“That’s good to hear,” sabi ni Arice at inubos ang wine sa baso.
“Thank you for taking care of my cousin, Arice,” sabi ni Ernest dito. “Ikaw na ang nag-alaga sa kanya. I hope she’s not giving you a headache.”
“Mag-ingat ka sa isasagot mo,” babala niya kay Arice.
Tumawa ito at inakbayan siya. “Akala lang ng ibang tao mahirap siyang pakibagayan. She’s too bossy and stubborn but we actually get along. She’s intelligent and caring if she feels like it. At sa palagay ko siya ang tipo ng babae na mapagkakatiwalaan at very loyal sa mga taong mahal niya. She wants to take care of everybody. Kailangan lang niya ng mag-aalaga sa kanya.”
“And you are up for the job?” tanong ni Ernest. “Lagi kayong magtatalo.”
“Sanay na ako sa talas ng dila niya. I have no plans to walk away from her,” anito at pinisil ang balikat niya.
Kinintalan niya ng halik ang pisngi nito. “And you are the sweetest boyfriend. Hindi ka natatakot na pagkatiwalaan ako lalo na sa sportscar mo. Thank you.”
Tumikhim si Estrella at biglang tumayo. “Excuse me. I will just use the washroom.”
Sinundan niya ito ng tingin habang palayo. Si Arice pa rin ba ang mahal nito kahit na kasal na ito sa pinsan niya at magkakaanak na dito? Ano naman ang nararamdaman ni Arice?
“Are you okay?” tanong niya kay Arice nang pauwi na sila. Ito na ang nasa manibela. “I mean, nagkita ulit kayo ni Estrella.”
“I am good. Masaya ako dahil nakikita ko na masaya siya kay Ernest. Magkakaanak pa sila. Sa palagay iyon iyon lang naman ang simpleng pangarap ni Estrella – magkaroon ng maayos na pamilya.”
“Hindi ka ba nasasaktan?”
Kumunot ang noo nito. “Come on. She’s a married woman. Inaalala mo pa rin ba na may epekto pa rin siya sa akin.” Pagak itong tumawa. “You worry too much, Riva. Kung anuman ang nararamdaman ko para sa kanya, namatay na nang ikasal siya sa pinsan mo. Nag-move on na ako. Akala mo ba iniisip ko pa rin si Estrella kahit na ikaw ang girlfriend ko?”
Nagkibit-balikat siya. “I don’t know. First love never dies, di ba?”
“I respect her marriage vows. Kung pakiramdam mo si Estrella pa rin ang iniisip ko kahit na magkasama tayo, then I am sorry. Pero hinding-hindi kita gagamitin na front lang para pagtakpan ang nararamdaman ko kay Estrella. Kung anuman ang ipinakikita sa iyo, it’s pure. No pretense. Do you trust me, Riva?”
“Yes.”
“Ipahinga mo na ang isip mo sa isyu na ito. Masanay ka na dahil mas madalas kaming magkikita kung mananatili akong boyfriend mo. It won't work if you will always worry about my feelings for Estrella. Alisin mo na iyon sa isip mo." Ngumiti ito at pinisil ang kamay niya. “Gusto mo bang mag-Café Bistro tayo?”
Tumango siya. Hindi na niya kailangan pang isipin si Estrella. May kanya-kanya nang buhay ang mga ito. If Arice wanted to respect that then she’d do the same.
PARANG ipinaghehele si Riva habang nakahiga sa lounging chair. Nasa porch siya ng resthouse ni Arice na nasa tabi ng Caliraya Lake. It was their quiet weekend together. Magkatulong silang maghanda ng pagkain at pagkatapos ay nanood sila ng lumang mga pelikula. Ngayon ay kagigising lang niya mula sa pagsi-siesta at pinili niyang magmuni-muni habang nakatitig sa lake.
"Gutom ka na ba?" tanong ni Arice at inilapag sa mesa ang basket ng mainit na tinapay. Inabot nito ang mug ng baterol chocolate sa kanya. "For my princess."
Pinagkiskis muna niya ang nanlalamig na palad saka excited na kinuha ang mug mula dito. "Thank you. Hindi mo man lang ako pinatulong sa iyo."
