NGITING-NGITI si Ruan nang maipasa sa kanya ni Vishal ang kinuha nitong larawan nila ni Sunny. Silhouette iyon pero perfect pa rin sa paningin niya. Hindi makikita ang mga mukha nila pero hindi na naman iyon kailangan para sa kanya. It will always be in his memory how beautiful she was that time.
Nilingon ni Ruan si Vishal na nasa likuran ng van nila. Sa unang pagkakataon ay nagustuhan niya ang lalaki. “Thank you,”
Nagthumbs up si Vishal. “It’s beautiful. I love this photo, too. You can post it and show it to the world…”
“Hmmm…” Napaisip si Ruan. Magiging kontrobersyal kapag nalaman ng mga tao na magkasama sila ni Sunny. Pero malalaman nga ba ng iba? Hindi naman kita ang mukha ni Sunny dahil nga silhouette ang photo. At kung mang-iintriga man, ano naman? Ayaw niyang magsinungaling. At gusto rin niyang ipagmalaki si Sunny kagaya na lang ng suggestion sa kanya ni Vishal.
Napabukas si Ruan ng Instagram. Dahil kilala siyang travel blogger, marami rin siyang followers sa social media. Pero bihirang-bihira lang siya na magpost ng picture niya. Madalas ay mga pictures lang iyon ng lugar na pinupuntahan niya. After all, he is a traveller, not a model. Pero pansin niya na kapag picture niya mismo ang pino-post niya ay mas marami iyong likes kaysa sa mga normal na pino-post niya. Sigurado siyang pag-uusapan kapag nakita na naman na nagpost siya, lalo na at may kasama pang babae. The photo also looks so sweet.
Puwedeng magulo ang buhay ni Sunny. But still, Ruan listens to what his heart wanted: to be proud. He posted the photo and put a caption.
#WhenInThailand
Ruan knew it was a wrong caption. They are legally in Laos in the photo. Pero ang pagpayag ni Sunny sa paghawak niya ng kamay rito at pagkuha ng larawan na rin ay na-develop sa Thailand. And he will always cherish the place. It’s not that beautiful unlike the places he had been. Para sa kanya ay napaka-overrated rin noon. Thailand is a well-known tourist country. Traveller man siya ay iniiwasan niya ang ganoon. Kaya ngayon lang rin siya nakapunta ng Thailand. He wanted to discover new places, hindi iyong madami ng nakakaalam. Kaya nga sa halip na sa Bangkok ay pinili rin niya ang Chiang Mai. It’s still popular but more laid back than the country’s capital.
Pero ngayon na-realize ni Ruan na hindi naman pala masamang pumunta sa road “more travelled”. Kagaya na lang nang ginawa niya ngayon---posting on social media about relationships. It’s overrated to be cheesy. But a big part of him felt satisfied and very happy.
“MAY kasama ka bang iba sa Thailand?” tanong ng Mommy ni Sunny nang tawagan niya ito sa cell phone. Isa sa mga bilin ng pamilya ay ang araw-araw niyang i-update ang mga ito habang nasa Thailand siya.
Sandaling natigilan si Sunny. Marami na siyang kasinungalingan sa pamilya niya. Nakokonsensya na siya na dagdagan iyon. “Uhmm… Opo. I met a friend here,”
“Friend? Kilala ba namin?”
“Uhmm… I guess---“
“Si Ruan?”
Hindi kaagad nakasagot si Sunny. Iniisip niya na magsinungaling ulit sa pamilya. Pakiramdam kasi niya ay magkakagulo kapag nalaman ng mga ito ang katotohanan. Masama ang loob ng pamilya niya sa kanyang ex-groom. At dahil best friend ni Arvin si Ruan, puwedeng madamay ito.
Pero paano nasabi ng Mommy niya na si Ruan ang kasama niya? Mukhang may ideya na ito. There’s no use of denying.
Inamin na ni Sunny ang lahat sa Mommy niya.
“That’s okay.”
Napakurap si Sunny, nagulat sa reaksyon ng Mommy niya. “Okay? Sigurado ba kayo?”
“Actually, that’s good. That is nice. More than nice. At least, alam namin na nasa mabuting kamay ka na,”
“Best friend ni Arvin si Ruan…”
“At iba siya kay Arvin,”
Nabibigla si Sunny sa mga sinasabi ng Mommy niya. “Sandali niyo lang siyang nakilala noon pero bakit parang nagtitiwala na kayo sa kanya?”
