Chapter 32

" Alam mo ang kj mong babae ka. Umuwi ka na pala hindi mo man lang kami ininform. " Nakasimangot na sabi ni Ayana. Ininom niya ang pineapple juice na binili niya.

Nandito kami ngayon sa Cafeteria at break time namin. As usual magkasama na naman kaming apat dito.

" Tinawagan ko si Abby that time at hindi ko na kasalanan na hindi ka niya ininform. " Inirapan ko siya dahil tinatarayan niya ako. Like as if it was a big deal na umuwi ako. Wala naman sa akin ang kotse at nakauwi din naman sila kahit wala ako dun.

" Miss Skye, pinapabigay pala ni Ethan. " Isang lower year na estudyante ang nasa harap ko ngayon may hawak na kumpol ng mga bulaklak. Kinuha ko iyon at nilapag sa mesa.

" Pakisabi dyan sa nag utos sayo na sa susunod siya na ang mag abot nito para direkta ko siyang matarayan. Leave now. " Natakot naman bigla ang kaharap ko kaya umalis din siya agad pagkatapos niyang tumango.

" Wow! May pa flowers pa si Ethan. Kailan pa kayo nagkakamabutihan? " Usisa ni Abby.

Kinuha niya ang kumpol ng mga bulaklak at kinilatis ito ng mabuti. Binalik naman niya ito sa mesa at hinila niya ang buhok ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

" Inggitera ka talaga Abby. Palibhasa walang nanliligaw sayo kaya ganyan ka. " Napa Hagikgik naman ang dalawa dahil sa sinabi ko. Tiningnan naman sila ng masama ng bruha.

" Walang nakakatawa. " Angil niya sa dalawa.

Ipinagpatuloy ko na ang kinakain ko at hindi na pinapansin ang paghihimutok ni Abby. May dumating na asungot sa buhay ko. Hindi yata makumpleto ang araw niya hanggat hindi niya ako naaasar. Too bad, hindi na ako apektado sa pang aasar niya. Immune na ako sa pagiging balahura niya.

" Wow, may bagong manliligaw na naman? Malandi talaga. " Ngumiti ako sa nagsalita habang nanggigigil naman ang tatlo ko na kasama.

" Maganda kasi ako kaya normal na sa akin ang maraming manliligaw. Inggit ka? " Nang uuyam ko na sabi kay Martina. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Kahit gaano pa ka kapal ng make up ang ilalagay niya sa mukha niya malayo pa rin ang agwat naming dalawa.

" Walang dapat ika inggit sayo Skye. Dalawang beses kang nabigo sa mga naging boyfriend mo, anong ika inggit ko dun? " Tumawa siya ng malakas na parang baliw. Hindi na nakatiis si Abby kaya sumabat na rin siya.

" Kawawa ka naman. Wala ka na bang makausap at kung saan si Skye sumusulpot ka rin? " Pinaupo ko na si Abby dahil ako naman ang pinupuntirya ni Martina kaya ako ang haharap sa kanya.

" Abby, let me handle her. " Tumahimik na si Abby at hindi na nagsalita pa pero ang sama ng tingin niya kay Martina.

" Isa ka pa. Habol nang habol sa lalaki na wala namang gusto sayo. Desperada! " Napatayo si Abby at walang sabi sabing sinampal niya si Martina. Napatda naman siya sa ginawa ni Abby.

" Isang salita mo pa sa akin at hindi lang yan ang aabutin mo. " Nagpupuyos sa galit na sabi niya kay Martina. Nung makabawi na si Martina sasampalin niya sana si Abby pero napigil ko ang kamay niya.

" Mga desperada kayo. Ang taas ng tingin niyo sa mga sarili niyo pero panay naman ang habol niyo sa mga lalaki. " Sigaw niya. Nakuha niya ang atensyon ng ibang mga estudyante kaya ang mga tsismoso at tsismosa nagkumpulan na sa paligid namin.

" Look who's talking? For your information, I never chase a guy. I'm not like you Martina, mang aagaw ng boyfriend ng iba. Desperate bitch. " Hinablot niya ang kamay ko pero iwinaksi ko ito. " Don't even dare to touch me again, baka hindi mo magustuhan ang susunod ko na gagawin. " Hinila naman siya ng kasama niya palayo doon. Pero nagwawala pa rin siya.

" You are nothing, Skye. Ako lang ang nagtatanggol sayo noon dahil walang gustong makipagkaibigan sayo. Pero inagaw mo ang lalaking gusto ko. May tinatago kang kalandian sa katawan. " Biglang nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Kinuyom ko ang palad ko sa sobrang galit ko. How dare she call me that way?

