Nandito ako ngayon sa ClubRep. I went here alone. Wala ang dalawa kasi kasama nila ang kanya-kanyang mga pamilya. Wala naman akong plano na magpakalasing ngayon dahil walang susundo sa akin incase malasing nga ako. Ilang shots lang ako tapos uuwi din ako, kailangan ko pa na mag drive pauwi kaya sobrang ingat ako sa iniinom ko.
Nagmamasid lang ako sa paligid at halos lahat ng mga nandito ay kilala ko sa mukha pero nakalimutan ko ang kanilang mga pangalan. Mahina ang memory ko pagdating sa mga pangalan kaya hindi ako masyadong nakikipag usap kung acquaintance lang naman kasi minsan kilala ko sila sa mukha pero hindi sa pangalan.
" Hi Skye, are you alone? " May lalaki na lumapit sa table ko pero hindi ko kilala. Hindi ko matandaan kung nakita ko na ba siya before. Ganoon na ba ako ka famous na kilala niya ako pero siya hindi ko kilala. I don't even remember if we were introduced to each other. I was just staring at him. He stood there waiting for my invitation to sit on the vacant chair.
" Do I know you? " Napamaang siya sa tanong ko. Hindi niya yata inaasahan na hindi ko siya kilala. Napakamot siya sa batok niya habang nakangiti sa akin.
" Nevermind, enjoy the night. " Siya na ang nag kusang umalis at hindi na kailangan pa na itaboy. Inubos ko na ang iniinom ko at nag desisyon na umuwi. I'm so bored and staying here for another hour is a waste of time. Lumabas ako ng bar at sa bukana ng bar parang may nag aaway dahil sa dami ng tao na nag kumpulan doon. Didiretso na sana ako sa kotse ko nang marinig ko ang pangalan ko na sinisigaw. What the heck! Sino naman kayang walang magawa sa buhay ang tumatawag sa pangalan ko?
Sobra akong na curious kaya lumapit ako sa mga nagkukumpulang tao. Nakipag siksikan ako doon para makita kung sino ang ang napapalibutan ng mga tao. Then I heard his voice. He is drunk and wasted. Kaharap niya ang isang lalaki na mukhang galit na galit at kinakausap ni Zandro.
" Dude, pasalamat yang Zach na iyan at kaibigan mo siya dahil kung hindi, manghihiram siya ng mukha sa aso. Babangasin ko iyang pütang inang mukha niya," usal niya sa mataas na boses.
" Hindi naman iyan masamang tao bro. Pasensya ka na. " Nakipag bro fist ang lalaki kay Zandro at bago ito umalis tiningnan niya ng masama si Zach na nakangisi lang.
" Zandro, bakit mo ako pinigilan? Bastos ang gãgo na iyon eh. Tänginä, kinakampihan mo pa iyon, " sigaw ni Zach.
" What the fvck, Zach! Nakikita mo ba iyong itsura mo ngayon? You are drunk and fvcking wasted. Uuwi na tayo! " Gigil na sabi ni Zandro.
" Umuwi ka kung gusto mo. I can still drive. Uuwi ako kung kailan ko gusto, " sagot ni Zach. Napahilamos sa mukha si Zandro sa katigasan ng ulo ni Zach. Ako na nakamasid lang sa kanila naiinis na rin sa sobrang kulit ni Zach. Lumapit ako sa kanya at sinampal siya na hindi niya inaasahan. Gulat na gulat siya na makita akong nakatayo sa harapan niya.
" Zach, umuwi ka na. Huwag mong bigyan nang sakit ng ulo si tita Zeny. Just go home! " Galit ko na sabi sa kanya. Para siyang napako sa kinatatayuan niya at nakatingin lang sa akin. Nilapitan ako ni Zandro.
" Kanina ka pa ba dito? Muntik na iyan mapaaway kanina buti na lang kilala ko iyong nakaaway niya at napigilan ko," pahayag ni Zandro sa akin.
