. Inisip niya kung gigisingin niya pa ba ito. Pero hindi naman niya alam kung anong oras ito natulog kaya masama siguro na istorbohin ito.
Nagdesisyon si Sunny na bumaba na lang ng kuwarto. Nagpunta siya sa restaurant. Gutom na siya. Naisip niya na since guest naman sila sa hostel ay puwedeng ipa-charge na lang muna niya kay Ruan ang bayad.
Kinumusta si Sunny ng waitress ng restaurant. Iba rin ang ngiti nito sa kanya. Mukhang nagkaroon na tuloy siya ng impression sa lugar. Para tuloy siyang nahiya.
But then, no regrets…
Taas noong sinagot pa rin ni Sunny ang waitress pagkatapos ay um-order na. Nang dumating ang order niya at magsimulang kumain ay may umupo sa harap niya. Napakurap pa siya nang makilala na isa iyon sa mga guest rin ng hostel. Naroroon rin ito kagabi nang maglasing siya.
“Kumusta?”
Napakurap ulit si Sunny. Mukhang Indian ang lalaki na nasa harapan niya dahil sa features nito. “Marunong kang mag-Tagalog?”
Natawa ang lalaki at itinaas ang kamay. “Nahi¬---I mean no. I just knew some Filipino words because of my workmates in the gulf. And I see that you are a Filipino,”
“Oh, I see. Well, can I say Namaste?”
“You’re right. I am an Indian. Namaste,” Ngumiti ito at inilahad ang kamay sa kanya. “I’m Vishal. And you’re Sunny, right?”
Napangiwi si Sunny bago tinanggap ang kamay nito. “Did I really make a scene last night? I felt like you know everything about me now…”
“Quite. But I’m glad that you are okay. Are you really?” May pag-aalalang tinignan siya ni Vishal.
Tumango si Sunny. Tuluyan na nga na nawala ang sakit ng ulo niya nang makakain. Sinabayan rin siya ni Vishal na kumain. Halos sabay silang natapos.
“So what are your plans today?”
“Hmmm… I’m not sure,” Naka-depende ang lahat ng kilos niya kay Ruan dahil wala siyang sariling pera. Wala rin naman itong sinasabing plano sa kanya. “How about you?”
“I want to go biking. Would you like to come?”
Na-excite si Sunny. Noong bata at teenager siya ay hilig niyang mag-bike sa subdivision nila. At hindi pa man niya nalilibot ang Chiang Mai ay mukhang magandang lugar iyon. It feels peaceful and calm. Napansin rin niya sa pagtingin lang sa labas na marami ang nagba-bike. Marami rin na foreigner.
At foreigner rin ang nasa harapan ni Sunny. Bakit siya sasama rito?
Tumikhim si Sunny. “T-that would be lovely…”
“But I can hear a but on your statement…” Ngumiti nang mapait si Vishal. “I understand. I’m new to you. You shouldn’t trust me,”
Huminga nang malalim si Sunny. “Y-yeah…”
Nalungkot si Vishal. Nakonsensya naman si Sunny. Pero masisisi ba siya? Bago lang siya sa lugar na ito. Bago lang rin niya na nakilala si Vishal. Hindi dapat siya basta-basta na nagtitiwala.
Kaya lang ay may bahagi rin naman ni Sunny ang nagsasabi na kailangan niyang mag-adventure. After all, dapat nga ay solo trip niya ito. Kapag ganoon ay mas maganda dapat na makihalubilo siya sa mga kapwa niya na travellers. Ganoon ang nababasa niya na experience ng mga solo travellers. At ganoon nga ang plano niya talaga kung hindi lang niya nakasama si Ruan. Isa pa, mukhang turista naman si Vishal. Kagaya niya, wala itong alam sa lugar. Maghe-hesitate ito na gumawa ng mali.
Tinitigan ni Sunny si Vishal. Mukhang mabait naman ang lalaki. Pero mas higit ang iba pang pang-sariling kadahilanan niya. Kailangan niya ng adventure. At gusto rin niya na mapalayo kahit papaano kay Ruan. Naguguluhan rin kasi siya sa nararamdaman niya kapag nakasama ito. Kailangan niyang mag-isip kahit na ba sandali. And maybe, a new company might help.
Sa huli ay nanaig ang konsensya ni Sunny at sumama pa rin kay Vishal.
MUKHANG ngayong araw ay wala namang pagsisihan si Sunny. Tuluyan na siyang sumama kay Vishal sa pagba-bike. They rented a bike in the hostel itself. T-in-ext na lang rin niya si Ruan tungkol sa gagawin niya para hindi ito mag-alala. Nakaalis na sila ay hindi pa rin ito nagrereply. Mukhang napuyat talaga ang loko.
