Chapter 36

Nasa cafeteria ako ngayon kasama ko ang tatlo. Tahimik ang table namin na kadalasan naman maingay sina Ayana at Abby. Nakakapanibago lang ngayon kasi ang tahimik nilang tatlo.

" May dumaan ba na anghel? Ang tahimik niyo at hindi ako sanay. " Turan ko sa kanila.

Tumingin naman si Ayana sa akin at itinuro si Alex na nakatulala. Sobrang lungkot ng mga mata niya at mukhang kagagaling lang sa pag-iyak. Hindi ako nakatiis kaya tinanong ko na siya kahit alam ko na hindi siya okay.

" Alex, are you okay? " Lumingon lang siya sa akin saka tumango at ibinaling ulit ang mga mata sa labas.

"Alex, nag usap na kayo ni Stephen? " Pagkarinig niya ng pangalan ng pinsan ko tumingin na siya sa akin at may mga luhang nagbabadyang papatak sa mga mata niya.

" Yeah, sinabi na niya sa akin ang lahat. Akala ko matatanggap ko pero ang sakit pala. " May pumatak na luha sa kanyang mga mata. Nalulungkot ako para sa kanya pero kahit ako nalulungkot din sa nangyari sa amin ni Zach. May kanya-kanya kaming mga problema na kinakaharap pero sinisigurado ko na dadamayan ko sila.

" What happened Alex? " Tanong ni Ayana dahil bigla na lang umiyak si Alex. I feel her pain. Makikita mo sa mga mata niya kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon.

" Aalis na siya sa makalawa, babalik na ng France. Akala ko nahanap ko na iyong lalaki na para sa akin pero false alarm lang pala. " Sambit niya habang nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

"May mga bagay kasi na hindi natin inaasahan na mangyayari. Kahit si Stephen, hindi niya iniexpect na mabubuntis niya ang ex niya. Pero isa lang ang alam ko, na minahal ka niya Alex at seryoso siya sayo. But shit happens. " Nakikinig lang sila habang patuloy sa pag iyak si Alex.

" Tama si Skye, ngayon ko lang nakita na seryoso si Stephen sa isang babae. Dati kasi kabilaan ang mga babae niyan. But he just suddenly changed when he met you. "Komento ni Abby.

" Kung kayo talaga ang nakatadhana, magkakabalikan din kayo niyan sa huli. But for the meantime mag enjoy ka muna sa buhay mo. Kaya mo iyan. Everything happens for a reason. " Paulit-ulit na nag echo sa isip ko ang huling sinabi ni Ayana. Kasi nakakarelate ako sa sinabi niya. Everything happens for a reason. She's right.

" Thank you. Siguro nasasaktan pa ako ngayon pero magiging okay din ako. Hindi man sa ngayon but sooner or later matatanggap ko din ito. Perhaps, we were just meant to love each other but not meant to be together. " Pinunasan na niya ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Nakangiti na siya ngayon sa amin pero mababakas pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi naman kasi mawawala ang pain overnight. Lalo na kung puso ang nasugatan. For some, it took them months or years before their heart healed completely.

" Don't worry Alex, you have us. Sabay tayong magpapahilom ng sugat sa ating mga puso. " Tumawa ako ng mapakla kahit kabaliktaran naman iyon ng nararamdaman ko.

" Skye, alam ko may pinagdadaanan ka rin pero hanga ako sayo. Sobrang tatag mo kahit sunod-sunod na problema ang dumating sa buhay mo. Kung ako yan baka sumuko na ako. " Ani ni Abby.

"You have no idea Abby. Muntik na rin akong sumuko. Dumating sa punto na hiniling ko na lang na sana kunin na rin ako para matapos na ang paghihirap ko. Pero naalala ko kayo at kung paano niyo ako dinadamayan. Magiging unfair ako kung susuko ako habang kayo ginagawa niyo ang lahat to cheer me up. Thank you guys. " Nagyakapan kaming apat. Narinig ko na lang na may pumalakpak sa likuran ko at nakita ko si Martina na nakatayo doon.

" Nice speech Skye. "Nang uuyam na sabi niya.

