Chapter 31

NANG sumunod na araw ay nagpunta naman sina Sunny at Ruan sa isang Elephant Sanctuary sa Chiang Mai. Dahil iyon ang unang beses na makakita siya ng elepante ay na-excite siya, lalo na at marami pa ang mga iyon. They will also go hiking on the forest to reach the natural habitat of the elephants. Isang oras na trekking rin iyon at first time niya. Aminado siya na hindi siya adventurous na tao. Pero excited siya sa itinerary nila ngayong araw.

Dahil may mahabang lakaran ay hindi na sumama si Vishal sa kanila. Nanatili lang ito sa hostel. Pero hindi pa rin nila solo ni Ruan ang tour dahil by batch ang pagpunta roon. May kasama silang mga foreigners habang nagte-trekking at tour guide rin.

Sunny appreciates the forest. Pero mas mukhang na-appreciate iyon ni Ruan. Panay ang kuha nito ng pictures. Pero nang tumigil sila para magpahinga sandali at ipakita nito sa kanya ang mga nakuha nitong larawan ay mali pala siya ng akala. Pati pala siya ay ganoon rin. Marami siyang pictures sa cell phone nito. Dahil hindi niya alam iyon, lahat iyon ay stolen.

“Ang ganda-ganda mo…” May paghanga sa mga mata na tinignan siya ni Ruan.

Somehow ay kinilig si Sunny sa papuri. Pero pinili niya na huwag magpaapekto. Inirapan niya ito. “How could you say so? I’m sweaty. I’m a mess,”

Kinindatan siya nito pagkatapos ay kumuha ng panyo mula sa maliit na sling bag nito. Pinunasan nito ang pawis niya. “Maybe you are. But you’re my beautiful mess,”

This time ay hindi na naitago ni Sunny ang pamumula. Parang tumigil rin ang mundo niya nang marinig ang possessiveness sa boses at mga sinabi nito. My beautiful mess. It felt like he is claiming that she was his. Kinilig siya.

Kahit mali.

“Tumigil ka nga,”

“Hmmm…” He pinched her cheeks. Pero pagkatapos noon ay hindi na rin naman ito nagsalita. Nagpatuloy sila sa paglalakad. Ang hindi nga lang nagpatuloy ay ang pagkuha ni Ruan ng mga larawan. Inabala na kasi nito ang kamay sa paghawak ng sa kanya.

Naniningkit ang mga mata na tinignan niya si Ruan. “Ano `yan, ha?”

Ngingisi-ngisi ang lalaki. “Holding your hands. Para maalalayan ka,”

“But you are not supposed to do,”

Nagkibit-balikat si Ruan. “Yes. But it feels good to hold your hand. I like the way it made me feel…”

Natulala sandali si Sunny. Parang gusto na naman niyang mamula. Pero alam niyang hindi puwede.

Puwedeng ituring ni Sunny na kaibigan ulit si Ruan dahil travel buddy na niya ito. Pero tama ba na makipag-holding hands siya rito?

But if it’s wrong, why does it feels really right? sigaw naman ng isip ni Sunny. Kagaya ni Ruan ay nagustuhan rin niya ang paghawak nito sa mga kamay niya. She felt warm and calm.

Sa huli ay hinayaan na rin ni Sunny sa ginawa nito. She enjoyed the trek while holding his hand. After all, broken hearted siya ngayon. Siguro naman ay okay lang na pagbigyan niya ang kaartehan niya paminsan-minsan. Ayaw muna rin niyang isipin ang ibang tao. They are in a different place now---walang nakakilala sa kanya kaya wala naman magdya-judge sa ngayon. Also, it both made them happy so maybe nothing is really wrong.

Mga ilang minuto pa ay nakarating na sila ni Ruan sa mismong elephant sanctuary. Nang makita na nila ang mga elepante ay nag-discuss ang guide tungkol sa mga ito. Tinuruan sila ng tamang pagpapakain at nagkaroon rin sila ng time para paliguan ang mga elepante. She enjoyed the latter activity. Tuwang-tuwa siya habang bina-brush ang katawan ng elepante sa ilog. Pinagtulungan nila iyon ni Ruan na mukhang nag-e-enjoy rin sa ginagawa.

Nang matapos nilang paliguan ang elepante ay naligo at nagbihis na sila. Nang matapos siya ay kaagad na hinanap niya si Ruan. Tapos na rin itong maligo pero mukhang hindi pa tapos mag-ayos. Nakaupo ito sa isa sa mga bamboo bench at may kung anong kinakalikot sa tuhod nito. Nakangiwi rin ito. Kunot-noong pinuntahan niya ito.

Napansin naman kaagad siya ni Ruan. Tiningala siya nito.

“Nadapa ako,” wika nito bago pa man siya nagtanong. Pinakita nito sa kanya ang sugat sa tuhod.

