"So maghihintay ka nalang ng pasko na lumapit si Coleen mylabs sayo?" Talak ni Charlotte kay Jane habang nakapila sila sa isang sikat na clothing line para magbayad ng mga pinamili nilang dalawa.
"Two days mo ring iniwasan ang mga tawag at text ni Coleen at kung makatago ka akala mo naman sobrang lala ng ginawa nung tao sayo." Pangongonsensya ni Charlotte. sa kaibigan.
"Ang tagal naman ni Yas, nasan na ba yun? Matatapos na tayo dito e di pa rin siya dumarating." Bagot na pag iiba ni Jane ng topic.
"Ay nako bahala ka ha. Problema mo na yan. Wag ka lang iiyak iyak na naman at magmumukmok kung magsawa na yang si Coleen sa pagpapababy mo."
Sinamaan lang naman ito ng tingin ni Jane bago iabot ang credit card sa cashier.
"Hindi mo kasi alam kung anong pakiramdam ng mahuli ang taong mahal mo na may kalandiang iba."
"Kasi di pa ako naiinlove? Yan na nga ang sinasabi ko diba? Mahal mo, you're inlove with her. Pero ano ba naman yung pagkatiwalaan mo yung tao di yung di mo hinayaang ipaliwanag ang side niya."
"Isa pa, anong landian yun e di mo naman nahuking naghahalikan ko nag chuchuva eklabu dun sa office niya. Hello? You should now better Jane alam mo na naman siguro kung naglalandian o hindi ang dalawang tao."
Parang alam na alam na ni Charlotte ang sasabihin ng kaibigan kaya pinangunahan na niya ito.
"Oo na. Wag na akong makialam desisyon mo yan." Ikinumpas pa nito ang mga kamay nito na aakalain mo ay matandang nag eexplain sa anak.
Pero habang naglalakad naman silang dalawa papunta sa isang korean restaurant para kumain ay di nito maiwasang wag isipin si Coleen. Dalawang araw na rin itong halos sinuyo suyo siya pero di man lang niya ito harapin para makita. Tumatawag man ito pero di nalang niya ito sinasagot.
"Jane si Coleen oh!" Bigla naman itong napatingin sa lugar na isenenyas ni Charlotte pero gusto niya itong batukan ng si Yasmin naman ang naglalakad na nakita niya palapit sa kanilang dalawa.
"Di mo talaga siya gustong makita no?" Parinig pa nito ng maunang maglakad papasok sa restaurant na sinundan niya nalang.
JANE'S POV
May mali ba ako? Bat parang ako pa ata ang sinisisi ng mga bruha kong kaibigan na akala mo ako ang may kasalanan at lumandi sa iba. Ako ang kaibigan nila pero mas kampi pa ata sila sa Coleen na yun.
Hay.... Its been 4 days since the last time na nakita ko siya. Sumuko na ata ang bwisit at di na ako tinatawagan simula kahapon.
Bigla akong nalungkot sa naisip ko.
Tiningnan ko si Charlotte at Yasmin na paparating na galing cr. Inisip naming lumabas dahil halfday lang naman kami kanina. Kesa naman uminom na naman ako. Bwisit na alak yan. Masakit sa ulo. Nung gabing uminom kasi ako na pinuntahan ako ni Coleen, uminom pa ako sa bahay nun. Buti nga di na ako pinakelaman pa nila Daddy at Mommy ng sabihin ko na wag na muna naming pag usapan si Coleen, kinabukasan nun halos isumpa ko ang alak dahil sa hangover.
"Hoy! Ano na naman ang iniisip mo dyan? Kanina pa nakatitig sayo yung samgyupsal at gusto kanang batukan ng magising ka."
Tumawa naman si Yasmin sa sinabi ni Charlotte kaya parehas silang inirapan ko.
"Pwede ba. Magtigil kayong dalawa bago ko pa kayo iwanan dito, im not in the mood today."
Sisimulan na naman ako ng dalawang ito.
"Wag ka ngang emotera. E simula ata nung di kayo okay ni Coleen e lagi ka namang wala na sa mood kaya wag mo kaming sabihan ngayon na wala ka sa mood ngayon."Charlotte.