" Sorry Martina, pero wala akong time para sayo. And don't you dare na hawakan ako baka mahahalikan mo ang sahig ng wala sa oras. " Banta ko sa kanya. Kinabahan naman yata siya kaya tumalikod na lang siya at umalis doon. I feel bad for Martina dahil pakiramdam ko kulang siya sa atensyon.

" Ang dami mo na ngang problema tapos may mga kontrabida pa sa buhay mo. " Komento ni Ayana.

" Hayaan mo na sila. They just want my attention. " Tumayo na ako at pumunta na sa klase ko.

PAGPASOK ko sa loob ng room tahimik silang lahat at nakatingin lang sa akin. I held my head high and went to my chair. Hindi ko na tinapunan ng tingin ang Zion. I ignored them completely. Mas mabuti na iyong ganito, ako na mismo ang iiwas sa kanila. I want my remaining days here in school to be peaceful and quiet. Walang asungot na aaligid sa akin mas mabuti. Kung pwede nga lang hilahin na ang araw para matapos na ang klase namin ginawa ko na. Pero kailangan ko pang magtiis ng ilang buwan bago tuluyan na makapag move on. Buong klase akong tahimik lang at nakatingin sa labas. Paminsan-minsan tinitingnan ko ang oras dahil kating kati na akong makaalis sa lugar na to. Para akong nasasakal knowing that Zach is staring at me. Kahit hindi ako tumingin ramdam ko ang mga mabibigat niyang titig. Kaya nung mag bell, dali-dali akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa parking lot. Tinatawag ako ni Zander pero hindi na ako lumingon sa kanya at pumasok lang ako sa kotse ko at pinasibad na ito.

PAGDATING ko sa bahay nandoon na si Stephen at naka impake na ang mga gamit niya. Nilapitan ko siya at inakbayan.

" Darating pa lang si Tita Stefanie mamaya pero aalis ka na agad? " Nalulungkot ako kasi babalik na siya ng France. Wala nang mangungulit sa akin dito sa bahay kapag umalis na siya.

" Gusto ni mommy na bumalik na ako ng France para harapin ang consequence ng kagaguhan ko. " Ngumiti siya pero halata naman na nalulungkot siya.

" Sayang kayo ni Alex. Kung matino ka lang sana Steph wala ka sanang ganitong problema. Pero blessing naman yung bata kaya kahit papaano maswerte ka pa rin. " Sana lang gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi ko.

" Sobrang nagsisisi ako sa mga kagaguhan ko. Mahal ko si Alex pero kailangan ko din panindigan ang responsibilidad ko sa bata. Napasabunot siya sa kanyang buhok. Stressed written all over his face.

" Right love at the wrong time. " Napailing na lang ako. Ang hirap ng sitwasyon niya at nakakapang hinayang silang dalawa ni Alex. Naaawa ako kay Alex pero kapag tadhana na kasi ang magbiro sobrang sakit eh.

" Magbihis ka na at susunduin pa natin si mommy sa airport. " Utos niya sa akin.

Umakyat ako sa taas para mag palit ng damit. Pagbaba ko naghihintay na sa labas si Stephen. Kinuha ko lang ang bag ko saka umalis na kami. Buong biyahe kaming tahimik at wala ni isa amin ang may balak na magsalita. Ini-on ko ang radyo nilagay sa music at sakto naman na ang tumutugtog na kanta ay I love you, Goodbye.

Hindi ko alam kung nananadya ba ang kanta pero saktong sakto sa sitwasyon. Mahirap iwanan ang taong mahal mo. Kahit ayaw mo na iwan siya dahil kapag ginawa mo iyon hindi lang siya ang masasaktan mo kundi pati ikaw madudurog din. Pero wala kang choice kundi iwan siya dahil iyon ang sa tingin mo na makakabuti sa inyong dalawa.

Minsan kasi kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, kahit na sa tingin mo siya na ang right person at right love mo pero hindi kayo ang nakatadhana, hinding hindi talaga kayo magkakatuluyan sa huli. Gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para paghiwalayin kayong dalawa. Pinagtagpo lang kayo pero hindi kayo itinadhana.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.