" Hah! This is what you want? To get attention? Alam mo sa sarili mo kung sino ang malandi sa ating dalawa. Even Nathan can prove that to everyone. Move on. " Kinuha ko ang bag ko saka umalis sa cafeteria. Pero bago pa ako makalayo lumingon ako sa mga estudyanteng naka kumpol.

" The show is over, pwede na kayong umalis. " Saka tumalikod na ako. Pumasok na rin ang tatlo sa kanilang mga klase at wala na akong pakialam pa kay Martina.

Minsan kahit gaano pa kahaba ang pasensya ko nauubos din ito. I feel bad for Martina cause until now hindi pa rin siya naka move on from our past. Nagtataka lang ako kung bakit sobrang lalim ng galit niya sa akin at wala naman akong natatandaan na may ginawa akong mali sa kanya. In fact, siya nga itong may kasalanan sa akin dahil inagaw niya si Nathan sa akin noon. Sila ang reason kung bakit ganito na ako ngayon.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na may nakasalubong ako at nabangga ako nito. Agad naman humingi ng paumanhin ang babae nang makita niya ako.

" S-sorry Miss Skye, h-hindi ko sinasadya. " Nakayuko ang ulo niya at halatang nanginginig ang katawan niya sa takot.

" It's fine. Just leave. " Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at humingi ulit ng paumanhin.

" Sorry po ulit. " This time hindi na siya nakayuko at makikita mo sa mga mata niya yung takot. Hindi ko inaasahan na matatakot siya sa akin. Ganito na ba ako kasama at kinakatakutan nila ako?

"I said leave. " Malamig ko na sabi sa kanya. Nataranta naman siya at saka umalis agad. Napailing na lang ako sa reaksyon niya.

I tried my best to be nice to everyone but everytime I do that someone will provoke me. Then next thing I know I'm back to being cold again.

PAGPASOK ko sa classroom namin super ingay nila. Maraming kaladkarin ang pakalat kalat sa loob. Hindi ko alam kung pumunta ba sila dito para mag aral or lumandi. Tahimik akong umupo sa upuan ko at hindi ko pinansin mga nakatingin sa akin. They're not even worth my time. Umupo si Zander sa kaharap ko na upuan and as usual nandito na naman siya para mangulit. I did not expect that he is slowly getting friendly towards me. Dati kasi nakakainis ang pang aasar niya but now I find him amusing. I like him but not in a romantic way though. Naiisip ko pa lang na magkakagusto ako sa kanya nasusuka na ako.

" Ikaw ha, bakit ka umalis noong party? Kakarating mo lang umalis ka na agad. " I forgot that he is also annoying most of the time.

Sa sobrang daldal niya tinalo pa ako.

" Oh please Zander, my presence was not important there. " Kinuha ko ang cellphone ko at nilagay ko ang headset at nakinig ng music. Imbes pakinggan si Zander mas nanaisin ko pang makinig ng music.

" Hoy, hinanap ka kaya ni.. " Tumahimik siya bigla pagdating ni Zach. Tiningnan siya ng masama pero ngumiti lang si Zander.

" Bumalik ka na nga sa upuan mo. Alis na Zander. " Itinaboy ko na siya. Tinuon ko ang pansin ko sa labas ng bintana at nakita ko na nakatayo doon si Ethan may hawak na teddy bear. Kumaway siya sa akin ng makita niya akong nakatingin sa kanya. Ibabaling ko na sana sa iba ang tingin ko pero tinawag niya ako.

" Skye.. " Tawag niya sa akin. Napapikit ako ng mata ko sa inis. Pumasok siya sa classroom namin at inabot sa akin ang teddy bear na hawak niya.

" What's this for? Bakit mo ako binigyan ng bulaklak? Wala naman akong sakit. " Banat ko sa kanya.

" May sakit lang ba ang pwedeng bigyan ng flowers? Hindi ba pwedeng manliligaw ako sayo? " Ngumiti siya ng malapad. Namula naman ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya yun in front of my classmates.

Bigla naman natahimik ang lahat nang marinig nila ang sinabi ni Ethan. First time ko na mabara ng ibang tao dahil kadalasan ako ang nambabara and not the other way around.

" Siya na pala ang bagong manliligaw ni Skye? "

" Ang gwapo din naman ni Ethan, mag kalevel lang sila ni Zach. "

" Ang swerte talaga ni Skye lahat ng gwapo nahuhumaling sa kanya. "

Ilan lang yan sa mga bulong bulungan ng mga kaklase ko na naririnig ko naman. Marami ang natuwa para sa akin at syempre pa marami din ang inis kasi may mga hidden desire din sila kay Ethan.

