Chapter 35

Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom ko nang hilahin ako bigla at napaharap ako sa nang hila sa akin. Bigla akong napasimangot nang makita ko si Zach.

" What do you want? " Malamig na tanong ko sa kanya. Lumamlam naman ang kanyang mga mata dahil sa pagiging cold ko sa kanya.

" Can we talk? " Tanong niya.

" Hindi pa ba tayo nag uusap? " Sinagot ko din siya ng isa pang tanong.

" Not here please. " Pagsusumamo niya sa akin. Napabuntong hininga ako at sumuko sa kakulitan ni Zach.

" Fine, saan mo gusto na mag usap tayo? " Hindi ako tumitingin sa kanya dahil baka ipagkanulo ako ng puso ko.

" Follow me, I know a place where we can talk peacefully. "Sabi niya sa akin.

Nauna na siyang naglakad at nakasunod naman ako sa kanya. Nakatingin ako sa malapad niyang likod. How I loved all his movements. Pero lahat ng iyon sinarili ko na lang. Tumigil na siya sa paglakad kaya nabunggo ako sa likuran niya dahil sa lalim nang iniisip ko. Dinala niya ako sa tagong part ng garden dito sa school. Walang ibang estudyante ang nandito maliban sa aming dalawa.

" Have a seat. " Itinuro niya ang bench sa harapan ko. Pinaunlakan ko naman ang paanyaya niya.

" Start talking now. May pasok pa tayo. " Untag ko sa kanya.

" Kumusta ka na pala? Sorry for your loss. " Simula niya.

Tumingin ako sa kawalan at nag buntong hininga. Bumalik na ba ang alaala niya?

" Okay naman ako pero nagluluksa pa rin sa pagkawala ng parents ko. " Bigla na naman akong nalungkot dahil pinag usapan na naman namin ang parents ko. Kailan kaya ako masasanay na wala na sila?

" Anong nangyari sa ating dalawa? Bakit tayo nag hiwalay? " Sunod-sunod na tanong niya. Hindi ko naman na paghandaan ang kanyang tanong.

" You lost your memory, Zach. Sinubukan ko na ibalik yun pero ayaw mo akong papasukin sa buhay mo ulit. " Malamig ko na tugon sa kanya. Nakatingin siya sa akin na puno ng kalungkutan ang mga mata.

" Sana hinintay mo man lang na bumalik ang alaala ko bago mo ako hiniwalayan. Ang unfair mo naman Skye. " Sumbat niya sa akin. Nagpanting naman ang tenga ko sa sinabi niya.

" So dapat pala hinintay ko muna na bumalik ang alaala mo bago ako nakipag hiwalay? Wala ngang assurance kung kailan babalik ang nawawala mong alaala eh. Hindi ako naging unfair katunayan ikaw ang naging unfair sa akin. " Inis na sabi ko sa kanya.

" Kung tungkol ito kay Tasha, wala siyang kasalanan dito. It's all my fault. " Sumikip ang dibdib ko dahil sa pag tanggol niya sa babaeng iyon. Wala naman akong pakialam kung ipagtanggol niya si Natasha kasi kahit hindi pa nawawala ang alaala niya importante na sa kanya si Natasha.

" Okay! Kasalanan mo nga. Hindi mo man lang pinaniwalaan ang mga sinabi sayo tungkol sa ating dalawa. Tuwang-tuwa ka na kayo ni Natasha samantalang ako durog na durog dahil sayo. " Pinipigilan ko ang mga luha ko na pumatak dahil ayaw ko nang umiyak na siya ang dahilan. I'm so done with all this shit.

" I lost my memory, Skye. I'm sorry. " Hinging paumanhin niya. But it's too late for that.

" You lost me. And I don't need your sorry. Siguro nga hindi talaga tayo ang para sa isa't isa. " Tumalikod ako para punasan ang umalpas na luha sa mata ko.

" I love you Skye. Ikaw pa rin. " Bumilis ang tibok ng dibdib ko nung sinabi nya iyon. Pumatak naman ang luha sa mga mata niya. I can't bear to see him cry. Ang sakit lang sa dibdib.

" It's too late, Zach. You have Natasha now. Kahit maldita ako hindi ko ugali ang mang-agaw ng boyfriend ng iba. " I want to congratulate myself for not crying. For showing my strong side. Pero sa loob-loob ko para na akong mamamatay sa sobrang sakit. Damn you, heart.

Hinawakan niya ako sa mga braso ko at iniharap sa kanya pero iniwas ko ang mga tingin ko. Ayaw ko na ipagkanulo ako ng mga mata ko. Hangga't kaya ko pang kontrolin ang nararamdaman ko ay gagawin ko.

" Tumingin ka sa mga mata ko saka mo sabihin na hindi mo na ako mahal. Na ayaw mo na talaga sa akin. Pagkatapos nito titigilan na kita." Nanginginig ang katawan ko dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Nilakasan ko ang loob ko at hinarap ko siya. Buong tapang akong tumingin sa mga mata niya saka ko binitawan ang mga katagang tuluyan na maglalagay ng malaking pader sa pagitan namin.

