Nagmamaneho si Coleen papunta sa bar ni Meg, isa sa kaibigan niya. Dito kasi niya nalaman na nandun daw si Jane kasama ang kaibigan nito at mukhang nakainom na raw ito, tinawagan din niya kasi si Meg para magbakasakali dahil di naman sinagot ni Jane o ng mga kaibigan nito ang tawag niya. Marami pang tanong si Meg pero di nalang niya iyon sinagot.
Kagagaling niya lang din sa bahay ni Jane pero ang mga magulang lang nito ang nakausap niya.
Flashback.....
"Tito, you know me well. Alam mo namang di ako kagaya ng iniisip ni Jane." Paliwanag ng dalaga habang kausap ang mag asawa.
"Di man lang niya ako hinayaang magpaliwanag, saka tinatawagan at tinitext ko siya kaninang umaga hanggang maglunch e di man lang ako nirereplyan."
Tumawa naman ang ginang at kinausap ang dalaga.
"Mahal kana ata talaga ng anak namin Coleen." Isabella.
"Alam mo bang habang nagsshopping kami e puro ikaw ang bukambibig niya? Nagmamadali pa yung umuwi para lang magpaturo sa Mommy niya na magluto ng adobo para daw sayo." Nakangiting kwento ng Tito Joaquin niya. Medyo napangiti naman si Coleen pero bakas parin sa mukha nito ang pag aalala.
"Don't be sad hija. Uuwi din yun. Sanay na kami sa batang yun." Sabi ni Isabella habang humihigop ng kape.
"Matagal ko ng sinabi sayo Bella na bigyan mo ng ultimatum ang anak nating yan. Nasasanay na siya na di sumusunod sa atin at gagawin ang gusto niya." Seryoso namang turan ni Joaquin.
"Ako ba ang usapan natin dito? It's your daughter who is so stubborn that always walk away partying with her random friends."
Napatingin nalang naman si Coleen sa dalawang nagbabangayan na rin.
"Sorry hija. Hayyy... Di ko na alam sa batang yan."
"Remember what we talk about when you visit me in LA port?" Tanong ni Joaquin na ikinatango nalang ng dalaga.
"I trust you with Jane hija. Alam ko na ikaw lang ang makakapagpatino sa anak naming yan. At yung plano mo...."
"Bilis bilisan mo baka mamaya di pa yan matuloy..." Natatawang biro ni Joaquin dito na siniko naman ng asawa.
"Wag mo ngang pinipressure si Coleen Joaquin. Teka nasabi mo naba sa parents mo hija ang plano mo?" Isabella smiled.
"This family dinner pa po Tita this sunday. Kumpleto po kasi kami tomorrow dahil birthday na ni Daddy next week kaya pag uusapan namin ang paghahanda."
"Basta hija, relax ka lang ha.. I know Enrique.. Siguradong mas matutuwa pa yun.." Joaquin.
"Kaya dapat malaman mo na rin kung nasaan ang anak namin ng magkaayos kayo agad. Wait, Try to call her friends. Ang alam ko may bar silang madalas puntahan na magkakaibigan. Kilala ko na rin naman ang may ari nun dahil ito ang tinatawagan ko kapag di ko mahagilap ang batang yun."
End of flashback..
Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Coleen ng maalala ang mga pinag usapan nila ng parents ni Jane, lalo na ng maisip niya rin kung gaano ang mga ito kasaya para sa kanila. Na botong boto at tanggap nila ito para sa kanilang anak.
Nakita pa niya na tunatawag na naman sa cellphone niya ang secretary niya na naka limampo na atang tawag sa kanya. Napangiwi nalang siya ng maalala niya na may two consequtive meetings pa sya na dapat atendan pero dahil sa kakahanap niya kay Jane ay siguradong malalagot na naman sya sa Kuya niya o sa Daddy niya.
"Kakausapin ko nalang sila after kong makausap si Jane." Nasabi na lang niya, nakita niya na tumatawag naman ngayon pati ang Mommy niya na malamang sa malamang ay alam na rin kung ano ang ginawa niya.
Tiningnan pa niya ang pambisig na relo niya at napahampas nalang sa manibela ng makitang mag si seven pm na rin pala.
"Fuck! Lagot na talaga ako nito kay Daddy dahil sa di ko pag attend sa mga meetings ko dahil siguradong kinancell na naman yun ni Arthur."
Nang naghahanap siya ng paparadahan ng kotse niya ay nakita niya ang pink porche ni Jane kaya dun na rin niya napiling iparada ang kotse niya. Saka sya mabilis na nagpunta sa bar ng kaibigan para puntahan ng pakay niya.