Umahon ang pag-alala sa puso ni Sunny. Hindi naman malaki ang sugat. Pero mukhang masakit iyon base na rin sa ekspresyon ng mukha nito.

Napahalukipkip sandali si Sunny. “Inalalayan mo ako kanina para mag-ingat. Pero sandali lang tayong naghiwalay ay ikaw naman ang nadisgrasya,”

Nagkibit-balikat si Ruan. “Sorry na. Hindi ko naman ito ginusto,”

Tama naman si Ruan. Tinigil na ni Sunny ang panenermon. Kinuha niya ang alcohol sa bag niya. “Lalagyan ko nito para ma-disinfect,”

Tumango si Ruan. Sinimulan niyang dahan-dahan na lagyan ng alcohol ang sugat nito. Nagsunod-sunod ang igik nito. “Aw, aw, aw!”

Nag-alala pa rin si Sunny. Pero hindi niya maiwasan na mainis. “Bakit kasi hindi ka nag-iingat? Mahilig ka pa man rin gumala tapos may pagka-lampa ka pa pala,”

“Accidents are inevitable,” Kinalma ni Ruan ang sarili. Kumuha ito ng band aid sa bag. Inabot nito iyon sa kanya at nakiusap na palagyan. Nang matapos siya ay pinilit nito na tumayo. Medyo nabuway pa ito. Napangiwi tuloy siya.

“Masakit?”

Tinitigan siya nito. Nailang si Sunny. Para kasi siyang matutunaw sa klase ng pagtitig nito.

Nararamdaman na ni Sunny ang pamumula ng mukha niya kaya inilihis niya ang tingin. “Sumagot ka nga!”

Mula sa gilid ng mata ni Sunny ay nakita niyang nakakaloko ang ngisi ni Ruan. “Naalala mo ba `yung sinabi ko sa `yo noong nahihilo ako?”

“Huh?”

“Your lips are always the cure to any disease…” Kumindat si Ruan. Ngiting-ngiti na ulit ang loko na para bang wala na lang ang nangyari rito.

Inikutan ni Sunny nang mata si Ruan. “Stop it, Ruan.”

“But I can’t. I like kissing you…”

“P-pero bakit?” Hindi na nakatiis si Sunny na magtanong. Mas may malisya naman kasi ang panghahalik nito kaysa sa paghahawak ng kamay. And friends really never kiss…

Kinuha ni Ruan ang kamay niya. Pinisil nito iyon. “Hindi pa ba obvious? I like you,”

Napaawang ang labi ni Sunny. May parte niya ang in-e-expect na ang sinabi ni Ruan. But she can’t help but feel shock. Lalong nag-init ang pisngi niya.

Sinubukan ni Sunny na kalmahin ang sarili. Pinilit niyang tignan si Ruan. She wanted to know if he really is serious.

Hindi naman binigo ni Ruan si Sunny. His face didn’t deny it. And so were his words.

“Mukhang nagulat ka,” Hinawakan nito ang pisngi niya. His eyes looked lovingly on hers. “But I’m serious. I really like you,”

Lumakas ang tibok ng puso ni Sunny. Parang nagulo rin ang utak niya dala ng intense na damdamin na dala ng mga sinabi ni Ruan. “I-I do not know what to say…”

“You don’t have to. Naiintindihan ko naman ang pinagdadaanan mo. Hindi kita pipilitin na magustuhan mo ako. Sa ngayon. We will take things slowly…”

Lalong naging speechless si Sunny. Gusto niya ang nararamdaman. Pero bakit ang bilis-bilis ng lahat? Ni wala pang isang buwan simula nang iwanan siya ni Arvin…

Mali ang mga sinabi ni Ruan. At mas mali na parang gusto rin ni Sunny na bigyan ng chance ang lalaki.

We will take things slowly, It was Ruan’s words. Kung pagbabasehan ang nakaraan, dapat ay hindi siya magtiwala. He kissed her twice---at walang paalam! Dinadaan siya nito sa santong paspasan.

But this time, a big part of Sunny wants to trust…

Tinitigan lang ulit ni Sunny si Ruan. And again, she felt like melting. She loves this feeling. At kahit alam niyang mali, mas malaki ang bahagi niya na nagsasabi na hindi niya kayang i-let go ang sitwasyon nila ngayon.

Gusto ni Sunny na magdahan-dahan. Gusto rin niya na i-try na i-discover ang kanyang nararamdaman…gaano man kagulo ang buhay niya sa ngayon.

“ARE you a Buddhist?” tanong ni Sunny kay Vishal. Ngayong araw ay kasama na ulit nila ito na mag-tour. They are now doing a tour at the neighboring province of Chiang Mai---Chiang Rai. Karamihan sa mga spot na pupuntahan nila ay temple lang kaya wala namang mahabang lakarin. Bukod pa sa mas maayos na kaysa sa dati si Vishal. Iika-ika na lang ito pero hindi na naman ganoong nasasaktan kapag naglalakad.