Napakamot naman sa batok si Ethan dahil sa mga narinig niya. Deadma naman ako sa mga narinig ko.

" Ang swerte mo daw sa akin. " Bulong niya. Kapal ng mukha ha? Tumayo si Zach at naglikha ng ingay yung upuan noong tinulak niya ito. Lumabas siya ng classroom at nakasunod naman si Natasha sa kanya. Tiningnan ako ng masama ni Natasha pero nag kibit balikat lang ako. The hell I care kung magalit siya sa akin.

" Jealous ex-boyfriend. " Sabi ni Ethan saka tumayo na rin siya para umalis. Pero bago siya makalabas ng classroom tinawag ko siya.

" Pakidala nito pabalik. " Ibinalik ko sa kanya ang teddy bear na hawak ko. Nagtataka naman siya kung bakit ko yun binabalik.

" Para sayo yan. Nanliligaw nga ako sayo. " He insisted.

" Ethan, bago ka manligaw kilalanin mo muna ang liligawan mo. Para hindi masayang effort mo. For your info, I don't like stuffed toys and the likes. " Napailing na lang siya sa sinabi ko. I'm not a typical girl na mahilig sa flowers and stuffed toys. For me, those are useless if you are not sincere with your intentions. Plus, I can buy those things if I want to.

" You are really unique, Francesca. I'm very eager to get to know you more. " Naningkit ang mga mata ko nung marinig ko na tinawag niya ako sa first name ko. Who gave him the right to call me by my first name?

" Just leave, Ethan. Don't call me again by my first name or else hindi na kita kakausapin ulit. " Lumakad na siya palabas at ako naman nakatingin sa mga kaklase ko na walang ginawa kundi makinig sa pinag uusapan namin ni Ethan. Lumapit si Zandro sa akin at umupo sa harapan ko.

" Anong kailangan mo Zandro? " Tanong ko sa kanya.

" His jealous, siguro bumabalik na ang alaala niya. " Ang tinutukoy niya si Zach. Nagsasabi naman siya ng totoo. Kilala niya si Zach kaya alam niya kung ano ang kinikilos ng kaibigan niya.

" Tapos na kami. May girlfriend na rin siya. Bakit pa siya nag seselos? " Nangalumbaba ako sa mesa ko. Gusto kong matuwa sa narinig ko pero ayoko na bigyan ng false hope ang puso ko.

" Siguro magulo para sa kanya ang sitwasyon kaya hindi niya alam kung paano siya dapat umakto. But I know deep in his heart nandun ka pa rin. " Natameme ako sa sinabi ni Zandro. Napalunok ako ng laway pero pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko. Tumayo na siya at bumalik sa upuan niya. Dumating na rin ang prof namin at nagsimulang mag lecture. Hindi na bumalik sila Natasha at Zach hanggang sa matapos ang klase namin.

PUMUNTA NA AKO sa parking lot dahil gusto ko ng makauwi ng bahay. Ngayong araw ang dating ng parents ko kaya excited akong makita sila. Nasa parking lot na rin ang tatlo at pauwi na rin sila.

" Pauwi ka na ba, Skye? Mag mall naman tayo. " Aya ni Abby sa akin. Nag agree naman ang dalawa sa suhestyon ni Abby pero wala ako sa mood ngayon para gumala.

" Sorry girls, pass muna ako. Darating kasi ngayon ang parents ko and I need to be home before they arrive. " Explain ko sa kanila. Nagi guilty na rin kasi ako dahil bihira na kami mag bonding na apat. Busy kami sa kanya-kanya naming buhay.

" Next time na lang siguro. Nakakastress na kasi lately. Puro aral na lang wala ng gimik. " Reklamo ni Ayana.

Kahit naman ako super stressed na sa studies ko na parang akala mo dean's lister ako kahit hindi naman. Biglang nag ring ang cellphone ko at tiningnan ko kung sino ang caller. Napakunot noo naman ako kasi hindi naman ugali ni Stephen ang tumawag sa akin unless emergency. Biglang tumahip ang dibdib ko sa hindi ko alam na dahilan.

Stephen is calling..

" Stephen, napatawag ka? " Bungad ko sa kanya.

" S-skye, where are you? " Biglang nag cracked ang boses ni Stephen.

" Nandito pa sa school pero pauwi na rin ako. Anong oras nga pala darating sila Mommy and Daddy? " Tanong ko sa kanya. Biglang tumahimik sa kabilang linya. Tiningnan ko ang tatlo at hanggang ngayon nandito pa rin sila. Napatutop sa bibig si Abby saka tumingin siya sa akin. Lumapit si Abby sa akin pero tahimik lang siya. Ang weird nang mga tao ngayon.