Cloudy kaya na-enjoy ni Sunny ang pagba-bike. Maasikaso rin sa kanya si Vishal. Kapag kailangan nila na tumawid ay todo alalay ito sa kanya dahil pansin nito na nahihirapan siya. Lagi rin itong nasa likuran niya para siguraduhin na okay lang siya. Nangunguna lang ito sa kanya kapag tumatawid sila. Sinisigurado kasi nito na clear ang area na tatawiran nila. Tama nga siya ng inisip---mabait ang lalaki.
“Enjoying?” tanong nito sa kanya nang tumigil sila para magpahinga. Nilibre siya nito ng Thai Iced Milk Tea sa nakita nilang kart sa kalsada. Hesitant pa siya noong una dahil hindi niya bet ang Thai Milk Tea na nainom niya sa Pilipinas. Pero iba pala talaga kapag authentic food. Nasarapan siya. Sinabayan rin nila iyon ng Thai Crepe. Nagulat siya sa presyo noon---three pieces for only five baht!
“Yes, thank you…”
“And thank you for trusting me, too. I know it’s not that easy but I appreciate it so much,”
Na-appreciate rin naman ni Sunny ang lalaki. Hindi nito sinira ang tiwala niya.
Nang matapos ang iniinom na milk tea ay nagpatuloy sila ni Vishal sa pagba-bike. Dumating ulit sila sa isang intersection. Pareho silang tumigil. He again checked the area before they crossed. Nang makita nito na okay na ay sumenyas ito sa kanya na magpedal na ulit. Tumango siya at sumunod rito.
Okay ang lahat hanggang sa tumigil si Vishal sa gitna ng intersection. Pagkatapos ay nakarinig siya ng nakakatakot na ingay.
Napasigaw si Sunny.
HALOS takbuhin na ni Ruan ang emergency room nang makarating siya sa ospital. Punong-puno ng pag-aalala ang puso niya simula nang malaman niya na biglang umalis na lang si Sunny. And with a stranger! Kaya naman nang makatanggap pa siya ng tawag mula rito na nasa ospital ito ay parang puputok na ang puso niya sa takot. Pero halos malaglag rin naman iyon sa sobrang relief nang makita niya si Sunny. Nakatayo ito sa labas ng emergency room pero may pag-aalalang nakatingin sa isa sa mga cubicle roon.
Hindi napigilan ni Ruan ang sarili. Niyakap niya si Sunny. “Thank God at okay ka na…”
“O-okay naman talaga ako. Pero si Vishal---“
Bahagyang tinanggal ni Ruan ang yakap. “Vishal? Sino---“ Tumiim ang bagang ni Ruan. Naalala niya ang kuwento ng receptionist ng hostel na may kasama nga pala itong umalis. “Anong nangyari sa inyo?”
Ikinuwento ni Sunny ang nangyari. Habang nagba-bike raw ito at si Vishal ay may bumangga rito.
“Natatakot ako,”
“Mas matakot ka dapat sa sarili mo! You could be harmed! At puwedeng ikaw rin ang nabangga,” Sa isipin pa lang na iyon ay nanginginig na si Ruan.
Humikbi si Sunny. “Sorry na…”
Hindi nagsalita si Ruan. Kalmado na dapat siya. Okay naman si Sunny. Pero mahirap pa rin na tanggapin sa kanya ang lahat. Paano kung may nangyari nga na masama rito? He will be a failure…again. Hindi niya naprotektahan si Sunny kagaya na lang noong una.
Tinanggal niya ang yakap niya rito. Sandaling lumayo siya. Hinabol naman siya nito. “I’m really sorry. Naistorbo pa kita,”
“Hindi iyon dahil sa inistorbo mo ako. Nag-alala ako sa `yo, Sunny. Hindi mo na ulit ito gagawin,”
Yumuko lang si Sunny.
“From now on, you will stick with me like glue. Kailangan kong protektahan ka,”
Tumingala si Sunny. Napaawang lang ang labi nito.
“Maliwanag?”
Umiling si Sunny. “I don’t need protection. Nagpunta nga ako sa Thailand para sa adventure `di ba?”
“Then you’ll have your adventure with me,”
Mukhang hindi pa rin kumbinsido ang babae. Para tuloy siyang napahiya. Hindi ba nito gusto ng adventure kasama siya? Hindi ba talaga siya nito gusto?
Pero paano nga ba naman siya magugustuhan ni Sunny kung hindi naman siya umaamin rito? And worst, hindi naman niya pinaparamdam kay Sunny na gusto niya ito.