"Ibreak mo nalang kaya si Coleen para matapos na. Parang ganun din naman, di mo na siya kinakausap. Ni hindi na nga kayo nagkikita dahil nilamon ka na ng pride mo at pinili mong iwasan at pagtaguan siya. "
Para akong nasaktan sa sinabi ni Charlotte.
"Yea. Break up with her. Mukhang dun din naman ang punta niyo." Sagot pa ng kumakaing si Yasmin.
"Bat ko naman siya ibi break aber? Para makapaglandian na talaga siya ng tuluyan sa Dani na yun?"
Nag init na naman ang ulo ng maisip ko ulit yun. Pero parang may tumusok sa puso ko ng sabihin nilang makipagbreak nalang ako kay Coleen.
"She's a hopeless case Charlotte. Sinabihan na nga nating makipagbreak e mas iniisip parin niya ang pakikipaglandian sa Dani na yun."Yasmin.
"Baka naman naiinsecure ka lang?"
"Seriously Yasmin Alvarez?! Ako? Huh! Ako maiinsecure? E wala pa nga siya sa kalahati ko."
"Sa dami ng nagkakandarapang makadate ako at magpapansin sa akin, maiinsecure pa ako dun sa Dani na yun?!"
"She's not even beautiful. Ewan ko nga sa unggoy na yun kung ano ang nakita niya sa babaeng yun!"Di ko maiwasang komento. Di ko matanggap na sasabihin nila na baka insecure lang daw ako. Ako maiinsecure?
"As i see, di nga siya insecure." Ngumiti pa ng makahulugan si Yasmin na ikinapigil ni Charlotte na matawa.
Hinayaan ko nalang naman sila na kumain na lang ng tahimik.
Paano nga kung makipagbreak ako kay Coleen? Baka wala pang isang araw e nakikipaglandian na yun sa Dani na yun. Di ko din alam sa sarili ko kung bat umabot sa ganito. Ang alam ko lang ay sobrang nagselos ako. Tapos di man lang siya nagpaliwanag kung sino ba si Dani sa buhay niya.
Para namang hinayaan mo siyang mag explain diba? Ilang araw mo na kaya siyang pinagtataguan.
May kung anong sumundot sa konsensya ko.
May magbabago ba kapag pinakinggan ko ang paliwang niya?
Magpapaliwanag pa ba yun e mukhang sumuko na dahil mag iisang araw na itong di nagpaparamdam sayo.
Tila natauhan naman ako sa malalim na pag iisip ko ng sikuhin ako ni Yasmin.
"Look who's here."
Sumilakbo na naman ang inis ko ng makita si Dani na papasok ng kinakainan naming restaurant kasama ang isang babae at isang baby.
May kasama itong magandang babae at may kalong pa itong baby?
Tila sinasadya pa yata ng pagkakataon dahil sa katabing table pa ang mga ito naupo dahil wala na ring space sa dami ng kumakain dito.
Tiningnan naman ako ng mga kaibigan ko na parang gustong sabihin na wag mag eskandalo pero inirapan ko nalang ulit ang mga ito.
"Honey dito na muna kayo ni Baby alex ha, umorder ka na rin. I'll just use the restroom."
Narinig ko pang sabi ng babaeng kasama nito.
Lahat ba ng babaeng kasama nito ay tinatawag nitong honey. Natatandaan ko rin kasing tinawag din nitong honey si Coleen.
"Okay honey, bilisan mo ha. Ako naman pagkabalik mo. Ako na muna ang bahala kay Baby Alex."
Panaka naka namang tinitingnan ako ng dalawa kong baliw na kaibigan.
Pag di ka nga naman sinuswerte. Halos dalawang hakbang lang ang layo sa akin ng babae ni Coleen na honey ata ng buong bayan.
"Excuse me girls."
Napalingon naman ang mga kaibigan ko ng bigla itong magsalita.
Anong problema niya?
Kunwariy di ko ito narinig na itinuloy ang pagkain ko.
"Hello Jane... Nice to see you here."
"H.. hi..." Tipid na bati ko.
Shit! Parang biglang nawala yung dila ko.
"Hi Danielle right? Ikaw yung sikat na model."
"Ang ganda mo pala sa personal."