" H-hindi na kita mahal, Zach. Palayain mo na ako dahil matagal na kitang pinalaya. Hayaan mo na maging masaya tayo sa pinili natin. " Sobrang sakit nito sa puso ko pero kailangan ko na maging matatag sa harap niya.

" Masaya ka ba talaga kay Ethan? " Tumango ako kahit kabaliktaran naman ang nararamdaman ko. Hindi naman kami ni Ethan pero umuo ako para tigilan na niya ako.

" Iyon lang naman ang gusto ko na malaman. Hindi na kita guguluhin pa. I just want you to be happy. I love you so much that I am willing to go through hell just to see you happy. Even if I am no longer the reason for your happiness. Goodbye, Skye. " Ngumiti siya ng mapait at pinunasan ng marahas ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata.

Tumalikod na siya at marahang inihakbang ang kanyang mga paa palayo sa lugar na iyon. Naiwan akong nakatayo doon, durog na durog ang puso ko. Tuluyan ko ng pinakawalan ang mga luha na kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko. I don't deserve all these pains and sufferings. Napaupo ako sa bench dahil nanghihina ang mga tuhod ko. Hindi na ako makakapasok sa klase ko sa ganitong sitwasyon. Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko at inayos ang sarili ko saka dali-dali akong pumunta ng parking lot.

" Skye, are you okay? " Nakasalubong ko si Ethan. Tinanguan ko lang siya saka pumasok na ako sa kotse ko at nag drive na ako paalis sa lugar na iyon.

Hindi ko alam kung saan ako patungo basta nag drive lang ako hanggang sa napadpad ako sa sementeryo. Nagulat na lang ako nung makita ko ang arko ng sementeryo. Nanatili lang ako sa loob ng kotse ko at doon bumuhos ang mga luha ko. Mahigit kalahating oras din akong umiiyak at nasa loob lang ng kotse ko. Kanina pa tumatawag sina Stephen at Abby pero ni isang tawag wala akong sinagot. Gusto ko lang muna mapag isa. Sana ito na ang huling pag iyak ko na si Zach ang dahilan. Bakit kasi hindi ko na lang sinabi sa kanya ang totoo na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Na siya pa rin ang gusto ko na maging boyfriend. Pero mas pinili ko ang magsinungaling. Now I am suffering from my own stupidity. Hindi ko ito ginusto pero nandito na ito. Baka nga hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Baka pinagtagpo lang talaga kami pero hindi kami ang itinadhana.

Napakislot ako nung may kumatok sa bintana ng kotse ko. Napatingin ako doon at nakita ko si Ethan na nakatayo doon. Ini-unlock ko ang kotse saka umikot siya sa kabila at sumakay sa passenger seat. Umupo siya pero hindi siya nag sasalita. Nakatingin lang siya sa harapan at hindi ako inimik.

" Why are you here again? Binisita mo na naman ba ang Lolo mo? " Tanong ko sa kanya. Pambasag sa katahimikan. Ngumiti lang siya pero hindi naman abot sa kanyang mga mata.

" Sinundan kita, baka kasi kailangan mo ng kausap. " Nakatingin pa rin siya sa harap. Wala yatang balak na tapunan ako ng tingin.

"Bakit ganun? Kung sino pa yung gusto mo hindi naman pwedeng maging kayo. " Ayan na naman ang mga luha ko. Nagbabadya na naman sa pag patak.

" Ganun nga talaga siguro iyon. Kasi iyong taong gusto ko iba naman ang gusto." Napalingon ako sa kanya at kitang kita ko na nahihirapan din siya.

" Mahirap kasi na one sided lang, mas masakit na hindi kayang ireciprocate ng isa yung nararamdaman mo para sa kanya. I wish I could teach my heart to choose who to love. Edi sana hindi tayo nagdurusa ngayon. " Sambit ko. Nakatingin na siya sa akin this time.

" Mahal kita Skye. At masakit para sa akin na makita kang nasasaktan pero wala akong magawa. Isang tao lang ang alam ko na pwedeng makatanggal sa sakit na nararamdaman mo pero siya din ang dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon. " Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Sinalubong ko ang mga titig niya. Bakit di na lang sa kanya pwedeng ibaling ang nararamdaman ko para kay Zach?

"I told him that I don't love him anymore. I lied just to save myself from getting hurt so badly. " Hinawakan niya ako sa kamay pero wala akong maramdaman na spark or kilig man lang.

" It's okay not to be okay. Tao ka lang naman. My kahinaan ka rin kaya naiintindihan kita. Basta kahit anong mangyari nandito lang ako. Hayaan mo lang akong mahalin ka kahit hindi mo ako mahal. "

" I admire you, Ethan. You love me without asking me to love you back. " Niyakap ko siya kasi pakiramdam ko kailangan niya din iyon. Niyakap niya din ako pabalik. Kahit ito man lang magawa ko para mabawasan ang bigat ng nararamdaman niya. Kung magmamahal ako ulit sana kay Ethan na. He deserves to be loved as well.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.