"Alam ko naman na busy ka ngayon kahit na bumalik na ang Kuya Ernest mo sa trabaho. I just want you to relax."
"Lagi na lang ikaw ang nag-aalaga sa akin. Parang wala naman akong ginawa para sa iyo."
"You are doing a lot of things for me. Hindi mo lang alam kung ano ang nagawa mo para sa akin. You make me feel good about myself." Ginagap nito ang kamay niya at nilaro ang pising singsing sa daliri niya. "May dahilan kung bakit idinala kita dito."
"Ano iyon?"
"Ilang buwan na tayong magkakilala. And I realized that..."
Biglang nag-ring ang cellphone niya. Assigned ringtone ng Mama niya ang pumailanlang. "Hold a sec," aniya at sinagot ang tawag. "Hello, Ma!"
Hagulgol agad nito ang bumungad sa kanya. "Riva, naaksidente ang Kuya Ernest mo. Bumangga ang kotseng sinasakyan nila niya at ni Estrella sa isang truck. Malubha ang kondisyon ni Ernest."
"What?" Nanlaki ang ulo niya at kinilabutan. "Nasaang ospital kayo? Luluwas na po ako."
Natigilan sa pagpapalaman ng kesong puso sa tinapay. "Anong problema?"
Nangilid ang luha sa mata niya. "Naaksidente si Kuya Ernest at Estrella. Mukhang kritikal ang kalagayan ni Kuya."
"Okay. Kumain ka at inumin mo ang hot chocolate. Ako na ang bahalang magligpit ng gamit natin."
"Arice, sorry kung kailangan agad nating umalis. 'Yung sorpresa mo sa akin..."
"Makakapaghintay iyon."
Tahimik si Arice habang bumibiyahe sila pabalik. Manaka-naka silang nakakatanggap ng tawag at kahit di magsalita si Arice ay nararamdaman niya ang suporta nito. "Nasa operating room pa si Kuya Ernest. Estrella and her baby is safe. May konting gasgas at pasa lang siya."
Tumango si Arice. "Basta magdasal tayo. Magiging maayos din ang lahat."
Nang dumating sila ng ospital ay nasa recovery room pa si Ernest at na-comatose dahil na rin sa malakas na pagkakahampas ng ulo nito. Fifty-fifty ang chance na maka-survive ito. Sumuko na ang driver ng bus na nakabanggaan nito. Nagkataong maulan noon kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela.
Nasa ICU na si Ernest nang dalawin ni Estrella. Nagising na ito mula sa pagkaka-sedate dito. Umiyak ito ng umiyak nang makita si Ernest na walang malay at maraming aparatong nakakabit sa katawan nito.
"Ernest, gumising ka. Lumaban ka para sa baby natin. Huwag mo kaming iiwan." bumaling ito sa kanila. "Hanggang kailan siya matutulog?"
"Only God knows,” sagot ng mama niya.
"Diyos ko!" Yumakap ito kay Arice at umiyak ng umiyak. "Arice, anong gagawin ko? Bakit nangyayari ito sa akin?"
"Magpahinga ka, Estrella. Magpalakas ka para sa kanya at sa magiging anak ninyo." Inakay nito si Estrella pabalik sa wheelchair. "Ihahatid ko na siya sa kuwarto niya."
Nag-panic siya nang kinse minuto na ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik si Arice. Nakita niya kung paano itong yakapin ni Estrella. Paano kung may ibang kahulugan iyon? Kailangan na ba niyang sugurin ang kuwarto ni Estrella.
“Ma, pupuntahan ko lang po si Arice,” paalam niya sa mama niya.
Bumukas ang pinto at pumasok si Arice. May dala itong paper bag ng pagkain para sa kanila. “Pasensiya na po kung natagalan. Baka hindi pa po kayo kumakain.”
Yumakap siya sa baywang ni Arice. “Thank you.”
Hindi ito ang oras para magselos siya. Kailangang maging buo ang pamilya nila sa oras ng krisis. Magpasalamat na lang siya dahil naroon si Arice para umalalay sa kanila.