TATLONG ARAW na ang nakalipas mula noong inilibing ang parents ko. Pagkatapos ng libing agad na pumunta ang family lawyer namin para pag usapan ang last will and testament ng parents ko at pati na rin sa kompanya.
" Good morning Miss Salvatore. " Bati ng lawyer sa akin. Kasama ko din dito si Stephen dahil part siya ng family.
" Good morning Mr. Alcantara. Have a seat. "
Umupo siya sa kabilang side ng sofa at binuksan ang attache case na hawak niya. Inilabas niya ang mga papeles doon at inumpisahan na basahin. Alam ko na ang laman ng Last will ni Daddy pero binasa pa rin ito just for formality and para may witness na rin.
" Miss Salvatore, ang kumpanya ay hahawakan muna ng Tita Stefanie mo habang hindi ka pa tapos sa pag aaral mo. Ilang months na lang naman at magtatapos ka na. "
" Okay lang naman po sa akin na si Tita Stefanie po ang mag manage ng kumpanya. "
"But, you must attend the board meeting everytime they set a meeting. Kailangan ang presensya mo doon. "
"That's okay. Is that all, Mr. Alcantara? " Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at tumayo na para magpaalam.
" I'll send you the copies of these documents. Have a good day, Miss Salvatore. "
" Thank you Mr. Alcantara. " Inihatid na namin siya sa pintuan at nakasunod lang si Stephen sa likuran ko pero ang tahimik niya. Nilingon ko naman siya dahil simula nung dumating ang lawyer wala siyang imik.
" Stephen, is something bothering you? " Tanong ko sa kanya.
Nagulat pa siya sa tanong ko dahil sobrang lalim ng iniisip niya. He's been very helpful with me throughout the time I was grieving. Hindi ko man lang naisip na problemado din siya. Lagi na lang kasi siyang nakangiti kahit na sa kaloob looban niya ang bigat na nang dinadala niya.
" I'm fine, Skye. Don't mind me. " Iniwas niya ang mga mata niya.
" Common Steph, I know you're not fine. Did you tell her already about your ex's pregnancy?"
Nakuha ko ang atensyon nya nung namention ko ang ex niya. Tumingin siya sa akin na puno ng lungkot ang mga mata. Umiling siya at napabuga ng hangin.
" I don't have the courage to tell her that I got my ex pregnant. I don't want to break her heart, Steph. " Halata na sobrang worried si Stephen.
Halos wala na siyang tulog at pahinga dahil sa sunod-sunod na dagok na dumating sa buhay niya. Pati ang pagkamatay ng parents ko siya ang nag asikaso ng lahat dahil para akong lutang ng mga sandaling iyon at hindi ako maasahan sa paggawa ng desisyon. Kaya si Stephen ang nag desisyon sa lahat. He carried too much burden but he never complained. He was there when I was down and it's about time that I will return the favor.
"But she deserves to know the truth. I will set dinner for both of you. You need to tell her everything before Tita Stefanie's arrival. " Pinal ko na sabi sa kanya. Nakayuko lang siya at ayaw niyang salubungin ang mga tingin ko. I couldn't bear watching him in this state. He seemed so lost and broken. I hugged him tight and patted his back as my way of comforting him. This is the least that I could do for him.
" I'm sorry for showing you my vulnerable side. " Ngumiti siya ng mapait sa akin.
" Lahat naman tayo may kahinaan. Kahit gaano ka pa ka lakas may isang bagay, tao or pangyayari ang magpapahina sa atin. Okay lang maging mahina as long na hindi ka sumusuko. " After saying that I left him there. Giving him the space he needed.
Nag pareserved ako ng table for two sa Aristocrat cuisine para sa magiging date nila Stephen at Alex. Hindi ko alam kung date ba na matatawag ito kung ang magiging topic nila ay break up. Ngayon pa lang nasasaktan na ako para sa kanilang dalawa. Naagaw ang atensyon ko nang mag ring ang cellphone ko.
AYANA IS CALLING…
" Ayana, napatawag ka? " Bungad ko sa kanya.