Na gusto pa rin niya ito…
Inuulit lang ni Ruan ang ginagawa niya sa nakaraan. Hindi tama iyon. Hindi niya gusto, lalo na ang naging outcome. So he should learn his lesson now…
Nasa hindi magandang kondisyon ngayon si Sunny. Mali siguro na ngayon siya magparamdam. Pero kung tutuusin, napakatagal na niyang naghintay. Muntik na nga siya na mawalan ng chance. And now that he has it, he should not let it go.
Ruan will not take things easy now.
Nagsimula si Ruan. Kinuha niya ang kamay ni Sunny. Napakurap ito at parang bahagyang napasinghap. He wanted to do the same, too. Sa ilang araw na nakasama niya si Sunny ay hindi naman iyon ang unang beses na nahawakan niya ulit ito. But there’s always an electrifying feeling that shocked through him whenever he touched her. Na-wish niya nga lang na sana ay naramdaman rin iyon ni Sunny. But she has to. He will make it possible.
He will make her fall for him. At kung kinakailangan niya itong daanin sa santong paspasan ay gagawin niya.
“I’ll promise you it will be a great adventure,”
“Yeah. But a scary one, I guess…”
Umiling si Ruan. Ngumisi siya. “An amazing one, I promise.”
Tinitigan siya ni Sunny. “Prove it then,”
“Fine. Mapagpatol ako, so---“ pinutol ni Ruan ang sasabihin kay Sunny dahil tinawid niya ang pagitan ng mga mukha nila. He tasted and take a nipped of her sweet lips.
Ngiting-ngiti si Ruan nang tanggalin ang labi. “Amazing isn’t it?”
Hindi nagsalita si Sunny. Namumulang nakatulala lang ito sa kanya. But still her face looks so cute and lovely. It is amazing how she made him feel that way. Paano pa kaya ang mga susunod?
Ah, sana nga ay may susunod pa. Sana nga ay makaya niyang tanggalin na ang katorpehan sa katawan niya. At kung magagawa nga niya, sana ay tanggapin rin ni Sunny ang damdamin niya.
“ARE YOU sure you will be okay here?” tanong ni Sunny kay Vishal.
Tumango ang lalaki. Medyo natatawa pang tumingin ito sa paligid. “I should not come here in the first place. With my condition, I won’t be able to explore. I forgot that this is a mountain,”
“Yeah,” Tumingin rin si Sunny sa paligid. Ngayong araw ay nagpunta sila sa Doi Inthanon---it’s a national park inside the highest mountain in Thailand. Park man na maituturing iyon, may mga kailangan pa rin na lakarin at akyatin. Dahil medyo hirap makalakad dahil na rin sa naaksidente ay hindi tuloy makakalibot si Vishal, lalo na sa first stop nila---King and Queen Pagoda. May kailangan rin kasing akyatin sa lugar.
Napagdesisyunan ni Ruan na mag-tour sila ngayong araw. Nalaman iyon ni Vishal at kahit hindi pa naman ganoon kagaling ay nagbook rin ito. Naging impulsive ito dahil ang akala nito noong una ay “national park” lang iyon. Inisip nito na kaunti lang ang lakarin. Dahil mga sugat at kaunting bali lang naman ang consequence nang pagkakabangga ni Vishal ay nakakalakad pa rin naman ito, huwag lang masyadong puwersahin. But climbing a lot of stairs will surely gives him pain. Nagsabi ito na magpapaiwan na lang ito.
“And we have to get going now. `Wag mo na siyang i-bebe,” may pagkairita ang boses ni Ruan nang hilahin na siya palayo kay Vishal. “Ang laki ng lugar na ito. And we only have half an hour to explore it,”
Nagbook sila ng joiner group tour sa travel agency sa Chiang Mai. Dahil may mga kasama, kailangan nilang sumunod sa oras na itinakda ng tour guide.
“Nag-aalala lang naman ako sa kanya. Kawawa siya,” wika ni Sunny at panaka-naka na tumingin kay Vishal. Pumasok na ito sa van.
“At hindi ka ba nag-aalala sa akin?”
Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Wala ka namang sakit,”
“Yeah. Pero may nararamdaman ako. Nasasaktan rin ako,”
“Huh? But how?”
“Nasasaktan ako na ako na nga ang kasama mo, ang nagpi-finance sa `yo dito sa Thailand, pero iba pa rin ang nasa isip at mas inaalala mo,”
Inikutan niya ito ng mata. “Para kang bata,”
Hindi nagsalita si Ruan. Tahimik na umakyat sila sa Pagoda. Gamit ang camera nito ay nagpicture rin ito ng mga views doon. It was a wonderful sight. Overlooking kasi iyon sa iba pang bundok. Para rin na may hardin sa taas ng pagoda. Maraming bulaklak at may man-made lake pa. Nag-selfie at nagpicture lang rin siya ng paligid.