Nang makapasok siya ng El greco ay di naman siya nagkamaling nakita agad ang pakay niya habang kausap ang kaibigan nito. Wala na siyang sinayang na oras pa at nilapitan ito.
"Jane.. Let's talk."
Dala ng pagod at stress ay di na niya magawang ngumiti pa. She's also pissed dahil lang din kasi sa pagiging immature ni Jane ay malalagot siya sa Daddy niya. Pero wala siyang pakialam basta ang mahalaga nakita na niya ito at kailangang mag usap sila.
Tila nakaunawa naman ang kaibigan nito na nagpaalam na aalis saglit oara kumuha ng alak.
"What are you doing here huh?! Ang lakas ng loob mong magpakita sa akin. Dun kana sa malanding babae mo!" Halata sa boses nito na medyo nakainom na nga ito na halos di niya marinig dahil sa lakas ng sounds sa paligid.
"Hindi siya malandi. And will you please trust me? Di mo man lang ako pinakinggan."Coleen.
Pero parang di siya nito narinig na tutunggain pa sana ang natitirang alak sa baso nito na bigla niya itong agawin.
"Wtf! Pwede bang umalis kana at wag mo akong pakelaman dito!!!" Galit na sabi nito at pinanlisikan pa siya ng tingin.
"Look i'm sorry okay! Kahit alam kong wala akong kasalanan."
"What?!" Nagsisigawan na silang dalawa pero halos di pa rin magkarinigan. Nakakaagaw na rin sila ng atensiyon kaya lumapit siya dito para mas marinig siya nito.
"Let's talk outside." Sinadya niyang lakasan para marinig ito ng dalaga pero itinulak lang siya nito.
"Go away! Dun ka na sa maharot mong bab-------"
Di na niya ito pinatapos pa at mabilis na hinawakan sa bewang at kaliwang kamay saka hinila palabas ng bar.
"Ano ba?! What are you doing!"
Tahimik lang naman ang seryoso ng si Coleen na tinibayan pa ang pagkakakapit sa nakainom ng si Jane dahilan para wala na itong magawa at sumunod nalang dito.
"Sit!" Seryosong utos nito ng mabuksan niya ang kotse niya.
"Wag mo akong madala dala sa mga ganyang utos mo! At pwede ba! Dun ka nalang sa malanding babae mo!"
"Stop shouting! Isa pa hindi ko babae si Dani for fucks sake!"
"Di ka kasi marunong makinig muna sa paliwanag ko at bigla mo nalang akong lalayasan."
Halata na rin ang pagka irita sa boses ni Coleen. Inis parin namang sumandal nalang si Jane sa kotse ni Coleen saka kinuha sa bag nito ang pakete ng sigarilyo. Sisindihan na sana nito ang sigarilyong hawak ng agawin iyon ni Coleen.
"Stop that!" May pagbabadya sa boses ni Coleen.
"Ayoko ng naninigarilyo ka!" Sabay agaw na rin ni Coleen ng isang pakete na hawak parin ni Jane.
"Wag mo nga akong pinapakelaman! Ikaw ang may kasalanan sa akin ikaw pa ang galit!" Aalis na sana ito para magwalkout ng iharang bigla ni Coleen ang dalawang braso niya na itinukod pa sa magkabilang gilid ni Jane.
"Wag mo akong punuin Jane. Kanina pa ako nagtitimpi."
Nanahimik lang naman ito na naguumpisa ng humikbi.
" Dani is not my girl okay. Mali ang iniisip mo. She's a nice girl, may pi---"
"Go on at ipagtanggol mo pa siya. Pero wala ako sa mood na makinig sayo!" Saka mabilis na tinabig ang kamay nito at umalis papunta sa kotse.
"Di mo ba talaga ako pakikinggan?" Gigil pero pinipigilang magtaas ng boses na sabi ni Coleen sa babaing nagbubukas na ng kotse niya.
"Don't make this a big deal Jane. Di na ako nakapasok pa ng office kakahanap sayo at makikita lang kita ditong naglalasing."
"I even call you a hundred times pero di mo magawang sagutin ang mga tawag ko." Bakas ang hinanakit sa boses nito.
"Bakit? Sinabi ko bang tawagan mo ako at hanapin mo ako? Why waste your time looking for me e may Dani ka naman na kalandian mo!" Pinaandar na nito ang kotse.
"Nakainom ka Jane. Where the hell are you going!" Di napigilang halos pasigaw na sabi ni Coleen.
"Ilang beses mo na akong sinaktan Coleen. Pero pinagkatiwalaan kita ulit kasi akala ko this time seryoso kana."