“Ikaw na mismo ang nagsabi sa akin na inaalagaan ka niya `di ba? At kilala si Ruan na traveller sa mga unexplored places. Still, nagpunta siya sa Thailand---one of the most overrated tourist destinations in the world---para lang masamahan ka…”
Natigilan na naman si Sunny. Sa totoo lang, palaisipan rin sa kanya kung bakit nakita niya si Ruan sa Thailand. Hindi naman nito alam ang plano niya na solo trip---well, not at least few hours before of her flight. Naalala niyang nagreply ito sa instagram story niya. Nag-book nga ba ito ng ticket sa Thailand ora mismo para lang masamahan siya? Nag-alala ba ito sa kanya? Ganoon ba siya ka-espesyal rito?
But how? Why?
Nagpatuloy sa pagsasalita ang Mommy niya. “Nakilala ko rin naman si Ruan. Maayos siyang bata. Subscriber rin ako ng blog niya at naka-follow sa mga social media account niya. Ito ang reason kung bakit nahulaan ko na kasama mo siya ngayon. You went to the same place…”
“Yeah, he’s nice…”
“He’s making you happy…”
Kahit hindi nakikita ay napataas ang kilay ni Sunny sa komento ng ina. “At paano niyo naman nasabi?”
“You feel different now. I know that Thailand is a lovely place. Pero mapapasaya ka nga ba basta-basta lang ng lugar, lalo na at kapag nag-iisa ka lang?”
Napapikit si Sunny. May point ang Mommy niya. “P-pero si Arvin…”
“`Wag mo na siyang isipin. Iniwan ka na niya,”
Huminga nang malalim si Sunny. Hindi siya nagsalita.
“Nirerespeto ko ang relasyon niyo ni Arvin, Sunny. Okay naman siya sa amin ng Daddy mo. Pero hindi namin kayang palampasin ang ginawa niya sa `yo sa kasal niyo. Kaya kung magkakagusto o mahuhulog ka man sa iba ay magiging masaya pa kami para sa `yo. Deserve mo na maging masaya, Anak. Just enjoy the place. Just enjoy the feeling…”
May punto ulit ang Mommy niya. And somehow, it made her feel light.
Tumingin si Sunny sa paligid. Yes, Thailand is a lovely place. Travelling is also awesome. But having someone is amazing…especially if it’s someone special.
Napangiti si Sunny nang ma-realize ang lahat. Ruan is really starting to have a special place in her heart. At nakakatuwa lang na sa halip na mag-alala sa kanya ang pamilya sa “gulo” dapat na dinala ni Ruan sa buhay niya ay mukhang masaya naman ito. At kung masaya ang pamilya niya, dapat ay maging masaya rin siya.
Sunny made a decision. She will enjoy this feeling.
While it lasts…
MABIGAT ang loob ni Sunny habang lumalabas ng kuwarto sa hotel nila sa Chiang Mai. Huling araw na nila ngayon sa Chiang Mai dahil bukas ng umaga ang return flight niya pabalik ng Maynila. Kahapon ay nakaalis na si Vishal at nagpaalam na sa kanila. Now it’s their time, too...at least in Chiang Mai. May isang araw pa rin naman halos siya sa Thailand dahil kailangan pa nilang magbiyahe ni Ruan ng halos kalahating araw para makabalik ng Bangkok kaya maaga pa lang ay nagcheck out na sila. They will again take the bus to Bangkok.
Hindi pa handa si Sunny na bumalik sa Pilipinas. Mas gusto pa niya rito sa Thailand. Gusto niyang makasama pa si Ruan. Alam naman niya na malaki ang posibilidad na makakasama pa rin niya sa Pilipinas si Ruan. Pero iba sa Thailand. It’s like a whole new world for them together. At sila lang dalawa roon. Wala ang pamilya niya, mga kaibigan at lalong-lalo na si Arvin. Wala rin na tao na magdya-judge sa kanila dahil wala namang nakakilala sa kanya at nakakaalam ng nakaraan niya.