Kasalukuyan ay kakalabas lang nila ng Blue Temple---isa sa mga sikat na temple sa Chiang Rai. Hindi niya napigilan na punahin si Vishal ngayon dahil napansin niyang naging tahimik ito nang nasa loob sila. Parang nagdasal ito sa loob ng temple.

Umiling si Vishal. “I’m a Hindu. Why?”

Sinabi ni Sunny ang napansin sa lalaki kanina.

“Yeah. I’m not a practicing Hindu and not a hater of my and other religions. Actually, I believe all God’s are same so I also pray there.”

“I see.” Tumango-tango si Sunny. May point si Vishal. Iyon nga lang, sa sobrang in awe niya sa ganda ng temple na napuntahan ay ni hindi na rin naman niya naisip na gayahin ito. Kagaya ng mga napuntahang tourist spot ay nagpicture lang rin siya ng lugar. “So what did you wish?”

Ngumiti sa kanya si Vishal. “For you to be happy,”

“Huh? Why will you wish for my happiness?”

“Because I consider you now as a friend. And I do not want a sad friend,” Ginulo nito ang buhok niya. “Smile,”

Ngumiwi siya. “You’re weird,”

“Maybe. But I think my wish will be granted soon,” wika nito at tumingin sa direksyon ni Ruan. Saktong humarap naman sa kanila ang lalaki na sandaling nag-excuse kanina dahil bibili raw ng famous coconut ice cream na tinda sa labas ng temple. Nakangiting nilapitan sila nito.

“Bakit isa lang?” tanong niya rito nang ibigay sa kanya ang ice cream.

“We can share,” Kinindatan siya nito.

Nakagat ni Sunny ang ibaba niyang labi. Share? It just means sharing saliva just like kissing.

Pero aalalahanin mo ba naman `yun? Gusto mo rin naman `yun! Susot ng isang bahagi ng isip ni Sunny.

Tumingin si Sunny kay Vishal. “But Vishal---“

“Don’t worry, I do not eat ice cream,” wika naman ni Vishal na mukhang naiintindihan ang pag-aalala niya. Itinaas pa nito ang kamay.

Nangyari ang gusto ni Ruan. Nag-share nga sila ng ice cream. She loves the taste of the ice cream but she also feel weird by loving the feeling of sharing it with Ruan.

Ang landi ko!

Pagkatapos sa Blue Temple ay nagpunta sila sa Black Museum at Long Neck Karen Village. Again, they took a lot of photos, lalo na sa Black House Museum. Malaki kasi ang lugar kahit na ba may pagka-creepy rin iyon dahil karamihan na makikita ay itim at puro animal remains. But then, it made the place interesting. Samantalang ang Long Neck Karen Village naman sa Chiang Rai ay Hilltribe na karamihan ng mga miyembro ay refugee mula sa Myanmar. The Karen women are also a best recognized for their elongated necks. Isa kasi sa mga tradisyon ng mga ito ang maglagay ng rings sa leeg ng mga ito. Karamihan sa mga ito, lalo na ang mga matatanda ay may higit sa dalawampu na rings ang nakasuot sa leeg.

Huling pinuntahan nilang spot sa tour ay ang Golden Triangle. Ang Golden Triangle ay ang point kung saan nagmi-meet ang border ng Thailand, Myanmar at Laos. It was separated by Mekong River. Dahil kulang na sila sa oras, ang border na lang ng Laos ang napuntahan ng tour nila. Sumakay sila sa Bangka papunta sa Donsao Island, Laos. There was a small market place. Nilibot nila iyon.

Palubog na ang araw nang tawagin na sila ng guide pabalik sa bangka. But before leaving, Sunny can’t help but stare at the beautiful sunset in the dock. The ambiance is so romantic.

“Come on, let’s take a picture!” Nakipag-selfie sa kanilang dalawa ni Ruan si Vishal.

Pumayag sila. Nang matapos ay lumayo sa kanila si Vishal. “I’ll take a photo of the both of you,”

Napakurap si Sunny. Lalo na at naramdaman niyang hinawakan ni Ruan ang kamay niya. Napatingin siya rito. He was looking at her with so much admiration and it overwhelmed her whole being.

Then it hit Sunny…

Yes, she admired and was amazed by the beautiful sunset. Gusto rin niya ang lahat ng lugar na napuntahan nila ngayon. But endings should really be the main highlights. At masasabi niyang sa araw na ito, iyon ay ang simpleng paghawak ng kamay at tingin lang sa kanya ni Ruan.

Again, the feeling should be wrong again. Parang ngayon ay si Ruan na lang ang naging maganda para sa kanya. Parang dito na umikot ang mundo niya. And this feeling is scary…

This feeling feels more than admiration. It’s love.

Pero mali nga ba talaga ang parang sinasabi naman ng puso niya na tama?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.