" S-skye, h-hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo ito. " Pumiyok ang boses ni Stephen na para bang maiiyak na siya. I don't know but I have this weird feeling. Ang bigat ng pakiramdam ko na parang nasasakal ako. Naririnig ko ang malakas na pag tambol ng puso ko.

" Stephen, anong nangyayari? " Tumaas na ang boses ko. My instinct was telling me that something bad is going to happen. Iwinaksi ko ang negative thoughts na yun.

" Skye, nag crash ang eroplano na sinasakyan ng parents mo at walang nakaligtas kahit isa. Not even your parents. I'm sorry. " Mahina lang ang pagkasabi ni Stephen pero para akong nabingi sa ibinalita niya sa akin. Para akong binagsakan ng langit sa narinig ko. At bumuhos ang masaganang luha sa mga mata ko.

" Bawiin mo ang sinabi mo Stephen. Hindi totoo ang sinasabi mo. " Nag hestirikal na ako. Lumapit na rin ang tatlo sa akin at agad akong niyakap habang inaalo-alo. I felt so numb. Hindi ma digest ng utak ko ang binalita ni Stephen sa akin. It was just hours away and I will be able to see and hug my parents but fate won't allow me. Kinuha niya ang pagkakataon na yun sa akin. My only chance to be with my parents again.

HINDI KO ALAM kung paano ako nakarating sa bahay pero nandito na ako sa kwarto ko. Suot ko pa rin ang uniform ko at natuyo na ang luha sa mga mata ko. Nakakabingi ang katahimikan pero biglang kumulog ng malakas kasunod nito ang matalim na kidlat at ilang minuto lang ang nakalipas ay bumuhos na ang malakas na ulan. Pati ang langit nakikisimpatya sa akin.

Hindi ko namalayan na pumasok si Stephen sa kwarto ko. Lumingon lang ako sa kanya at binalik ko din agad ang tingin ko sa labas ng bintana. Naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko.

" I know what you feel right now. " Pambasag niya ng katahimikan. " If you want to cry, you can cry on my shoulder. We'll cry together. " Tahimik pa rin ako at ayaw ko na tumingin sa kanya.

" I hope I can ease your pain. You can talk to me. Huwag mong sarilinin ang problema mo. " Lumingon ako sa kanya sabay yakap at hindi ko na napigilan ang mga luha ko at mabilis na nagsipag bagsakan ang mga ito. Umiyak ako sa balikat ni Stephen.

" Akala ko masakit na ang paghihiwalay namin ni Zach pero mas matinding sakit pala kapag magulang mo na ang mawawala at hindi ko na sila makikita kahit kailan. " Iyak ako ng iyak kahit anong pigil ko sa mga luha ko patuloy pa rin ito sa pag patak.

" I'm sure may rason kung bakit kailangan ito mangyari. " Kahit anong rason pa yun parang ang hirap tanggapin na wala na ang parents ko. I was looking forward for today but I did not expect this to happen.

" Hindi ko alam kung kaya ko na mabuhay na wala na ang parents ko. Nasanay ako na kahit hindi ko sila nakikita lagi basta alam ko na nasa ibang bansa lang sila. It hurts so bad knowing I won't be able to see and hug them again. Hindi ko inaasahan na yun na pala ang huling hatid ko sa kanila sa airport, huling pagkikita at pagyakap ko na pala sa kanila yun. Kung alam ko lang, I would've stayed longer." Ang bigat bigat ng loob ko na kahit ilang balde pa ng luha ang iiyak ko pakiramdam ko hindi ito nababawasan.

" Sige lang, iiyak mo lang yan. Alam ko hindi mawawala ang sakit overnight at taon pa ang bibilangin siguro bago mo matatanggap na wala na sila Tito and Tita." Bumitaw na ako sa pagkayakap kay Stephen. Kahit paano hindi ako nag iisa sa bahay. Kung wala si Stephen baka mabaliw na ako sa sobrang kalungkutan.

Ang sakit isipin na wala na ang dalawang tao na nagbibigay lakas sa akin. Wala na ang nagbibigay ng payo sa akin. Wala na ang dalawang importanteng tao sa buhay ko, ang mga magulang ko. Sabi nila kayang tiisin ng mga anak ang kanilang mga magulang pero hindi kayang tiisin ng mga magulang ang kanilang mga anak. Sa side ko, hindi ko matiis ang mga magulang ko at the same time na hindi din nila kayang tiisin ako. Hindi ko man sila kasama lagi hindi ko naman nararamdaman na may kulang sa akin. Binusog nila ako ng pagmamahal kaya kahit wala na sila, alam ko na nandyan pa rin sila at gagabayan pa rin nila ako.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.