Chapter TAI 32

Nakatitig si Arice sa malalim na balon sa likod ng simbahan habang nilalaro ang sinulid na singsing sa daliri. Kalahating oras na lang at magkikita na sila ni Estrella. Dapat ay doon lang siya mag-focus. Nararamdaman niya na magpapakita si Estrella at sasama ito sa kanya. Iyon na ang huling pagkakataon para sa kanila. Pero hindi pa siya handa. Parang wala sa loob niya na makipagkita dito.

Sa halip na maisip si Estrella ay laging bumabalik kay Riva ang isipan niya. Kagabi pakiramdam niya ay bata ulit siya habang kasama ito. Nang yakapin siya nito ay natunaw lahat ng galit at lungkot na naipon sa kanya. When he kissed her, he just felt happy. Something he haven't felt for a long time.

Malaya ang pakiramdam niya kapag kasama ito. As if he could be himself. Wala siyang kailangang patunayan dito. Balewala sa kanya ang nakaraan niya.

"Mukhang malalim ang iniisip mo. Si Estrella ba?" untag sa kanya ni Padre Leon.

"Hindi po, Tatay," tanggi niya

"Sa akin ka pa ba magsisinungaling? Alam ko na bumalik ka dito para sa kanya. Umaasa ka ba na hindi matutuloy ang kasal niya? O baka may plano ka para bawiin siya?"

"Tatay..." huminga siya ng malalim. "May usapan po kaming magkita mamaya. Kung mahal niya ako, sasama po siya sa akin. Alam naman po ninyo na noon ko pa siya mahal."

Hindi niya kayang magtago ng sekreto dito. Masakit na nga sa konsensiya niya na kailangan niyang magpanggap at itago dito ang mga plano nila ni Riva. Sigurado kasing tututol ito.

"Anong silbi ni Riva sa iyo? Huwag mong sabihin na ginamit mo lang siya para makalapit kay Estrella. Wala bang halaga si Riva sa iyo?"

Hindi niya magawang aminin dito na may kinalaman si Riva sa mga plano niya. Mataas ang tingin dito ng ama-amahan niya at ayaw niyang masira iyon.

"Riva is a special woman. Pero hindi ko basta-basta maalis si Estrella sa isip ko. Matagal ko na po siyang minahal."

Iyon din ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili. Si Estrella ang matagal na niyang pangarap. Kung wala lang si Estella sa buhay niya ay handa niyang ligawan si Riva kahit gaano pa ito kasungit. Minsan ay nakikita niya ang sarili dito. Na parang na-miss nito ang mahahalaga at simpleng bag ay na pwedeng magpangiti dito. He loved to help her discover.

"Kapag ba nakuha mo na si Estrella, magiging masaya ka ba talaga? Wala ka nang ibang hahanapin? Siya pa rin ba ang babaeng nagpapangiti sa iyo?" tanong ni Padre Leon. Napaisip tuloy siya. Napapansin ba nito ang pagbabago sa kanya? Mas madali na nga siyang ngumiti ngayon. Hindi na mahalaga kung sino ang nagpapangiti sa kanya. May plano siyang dapat na tuparin.

"Umaayon ang lahat sa plano ko. Alam ninyong nagsikap ako para kay Estrella. Hindi ko po pwedeng guluhin pa ang isip ko."

"Kung nasa harap mo si Estrella at Riva, sino ang pipiliin mo?"

Hindi siya makasagot. Nagpapanggap lang sila ni Riva. Kung may iba man siyang nararamdaman dito ay makakasagabal sa plano nila. Mahalaga lang para dito ay huwag matuloy ang kasal ni Estrella sa pinsan nito. Kung malalaman nito ngayon ang nararamdaman niya ay baka magalit ito sa kanya. Kundi lang dahil matutulungan niya itong ilayo si Estrella sa pinsan nito ay di naman ito magkaka-interes sa kanya.

Habang matagal na silang nagmamahalan ni Estrella. Maaring sabihin ng marami na kahangalang mahalin pa rin ito. Pero handa pa rin siyang ipaglaban ito.

Subalit kapag sangkot sa si Riva ay parang lumalamya ang nararamdaman niya Estrella.

He just didn't understand why his senses were more heightened when he was with Riva. Isang ngiti lang nito ay gumagaan na ang loob niya. He even dreamt of her kidses and her touch. Even her scent lingered. Dahil dito ay nagdadalawang-isip siyang makipagkita kay Estrella.

Naputol ang iniisip niya nang mag-ring ang cellphone niya. "Excuse me, Tatay." Nagtaka siya nang mapansing numero ni Ernest ang tumatawag. Bigla siyang kinabahan. "Hello."

"Arice, this is Ernest. Tumawag ang abogado na kinuha natin para sa kaso ni Riva. Nakalaya na daw si Alvin dahil nag-file ng bail."

Nakuyom niya ang palad. Inaasahan na niya ang pagpipiyansa nito. At natatakot siya para sa kaligtasan ni Riva.

"Dapat mas mag-ingat tayo. Hindi titigil si Alvin hangga't di nakakaganti. He is sick. Kahit na ayaw suportahan ni Governor ang kalokohan niya, hindi pa rin siya titigil para makaganti. Babawi iyan." Kung pwede lang ipa-kidnap si Alvin at ipatapon sa malayong isla kung saan di na ito makakabalik para di na guluhin si Riva.

"Ikaw na ang magsabi sa mga bodyguards. At least mas kampante ako sa kaligtasan ni Riva dahil magkasama kayo."

Natigilan siya. "Sandali. Hindi ko kasama si Riva." Kagabi pa sila huling nagkasama at nagkausap.

"Hindi ba pinasundo mo siya kanina sa mga tauhan mo? May sorpresa ka daw sa kanya. Kaya nga di ako nag-aalala kahit di nagre-report ang mga bodyguards niya dahil ang alam ko magkasama kayo."

Ihinilamos niya ang mukha sa palad. "Wala akong ganoong plano. Alam kong busy siya para sa kasal ninyo. Kailan pa siya umalis?"

"Mga alas dos ng hapon."

Mag-aalas siyete na. Masyado nang matagal itong nawawala.

"Susubukan kong tawagan ang bodyguards niya." Muntik na siyang mapamura nang di ma-contact ang mga bodyguard ni Riva kundi lang nakamasid sa kanya ang Tatay niya. Isinuklay niya ang daliri sa buhok. Ano bang pumasok sa utak ni Riva at sumama sa mga iyon?

Di nagtagal ay nakatanggap ulit siya ng tawag mula kay Ernest. "Baka pakana ito ni Alvin. Nag-report na ako sa mga pulis. Kailangan natin ng lead kung saan idinala si Riva. Papunta na ako sa presinto para ibigay ang description ng sumundo sa kanya."

Hindi na siya nakapagtimpi. "Ako mismo ang papatay sa kanya kapag sinaktan niya si Riva."

Hinawakan ni Padre Leon ang balikat niya at umiling. "Arice..."

Nagpaalam siya kay Ernest at saka hinarap si Padre Leon. "Na-kidnap po si Riva. Ginamit pa po ang pangalan ko para makuha siya. Akala po ng mga tao kami ang magkasama. Baka ano ng ginawa ni Alvin sa kanya. Tutulong po ako sa paghahanap sa kanya."

Parang sinasakal siya habang iniisip kung ano pwedeng mangyari kay Riva habang nasa poder ni Alvin. At nafu-frustrate siya dahil wala siyang magawa para dito. Sana hindi niya ito tinikis. Sana ay tinawagan niya ito at kinumusta. Hindi sana ito basta-basta nakuha ni Alvin.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.