Nasa airport na kami ni Stephen at hinihintay ang paglabas ni Tita Stef sa arrival area. Nakatingin lang ako sa mga taong dumadaan sa harap ko. Naalala ko ang huling punta ko ng airport, yun yung araw na hinatid ko sa airport ang mga magulang ko. Iyon na rin ang huling hatid at pagkikita namin sa isa't isa. Para na naman akong maiiyak na parang may nakabara sa lalamunan ko at ang hirap lumunok.
" Skye, are you okay? " Tanong bigla ni Stephen. Agad naman akong napalingon sa kanya na may pagtataka.
" Yeah, I'm fine. Why? " Kinuha niya ang tissue at pinunasan ang mukha ko.
" You're crying silently. " Komento niya.
Hindi ko alam na tumutulo na pala ang mga luha ko. Kapag naiisip ko kasi mga magulang ko hindi ko talaga mapigilan na tumulo ang luha ko. Pinahid ko naman ang mga luha ko kasi nakatingin na sa gawi ko ang ibang mga tao. Napayuko ako upang itago ang mukha ko. Nakakahiya!
" Naalala ko lang ang parents ko. " Mahina kong usal.
Nilapitan ako ni Stephen at agad na niyakap. Somehow, gumaan ang pakiramdam ko. Paano na lang pala ako kapag bumalik na sa France ang mokong na ito? Magiging boring na naman ang buhay ko.
" You'll be fine Skye. Sa ngayon masakit pa yan kasi bago pa lang. Later on masasanay ka na din kapag tanggap mo na nawala na sila tita at tito dito. " Ginulo niya ang buhok ko. Napasimangot naman ako dahil sa ginawa niya.
"Can you stop messing with my hair? Nakakainis ka talaga. Pasalamat ka at kinocomfort mo ako. Naku! " Gigil ko na sabi sa kanya. Pero tinawanan lang niya ako. I will miss him when he leaves. Wala na akong kakulitan at wala na mang asar sa akin. My life will be boring especially now that my parents are gone. Huminga ako ng malalim para alisin ang paninikip ng dibdib ko.
Maya maya lang lumabas na sa arrival area si Tita Stefanie. Agad siyang kumaway nang makita niya kami. At si Stephen naman nakasimangot dahil alam niyang ilang oras na lang babalik na Siya ng France. I feel bad for him but proud at the same time for being responsible for his actions. Sinalubong ko si Tita Stef ng yakap at ganoon din ang ginawa niya.
" I missed you iha. " Sambit ni Tita sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Hinagod niya ang likod ko habang patuloy pa rin nakayakap sa akin. Lumapit naman si Stephen at humalik kay Tita Stef.
" Ikaw Stephen, mag usap tayo mamaya. Gusto ko lang naman na makapagtapos ka ng pag aaral mo pero apo ang ibinigay mo sa akin. Loko ka talaga. Nagmana ka talaga sa ama mo puro kalokohan ang inaatupag. " Sermon ni Tita kay Stephen.
" Ma, nasa public place tayo. It can't wait? " Mahinang bulong ni Stephen. Pero sinamaan lang siya ng tingin ni Tita.
" This is your mess, Stephen. You better fix it. "Lumakad na si Tita at hinayaan na si Stephen ang humila ng trolley na dala niya. Siniko ko naman siya to cheer him up. Lumingon siya sa akin pero nakasimangot pa rin ang mukha.
" Everything will be fine, Steph. " Pumunta na kami sa eight seater van na dala namin. Kasya ang dalawang maleta ni Tita sa loob ng van. Si Stephen ang nag drive kaya si Tita ang umupo sa passenger seat. Doon naman ako pumwesto sa likuran ni Stephen.
"Skye, Diba may board meeting this coming Friday? You must attend so you will know what they're going to discuss. The lawyer will introduce me to the board of directors. " Tanong ni tita Stef habang bumabyahe na kami pauwi ng mansyon.
Hindi ko alam kung paano makipag harap sa mga board of directors. I met one of them and I don't like his presence. Pakiramdam ko hinihintay niya lang na magkamali ako at bumaba ako as the CEO of the company and he will take over.
" Yes Tita, attorney Alarcon will be there. He told me already about this board meeting. I'll attend. " Sabi ko sa kanya.
Tahimik naman na nagmamaneho si Stephen at nakatingin lang sa daan. I kept quiet when tita did not say anything after that. Pagdating sa bahay ipinababa ko na lang sa driver namin ang mga bagahe ni tita para dalhin sa room niya. She will stay in our house while she's here in the Philippines. They have their own house but just like Stephen, she wants to stay here to accompany me while I'm still grieving over my parent's death.