" Just checking you. Namimiss ko na ang bonding nating apat. " Malumanay niyang sabi.
" I miss you guys. I'm still grieving but I'm fine now. " I assure her. Hindi ugali ni Ayana ang tumawag ng walang dahilan kaya hinihintay ko kung ano ang susunod niya na sasabihin.
" Good to know, Skye. By the way, Alex's brother invited me for dinner on Saturday. " Pagbabalita niya sa akin. Halata sa tono ng pananalita niya na excited siya sa dinner na yun.
" Go for it. Sa tono pa lang ng boses mo halata na excited ka. " Tudyo ko sa kanya.
" No, I'm not. Ina update lang kita, bitch. " Tumawa ako ng malakas kasi kapag nahuli siya nagiging maldita siya sa akin. She called me bitch. She never calls me that way unless she is uncomfortable with our topic.
" Why so defensive Ayana? There's nothing wrong with that. I'm glad na may nagugustuhan kang guy. Finally! " Kinilig naman ang bruha dahil bigla na lang itong tumili. Nilayo ko ng kunti ang cellphone ko sa tenga kasi parang mababasag ang eardrum ko sa tili niya.
" I thought magagalit ka na makipag date ako sa brother ni Alex. " Sabi niya.
" Why would I? Hindi mo kailangan ng approval ko kung kanino ka makipag date. That's your personal life, Ayana. Labas na ako dun. " Napabuntong hininga naman siya.
" I know Skye, syempre gusto ko lang din malaman ang magiging reaksyon mo. You matter to me, that's why I want to know your opinion as well. " Pahayag niya sa akin.
" As long as you are happy, I will support you. " Ngumiti ako kahit hindi niya ako nakikita. I'm just happy that she's happy.
" Thank you, Skye " Tinapos na namin ang pag uusap dahil may gagawin pa siya.
Pumunta ako ng sementeryo para bisitahin ang puntod ng mga magulang ko. A part of me died when they left me. Pakiramdam ko hindi na babalik sa dati ang buhay ko. Palagi na itong may kulang at nakakalungkot isipin na ulilang lubos na ako. May umalpas na isang butil ng luha sa mata ko kaya dagli ko itong pinahid. Kinakailangan ko pang huminga ng malalim para mawala ang kahungkagan na nararamdaman ko.
" I miss you everyday Mom, Dad. Hindi ko alam kung magiging okay pa ako. Ang daya niyo naman kasi, umalis kayo na hindi man lang ako nakahanda. " Nagbabadya na naman ang mga luha ko kaya tumingala ako para pigilan ang pag patak nito.
" I love you both. Please, help me to move on. Help me to accept the fact that you were no longer here. " Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Kahit anong pilit ko na pigil dito hindi ko pa rin nagawa.
" Damn tears. " Bulong ko sa sarili ko.
" Panyo baka kailangan mo. " Napalingon ako sa nag abot ng panyo sa akin. Of all people bakit siya pa? Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang palad ko.
" Why are you here? May binibisita ka din bang puntod dito Ethan? Or baka sinusundan mo ako? " Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
" Dinalaw ko lang ang puntod ng lolo ko. Hindi ko alam na nandito ka din pala. " Kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang panyo dun.
" Hindi ko kailangan nito. Pero salamat. " Ibinalik ko naman sa kanya ang panyo pero hindi niya tinanggap iyon.
" Gamitin mo na iyan. I insist. " Matiim ko siyang tinitigan. Pero iniwas lang niya ang kanyang mga tingin.
" Lagi kang sumusulpot kung nasaan ako. Gusto ko ng isipin na stalker kita. " Tumawa 7siya sa sinabi ko.
" I'm not your stalker. Nagkataon lang talaga na kung nasaan ka, nandoon din ako. By the way, may iba ka pa bang pupuntahan? Gusto mo pumunta ng ClubRep? " Aya niya sa akin.
Alas singko pa lang naman ng hapon pero nagyayaya na itong mag bar. Lasinggero talaga itong si Ethan. First met nga namin sa ClubRep din, what's new?