Naunang bumaba si Ruan sa kanya ng kuwarto. Makikipag-usap pa kasi ito sa receptionist ng hostel para makuha ang deposit money at para na rin magpaalam. Nang makita niya ito ay wala na naman ito sa reception. Itinuro siya ng receptionist sa labas kung nasaan si Ruan. Napakunot ang noo niya nang makita si Ruan na nakasakay sa isang motorbike. Nang makita siya nito ay kinawayan siya nito.
“Sakay na,”
Lumapit si Sunny kay Ruan. “Magmomotor tayo papunta sa bus station?”
Umiling si Ruan. “We’re going to Pai,”
“Pai?”
“It’s a small town just a few hours away in Chiang Mai,”
“Wala na tayong oras---“
“Yeah. But I had the time to rebook your flight yesterday,” Kinuha nito ang cellphone at pinakita ang bagong confirmation na na-rebook nga ang flight niya. “Hindi pa tayo aalis ng Thailand,”
Nanlaki ang mata ni Sunny. Nagliwanag rin ang mukha niya. “Seryoso?”
Pinindot ni Ruan ang ilong niya. “Like I am to you,” Tinapik ni Ruan ang upuan sa likod nito. “Let’s start the ride,”
Nawala kaagad ang lungkot ni Sunny. She became so excited. Sinunod niya si Ruan. Ilang sandali pa ay pinaandar na nito ang motorbike. They started their journey to Pai.
Half an hour ay nakalabas na sila ng Chiang Mai. She was enjoying it---hanggang sa mapansin niya na parang bundok ang dinadaanan nila. It was a winding road. Napalitan ng takot ang enjoyment niya.
“Tumigil muna tayo,” wika ni Sunny sa lalaki nang mapansin niya na nagsunod-sunod na ang pagliko.
Tumigil nga si Ruan. “Why? Nahihilo ka ba?”
“No. I worry about you,”
“Thanks. But I’m fine so far…”
Pinaningkitan niya ito. “Siguro naman ay nagresearch ka tungkol sa lugar na ito. Dapat ay alam mo na ganito pala ang daan dito.”
“Yeah, but as I said, I’m fine so far…” Kumibot ang labi ni Ruan. “O baka naman sinasabi mo lang `yan para ibigay ang gamot ko?”
He looked at her lips. Na-gets na kaagad ni Sunny ang sinabi nito. Namula siya. “Fine, keep driving…”
“Are you sure you don’t want to insist?”
“Tumigil ka nga!”
Tumawa si Ruan. Kinurot nito ang pisngi niya. “Gusto ko ang pag-aalala mo. It felt like that you care. Pero ayaw ko rin naman na mag-alala ka at the same time. Because worrying is also hurting. And you don’t have to. Uminom ako ng gamot para sa motion sickness for this trip,”
Nakahinga nang maluwag si Sunny. “Buti naman. Now we can go on…”
“Yeah. Pero puwede rin naman na may kiss ulit para effective,”
Napalabi sandali si Sunny. Pero naisip rin naman niya na ano nga ba ang mawawala sa kanya kung papatulan ang panloloko ni Ruan? He had kissed her a lot of times already. At wala naman siyang reklamo.
Sa huli ay pinatulan rin naman ni Sunny ang pangungulit ni Ruan. Hinalikan niya ito…sa cheeks.
Natatawang napangiti si Ruan. “Yeah, that’s kind of effective,”
“That’s all you can have---“
“For now,” Kumindat si Ruan. Tinalikuran na siya nito. Hindi na rin nagsalita si Sunny.
Ruan seems to fulfil his promise. He is taking things slowly. Mag-e-enjoy rin siya---sila. Masaya siya sa present. Ayaw rin sana niyang isipin ang future. It is also enjoyable if Ruan will be there. But things are complicated.
At least, on her head.
“MAMI-MISS ko ito,” wika ni Sunny habang nakatingin sa hawak-hawak niyang Thai Iced Milk Tea. Sa mahigit isang linggo niyang pananatili sa Thailand ay halos araw-araw siyang umiinom noon. Mahilig kasi siya sa milk tea at maraming milk tea store sa Thailand. Mura lang rin iyon at mas gusto rin niya ang mga nabibili lang sa kalsada. Kakaiba rin ang lasa noon kaysa sa mga Thai Milk Tea na nabibili niya sa Maynila.