" Just drive him home. Siguro naman nahimasmasan na iyon sa sampal ko. " Napangiti naman si Zandro sa sinabi ko.
" Ikaw, pauwi ka na ba? Saan na mga kasama mo? " Tanong niya. Nakikinig lang sa usapan namin si Zach at tahimik lang ito. Walang mababakas na galit o inis sa kanyang mukha.
" I'm alone and I was about to go home when I heard a commotion here. Sige, mauna na ako, " paalam ko sa kanya. Tinapunan ko ng tingin si Zach and I caught him staring at me. Binawi ko agad ang tingin ko at binaling kay Zandro habang nakangisi naman ang huli.
" Skye, can we talk? " Pasuray suray na lumapit si Zach sa akin. Halos hindi na nga siya makalakad ng maayos dahil sa sobrang kalasingan.
" Not tonight Zach. We'll talk when you're sober, " sabi ko sa kanya at sumakay na ako sa kotse ko. Kahit anong pilit ko na iwasan siya lagi na lang kami pinaglalapit ng pagkakataon. Akala ko ba closure na namin iyong huling pag-uusap namin, pero bakit gusto niya akong makausap ulit? Paano ako makaka move on kung lagi ko siyang nakikita? Pero may bahagi ng puso ko na ayaw tanggapin ang closure namin. Deep inside, nandoon pa rin ang pagmamahal ko sa kanya.
PAGDATING ko sa bahay naabutan ko si tita Stef na nasa sala at may binabasa na magazine. Lumapit ako sa kanya sabay halik sa pisngi niya.
" Good evening tita, kumain na po ba kayo? " Bati ko sa kanya. Ibinaba naman niya ang binabasa niya at tumingin sa akin.
" Hinihintay kita para sabay na tayong kumain. " Na guilty naman ako kasi almost nine o'clock na ng gabi ako dumating ng bahay. Nasanay kasi ako na mag-isa lagi na kumakain kaya hindi ko iniexpect na hinihintay niya pala ako.
" I'm sorry tita, late na ako dumating. Hayaan nyo po next time agahan ko po ng uwi. Halina po kayo, " tumayo na si tita at sumabay na sa akin na lumakad papunta sa dining table. Naka set na ang table at nakahain na ang mga pagkain sa lamesa.
" Iha, gusto ko lang iparamdam sayo na kahit wala na ang mga magulang mo ay hindi ka pa rin nag-iisa. Nandito lang ako lagi. Susulitin natin ang oras habang nandito pa ako, " ani nya. Bago pa ako mapaiyak ay lumapit ako kay tita at niyakap ko sya. Ni minsan hindi ko naramdaman na nag-iisa ako dahil sa mga taong nagmamahal sa akin. I am still blessed to have such wonderful people around me.
" Thank you tita, for everything. Maswerte ako sa pamilya na mayroon ako. My parents are gone but I still have you, Stephen and my close friends. " May pumatak na luha sa mga mata ko but I know this is tears of joy.
" Let's eat na bago pa bumaha ng luha dito, " aya ni tita sa akin. Nakangiti akong tumango sa kanya. Inasikaso ako ni tita kahit na kaya ko naman gawin iyon. Very independent akong tao dahil lumaki akong kasama ko lagi ang mga katulong namin. Lagi kasing wala ang parents ko pero ni minsan hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila. I always told myself that they were doing this for the betterment of my life.
" How's Stephen tita? Did he message you already? " Tanong ko sa kanya bigla. Ibinaba niya ang kubyertos niya at pinunasan ang kanyang bibig.
" Dumating na Siya doon. He sounded sad when I spoke to him earlier," She heaved a sigh. Ramdam ko na kahit si tita Stef nahihirapan din para kay Stephen. Ganoon naman siguro ang mga magulang. Nararamdaman nila kung may pinagdadaanan ang kanilang mga anak. Kung pinapagalitan man ni tita Stef si Stephen iyon ay dahil mahal niya ito at ayaw niya na itolerate ang mga kalokohan ni Stephen.
