ILANG ARAW na akong nasa bahay lang at hindi ako pumasok sa school. Ilang beses na akong tinawagan nila Abby pero ni isa sa mga tawag nila wala akong sinagot. Wala pa akong lakas ng loob na pag usapan ang tungkol sa parents ko. Ultimo mga balita na tungkol sa trahedya pinaka iwas-iwasan ko.
" Maam Skye, dinalhan po kita ng lunch niyo. " Panibagong set ng pagkain na naman ang dinala ng maid ko sa kwarto ko pero as usual hindi ko man lang ginagalaw ang pagkain ko. Yung breakfast ko hanggang ngayon nasa ibabaw pa rin ng table ko at hindi ko man lang ito ginalaw. Wala akong ganang kumain, pati ang mabuhay nga parang nawalan na rin ako ng gana.
" Pakidala na lang po ng pagkain sa baba Manang, hindi po ako nagugutom. Salamat! " Tumalima naman ang katulong ko. Halata sa mukha niya na awang-awa siya sa akin pero ayoko na kaawaan nila ako. Kinuha niya ang pagkain na hindi ko ginalaw at dinala na ito sa ibaba. Bigla naman bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Stephen na galit ang mukha.
" Skye, what's wrong with you? Bakit hindi mo kinain ang breakfast mo? Pati lunch mo ayaw mo din kainin. Nagpapakamatay ka ba? " Bulyaw ni Stephen sa akin. Tumalikod ako ng higa sa kanya at nag talukbong ng kumot. Binuksan naman niya ang blinds ng bintana at pumasok ang nakakasilaw na liwanag ng araw.
" Stephen, close the blinds. Nasisilaw ako sa liwanag."
Sigaw ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinakinggan bagkus hinila niya ang kumot na nakatakip sa ulo at katawan ko.
" No, you need to get up! Sa tingin mo ba matutuwa sila Tita at Tito sa ginagawa mo? Naka burol sila ngayon pero ni minsan hindi ka nagpakita dun. Ang daming mga nakikiramay na hinahanap ka pero wala ang anino mo doon.. " Sermon niya sa akin. Unti unting nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luhang nagbabadya sa pagbagsak ng marinig ko ang tungkol sa parents ko. Gusto kong takpan ang tenga ko para wala akong marinig pero unti-unti na akong nilalamon ng katotohanan na wala na nga sila.
" I can't face them. Hindi ko kayang makita sila na nandun sa loob ng coffin. " Bumuhos na naman ang masaganang luha sa mga mata ko. I'm so vulnerable right now. Konting bagay na nagpaparemind sa parents ko iniiyakan ko.
" I understand that you're grieving right now. Easy for me to say na magiging okay din ang lahat kasi hindi ako ang namatayan ng magulang. And I would feel the same way kung sa akin din nangyari yan. But Skye, kailangan mong tanggapin ang katotohanan na wala na sila. " Tumabi siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Humihikbi ako dahil na rin sa hindi ko ma control ang sarili ko. Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. It is never easy to accept the passing of your loved ones especially if it was your parents. Sila talaga ang kahinaan ko.
" Kaya ko naman harapin ang mga pagsubok eh, huwag lang yung ganito. Mahina ako pag magulang ko na ang involved. Ganun na ba ako kasamang tao para parusahan ng ganito? " Nakatingin lang si Stephen na puno ng awa sa mga mata niya.
" I know that the pain you feel is incredible. Grief is the price we pay for love, and worth it a million times over. Umiyak ka lang kung nalulungkot ka, I will not stop you. But don't even think of giving up your life just because your parents are dead. Remember, we are still here. We will mourn together. " Pinunasan ko na ang mga luha sa mga mata ko. Ngumiti ako kahit na medyo masakit pa rin ang pagngiti. I know things will never be the same again.
" Magbibihis lang ako at samahan mo akong kumain sa baba then puntahan natin kung saan nakaburol ang parents ko. " Ngumiti siya sa akin. " Thank You Steph, for not leaving my side when you have your own problem to face too. " Niyakap ko siya at hinalikan niya ako sa noo. Tinulak naman niya ako papasok sa banyo para makapa ligo na ako.
" Go, take a shower. Ang baho mo na. " Saka tinalikuran niya ako.