Nang makababa ng Pagoda at makapunta rin sa ibang tourist spots sa loob ng National Park ay kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni Ruan. Na-bother tuloy siya kahit hindi naman dapat. Natural naman na tahimik si Ruan. Pero sa pagkakataong ito, ewan ba niya pero parang tahimik ito dahil mukhang nasaktan. Well, inamin na naman talaga nito sa kanya na nasaktan ito at dahil iyon sa kanya. Kaya lang, ayaw niyang tanggapin. Para naman kasi itong bata. Siyempre, normal lang na mag-alala siya kay Vishal dahil naaksidente ito. Samantalang si Ruan naman ay okay lang.
Pero ayaw niya nang parang magkagalit rin sila ni Ruan. Somehow, parang may masakit rin naman sa kanya sa isipin na nasasaktan ito. Pero bakit? Kung tutuusin, hindi naman niya maituturing na kaibigan na si Ruan ngayon. Ilang taon na ang lumipas. Normal lang naman na nawala ang connection nila, lalo na ngayon sa nangyari pa sa kanila ni Arvin. She was supposed to hate him. Kahit kasi ito ay hindi maamin sa kanya ang dahilan kung bakit iniwan siya ng best friend nito.
Nagtagal rin ang pagtitiis ni Sunny. Ruan did a lot of good things on her for the past few days. Pero hindi niya makita ang “justice” kung bakit kailangan niyang suyuin ito. Bukod sa para itong bata, parang may pakiramdam rin siya na nagseselos ito. But why will he be? Even as a friend, he doesn’t have a right.
Lagpas alas tres na ng hapon nang matapos ang tour nila. Dahil bundok, zigzag ang daan papunta at pababa sa National Park. Pero ngayon lang niya napansin na parang namumutla si Ruan.
“Are you okay?”
Umungol lang si Ruan.
Kumuha ng candy sa bag si Sunny. “Mag-candy ka muna,”
Umiling si Ruan.
“Pero baka magsuka ka,” Hinawakan niya ang pisngi nito. Maputla nga iyon. Nag-alala tuloy siya. Marami siyang kilala na nahihilo at nasusuka kapag pakilo-kilo ang daan.
Umungol ulit si Ruan. Tinanggal nito ang kamay niya sa pisngi nito. Napakunot-noo siya pero kaagad rin na napakurap nang ang kamay naman nito ang humawak sa pisngi niya. And then he slowly crossed the spaces between their faces.
Lumakas ang tibok ng puso ni Sunny at para ngang sasabog pa iyon nang pati spaces sa pagitan ng labi nila ni Ruan ay tinawid nito. He tasted her lips.
Again.
Ngiting-ngiti ang loko nang pakawalan ang labi niya. “I’m a traveller but I always feel unease on winding roads. Tama ka, nahihilo nga ako. But your lips feel like cure to any disease I encounter…”
Natulala lang si Sunny. She should not feel good about the kiss. Pero hindi niya kayang magsinungaling sa kanyang sarili. Nagustuhan niya ang halik kahit na ba nakaw na naman iyon. Kagaya ng kahapon. Kagaya dati…
Hindi niya boyfriend si Ruan. At kahit nga kaibigan, hindi rin dapat nagpapahalik. Lalo na at may connection rin sila sa isa’t isa. Best friend ito ng ex niya. Napakasamang tignan ng sitwasyon nila.
Pero hindi naman niya gustong pigilan o kahit tanungin ito. Aminado siya sa sarili na gusto niya ang halik kaya bakit siya magrereklamo? At kung tatanungin naman niya ito ay natatakot siyang malaman ang sagot…
Naguguluhan rin naman si Sunny sa ginagawa sa kanya ni Ruan. But it made her feel special. Naisip niya na baka ganoon rin siya kay Ruan. Kaya lang, sa halip na ikatuwa ang maganda dapat na damdamin na iyon ay natatakot siya.
Masyado pang magulo ang buhay ngayon ni Sunny. Marami siyang dapat na ayusin. Ni hindi pa nga niya alam kung bakit siya basta na lang iniwan ni Arvin samantalang maayos naman ang relasyon nila. Sa loob ng tatlong taon na relasyon nila ay halos hindi sila nag-aaway. Mabait rin ito sa kanya at nirerespeto siya. In-adjust rin nito ang nakasanayan na buhay para sa kanya. Hindi na ulit ito bumalik ng Alaska at pinili na lang na magtrabaho sa Pilipinas para maging magkasama sila.
Mali ang nararamdaman ni Sunny kay Ruan. Mali na i-entertain niya ito. Hindi pa siya handa sa mga pinaparamdam sa kanya ni Ruan. Hindi pa siya handa na ibigay ang puso niya.
Ulit.
Lalo na at sinayang na rin naman ni Ruan ang pagkakataong mayroon ito dapat dati…