“Hmmm… I’ll miss this place more,”
Tumingin si Sunny sa paligid. Tatlong araw rin silang nanatili sa Pai pagkatapos ay bumalik ulit sa Chiang Mai. Sinunod nila ang dating plano---sumakay ng bus pabalik ng Bangkok. Now they have a free night in Bangkok bago sila bumalik ng Pilipinas. Nagpunta sila sa pinakamalaking market sa Thailand---ang Chatuchak Weekend Market. “The markets?”
“Not really. But everything about Thailand,”
Napalunok si Sunny. Bigla siyang kinabahan. Kasama ba siya sa everything na sinasabi ni Ruan?
Nagkakaroon na yata ng anxiety si Sunny dala ng lungkot na nararamdaman na ngayon ay talagang pabalik na sila ng Pilipinas. Nagugulo ang utak niya. Sinasabi at pinaparamdam naman sa kanya ni Ruan na seryoso ito sa kanya. He likes her. Pero ganoon pa nga kaya kapag bumalik sila ng Pilipinas? Kapag hindi na lang feelings nila ang kailangang i-consider dahil sa mga taong nakapaligid sa kanila? Natatakot siya. Paano maapektuhan ng pagbabalik nila ng Pilipinas ang namumuong feelings sa isa’t isa?
“Anyway, it’s getting late. Maaga pa ang flight natin bukas kaya dapat ay nagpapahinga na tayo. Bumili ka na ng pasalubong mo,”
“Ha? Nalilimutan mo na yata na wala akong pera,”
Umiling si Ruan. Pumalatak rin ito. “At ngayon ka ba mahihiya sa akin?”
“I know. Pero ikaw nga ay hindi bumibili ng kahit ano bukod sa pagkain tapos magpapasalubong ako?”
Natawa si Ruan. “Because I’m not an ordinary tourist. I’m an experienced traveller. At ang madalas na nagtatravel, hindi na bumibili ng pasalubong,” Hinawakan na ni Ruan ang kamay niya. “Your family and friends will expect you to have something at least. So bumili ka na,”
Sinunod ni Sunny si Ruan. Namili siya ng mga keychain at ref magnet para sa mga officemates niya. Bumili rin siya ng T-shirt para sa Daddy niya. Medyo nahirapan lang siya na bumili para sa Mommy niya. Hindi naman kasi ito mahilig sa mga bags at t-shirts na mga nauna nilang nakita sa market. Pero nang mapadpad sila sa area kung nasaan ang mga ceramics ay nagliwanag ang mata ni Sunny. Mahilig ang Mommy niya sa mga ceramics. May partikular siyang tea set na nakita na sigurado siyang magugustuhan ng Mommy niya.
Bibilhin na sana ni Sunny ang tea set nang makita ang presyo. “Ang mahal!”
“But it’s lovely. You can take it,”
“Yeah, pero `wag na…”
“We have to buy it if your Mom will surely like it,” wika ni Ruan at nakipag-usap sa tindera. Binili na nito ang tea set.
Humalukipkip si Sunny. “Hindi mo na dapat binili ito. Nakakahiya,”
“It’s okay. After all, kailangan kong magpalakas sa Mommy mo, sa pamilya mo…” Ngumiti si Ruan.
“But why?”
Pinindot ni Ruan ang ilong niya. “Dahil ganoon ang ginagawa ng mga nanliligaw,”
Natulala si Sunny.
“O bakit parang nabigla ka?”
“A-akala ko ba, we will take things slowly?”
“Yeah. Kaya nga may ligawan phase `di ba? Dahil kinikilala muna ang isa’t isa…” Sandaling natahimik si Ruan. “T-teka, ayaw mo ba?”
Aminado si Sunny na gusto na niya si Ruan. Pero ano ang iisipin sa kanya ng mga tao kapag nalaman na may “bago” na siya agad ilang linggo lang bago siya iwanan na lang bigla ni Arvin?
Huminga nang malalim si Sunny. “I want. But can I warn you not to expect too much?”
Lumarawan ang sakit sa mukha ni Ruan. Pero pagkatapos ay tumango rin naman. Ganoon pa man, naging kapansin-pansin rin na parang nawala ang kaninang good mood nito. Na-bother na naman tuloy si Sunny. Pero masyado pa rin na maaga sa kanya ang lahat. Malinaw rin sa kanya na hindi lang dapat puso ang pinapakinggan niya. It should be her head. And there’s something in it that telling her not to be so close with Ruan.