Naligo naman ako kahit mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Kumuha ako ng puting dress at ito ang sinuot ko na tenernohan ko ng white strappy sandals. Matagal akong nakaharap sa salamin, tinitingnan ko ang kabuuan ko. Kahit ngumiti ako halata pa rin sa mga mata ko ang kalungkutan. Tumingala ako para pigilan ang nagbabadyang mga luha. I'm sure my parents won't be happy if they see me in this state. I heaved a sigh and went out of my room.
Nakahanda na ang mesa na puno ng pagkain and Stephen is waiting for me.
" You look better now than earlier. " Komento niya. Umupo na ako at kumuha ng food ko. Habang kumakain ako biglang pumasok ang tatlo. I did not expect them to come here.
" Skye, how are you feeling? " Bungad na tanong ni Abby. Pinandilatan naman siya ni Ayana and she suddenly shut her mouth.
" I'm still grieving. Kumain na ba kayo? " Kaswal na tanong ko sa kanila. Umupo naman sila sa bakanteng upuan and help themselves to eat. Panay naman ang tingin nila sa akin. Sobrang awkward ng mga nakaw na tingin nila sa akin. "Stop staring, okay lang ako. " Tinapos ko na ang kinakain ko at tumayo na. Sumunod din sila sa akin.
" Skye, alam ko hindi ka pa okay. I'm sorry for your loss. Just be strong. You will survive this. Tiwala ka lang. " Niyakap ako ni Ayana. Ngumiti ako kahit pilit lang ito. I felt a burning pain in my heart right now. Sunod-sunod ang dagok na dumating sa buhay ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung may darating pa ulit na panibago.
DUMATING kami sa lugar kung saan nakaburol ang parents ko. Pagbaba ko ng kotse parang biglang nanghina ang mga tuhod ko. Agad naman akong nilapitan ng tatlo at ni Stephen. Inalalayan nila ako papunta sa entrance ng lugar. Bukana palang puno na ng mga bulaklak at habang papalapit ako sa bukana ng venue pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko. Parang di ako makahinga dahil sa sobrang kabog ng dibdib ko. Unti unting namumuo ang mga luha sa mga mata ko nang makapasok na kami sa loob.
Maraming mga tao ang nandun para makiramay at halos lahat sila sa akin nakatingin. Dahan dahan akong lumapit sa dalawang kabaong nasa harapan ko. Una kong nilapitan yung sa kaliwa ko. Tuluyan ng bumagsak ang masaganang luha na pinipigilan ko mula pa kanina. Laying inside the coffin was my Mom. She was wearing a white long gown that I chose for her. This was her favorite gown because it was her wedding gown. Humagulgol ako sa sobrang bigat ng damdamin ko. Nilapitan ko ang kabaong ni Daddy at suot niya ang paborito niyang tuxedo dahil binili ko iyon sa kanya.
" Dad, Ma, hindi ko alam kung kakayanin ko ito. Kasi sa totoo lang parang ayoko na lang magpatuloy sa buhay ko. But I know, hindi kayo papayag na susuko ako. I'm sorry Dad, I'm sorry Ma kung ngayon lang ako nagpakita. Ang sakit sakit lang kasi. Hindi ko matanggap na wala na kayo. " Kinakausap ko sila na parang buhay pa rin sila. Nilapitan ako ni Stephen at niyakap.
" Ssshhh. It's okay. Iiyak mo lang yan. Nandito lang kami lagi. " Inaalo niya ako. Habang pinipisil niya ang kamay ko. Pakiramdam ko nawalan ng balanse ang buhay ko dahil sa pagkawala ng parents ko. Humihikbi pa rin ako pero humina na ang pag iyak ko. Umupo ako sa tabi nila Alex at niyakap niya ako.
" Skye, I'm sorry for your loss. " Sabi ni Alex. Nakatingin siya akin na puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata. Kumurap kurap siya para mawala ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Tila wala din siya sa sarili niya simula kaninang dumating sila sa bahay at ilap siya kay Stephen. Hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin. Hindi ako nakatiis kaya tinanong ko na siya.
" Alex, are you okay? " Nagulat siya sa tanong ko.
" Y-yeah, I'm okay. Bakit mo natanong? Ikaw nga dapat tinatanong ko niyan at hindi ikaw ang nagtatanong ng ganyan sa akin. " Ngumiti siya pero hindi umabot sa kanyang mga mata. Sabi nga nila you can smile in front of everyone but your eyes can't lie what you really feel inside.