Abat nangunguna pang bumati ang mga kaibigan ko.
"Si Charlotte nga pala at si Yasmin, mga kaibigan ko." Pakilala ko sa dalawa na nagkukumahog pang makamayan ang Dani na yun. Ayoko namang maging rude at isipin nitong antipatika ako kapag di ko siya kinausap.
"Napakacute naman ng baby.. Hello there." Natutuwang sabi ni Charlotte saka hinawak hawakan ang kamay ng hawak nitong baby.
"Hoy Charlotte baka matakot sayo yung bata ano kaba!" Biro pa ni Yasmin.
Napansin ko ang cute na batang kalong kalong ni Dani. She looks really adorable, kung hindi ako nagkakamali baka wala pa itong isang buwan dahil sa itsura nito.
"Magtigil nga kayo parehas, baka umiyak lang yung baby pag nakita kayong dalawa." Kunway biro ko.
"She's Baby Alex, short for Alexandra Fitzeroi."
Fitzeroi? Alexandra Fitzeroi? Kapatid niya?
"Hello honey. I want you to meet my new friends here. This is Charlotte, Yasmin and ofcourse Jane.." Pakilala nito sa kadarating lang na babae. Ngumiti naman ang mga kaibigan ko na nag hi din dito.
"Ohhhh.. So you are Jane.. Napakaganda mo pala talaga.."
Kilala ba ako ng babae na to? Baka fan ko.
Muntik pa akong masamid sa naisip ko.
"Ladies, si Sahara Ditzeroi. My wife."
My wife.
My wife.
My wife.
My wife.
Parang sirang plaka na nagplayback sa utak ko.
Nakatingin din naman ang mga kaibigan ko na nagulat din sa sinabi ni Dani.
"Alam ko mahirap e explain pero alam din naman natin na you know... Di na bago ang lahat sa mundo ngayon."
"We got married and plan to have a baby by artificial insemenation, i dont know if you guys where familiar with the word."
Parang bigla akong humanga sa mga sinasabi niya at biglang napako ang tingin ko sa baby na hawak hawak niya.
"Wow! Yes ofcourse. Lahat naman ngayon ay posible na talaga..." Natauhan ako sa sinabi ni Yasmin.
"Oo nga noh? Ang galing! Jane pwede na rin pala kayo ni Colle----" Nakita ko ang pagsiko ni Yasmin kay Charlotte.
Napakadaldal talaga ng isang to.
Si Coleen.
Kung may asawa naman pala ang Dani na to, bakit nakikipaglandian pa ito kay Coleen.
Nahuli mo ba? Sigurado kabang naglalandian sila o baka naman nag over react ka lang.
Pakiramdam ko ay biglang bumigat ang pakiramdam ko at parang may kung anong tumusok sa puso ko. Papano nga kung ako ang may mali dahil di ko pinakinggan si Coleen.
"And Jane?" I look at her intently.
"Coleen loves you... Kilala ka ng asawa ko dahil si Coleen ang kasama niya ng manganak siya sa Dubai accidentaly."
"She also tells us about you two. Kung paano kayo nagkakilala etcetera etcetera."
Pakiramdam ko bigla akong nahiya at gusto ko ng biglang maglaho sa harapan nila.
"And Baby Alex here? Siya yung pinag uusapan namin ni Coleen when you enter her office. Kinukuha namin siyang ninang ni Baby."
Ramdam ko na nakatingin silang lahat sa akin.
God sana bigla akong mawala sa harapan nila. Nakakahiya!
"Spill it Danielle!"
Nabaling ang tingin ko sa asawa nito ng akmang kukurutin nito ang katabi.
"Okay i mean it."
"Gusto ko lang siyang asarin nun kung paano ka niya hahabulin."
"DANIELLE?!"
"Ito na nga honey!" Takot sa asawang napatingin ito sa akin ng tuluyan.
"I just wanna make sure na seryoso ka din sa kaibigan namin na mahal mo rin sya."
"My bad... Sorry?" Nagpeace sign pa ito at halatang napapangiwi ng ngiti.
At pakiramdam ko ay hiyang hiya ako na nalilito sa mga nangyayari ngayon pati na rin ang ginawa kong pagpapahirap kay Coleen.