"Akala ko pa naman iba ka kaya napalagay ang loob ko at binisita pa kita sa office mo para lang isurprise ka. Yun pala maaabutan ko lang na may babae kang kausap na hina honey honey kapa sa harapan ko."
"I told you na mali ang iniisip mo!"
"Please naman Jane stop being so childish!"
Pero sa halip na sagutin siya nito ay mabilis nitong isinara ang bintana siya saka pinatakbo ang sasakyan.
"Stop this car Jane!"
"Jane ano ba!"
"Jaaaane!!!"
"Fuck!!!" At halos mapangiwi siya sa sakit ng maisuntok niya ang kamao niya sa kotse niya ng dito niya maibuhos ang frustration at galit niya ng di man lang siya pinakinggan ni Jane.
Kinontact niya pa ito ulit pero nakapatay na ang cellphone nito. Kaya mabilis na rin niyang pinasibad ang kotse para sundan ito na malamang ay uuwi na rin sa bahay.
Di man niya ito naabutan ay napalagay na rin naman ang loob niya ng matanaw ang kotse nito na nakaparada sa mansion nila. Pinili niya nalang na wag ng puntahan at subukang kausapin ito. Itinabi na lamang niya ang kotse sa may malapit saka parang hapong hapo na napahawak sa sentido niya.
Kinuha nalang niya ang cellphone niya at itinext ang secretary niya na sa pakiramdam niya ay di na rin magkaintindihan ang gagawing rason sa mga clients nila dahil sa ginawa niya. Pagkasend naman ay saka niya nakita na tumatawag na naman ang Daddy niya.
"Where the hell are you Coleen? You have a lot of explaining to do." Di pa siya nakakapagsalita ay bungad nito.
"Pauwi na rin ako Dad." Nakapaikit na sabi niya.
"You better be! Maghihintay kami ng Mommy mo."
Binaba na niya agad ng telepono pagkatapos nitong magsalita. Iabababa na sana niya ang telepono niya ng masagi ng kamao niya ang manibela dahilan na mapa igik siya.
"Awwwwchhh... Damn!" Halos mabitawan niya ang hawak na telepono ng maramdaman niya ang sakit ng sugat sugat niyang kamao.
Nang makarating naman siya ng mansiyon ay halos magfreak out pa ang Mommy niya ng makita ang nangyari sa kamao niya. Agad namang nagpakuha ang Donya ng first aid sa mga maid at maligamgam na tubig para personal na mag asikaso sa anak.
"Talk now." Seryosong saad ni Enrique habang nililinisan naman ng ina niya ang kamao niya.
"Ano ba Enrique, alam mo naman na ngang namamaga ang kamay ng anak mo ngayon mo pa siya kakausapin."
"She's not a kid anymore hon. Ginawa niya yan at dapat may paliwanag siya lalo na rin sa bigla niyang pag alis ng opisina kanina."
"Atleast give her a break, pwede namang bukas na kayong dalawa mag usap ng anak mo."
"No! We have to talk now!"
"Leave her alone Enrique, cant you see she's not okay?!"
"Will you guys stop." Pigil ni Coleen sa mga magulang niya na parang batang nagtatalo. Lalo lang ata siyang nasstress sa mga ito na sa harapan pa niya nagbabangayan.
"I know what i did Dad. And i'm sorry. I already sent Arthur a message regarding my schedule for tomorrow. I'll fix this okay.. And please. Stop fighting."
"I know what my actions are. God i'm turning 26 in few fucking months!"
Nakatanga lang naman ang mag asawa sa kanya na parang di satisfied sa mga sinabi niya.
"Okay fine." She let again a deep sigh and faced her parents.
"I'm running for my girl thats why everything happened. I know i'm not a teenager but guys... i cant just let her go and do nothing about it.."
Mukha namang naging interesado ang dalawa na umaliwalas na ang mga mukha.
"Call me a crazy insane fool but i think i'm inlove and i'm sorry for your company Dad. I'll fix my mess tomorrrow."
"But im sorry, i can't let this one slip away while doing nothing..."
Napahalkahak naman bigla ang ama niya sa sinabi niya na ikinasimangot niya. Ngumiti na rin ang ina niya na nakikinig lang din.
" Come here little pumpkin." Her dad gave her a hug and whisper.
"Tell me about this girl that makes you punch your car sweetie... hahahahahaha!"
Tumawa naman ulit ang mag asawa na mas excited pa ata sa kanya. Wala na rin siyang nagawa dahil alam niyang kukulitin lang siya ng mga ito tungkol dun kaya naman dun na niya kinausap ang mga magulang niya.