" Someone told me today that grief is a price we pay for love. " Umiwas siya ng tingin sa akin at ibinaling ang tingin niya sa harap. Hindi na ako nagsalita pa dahil sa tingin ko she needs her space as well.
" Nandito ang Zion. " Bulong ni Abby sa akin. Napalingon naman ako sa tatlong lalaki na papasok sa loob. May dala-dalang bulaklak silang tatlo. Tumayo naman si Stephen at hinarap sila at nanatili lang akong nakaupo. Sinuot ko ang shades ko para matakpan ang mga mata ko na namumugto dahil sa pag iyak.
Lumapit silang tatlo sa akin at nakiramay. Tumango lang ako sa kanila at saka umupo sila sa bakanteng mga upuan. Tinitingnan Ako ni Zach pero ibinaling ko ang tingin ko sa harap. Dumating ang mga shareholders ng kompanya kaya napilitan akong harapin at pakitunguhan sila. Mabuti na lang nasa tabi ko si Stephen kaya tinutulungan niya ako sa pag asikaso ng mga bisitang dumadating.
" Nakikiramay ako sayo, iha. I was saddened by the death of your parents. I'm Theodoro Montelibano and this is my wife Lucia Montelibano. " Tinanggap ko ang pakikipag kamay ni Mr. Montelibano sa akin. I heard his name before at isa siya sa mga shareholders ng kompanya.
" Thank you, Mr. and Mrs. Montelibano. " Inaya ko sila sa bakanteng upuan at sumunod naman sila sa akin.
" Iha, we won't stay long. Nakiramay lang kami and we want to meet you in person. Soon, we will discuss the current situation of the company. " Diretsahan niyang sabi sa akin. Sumakit ang ulo ko pagkarinig ko ng tungkol sa kompanya. My parents did not train me yet on how to handle this big company. Alam ko na kami ang may malaking shares sa kompanya pero ang hawakan at i-handle ito ay wala pa akong experience. Unexpected naman kasi ang pagkawala nila kaya iniwan akong walang alam sa lahat.
" To be honest, hindi pa po ako handa na pag usapan ang tungkol sa kompanya. Just thinking about the deaths of my parents is too much to handle already, how much more handling the company? Give me time to digest all of these first. " Tumango naman si Mr. Montelibano sa suhestyon ko.
" Okay, we'll give you time. But not for too long iha. Sooner or later we need to discuss this. Nagpapatawag ng board meeting ang lahat na mga shareholders ng kompanya. They want this meeting ASAP. " Napahawak ako sa sentido ko. Lumapit naman si Stephen sa tabi ko at siya na ang nakipag usap kay Mr. Montelibano.
" Sir, with all due respect, let her breathe first. She will attend the meeting but for the meantime, hayaan niyo muna siya na magluksa sa pagkamatay ng parents niya. I hope you understand. " Tumango siya sa amin. Nakipag kamay siya ulit at saka nagpaalam na sa amin. Inihatid namin sila sa entrance at hinintay na makaalis saka bumalik ulit sa loob. Napa Buntong hininga ako.
" Tinuruan ka naman siguro nila Tito sa pag hawak ng kompanya diba? " Tanong niya bigla sa akin. Umiling naman ako kasi yun naman ang totoo. Napa buga ng hangin si Stephen dahil sa pag iling ko.
" What should I do Steph? It's a huge responsibility. Hindi ko yata kayang ihandle yun. " Sabi ko out of desperation. Hindi pa nga ako tapos sa pag aaral ko pero heto na agad ang kinakaharap kong problema.
"Siguro titingnan muna natin kung ano ang current situation ng kompanya. Namention ni Tito dati na may problema na kinakaharap ang kompanya pero na siyang sinabi na iba pang detalye. Don't worry too much, I'll help you. " Ngumiti ako sa kanya, at least kahit papaano dinadamayan niya ako sa kinakaharap ko na problema.
" Thank you Steph, you're the best talaga. " He patted my head.
" Who else will help you? Pamilya tayo Skye. Tayo-tayo rin ang magtutulungan. I got your back, remember that. " He smiled genuinely. Parang nabawasan ang bigat na pinapasan ko knowing Stephen will help me. Tama siya na pamilya din ang magtutulungan sa bandang huli.