" Tita, feel at home po. Take a rest, alam ko po pagod kayo sa biyahe. If you need anything just let me know. I'll be in my room. " Nagpaalam na ako kay tita dahil kahit ako pagod din.
KINABUKASAN, maaga akong nagising dahil na rin siguro ito ang araw ng alis ni Stephen. Pagbaba ko sa sala nadatnan ko siya na kumakain sa dining table. Umupo ako sa bakanteng upuan na katabi ni Stephen.
" Good morning Teptep, ready ka na ba mamaya? " Bati ko sa kanya. Humigop ako ng kape habang nakatingin sa cellphone ko.
" Good morning, Skye. Hindi ako ready na bumalik sa France pero wala akong choice. " Matamlay niyang sagot kasabay ng buntong-hininga.
" Okay lang yan Tep. Everything happens for a reason. Maybe this is a wake-up call for you. At least now you're becoming more responsible with everything. I'm so proud of you for being man enough to face your responsibilities to your ex. " I tapped his shoulder. Ang laki na talaga ng pinagbago niya simula ng makilala niya si Alex.
" Good morning, ang aga niyo yata nagising? " Bati ni tita Stef sa amin. Umupo siya sa kaharap na upuan ni Stephen.
" Good morning. " Sabay namin na bati ni Stephen.
" Iho, alam ko nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon. I've seen you grow from being a happy-go-lucky to a responsible man. I have never been this proud. I love you, son. " Pinisil ni tita ang kamay ni Stephen. Napangiti ako sa eksena nilang mag-ina. May kumawalang butil ng luha sa aking mata pero pasimple ko itong pinunasan. Namimiss ko na naman ang mga magulang ko.
" Ma, you guys taught me how to be responsible. Mukha lang ako hindi seryoso sa buhay pero wala akong ibang pinapangarap kundi ang makapagtapos ako sa pag-aaral. I want you and daddy to be proud of me. " Lumapit si Stephen kay tita saka niya ito niyakap. That's my cue to leave. I give them privacy kasi alam ko marami silang pag uusapan bago bumalik si Teptep sa France. Umakyat ako sa room ko para maligo at magbihis. May pasok pa rin ako kaya kailangan ko ng mag handa.
Pagkatapos kong gawin ang mga dapat ko na gawin saka pa lang ako bumaba. Nandoon pa rin ang mag-ina sa sala at nag-uusap pa rin.
" Tita, Teptep, I hate to interrupt you guys but I need to go to school now. See you later. " Paalam ko sa kanila. Bago ako lumabas humalik muna ako kay tita at yumakap naman ako kay Teptep.
" Mag-iingat ka Skye. Huwag kang tanga, lampa ka pa naman. " Iyong ngiti ko napalitan ng sambakol na mukha. Kung wala lang sa harap ko si tita baka nasapok ko na si Teptep.
" Nag-iingat ako lagi, hindi kagaya mo. Tseh! " Inirapan ko siya sabay talikod.
" Kayo talaga mula noon hanggang ngayon matindi pag nag-aasaran. Grow up, kids. " Sabi ni tita saka siya umiling.
" Tita/Ma.. " Sabay namin na sabi ni Teptep. Nagkatinginan kaming dalawa saka tumawa. Napailing na lang si tita sa amin.
Lumabas na ako at sumakay sa kotse ko. Nakasunod naman si Teptep sa akin. Pumunta siya sa gilid ng pinto at kumatok sa bintana ng kotse. Binaba ko naman ang bintana para makadungaw siya sa akin.
" Ingat ka. I will miss you Skye. Kapag sinaktan ka ng mga lalaki, tawagan mo ako at uuwi ako agad ng Pilipinas. " Makabagbag damdamin niyang sabi sa akin. Akala mo naman hindi ko siya ihahatid sa airport kung makapag drama siya ngayon. Pinisil ko ang ilong niya at tinabig naman niya ang kamay ko.
" Hoy, ihahatid kita sa airport mamaya. Ang drama mo na. Ako ba talaga ang mamimiss mo or si Alex? With the mere mention of Alex's name, he suddenly looks away. I patted his arm. Alam ko na kung ano ang sagot sa tanong ko.
" I will miss her pero hindi na pwede. " Sambit niya saka siya tumalikod at pumasok na sa loob. Nakatingin lang ako sa likod niya habang unti-unti siyang nawawala sa paningin ko. Poor Stephen.