" Nalulungkot lang po iyon dahil mahal na niya si Alex pero naghiwalay din sila agad. Right love at the wrong time. " I smiled bitterly as if I'm the one who is in that situation.
" I like her for Stephen. Too bad they can't be together. I think she's the reason why Stephen has changed a lot. " Bigla kong naisip si Zach. Yung break up namin. Why was it so easy for me to let him go and in the end, I was the one who suffered from my impulsive decision? Kung nag hintay pa sana ako edi sana wala ako sa ganitong sitwasyon.
" Tita, aakyat na po ako sa kwarto ko. Goodnight po. " Nagpaalam na ako kay tita saka umakyat na ako sa taas.
Pagdating ko sa taas diretso na ako sa banyo para mag half bath. Iniisip ko pa rin si Zach. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may nararamdaman pa ako kay Zach. At hindi nga ako nagkamali dahil kung gaano kabilis ang tibok nito noong kami pa ni Zach ay wala pa rin itong pinagbago. It was erratic. Ayaw ko man aminin sa sarili ko pero hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Kahit anong pilit ko na ibaling kay Ethan ang atensyon ko, it won't change the fact that my heart still beats for Zach.
Huminga ako ng malalim para iwaksi ang bumabangon na kalungkutan sa sistema ko. Nakakabaliw ang katahimikan. Bago pa ako mabaliw sa kakaisip, nagpasya akong mag video call kay Abby. Nakailang ring din bago niya tinanggap ang video call ko.
" Oh, bakit ganyan ang itsura mo? Para kang binagsakan ng langit, " bungad ni Abby.
" I saw Zach kanina sa ClubRep kasama si Zandro and he was so drunk. Gusto niya akong kausapin pero hindi ako pumayag, " sabi ko kay Abby.
" Hindi ko maintindihan kung bakit iniiwasan mo siya pero mahal mo pa rin naman yung tao. Are you a masochist? " She rolled her eyes in exasperation.
" Natasha is still in the picture. As if he will get rid of that b*tch. " Kung wala lang sana si Natasha at kung hindi lang sana sya umeksena sa amin ni Zach edi sana masaya kami ngayon.
" Edi kalimutan mo na si Zach kung sa tingin mo na mahal niya ang bruhang iyon. Pero make sure na kaya mo na siyang kalimutan kasi ayaw ko na magbigay ng advice sayo. Kotang kota na ako sa inyo ni Alex. " Tsaka ko naman naalala si Alex. Shoot, mas vulnerable si Alex kumpara sa akin. I've been through a lot of pain yet I survived it, I guess. But her, I don't know how she handles it. Her family is not really very close to her.
" How's Alex? Did you check on her today? " Tanong ko sa kanya.
" She's not okay. Ang hirap din ng sitwasyon niya. Nasaktan talaga siya sa paghihiwalay nila ni Stephen but I admire her for being unselfish. " Poor Alex, she doesn't deserve all of this pain.
" Abby, please talk to her from time to time. I'm also mending my heartache, " sabi ko sa kanya. Nagpaalam na ako sa kanya dahil gabi na.
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga para mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko. Kailan pa kaya mawala ang bigat sa pakiramdam ko? Minsan, nasa lowest point na ako ng buhay ko at parang gusto ko na lang sumuko. Nakakapagod mag-isip, mababaliw na ako sa mga pagsubok na dumadating sa buhay ko. Kahit anong pilit ko na magpakatatag darating ka talaga sa puntong bibigay ka na dahil ubos na ubos ka na.
Hinayaan ko na bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. I cried silently. Nasa kabilang kwarto lang si tita at ayaw ko na marinig niya na umiiyak ako. Kasabay nang pag iyak ko ang malakas na pagbuhos ng ulan. Pati langit ramdam ang kalungkutan ko at dinadamayan ako nito. After this, I promise myself I will not cry for the same reason again.