" Okay! Malungkot naman kasing umuwi ng bahay ngayon. Doon na tayo magkita sa ClubRep. " Nauna na akong umalis at pumunta ng carpark kung saan naka park ang kotse ko. Nakasunod naman si Ethan sa likuran ko.
Sumakay na ako ng kotse ko at bumusina ako sa kanya, it was my way of telling him I'm going ahead.
Malapit lang naman ang ClubRep kung tutuusin pero dahil trapik ngayon at rush hour kaya inabot ng isang oras ang biyahe na originally half an hour lang naman ang biyahe mula sa sementeryo papunta ng ClubRep. Pagdating ko doon hinintay ko lang si Ethan na makapag park saka ako bumaba ng kotse ko. Sinalubong naman niya ako at inaya na sa loob ng bar.
Maaga pa lang pero marami ng mga customers ang nandoon sa bar. Puro estudyante ng Branston ang suki ng bar dahil alumnus din ng Branston si Peter na may-ari ng bar.
Doon kami pumwesto malapit sa bar counter. Lumapit si Henry sa amin at kinuha ang order namin na drinks.
" Good evening, Skye. Same as usual pa rin ba?" Tanong ni Henry.
" Good evening. Yes, same as usual. " Nag order naman ng whisky si Ethan. Ilang minuto lang at inihatid din ang order namin.
" Aba, whisky talaga? May balak ka bang magpakalasing ngayon? " Tanong ko sa kanya.
"Wala no, sayang ang opportunity na makausap ka kung magpapakalasing ako. Saka paano ka uuwi kung pareho tayong malalasing? " Hinampas ko naman siya.
" Damn you! Anong akala mo sa akin lasinggera? " Inirapan ko siya pero tumawa lang ang walanghiya.
" Ang ganda mo talaga pag nagtaray ka. " Komento niya.
" Matagal ko ng alam iyan. No need to tell me. " Mayabang ko na sabi sa kanya. Sanay naman siya sa ugali ko kaya balewala sa kanya kung mag taray man ako or magyabang sa kanya ng harap harapan.
" You never failed to amuse me. " Sambit niya sabay ngiti.
" Type mo lang ako kaya tuwang tuwa ka naman sa akin. " I said as a matter of fact.
" Yeah, right. Ikaw lang naman ayaw mo na magpaligaw sa akin. " Biglang sabi niya. Buti na lang hindi pa kami umiinom dahil kung nagkataon naibuga ko sa kanya iyon. Masyado siyang prangka kagaya ko.
" Shut up, Ethan. " Angil ko sa kanya. Na tahimik naman siya bigla kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin only to get dismay. Palapit sa kinaroroonan namin si Zach at matiim itong nakatingin sa amin.
" Ang sama ng tingin ng ex mo sa akin. " Bulong niya.
" Hanggang tingin lang naman iyan. Hindi naman ako maalala niyan. " Ngumisi siya sa sinabi ko.
" Ang bitter talaga. " Sambit niya.
" Pare, pwede ko bang makausap sandali si Skye? " Biglang tanong ni Zach na ang kinakausap ay si Ethan.
Nagtaka naman ako kasi never siyang nakipag usap sa akin simula nung naaksidente siya. Kung kakausapin niya ako kasama yun sila Zander at Zandro.
" Nakita mo naman na ako ang kasama niya diba? Pwede mo siyang yayain sa ibang araw. Not today, pare. " Pinakadiinan niya ang huling sinabi niya.
Nagsukatan sila ng tingin pero sa bandang huli unang bumawi ng tingin si Ethan. Kinuha niya ang baso ng alak at ininom niya ito. Umalis naman si Zach ng walang sabi-sabi.
" You pissed him off. " I told him.
" I know and I don't fucking care. " Napailing na lang ako sa sinabi niya. Why am I even concerned about what he will feel? I dismissed such thinking and drank my remaining tequila. Bakit niya pa ako kakausapin? What for? All I know is that we're over and we have nothing to talk about.