PAGDATING ko sa school nag park lang ako sa parking space ko at naglalakad patungo sa classroom. Makakasalubong ko si Zach at malayo pa lang nakatingin na siya sa akin. Taas noo akong naglalakad at nakatingin lang sa harapan. Marami akong naririnig na nagbubulungan pero deadma lang ako sa kanila. Nang makatapat ko na si Zach hindi ko siya tinapunan nang tingin at nilampasan ko lang siya. Narinig ko ang pagsinghap ng mga estudyante pero binalewala ko lang iyon. Pumasok na ako sa loob ng classroom at lahat ng mga mata nasa akin na naman nakatutok. Sanay na ako sa ganito kaya balewala na lang talaga sa akin ang mga tingin na ipinupukol nila sa akin.
" Skye, nakita mo ba si Zach? "Tanong ni Zander. Tumaas ang kilay ko sa tanong niya.
" Bakit ako ang tinatanong mo? Kayo ang magkasama lagi tapos hindi mo alam kung nasaan siya? " Mataray na sagot ko sa kanya. Nagulat siya sa bigla kong pagtaray pero ngumisi lang siya sa akin.
" Bakit ang sungit mo? Ang aga-aga mainit na agad ng ulo mo. Mayroon ka no? " Sambit niya sabay tawa ng malakas. Tiningnan ko siya ng masama dahil wala naman nakakatawa sa mga sinabi niya.
" It's not funny, Zander. Get lost. " Kinuha ko ang headset ko at kinabit iyon sa cellphone ko saka nakinig ako ng music. Wala ako sa mood makipag kulitan kay Zander. Pero sobrang kulit niya at nakalimutan ko iyon. Kinuha niya ang isang earpiece at nilagay yun sa tenga niya.
" Ano ba Zander! I said, get lost! Ano ba ang hindi mo maintindihan doon? " Singhal ko sa kanya. Naagaw na ang atensyon ng mga kaklase ko dahil sa pagtaas ng boses ko pero wala akong pakialam sa kanila.
" Hey, chill ka lang. Binibiro lang kita pero ang init naman ng dugo mo. " Sabi niya saka bumalik na siya sa kanyang upuan. Na guilty naman ako sa ginawa ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ang init ng ulo ko ngayon. Siguro dahil nalulungkot ako at ito iyong way para hindi ako i-consume ng kalungkutan.
Mabilis lumipas ang oras at hindi ko namalayan na uwian na pala. Nagmamadali akong umuwi dahil ihahatid ko pa sa airport si Stephen. Pagdating ko sa bahay nakahanda na siya. Nasa labas na ang mga maleta niya at nakabihis na rin siya. Nakahanda na siya physically but mentally and emotionally hindi pa. Bakas sa mga mata niya ang lungkot.
" Teptep, hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko sayo para mabawasan ang kalungkutan mo. But I know kaya mo malampasan lahat ng ito. " Pinisil ko ang tungki ng kanyang ilong. Ngumiti lang siya pero hindi naman abot sa kanyang mga mata.
" I'll be fine Skye. Don't worry too much. Halika na at baka malate ako sa flight ko. " Sabi niya at ginulo niya ang buhok ko. Gusto kong mainis pero ngumiti na lang ako dahil matagal pa ulit bago kami magkita muli.
Nauna na siyang lumakad at this time ang driver na namin ang magdadrive. Naisakay na lahat ng mga bagahe ni Stephen kaya sumakay na rin kami sa van. Magkatabi kaming tatlo sa backseat napagitnaan namin si Stephen. Buong byahe na tahimik kaming tatlo. Si tita Stefanie nakatingin lang sa labas ng bintana. Habang si Stephen naman nakatingin lang sa unahan at halatang tensed ang mukha. Napabuntong-hininga ako dahilan para mapatingin si Stephen sa akin.
" Okay ka lang ba? " Tanong niya.
" Yes, Okay lang ako. Nalulungkot lang kasi mawawalan na nang maingay sa bahay. " Nakabusangot ko na sagot sa kanya.
"Ayaw mo nun, wala ng manggugulo sayo. " Sabi niya.
" Ang totoo niyan nagbubunyi ako dahil sa wakas aalis ka na. Tuwang tuwa nga ako pero hindi lang halata. " Pang aasar ko sa kanya.
" I will miss you too. " Natahimik na ako dahil sa totoo lang mamimiss ko siya talaga. Ayaw ko lang aminin sa sarili ko kasi hindi ako sanay sa malungkot na pamamaalam.
Mabilis kaming nakarating sa airport dahil hindi gaano matrapik. Nasa departure area na kami at naghihintay na maka check in si Stephen. Dumating naman sina Ayana at Abby pero hindi nila kasama si Alex. Sinalubong ko silang dalawa.
" Where's Alex? " Bungad na tanong ko sa kanilang dalawa.
" I tried calling her but her phone is off. " Sambit ni Abby. Napatingin naman ako kay Stephen na nakatingin sa amin at nakikinig sa usapan namin. Lumapit siya sa kinaroroonan namin.
" Sorry Steph, nakapatay ang cellphone niya. " Malungkot na sabi ni Ayana.
" Hey, alam ko. Tinatawagan ko din siya kanina pa pero nag riring lang then nung tumawag ako ulit naka off na ang phone niya. " Malungkot na yumakap si Abby kay Stephen.
" I will miss you Stephen. Magpakatino ka na doon. Ninang kami ng anak mo. " Turan ni Abby.
" Have a safe flight Teptep. I will miss you. Dadalawin kita doon after graduation. " Niyakap ko siya nang mahigpit bago ako bumitiw. Lumapit siya kay tita Stef sabay yakap at hinalikan ito sa noo. Nadako ang tingin ko sa bandang restroom at nahagip ng tingin ko si Alex. Nagtatago sa isang poste at alam ko na nakatingin siya dito kaya nagtago siya nung makita niyang nakatingin ako sa gawi niya.
" Wait, cr lang ako. Huwag ka muna mag check in Tep. Wait for me. " Dali-dali akong lumakad papuntang cr. Alam ko nandoon pa rin si Alex nagtatago. Pagdating ko sa poste kung saan siya nakakubli nagulat siya nang makita niya akong nakatayo sa harapan niya.
" Bakit ka nagtatago dito? Bakit hindi ka lumapit kay Stephen at magpaalam ng matino sa kanya? " Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Hindi siya makatingin sa akin at nanatili siyang nakayuko.
" I-I can't Skye. Ayaw ko na makitang aalis siya. Ang sakit sa dibdib. " Gumaralgal ang kanyang boses. May pumatak na luha sa kanyang mata at mabilis niya itong pinunasan.
" Duwag ka Alex. Alam mo ba kung wala lang baby na involved dito sa tingin mo ba aalis si Stephen? Mahal ka niya. Sana kahit sa huling pagkakataon magpakita ka sa kanya. " Nakatungo lang siya at ayaw akong tingnan.
" Duwag nga siguro ako Skye. Hindi ako kasing tapang mo. " Sabi niya habang humihikbi. Marami na rin na mga tao ang napadaan sa gawi namin pero hindi ko na pinansin.
" Just for once, subukan mo naman maging matapang. Naghihintay si Stephen. Any moment papasok na yun at hindi mo na siya makikita sa mga susunod na araw. You have to decide, Alex. I'm going now. " Umalis na ako at iniwan ko siya doon para makapag isip. Kung ano man ang desisyon niya sana hindi niya pagsisisihan. I'm just doing both of them a favor.
" Nag cr ka lang tapos ang tagal mo. Akala ko nalunod ka naroon sa loob. " Bungad ni Stephen.
" Mahaba ang pila eh. " Sagot ko sa kanya. Panay ang tingin ko sa pinanggalingan ko nagbabakasakali na baka pumunta si Alex dito at magpaalam man lang kay Stephen. Pero hanggang sa dumating na ang oras na mag check in si Stephen hindi nagpakita si Alex.
" Sige na Tep, pumasok ka na doon. " Taboy ko sa kanya. Ang bigat ng mga hakbang niya na tila parang may nakatali na mabigat na bagay sa mga paa niya. Kumaway siya sa amin at saka tumalikod.
" Stephen, wait. " Agad napalingon si Stephen sa tumawag sa kanya. Napangiti ako dahil dumating siya. Tumakbo si Stephen na sinalubong ng yakap si Alex. Mahigpit na yumakap pabalik si Alex.
" Akala ko hindi ka na darating. Thank you dahil sa huling sandali nagpakita ka. Just promise me that no matter who you meet and fall for, you'll remember that I loved You first. " Hindi ko napigilan ang pag tulo ng luha ko sa sinabi ni Stephen. Ramdam ko ang pagmamahal niya kay Alex. Pagmamahal na nagpaparaya.
" I love you, Stephen. You will always have a special space in my heart. Thank you for loving me. " Humihikbi na sabi ni Alex. Niyakap siya ni Stephen for the last time. Lumapit naman si tita at yumakap sa dalawa. Bago umalis si Stephen pinakilala niya muna si tita Stef kay Alex saka tumalikod na. Kahit mabigat sa loob niya hindi na siya lumingon pa at dire-diretso siyang pumasok na sa loob. Naiwan kami sa labas pero maya maya lang nag yaya na si tita na umuwi.
Habang binabagtas namin ang daan pauwi ng mansyon pakiramdam ko ang bigat ng puso ko. Huminga ako ng malalim para iwaksi ang nararamdaman ko. Pinagmamasdan ko si tita pero tahimik lang sya kaya minabuti ko na manahimik na lamang. Ngayon ko lang nasaksihan na sobra pala magmahal si Stephen. His love for Alex is immeasurable. True love indeed.